ALLYSANDRA'S POV "Ano?" Sabay pa kami ni Freya. "Teka, bakit biglaan?" I said. "Wala naman siyang sinabing aalis na siya ah!" Napapasok na rin sina JC sa loob ng condo ng marinig ang pagtaas ng boses namin ni Freya. My cousin just shrugged. "Nabigla nga rin ako eh. You know Cynthia's been acting weirdly lately. Hindi rin natin siya masisisi pagkatapos ng lahat ng nangyari, di ba?" He has a point. Si Cynthia kasi talaga ang pinakanaapektohan sa mga nangyari. We knew she wasn't able to handle the shock well. Hindi siya masiyadong nagsasalita ng makalabas siya sa ospital. Nakikipag-usap naman siya pero most of the time, nagkukulong sa kwarto o di kaya ay iniiwasan kami. Madalas din siyang tulala. We tried to help her. We tried to do everything. Even Lalahon used her magic to make Cy

