Nagising ako na nasa loob na ako ng kwarto ko. I got up. D*mn. Ba't ang sakit ng katawan ko? Ano bang nangyari kagabi?
Holy shoooot!
Napasampal ako sa mukha ko ng malakas ng maalala ang lahat ng detalye ng nangyari kagabi.
"Oh crap!" Bulong ko sa sarili ko at napahiga ulit sa kama. Did we... did we really do it? The...thing?
"Oh Ally, what have you done?" Nagtakip ako ng kumot sa mukha dahil iinisip ko palang nahihiya na ako. Shuta! Nawala na yata ang katinuan ko.
But the other side of my brain didn't have regrets. Somehow, I felt strangely happy and at the same time embarrassed. After ng lahat ng 'yon hindi ko alam kung paano ako haharap kay Juan Carlos ngayon.
Bumangon na lang ako at nagdesisyong maligo. Hindi ko na namalayan kung paano ako nakabalik dito sa kwarto ko. Si Carlos na siguro ang nagdala sakin rito.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng banyo. May malaking salamin doon sa harap ng flower shower. Yeah, their shower here are flower shaped at ang tubig na dumadaloy mula roon ay napakabango. Nang makita ang sarili sa salamin, napansin ko ang mga red marks sa bandang dibdib ko. Napakamot ako ng ulo. How will I get rid of these? Sana pala inintindi ko noon ang mga pinagsasabi ni Freya sa mga ka ekekan sa katawan after ng...alam niyo na. Kaso wala naman akong kainte-interes sa mga ganoong bagay. Hindi ko naman kasi inaasahan 'yong nangyari at saka...it was my first time so spare me.
Nagtagal ako sa shower kasi feeling ko ang dumi ko. Pero kahit anong gawin ko hindi nawawala yung mga pula-pula. Huhu what to do? Gusto ko tuloy sapakin si Juan Carlos.
"Ayan, ang rupok kasi natin eh!" Bulong ng kontrabida kong isip na hindi ko inakalang nag-eexist pa pala.
Nang wala ng magawa, lumabas na lang ako at nagpalit. Sinuot ko ang t-shirt ko para matabunan ang mga red marks sa dibdib ko. Nag-jeans na rin ako. Bahala na akong magmukhang nawawalang nilalang from other world. Eh sa 'yon naman talaga ang totoo dahil hindi naman ako originally taga-rito.
Nag-ayos ako ng sarili. Naghanap ako ng foundation o concealer doon sa pampering section pero wala akong makita. Ano ba 'yan! Sabagay, natural na magaganda ang mga tao rito kaya hindi na nila kailangan ng make-up. Makalabas na nga!
Lumukso sa kabilang side ng hallway ang kaluluwa ko ng makita si Juan Carlos sa labas ng pinto. Nakasandal siya sa dingding sa gilid ng pinto ng kwarto ko. Gaya ko naka-civilian din ang suot niya. He looked hot in those black t-shirt and black pants with those naughty strands of black hair falling infront of his forehead. Napapikit ako at pinisil ang tungki ng ilong ko. May kalokohan na naman kasing pumapasok sa isip ko.
Lumapit siya sa akin. "May sakit ka ba?"
"Ha? W-wala!" Sigaw ko at napaatras.
Tinaasan niya ako ng kilay. "You're acting weird"
"Hind naman ah!" Tanggi ko. "Kanina ka pa ba dito?" Pag-iiba ko ng usapan. "Ba't hindi ka kumatok?"
"Kumatok ako. Wala namang nagbubukas" he said.
"Ah sorry. Naliligo siguro ako n'on"
Kumunot ang noo niya at mas lumapit sa akin. He touched my chin and carefully made me tilt my head sideways.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko. Nagkaka-goosebumps ako sa ginagawa niya eh. Hindi siya sumagot at hinawakan lang ang leeg ko. Ano 'to? Naging bampira na ba siya at kakagatin niya ako ngayon?
Then umatras siya ng bahagya at nagkamot ng ulo bago ngumiti ng pilyo.
"Ano'ng problema?" Tanong ko. Hindi ko nagugustuhan ang ngiti niya eh.
Umiling siya pero nakangiti pa rin. Gusto ko na siyang hampasin pero tumigil ako ng lumiwanag ang kamay niya at hinawakan ulit ang may bandang leeg ko. Then the glowing vanished and he removed his hand from my neck.
