Hinayaan na muna naming magpahinga si Lalahon. Masiyadong napuruhan ang katawan niya. Pero dahil isa siyang diyosa, dahan-dahan din namang naghilom ang mga sugat niya. Kailangan niya lang ng mahabang pahinga. Hinanap ko si Juan Carlos dahil hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Nang lumabas siya ng kwarto ay bigla na lang siyang naglaho at hindi na bumalik. Lumabas ako ng bahay at nadatnan ko siya sa labas, nakatayo sa may puno ng mangga sa harapan ng malaking bato na bumagsak kasama si Lalahon. Nilingon niya ako nang maramdaman ang paglapit ko. "May kaunti na akong naaalala Ally pero hindi sapat ang lahat ng 'yon para makilala ko ang sarili kong kapatid." May bahid ng lungkot sa boses niya. "Don't push yourself too hard," I told him. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. U

