JUAN CARLOS' POV "GAGO KA BA? KAHIT ANO KA PA HINDI MO KAYANG BUHATIN ANG ISANG BUONG BUILDING!" Nag-ring sa tenga ko ang sigaw ni Ally. Panay ang luha niya akong hinawakan. Sinigawan niya ako at niyakap tapos hinampas bago ako tinulungang makabangon mula sa gumuhong building. Inabot din ni Brent ang kaliwang kamay ko para makatayo ako. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko. Pinaupo nila ako sa may flower box sa harap ng building, katabi si Freya na nakangiti pa rin kahit namumutla na. The building infront remained in a pile of broken cement and cracked walls. Ang sirena ng mga rescuers ay nagkalat na rin sa paligid dahil sigurado akong may mga na-trap pa sa loob. Tinawanan ko na lang ang pagsesenti ni Allysandra sa tabi ko. Ramdam ko ang takot at inis niya sa muntik ko nang pag