"Halika na" he said and grabbed my hand then pulled me along with him.
"Ano ang ginawa mo?" Tanong ko.
Sumapi na naman sa kanya ang espirito ng #snobness kaya hindi niya ako sinagot. Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng t-shirt ko at nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti niya. Ano ba kasing ginawa niya. Nabunutan ako ng tinik ng makitang wala na ang red marks ko sa dibdib. So tinanggal niya pala. Hmp! Takot mabuking. Charot!
Naglakad kami papasok sa throneroom. Naroon na si Sarayan naghihintay sa labas kasama ni Ribong Linti.
"Nandito na pala sila" puna ni Ribong Linti sa aming pagdating.
"Paumanhin. Ang tagal kasi nitong kasama ko" Juan Carlos said so I gave him a frown.
Ngumiti si Sarayan sa kambal niya. Nang mapawi sa akin ang atensiyon niya ay bigla niya akong kinindatan ng kakaiba. I felt a strange cold wind rushing around me. It was chilly and cold to the bones. Bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi naman siya ang diyos ng hangin pero nanlalamig ako sa presensya niya. Hindi naman ito ganito noong mga nakaraang araw na nakasama ko siya.
"Tara na sa loob, naghihintay na sina ama" Ribong Linti said and pushed the doors open.
Tumambad sa amin ang dalawang diyos na nakaupo sa kani-kanilang trono. We bowed infront of them to show respect. They both gave us kind nods.
"Aglawin, Sarayan, Allsandra... Kung hindi ako nagkakamali, sa araw na ito ninyo napagdesisyonang lisanin ang aming tahanan, tama ba?" Alunsina said.
Tumango si Juan Carlos. "Opo Inang Alunsina, mamayang hapon sa mismong paglubog ng araw"
"Ngayon na tayo aalis?" Bulong ko kay Carlos.
"Hindi ko naman yata nakalimutang sabihin 'yon sa iyo kagabi diba?" Pamimilosopo niya pa. "Baka kasi iba lang ang iniisip mo kagabi"
Palihim ko siyang siniko.
"Ikinalulungkot ko na hindi ko kayo maaaring samahan sa pagharap sa Diyosang si Maguayen, ngunit asahan ninyo na dala-dala ninyo ang basbas naming mag-asawa" she said and waved her hand artistically in the air.
The air shimmered above us then showered us with golden light. Liadlaw, the god of the sun did the same and a radiant light shone above us. Suddenly, I felt strangely light and strong as if the golden shower filled me with new and extraordinary strength.
"Maraming salamat Inang Alunsina" Juan Carlos said. Alunsina nodded slightly and turned to Liadlaw.
"Aglawin, Sarayan" Liadlaw called the attention of the twins. "Ang hiling mo sa ninyo sa akin na hanapin ang iyong ama ay hindi ko babaliwalain. 'Wag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matagpuan si Kaptan. Bigyan niyo lamang ako ng sapat na panahon sapagkat hindi ito magiging madali. Tandaan niyo, kahit gaano pa katingkad ang liwanag ng araw ay natatabunan pa rin ito ng alapaap"
"Naiintihan namin, Amang Liadlaw. Maraming salamat sa tulong ninyo" Juan Carlos said.
The gods nodded in approval. Akala ko tapos na ang usapan pero tumingin sa akin si Alunsina.
"Aglawin, Sarayan, nais ko munang makausap ng sarilinan si Allysandra" sabi niya. Napatingin ako kay Carlos na parang nagmamakaawa. Pero pinisil niya ang kamay ko na parang sinasabi sa akin na magiging okay lang ang lahat.
Tumango ang dalawa at iniwan ako sa silid. Tumayo rin si Liadlaw at lumabas sila ng anak niya. Naiwan kaming dalawa ng diyosa ng silangan sa loob ng silid.
"Allysandra... " tawag niya sa akin. Napalunok ako ng dahan-dahan siyang maglakad pababa akin. Hindi ko alam ano ang dapat kung ikilos kaya nag-bow na lang ako sa kanya. Ilang beses ko na ring ginawa 'to ngayong araw kaya sana hindi siya nauumay.
"Hindi lamang ako ang nakakapansin ng taglay mong lakas Allysandra. Maging ang asawa kong si Liadlaw ay napuna rin ito" she said when she was infront of me.
"A-ano hong ibig niyong sabihin, Inang Alunsina?"
"May kakaiba kang pwersa sa loob mo. At kahit sa itinagal-tagal ko na sa mundong ito ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito at kung saan ito galing. Noong una akala ko sa magkakapatid galing ang pwersang iyon. Pero ng makalapit ka sa akin, saka ko na naramdaman na nagmula ito sa'yo. Nakakapagtaka lang dahil ikaw ay isang mortal" she said.
"May mali ho ba sa akin?" Takot na tanong ko.
Ngumiti siya, "hindi. Wala Allysandra. Ang ibig kong sabihin ay may itinatago kang lakas na wala sa isang tipikal na mortal. Pero sa ngayon ay nakatago ito. Kung kayat halos hindi ito maramdaman"
"A-ano ho dapat kong gawin? K-kailangan ko po ba itong tanggalin?"
Baka mamaya may inner Hulk pala ako sa katawan na mag-a-alter ego sa akin. Hindi pwede 'yon!
"H'wag kang matakot Allysandra. Natitiyak ko'ng sa takdang panahon mahahayag ang lahat"
Tinapik niya ang balikat ko. Then she lifted her arm in the air and acted as if she was plucking something out of the air. Then a crystal appeared in her hands.
"Ang kristal na ito ay may kapangyarihang labanan ang kahit anong sumpa na maaaring ipataw sa'yo. Kaya rin nitong labanan ang kapangyarihan ng ibang diyosa kahit pa si Maguayen. Panghawakan mo ito at poprotektahan ka nito. Hangad ko ang inyong tagumpay sa labang ito Allynsandra" sabi niya sabay ngiti.
"Maraming salamat po, Inang Alunsina" I replied. At dahil masiyado na akong nadala ng emosyon, niyakap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero natuwa ako at niyakap niya rin ako pabalik. Inisip ko na lang na si mommy ang kayakap ko ngayon. I hope she was fine. I hope she was okay. Kapag naging okay lang lahat at nakabalik na ako sa bahay, I will remind her everyday how much I love her.
I pulled away from the hug, slightly teary-eyed. Medyo nahiya na rin ako sa pagiging feeling close ko sa kanya. It's just that she reminds me so much of my mom whom I really miss right now.
"Mag-iingat kayo Allysandra"
***
Nang makalabas ako ng throneroom, hindi ko nakita si Juan Carlos at Sarayan. Saan na naman kaya napadpad ang dalawang 'yon. Nagdesisyon na lang akong bisitahin muli si Dalikamata para makapag-paalam.
Tinahak ko ang hallway papunta doon. Nasa first floor iyon ng palasyo at nasa second floor naman ang throneroom kaya minabuti kong dumaan sa mataas na hagdanan. Mabilis naman akong nakarating sa silid.
Nang makapasok sa loob ng kwarto, wala pa ring pinagbago ang kalagayan ni Dalikamata. She was still unconcious. Naupo ako sa isang bilog na stool sa tapat niya. I grabbed her hand and stared at her peaceful face.
"Dalikamata" I called. "Sana kasama ka namin sa paglalakbay na ito. 'Di ba nga tayo ang nagtutulungan palagi? Kaya gumising kana diyan para makasama kana namin"
Pinisil-pisil ko ang kamay niya, umaasa na sana ay kakausapin niya ulit ako sa isip ko gamit ang kapangyarihan niya. Pero walang nangyari. Hinaplos ko na lang ang mukha niya at tumayo na. "Paalam Dalikamata... pangako ko na sa muli nating pagkikita mananaig din ang kabutihan"
I smiled at her even if she wouldn't see it. Then I turned around and went out of the room. Ng makalabas ako ng silid dumiretso ako sa malawak na front yard sa harap ng palasyo.
Pero bago ako makarating doon, nakita ko si Sarayan na nakasandal sa railing. He had a fierce expression on his face at parang may hinihintay siya. Nakita niya ako at nagtama ang mga mata namin. He stood up and stepped towards me. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.
"Ally" tawag niya sa pangalan ko. It felt strange and cold.
"Sarayan, ahh pupuntahan mo ba si Dalikamata?" Tanong ko.
"Ooh" tipid niyang sagot pero nanatili siyang nakatitig sa akin at hindi ako naging komportable sa klase ng tingin niya.
