Juan Carlos gave me a weird grin. For a about ten seconds, I thought I was truimphant so I didn't notice the time when he kicked my leg, causing me to lose my balance and fall down on the ground. Agad niyang kinuha ang espada niya at itunoon sa akin. His legs locked mine and his blade glistening horizontally infront of my neck. I was left with no other possible move. I was locked under his grasp.
"Nope, I win" he whispered.
"Fine. I give up" I whispered. Suko na ako. Hindi ko talaga siya kayang talonin. Well, this guy had been fighting with a sword for hundreds of years. Ano ang laban ko na kaka-start pa lang magsanay sa paggamit ng ganitong armas. Actually sinasabi ko lang 'to sa sarili ko bilang pampalubag loob.
Tumayo na siya palayo sa akin at isinilid ang espada niya sa lalagyan nito. Then he lend me a hand. "Marami ka pang dapat pag-aralan" he said with a grin.
I grabbed his arm and he helped me up. Grabe ang pawis ko. Nakakapagod pala ng ganito. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Nauuhaw na rin ako promise.
"Pwede ba break muna tayo?" Tanong ko kay Carlos. Tulo ng tulo na ang pawis ko pero siya wala man lang kahit isang patak? Hindi ba siya napagod? Mahigit isang oras din kaming nagsanay pero hindi siya pinagpawisan? Aba, may pandarayang nagaganap mga prend.
"Sige, magpahinga muna tayo ng ilang minuto" sabi niya. His voice and tone reminds me of an irritating PE instructor I had in highschool, si Mr. Mendez. Masiyadong mainit dugo n'on lalo na tuwing may mga rehearsals. Halos hindi na kami binibigyan ng pahinga.
Juan Carlos stared around as if looking for someone. Then he turned to me and gestured me to walk ahead. Sinamahan niya akong maglakad papunta sa lilim ng puno kung saan agad akong naupo at nagpaypay ng sarili. Hiningal din ako doon sa training lesson namin kaya kailangan ko ng maraming oxygen. Sa kabutihang palad, pinalakas ni Carlos ang ihip ng hangin. Gusto ko na tuloy matulog dahil sa pagod at sa lamig ng simoy ng hangin.
"Oh" he said and handed me a cup of water and some sort of bread. Agad akong uminom mula doon at kumain kasi sino ba naman ang hindi magugutom sa madugong training na 'yon? At saka, hindi pa rin ako kumakain kasi nga ang aga-aga akong ginising ni Juan Carlos para isama dito. 'Di ba? Sama ng ugali niya no? Hay, ang lamig ng hangin.
Nakaramdam ako na may umaalog sa balikat ko. Agad akong nagmulat ng mata. Hala! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko. Si Sarayan. Teka, nasaan na si Juan Carlos?
"Ayon! Gising ka na rin sa wakas. Kamusta tulog natin mahal na prinsesa?" biro niya pa.
"Ayon maganda kaso sinira mo"
"Aray ko naman" sabi niya na umaktong nasaktan.
"Asan si Juan Carlos?" Tanong ko. Hindi ko kasi napansin ang pag-alis niya. Hindi man lang ako ginising. Nakakainis talaga.
"Ah, kakaalis niya lang. Gusto raw siyang makausap ni Inang Alunsina kaya ako na muna ang magtuturo sa'yo" paliwanag niya.
"Ah gan'on ba..." sabi ko na lang.
"Ano tara na?"
"Sige sandali lang. Stretching lang ako"
Tumayo si Sarayan at nag-inat na rin ako ng katawan. Tumayo ako at pinulot ang espada ko na nasa tabi ko pero pinigilan ako ni Sarayan.
"Ah, hindi mo na kailangan 'yan Ally" he said.
"Ha? Bakit? Akala ko ba magsasanay na tayo?" nagtatakang tanong ko.
"Ah, hindi. Ang ituturo ko kasi sa'yo ay ang paggamit ng pana. Kaya hindi mo na kailangan yan" paliwanag niya.
Pana? As in bow? Parang kay Cupid?
"Talaga ba?" Nagliwanag kaagad ang mukha ko.
Tumango si Sarayan kaya napatalon ako sa tuwa. Kanina ko pa kasi tinitingnan 'yong mga nagsasanay ng pana doon sa archery range. I'm a big fan of archery. 'Yon lang ang tanging sport sa mundo na bet ko. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mag-study noon dahil ayaw ni mommy. Ngayon matutupad na rin sa wakas! Bigla akong na-excite.
