Hindi ko maialis ang paningin sa katawan ng diyos na si Sariwali. Nakadapa siya sa isang baluktot na posisyon, dilat ang mga mata at dumadaloy mula sa leeg niya ang pula at preskong dugo. His face was contorted at kahit patay na siya ay parang nanghahamon parin. I can still feel that intensity in his eyes and his words kept replaying inside my head like a malfunctioned audio record.
"Hindi mo na ako matatanggal sa isip mo Allysandra. Parti na ako ng isip mo...at ng pagkatao mo"
I tried to shake the thought away. It wouldn't help me if I keep on thinking of unnecessary stuff. Pero ganoon pa rin. I can still feel his grip on my neck. His chilly laughter in my ear. And I felt cold once again. Hindi ko inalis ang titig sa katawan niyang wala ng buhay. I wanted to make sure he was really dead and that he will not be able to get his hands on me ever again...like ever!
Noong una, I thought gods can't be killed. They were immortal. It turns out they can actually be killed but only by their fellow gods. At least that was what Juan Carlos told me. Sayang, gusto ko pa naman na ako ang gumilit sa leeg niya. Funny I felt that anger and rage on him na hindi ko naman nagawang magamit kanina. I was pretty useless in this war.
Natigil ako sa pagra-rant sa sarili ng maramdaman ko ang paghawak ng palad ni Juan Carlos sa balikat ko.
"Aalis na tayo" he said, eyes also glued on our fallen enemy.
Tumango ako at tumalikod na. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. I saw Dalikamata wiping off the blood from her dagger. Dahil damit niya ang ginamit niya, nagmukha tuloy siyang killer bride. A killer bride in violet? Hmmn, never of heard of that before. I'll admit she looked pretty creepy. Yeah, she looked creepy with that bloody dress. Nang makita ako she smiled at me. Hindi ko talaga naisip like ever na ang isang ganyan kainosenteng mukha ay kayang makipaglaban at kumitil ng buhay.
I had a short recall of how she bravely fought those clones. Her every move, every throw, walang palya. She fought like she had been fighting all her life. Pero hindi naman daw siya sanay sa labanan. That's what Lalahon said. But who cares of Lalahon's opinion? It's pretty obvious that Dalikamata is also good at this. How I hoped I could fight as good as her. O kahit 1/4 man lang ng skill niya. Skill lang kasi sa Plants versus Zombies alam ko eh. Hays.
"Sarayan" Juan Carlos called out to his twin na napalingon sa kanya. Sarayan walked slowly towards Carlos. And by each step, his wings slowly disappears. Nang makalapit siya sa kapatid ay umakbay ito sa kanya at naglakad sila palayo. May pinag-usapan sila na hindi na namin narinig. Hindi na rin ako nakiusyoso. Alam ko naman na kung mahalaga man 'yon, sasabihin din naman nila sa amin.
"Okay ka lang ba, Allysandra?" Untag sa akin ni Dalikamata. "Hindi ka yata nagsasalita"
I managed to give her a small smile. "Napagod lang siguro ako" I said. Then I noticed a cut on her right shoulder, namumula ito at dumudugo. Agad akong napalapit sa kanya at kinalikot ang laman ng bag ko.
"You're hurt" I said. "Here, drink this" abot ko sa kanya ng maliit na bote ng katas ng mahiwagang bulaklak. (Courtesy of Aling Susan.com)
"Maraming salamat Allysandra," ngumiti siya sa akin at tinanggap 'yon at uminom ng kaunti. Slowly, the Gurnavilla's magic did their powers on her. Her wound healed within a millisecond and went back into a glossy pale skin. Her face also turnd plumper and more alive.
Hindi nagtagal, bumalik na rin ang kambal. They were both dressed back in common clothes. Lumapit si Juan Carlos sa akin. He had a gash on his face so I hurriedly gave him the bottle but he shoved my hand away.
"Itago mo na yan," he said. "Malayo-layo pa rito ang Guinaksilon at tiyak kong marami-rami pa ang haharapin natin. Maliit na sugat lang 'to. Hindi ko 'to ikakamatay" Then he winked.
I wanted to protest pero may point kasi siya kaya isinilid ko nalang ulit sa bag ang maliit na bote. Sana pala dinamihan ko na ng hingi itong healing liquid mula kay Aling Susan para may unlimited stock kami diba? Hmmn, hindi kaya pwedeng magpa-deliver na lang?
I heard Dalikamata laughing behind me kaya hinarap ko siya. Napatingin din sa kanya ang mga kuya niya.
"Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Sarayan sa biglaang inasal ng kapatid.
