Chapter 75: Frozen Time

1704 Words

Iniluwa kami ng lagusan sa isang dambuhalang tulay na animo'y ahas na nakalambitin sa ibabaw ng payapang dagat sa pagitan ng dalawang isla ng Samar at Leyte—ang tulay ng San Juanico. Ilang beses na akong nakapunta dito at hindi ko maikakailang napakaganda ng lugar. Malinaw ang pinaghalong berde at asul ng malinis na tubig ng Leyte-Samar straight. Sumasalamin sa tubig ang maningning sa liwanag ng araw, malamig at presko ang simoy ng hangin at naglilipana sa himpapawid ang klase-klaseng ibong nananahan sa nakapalibot na kabundokan. Ngunit sa pagkakataong ito, may kadilimang bumabalot sa lugar na tila itim na pwersa na humihigop sa liwanag at ganda ng lugar. Malamig at kakaiba ang simoy ng hangin, madilim ang kalangitan at tila nawalan na ng ganang umusbong mula sa silangan ang araw. Ang mal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD