Hindi ko na alam kung gaano ko kabilis pinatakbo ang kotse patungo sa subdivision na tinitirhan ko. Alam ko ring nakasunod si Keith sa akin pero hindi ko na siya napagtoonan ng pansin. Hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig. I need to reach our house as soon as possible. Kung hindi ako nagkakamali, nasa bahay na sila mommy sa oras na ito. I hope they are all fine. I took the curve towards the subdivision. Ala sais na ng gabi at kitang-kita ko ang pula, orange at dilaw na liwanag mula sa nasusunog naming mansion. "Oh God," bulong ko sarili. Tatlong firetruck ang naroon at kasalukuyang inaapola ang sunog. Dahil may kalakihan din ang bahay namin, nahirapan ang mga bombero. May mga pulis na rin ang naroon at ilang rescuer. Pati mga kapitbahay namin nasa laba