"Wala" she grinned and stared at me like I was the reason why she was laughing. Napakunot ang noo ko. Ano'ng ginawa ko?
"Tara na, kailangan na nating makaalis dito bago pa gumabi" Sarayan said. "May kakaibang espirito yatang namumuhay rito at biglang natatawa ang mga tao"
Then Sarayan started to walk away. Susunod na sana ako ng tumayo si Dalikamata at malawak ang ngiting nilagpasan ako. Tinapik niya ako sa balikat at binulongan.
"Walang delivery dito"
Then it hit me. Napakamot ako sa ulo at natawa. Juan Carlos turned to me with a muffled face, parang sa mga tingin pa lang tinatanong niya na ako kung nasapian na rin ang espirito. Umiling ako sa kanya at naglakad na.
Walanghiya. Nababasa nga pala ni Dalikamata ang isip ko. Ang weird lang kasi hindi ako nasasanay na may ganoon. Ang creepy eh no? Hindi ako pwedeng mag-isip na itulak sila sa bangin o pagtagoan sila kasi pinaplano ko pa lang sa isip ko, alam na nila. Pero hindi ko rin maiwasang matakot sa ganoong klaseng kapangyarihan. Parang tinatanggalan ako ng kakayahan mag-isip sa sarili ko. Oohhh. I felt so deprived of my freedom to think whatever it is I want to think.
"Ang weird niyo ah" Juan Carlos said when he was able to catch up on me. Napatingin ako sa kanya habang naglalakad. Parang pati siya natatakot ko ng isipin. Baka kung ano'ng kahalayan ang biglang pumasok sa isip ko at mabasa ni Dalikamata tapos sabihin sa kanya, e'di finish na! Tatlong beses kong sinuntok ng mahina ang noo ko para maiwasang mag-isip ng hindi maganda. The deed made Juan Carlos' forehead crumpled even more. Pero ngumiti din siya bigla.
"Ngingiti-ngiti mo diyan?" I raised a brow.
"Wala...may naalala lang" he said and continued walking. Hindi niya na ako kinausap ulit at tinoon na lang ang atensiyon niya sa daan.
Naglakad pa kami ng mga tatlong kilometro o higit pa at nanakit nanaman ang mga paa ko. Hindi ko pa pala na mention sa inyo mga mahal kong mambabasa na suot-suot ko ang rubber shoes na bigay ni Aling Susan. Paano eh noong iligtas ako ni Juan Carlos mula sa sunog eh nakapaa lang ako.
The journey was tiring like it had always been pero sa wakas narating rin namin ang dulo ng kagubatan. After crossing a tiny shallow river, (muntik pa akong matumba dahil madulas 'buti na lang at nahawakan ako ni Carlos) nakarating kami sa isang malawak na kapatagan na puno ng iba't ibang bulaklak. Napakalawak nito kaya napanganga na lang ako sa angkin nitong ganda. May mga rosas, chrysantimums, lavanders, daisies at mga orchids. Ang ganda! Feeling ko tuloy nasa Japan ako o sa Netherlands. It's was a sight that existed beyond my imagination. Grabe!
We walked along the flower-filled valley. Pitas ako ng pitas ng bulaklak sa bawat maadanan kong feel kong kunin. Bigla tuloy nawala ang pagod ko. After all, these are natural flowers and it relaxed me.
We stopped under a shady tree. Malapit na rin kasing gumabi kaya nagdesisyon na silang dito na magpalipas. It was of course, pabor na pabor sa akin dahil pagod na pagod na ako. At this place seemed so safe and smells so good! Bigla ko tuloy naisip kong itutuloy ko ba ang planong magtayo ng floral shop. Haha
Gaya noong naunang gabi, pareho ang naging set-up namin. Hindi pala si Juan Carlos ang gumawa noong carpet. Kay Dalikamata pala 'yon galing. Nakatulog ako agad dahil sobrang maraming nangyari sa araw na ito kaya sobra akong pagod. Pangalawang araw pa lang 'to ng paglalakbay namin pero parang ang dami ng kapahamakang humahadlang sa amin. Hindi ko kayang hindi isipin kung ano pa ang mga paparating. Nagdasal na lang ako na sana, sa kahuli-hulihan nito ay magtagumpay kami.
I had a peaceful night. Sa kabutihang palad, hindi ako binangungot kaya maganda ang naging tulog ko. Bihira lang ang ganito. Pero nagising ako ng mga hating-gabi. Sobrang malamig ang hangin na akala mo ay nagyeyelo. Napabangon ako. Manipis kasi ang suot kong t-shirt kaya nanoot sa kalamnan ko ang mala snow na lamig. Baka napunta na ako sa Siberia ng hindi ko alam at bigla na lang akong maging icicle tapos makakatulog ako ng isang libong taon tapos makikita ako ng mga tao bilang si Frozen Ally at dadalhin nila ako sa laboratory para pag-aralan tapos pag gising ko ako na si Ice Man o kaya si Captain America! Hanep, ang layo ng imahinasyon ko.
Napako ang atensiyon ko kay Sarayan na panay ang hilik habang nakayakap sa portable mega light bulb ni Dalikamata. Sa pagkakataong 'to naiintindihan ko ang panlalamig niya dahil talagang malamig ang panahon.
Napansin kong wala si Juan Carlos. Saan na napunta 'yon? Umihip sa mukha ko ang malakas na hangin kaya ng nanginig ako ng kaunti. Tumayo ako at habang yakap-yakap ang sarili, hinanap ko siya sa paligid.
I saw him standing in the middle of the red tulips. Nakapamulsa siya at nakatingin sa malayo. Mukhang malalim na naman ang iniisip. Ang dalas niya naman yatang ganyan. Bigla ko tuloy hiniling na magkaroon ng powers ni Dalikamata para mabasa ko rin ang iniisip niya. Though parang paglalapastangan 'yon sa privacy ng isang tao or diyos, diyosa whatever. Kaya minsan hindi ako nagiging komportable sa presensya ni Dalikamata. Kahit alam kong mabait siyang diyosa parang ang creepy pa rin isipin na kaya niyang marinig ang iniisip ko.
Juan Carlos didn't notice me until I was about two feet from where he was standing. Noong una nag-alangan akong lapitan siya kasi baka hindi naman pala talaga siya 'yan at ibang diyos lang 'yan na nagpapanggap. Pero hindi naman siguro. Lumingon siya akin. His hair dancing merrily on his forehead. Ang kulit ng buhok na 'yon nanggigigil tuloy ako.
"'Bat gising ka pa?" He asked, face calm and sincere.
"Ang lamig eh" I said. He smiled coyly. I mean totoo naman kasi na malamig.
"Pasensiya ka na. Hindi ko namalayan" He said. I saw the slight glowing on his fingers as he lifted it overhead and I slowly felt the air getting warmer. Kaya mas naging okay ang pakiramdam ko.
"Okay na?" He asked pero hindi ko siya nasagot kasi lumilipad ang utak ko sa mga bulaklak.
"Ha?"
"Sabi ko, okay na ba?" He asked and stepped closer to me. Perhaps too close I felt like the air is getting hot. Really hot! Napalunok ako. Diyan ka lang! 'Wag ka ng lalapit kasi ewan ko na lang talaga.
Pero wala na akong nasabi nang tuluyan na siyang lumapit sa akin. He was looking very serious and his eyes was just staring into mine. It was making me uncomfortable. Really uncomfortable. His stare was so intense it's like burning me. Then I felt his touch on my face. Soft, smooth and gentle like the breeze. My heart was beating so fast I think it will soon jump out of my chest. Yet I managed to meet his eyes. I just can't get enough of that pair of gorgeous brown eyes.
Lumapit ang mukha niya sa akin. And my chest pounded even harder. Parang may nagpupukpokang martilyo sa loob nito. His face was inches away from mine and I couldn't help it. I closed my eyes. And I felt his lips on mine.
It was gentle and soft like a feather's touch. My minds felt foggy and I could no longer think straight. I just felt him then slowly, I found myself wrapping my arms around his neck, kissing him back.
It lasted for about 15 seconds then he moved away from me, leaving me breathless and gasping for air. Saka lang ako nakaramdam ng hiya. Da*n! We just kissed! We kissed! Nag-init ang buo kong katawan. Kung hindi lang siguro gabi ay siguradong akong makikita niya ang pamumula ng mukha ko.
He gazed away. Probably feeling the same awkwardness as I do. Inayos ko ang sarili ko. "Uh, matutulog na ako" I said.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Kumaripas ako ng takbo pabalik sa tinulogan ko kanina at agad humiga. What the heck! Ano ba'ng nangyari? It was...it was...it was embarassing. Ooh alam naman niyang mahal ko siya kasi inamin ko na 'yon pero bakit niya ako hinalikan? I didn't even try to think of assuming things so I closed my eyes and tried to sleep pero hindi na ako nakatulog! Nararamdaman ko pa rin kasi ang halik na 'yon. Ooh na, I'll admit it was...er, amazing? Ewan!
I felt him sit behind me dahil nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko na siya hinarap pa. Hindi na rin naman siya nagsalita kaya natulog na lang ako.
"Ally gumising ka! Ally!"
I heard someone calling my name in a panic-driven way of whispering. Pero hindi ako dumilat at sa halip nag-inat lang ako at natulog ulit.
"Ally gising na!" Bulong ulit ng boses.
"Hmmn?" I groaned, not opening my eyes. Sino ba 'tong walanghiyang tawag ng tawag sa akin. Ang sarap pa ng tulog ko eh.
"Ally!" Bumulong nanaman ito ulit. Ano bang problima niya? Bakit nagpapanic ang boses niya. Teka, panic?
Napabalikwas ako at nakita si Juan Carlos na ginigising ang mga kapatid niya. Madilim pa ang langit ah?
"Magsigising kayo. Kailangan na nating umalis!" Alog niya sa dalawa.
"Ano'ng problima?" Tanong ni Sarayan na kinusot-kusot ang magkabilang mata.
"Ang mga LiGwardiya! Nandito sila! Kaya magsibangon kayo ngayon na!" Juan Carlos said to them.
Ano raw? Lig ano? Hindi ko masiyadong naintindihan kasi gusto pang pumikit ng mata ko. Pero nakita ko ang biglang pagkagulat sa mukha ni Sarayan. Agad siyang bumangon at tinulungan si Dalikamata.
Juan Carlos turned back to me.
"Ally halika na, aalis na tayo!"
Hindi ko na nagawang umangal ng itayo niya ako ng walang kahirap-hirap. Agad nag-pop ang light bubble ni Dalikamata. I also saw the fear and panic in her face kaya nawala ang antok ko.
"Ano ang problema?" Tanong ko kay Juan Carlos habang tumatakbo kami sa pagitan ng mga bulaklak ng madaling-araw.
"Mamaya ko na ipapaliwanag. Kailangan na muna nating makaalis rito" he seemed pretty shaken kaya alam kong seryoso ang nangyayari. May kalaban kaya?
"baba niyo ang ang ulo niyo" Sarayan whispered. He gestured us to lay down low on the ground. He also gestured us to stay quite. Juan Carlos held my wrist as he turned to see me. Seryoso ang mukha niya.
Saka ko lang narinig ang mga yabag mula sa di-kalayoan. Maraming yabag. Nakarinig din ako ng mga boses. Boses ng mga kalalakihan.
"Maghanap kayo sa paligid! Natitiyak kung dito sila dumaan. Libotin niyo ang lugar!" Anang boses ng isang lalaki. The voice was rough and raspy.
I heard murmuring and talking somewhere near at papalapit ang mga ito sa direksiyon namin. Juan Carlos slowly lifted his head. Gusto ko siyang hatakin pababa. Pero bago ko pa nagawa 'yon ibanaba niya na ang sarili. He made hand gestures to Sarayan, probably telling him something na medyo hindi ko gets. Tumango-tango lang si Sarayan sa kambal at dahan-dahang lumitaw sa kamay niya ang espada. Juan Carlos' sword also appeared on his hand.
Palapit ng palapit sa amin ang mga boses at ang mga yabag. Kaunti na lang rin at lalabas na ang araw. This hiding place wouldn't be safe anymore. Nasa pagitan pa naman kami ng mga bulaklak na rosas at maraming tinik ang mga ito kaya halos hindi ako makagalaw. Bakit ba dito namin napiling magtago?
Nagtitinginan lang kaming apat habang nakayuko doon sa mga rosas. Isang pares ng magarang sapatos ang nakita kong papalapit sa amin sa pagitang ng mga tangkay at ugat ng mga halaman. Oh no! Hinawi niya ang rosas sa may likod ko.
It was as quick as lightning. Juan Carlos slashed his sword overhead me, separating the armored man's head from his body. The head fell just infront of my feet causing me to do the least thing I should have done.
I screamed.
And it was too late before I realized that I messed up. The enemy already found our location kaya agad kaming napatayo. Fear crept on my veins when I saw them. They looked like those knights in fairy tales. Wearing armored gear, carrying swords but their faces were hideous like those of monsters. Black, beady bulging eyes, bald-headed, pointy ears and dirty sharp teeth. And oh, did I also mentioned that there were lots of them? Kasi pakiramdam ko isang batalyon sila at iisa ang tinatahak nilang direksiyon.
Kami.
"Takbo!" Juan Carlos yelled.
I wasted no time. Dalikamata gripped my hand and pulled me to run away. "Ally, bilis!"
"Ano klaseng mga nilalang sila?" I yelled, running.
"Mamaya ka na magtanong!" She yelled back.
I was scared. Yes I am! The four of us continued running with an army of horrible creatures tailing behind our backs.