ALLYSANDRA'S POV We landed infront of the main building kung saan naroon ang underground parking space. Nasusunog ang kabilang parte ng building at hindi magtatagal ay kakainin na ng apoy ang buong gusali. Nagkalat sa paligid ang mga estudyante, mga guro at mga staff ng unibersidad. May mga nasugatan at maraming nagsisigawan. Nakahanap kami ng isang sulok na hindi matao at doon lumapag. Agad naglaho ang mga pakpak ni Juan Carlos ng makatapak kami sa lupa. "Brent! Freya!" Halos pumutok na ang lalamonan ko sa lakas ng sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa entrance pero nag-collapse ang part na iyon at wala ng pwedeng daanan. "Carlos, kailangan nating maghanap ng paraan papasok bago pa masunog ang buong building." My hands were trembling as I try to contact my friends. Sa pangatlong ring at