"Sarayan...may problima ba?" Tanong ko. His stares were something creepy and I couldn't explain it.
"Wala naman Allysandra. Iniintindi ko lang kung ano ba talagang meron sa'yo na nagustuhan ng kapatid ko" diretsa niyang sagot.
That hit me harder than being slapped in the face thrice. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Para niya namang sinasabi sa akin na hindi ako karapat dapat sa kapatid niya.
"H-hindi kita maintindihan"
"'Wag mo na lang intindihin. Pero mag-ingat ka. Hindi lahat ng nasa harapan mo kakampi mo"
The smirk that formed in his lips gave me a terribly cold feeling. The look in his eyes, the smirk on his face. They remind me of... oh no. Something is going on here. Something is not right. Then hit me even harder now.
"May tinik sa paanan mo. Kailangan mong tanggalin ito bago pa maging huli ang lahat"
I recognized the voice. It was Dalikamata's. She was communicating with me through my head.
"A-no'ng tinik? Hindi kita maintindihan" I replied to her in my head.
"Mag-iingat ka Allysandra. Piliin mong mabuti ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan...dahil ang kalaban ay nariyan lang paanan mo"
Hindi... It can't be... Hindi kaya si Sarayan ang tinik? Siya ang... ang nagtatraydor sa amin all this time?
Nawala ako sa iniisip ko ng biglang magdilim ang langit at mukhang babagsak ang ulan. Lumakas din ng ihip ng hangin. Nasaan ba si Carlos? Siya ba ang may pakana nito? Ano bang gusto niya... bagyo?
Hinanap ko siya dahil napakalakas ng hangin na para bang ililipad na ako nito. Pati 'yong mga maliliit na pixie kumakapit na lang sa mga halaman para hindi matangay ng hangin. Tumakbo ako palabas ng gates. Isang lugar lang ang alam kong pwedeng puntahan ni Carlos.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang makarating ako sa gilid ng lawa. At naroon nga siya nakatayo at nakapamulsa. Alam niya ba halos ilipad na kami ng hangin?
"Carlos!" Sigaw ko. Akala ko ililipad lang din ng hangin ang boses ko pero mabuti na lang at narinig niya ako dahil lumingon siya. At nang ginawa niya 'yon tumigil ang malakas na ihip ng hangin. Kumalma ang panahon.
"May galit ka ba sa mundo?" Sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
"Ha?"
"Aware ka ba na halos ilipad na kaming lahat dahil sa lakas hangin? Akala ko nga bagyo na eh. Buti na lang walang ulan"
"Sorry" he said. "Hindi ko sinasadya, magulo lang ang isip ko kaya hindi ko namalayan" paliwanag niya.
"Baka 'pag nagkataon niyan at magulo ulit ang isip mo tapos hindi mo mapansin na hinigop na kaming lahat ng ipu-ipo" sabi ko at inirapan siya.
Tumawa lang siya sa sinabi ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. He stared down at it and glanced at me pero itinoon din ang atensiyon niya sa lawa.
"Ilang beses na ba tayong ganito?" Wala sa sariling tanong ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"'Yong ganito. Nandito tayo nakaharap sa lawa at nagmumuni-muni" Tumawa pa ako ng walang dahilan.
"Bakit ano pa bang iniisip mo?" Tanong niya.
"Ha? Ano pa bang dapat kong isipin?"
Ngumiti siya ng pilyo at ginulo ang buhok ko. Then suddenly, he kissed my forehead. "Ako. Ako na lang ang isipin mo"
Hindi na ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Then again, I was reminded of what happened between us last night. The feeling made me want to squirm away. I'm really sure I'm blushing right now. I cleared my throat to calm myself down. Biglang nag-init ang paligid at baka himatayin ako sa hiya. Ooh na at alam kong pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa pero hindi ko parin maiwasang hindi mahiya sa ganiwa namin dito kagabi.
"Nga pala nakita mo ba si Sarayan? Bigla na lang kasi siyang nawala"
Nakahinga ako ng ibahin ni Juan Carlos ang topic. Pero nanindig naman ang mga balahibo sa tanong niya. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya at hindi nagsasalita. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba sa kanya ang natuklasan ko?
Na ang mismong kapatid niya na pinagkatiwalaan niya sa pangalawang pagkakataon ay matagal na pala kaming tinatraydor?