Halos talonin ko na ang paglabas mula sa kotse ko nang makita ang babaeng palabas ng bahay. Agad akong tumawid ng kalsada upang makaharap siya. Nag-lock ito ng gate bago nagbadyang umalis. Saka naman ako nakarating sa harapan niya. Pareho kaming gulat ng makita ang isa't isa. Pero mas nangibabaw ang gulat at takot sa mukha niya. Nanlalaki ang mga mata, napanganga at parang ayaw maniwala ng mga mata niya sa nakikita niya ngayon. Maging ako man ay halos hindi na nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pero pinilit kong ilabas ang mga salitang naipit sa aking lalamunan. "A-Aling Susan?" Mahina ang boses ko pero sapat na iyon para marinig niya ako. She flinched when I said her name. Hinigpitan niya ang paghawak sa shoulder bag niyang itim. "I'm so sorry miss b

