Naalimpungatan ako mga alas onse ng gabi. Napabangon ako mula sa kama nang maramdaman kong parang may nagmamatyag sa akin. Malakas ang hanging nagmumula sa labas ng bintana dahilan para bumukas ito at pumasok sa loob ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Sumayaw sa simoy ang puting kurtina at animo'y inaanyayahan akong lumapit at dumungaw doon. Dala ng kuryosidad at sa namumuong kakaibang pakiramdam, naglakad ako palapit sa bintana. Humampas sa mukha ko ang kurtina at nang hawiin ko ito nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng bestidang dilaw at nakatayo sa balkonahe. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko matiyak kung sino ito. Pero nararamdaman kong kilala ko siya. Binuksan ko ang salaming pintuan at lumabas para kilalanin kung sino ito. Lumingon sa akin ang babae nang makatapak ako

