JUAN CARLOS' POV Habang papasok kami sa puso ng Guindara ay mas lalong lumala ang mga nadaraanan namin. Ang Guindara ay dating napapalibotan ng mga kumikinang na nagsisilakihang mga kabahayan na pawang puti ang mga kulay. Napapalibotan din ito ng mga halaman at mga bulaklak na may kanya-kanyang espesyal na kagamitan. Pero ngayon, napakalayo na nito sa dating tahanang kinagisnan ko. Hindi man naging ganoon kaganda ang pananatili ko rito pero hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng sakit sa pagkawasak nito. Pinisil ni Allysandra ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" mahinang tanong niya. Tumango ako at pilit na ngumiti. Ayokong mag-alala pa siya. She had enough to worry already. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin ang harap ng palasyo. Nang huli ko itong maalala, nawa