"Tara!"
Sumunod ako kay Sarayan papunta doon sa mga target board na may mga pulang rings. Kumuha siya ng dalawang pana at ibinigay niya sa akin ang isa. Binigyan niya rin ako ng sisidlan ng mga palaso. Tumayo siya sa harap ng isang target na board na mga 50 meters din ang layo mula sa amin.
"Ganito ang tamang tindig Allysandra" sabi niya at nag-demo sa harapan ko. Ipinakita niya ang tamang paghawak ng pana, ang tamang pag-angat ng balikat at tamang paglalagay ng palaso.
He stood with poise and nocked an arrow. Then he released the string and the arrow went zooming away.
"Wow! Galing!" Pumalakpak ako ng makitang natamaan niya ang bull's eye.
"Ikaw naman" sabi niya at umatras para bigyan ako ng space. I followed his instructions. I pulled one arrow from the quiver and nocked it, then I lifted it to face level so I could see the target board.
"Masiyadong malapit sa mukha mo ang palaso. Kapag nagkamali ka sa pagbitaw ng string maaring bumalik yan sa'yo at tamaan ang mata mo" anang isang boses sa likuran ko.
"Nandiyan ka na pala Aglawin" puna ni Sarayan na ngumisi ng nakakaloko.
Napalingon ako at nakita si Juan Carlos. He still looked so fresh despite of the heat of the sun. "Ano'ng sabi mo?"
"Ang sabi ko, masiyadong malapit sa mukha mo ang palaso" sabi niya at inayos ang pagkakahawak ko sa pana. Pati ang balikat ko inayos niya rin. "Sige, subukan mo na"
I tried to breath steadily. When ready, I released the string. The arrow flew into the air, gaining just the right speed and and hit the target board. I heard Sarayan's clapping from beside me.
"Ang galing mo Ally!" He said. "Magaling kasi talaga akong magturo" At tumawa siya ng malakas.
Nilingon ko si Juan Carlos para tingnan ang reaksiyon niya. He was smiling at me apprehensibly. "Ngayon alam ko ng mas bagay sayo ang ang sandatang 'yan kaysa sa espada. You did great"
That simple comment warmed my heart. Hindi lang dahil sa may naka-appreciate ng archery skills ko kundi dahil galing 'yon sa kanya.
***
The day went fast and it was very tiring . Naging matiyaga naman sina Juan Carlos at Sarayan sa pagtuturo sa akin kahit most of the time si Juan Carlos lang ang bigay ng bigay ng instructions at panay ngiti at tawa lang si Sarayan. Pero ang mahalaga nag-eenjoy ako. Kahit ang sunod-sunod kong mga tira ay halos palpak na lahat kaya pinagtatawanan ako ng magkapatid. Nagkakasundo sila sa part na 'yon.
Ng matapos kami, pagod na pagod ako. Bigla namang nawala si Sarayan at hindi ko na namalayan. Hapon na rin ng maglakad kami ni Carlos pabalik sa palasyo. Nakahawak ako sa balikat niya kasi hinihingal ako. Nililingon niya ako paminsan-minsan at ngumingiti siya ng nakakaloko.
"Magpahinga ka muna pagkabalik natin doon" he said.
Pero hindi iyon ang gusto kong gawin. May iba akong gustong puntahan.
"Uhm, Carlos?"
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Bakit?"
"Gusto ko sanang puntahan si Dalikamata" I said.
Tumingin muna siya sa akin ng ilang sandali bago siya nagsalita ulit. "Sige, sasamahan na kita sa kanya"
Pumasok kami sa loob ng gate ng palasyo at naglakad papunta sa isang hallway. May ilang kwarto kaming dinaanan bago namin narating ang pinakadulong silid kung saan naroon ang kapatid niya. Binuksan ni Carlos ang pintuan at pumasok kami sa loob. Sa dulo ng malaking kwarto nakahiga si Dalikamata sa ibabaw ng isang kulay violet na kama. May mga kumikinang na kristal sa may ulo niya na lumulutang sa ere at may mga bulaklak sa paanan niya. Nagmukha tuloy siyang si Sleeping Beauty. Hindi kaya kiss lang din ang kailangan para magising siya? Charot! Minsan talaga 'yong isip ko malayo ang nililipad. Kaya tuloy tinatanong na ako ni Juan Carlos kung saang planeta na ako nakarating.
