Alas dyes na ako ng umaga nagising. Eh paano, inabot kami ang alas kwatro ng madaling araw ni Juan Carlos sa rooftop dahil sa dami ng pinag-usapan namin. Pinilit niya kasi akong i-kwento sa kanya ang mga nangyari two years ago kaya wala na rin akong choice para sabihin sa kanya ang lahat. Hindi pala lahat kasi I left out the weird stuff. Nag-inat ako at bumangon ng makaramdam ng pangangalam ng sikmura. Agad akong naligo at nagbihis para mag-agahan. Bumungad sa akin ang amoy ng masarap na kare-kare. Tinahak ko agad ang kusina at nadatnan si Aling Susan sa loob na may hawak na sandok at nakaharap sa kawali. "Wow, na-miss ko ang luto niyo Aling Susan ah!" sabi ko nang maalala na minsan niya rin akong pinagluto sa beach house nila Tita Marga sa Samar. "Lumala tuloy ang gutom ko Aling Susan