"Maiwan ko muna kayo. Hihintayin na lang kita sa labas" paalam ni Juan Carlos.
"Ah, Carlos huwag na. Baka kasi magtagal pa ako at alam ko namang pagod kana kaya mauna ka na ng makapagpahinga ka na rin. Okay lang ako dito" I told him. Nginitian ko siya para ma assure siyang okay lang ako.
"Sigurado ka?"
I nodded at him and gave him a thumbs up. Ngumiti naman siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Kung may kailangan ka hanapin mo lang ako" sabi niya at iniwan na ako kasama si Dalikamata.
Ng makalabas si Carlos saka na ako humarap sa mahimbing na natutulog na diyosa. She was sleeping peacefully. Hindi mo aakalaing may nangyari sa kanya dahil para lang talaga siyang natutulog. She was very beautiful. Isa siya sa mga naging mabait sa akin at napalapit na rin siya sa akin. Ilang beses niya na rin niya akong natulungan. Una, noong nagkaroon ako ng viral video sa social media. Kung hindi dahil sa kanya, malamang naging laman parin ako ng maraming meme hanggang ngayon. Pangalawa noong ipinagtanggol niya ako laban sa kapatid niyang si Lalahon. Kung tutuusin, pwede niya naman akong iwan noon at hayaan ang kapatid niyang patayin ako dahil wala naman siyang pananagutan sa akin. Pero sa kabila n'on, pinili niyang isugal ang sarili para sa akin. Kahit hindi niya naman ako kaano-ano.
"Dalikamata..." I whispered. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. "Gumising ka na"
Naiiyak na ako habang sinasambit ang pangalan niya. Ang hirap pala ng ganito. Parang naging kapatid ko na rin kasi siya. Kaya nasasaktan ako na makita siya ganito at walang malay.
"Please wake up...miss ka na namin ng mga kapatid mo eh" I told her. Tuluyan na akong naluha. Feeling ko kasi mawawalan na naman ako ng kapamilya kapag nawala pa siya.
Gumalaw ang kamay ni Dalikamata at dahan-dahang pinisil ang kamay kong nakahawak sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. Slowly her grip grew stronger. Then images flashed before me. Blurred images like a DVD being played randomly inside my head. Noong una hindi ko naiintindihan dahil parang fast forward ang lahat. Then I saw nothing but white in my head. Napapikit ako. I started hearing voices.
"Allysandra" her voice echoed in my head. "May tinik sa paanan mo. Kailangan mong tanggalin ito bago pa maging huli ang lahat"
I recognized the voice. It was Dalikamata's. She was communicating with me through my head.
"A-no'ng tinik? Hindi kita maintindihan" I replied to her in my head.
"Mag-iingat ka Allysandra. Piliin mong mabuti ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan...dahil ang kalaban ay nariyan lang paanan mo"
Then the vision stopped. In a split-second, I was like being pulled out by a huge vaccum. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Para akong kinakapos ng hininga. Napatingin ako kay Dalikamata. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan. Sinubukan ko ulit siyang kausapin. Pumikit ako at tinawag siya sa isip ko pero hindi na siya sumagot. Walang nangyari kaya dumilat na lang ako.
"Dalikamata, ano ang gusto mong ipaintindi sa akin?" Tanong ko sa kanya pero wala siyang anong reaksiyon. Nanatiling siyang mahimbing sa pagkakatulog. Huminga ako ng malalim. "Aalis na ako Dalikamata at hihintayin ko ang paggising mo"
Pinisil ko ng mahigpit ang kamay niya at tinungo ko na ang pinto. Ng buksan ko iyon bumunggo ako sa isang matangkad na tao. Nanindig ang mga balahibo ng hindi maipaliwanag.
"Allysandra?"
Itinaas ko ang mukha ko. Si Sarayan lang pala. Pero hindi ko maintindihan ang naramdaman ko ng makita ko siya. Madilim ang mukha niya at may kakaiba siyang aura ngayon. "S-sarayan!" I stuttered.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Ah, o-ooh. Sige, mauna na ako" paalam ko sa kanya at dere-deretsong naglakad palayo. Kailangan ko na sigurong magpahinga.
***
Nang makabalik ako sa loob ng kwarto ko, agad akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ng banyo may pagkain na sa mesa sa tapat ng kama. Nandoon rin ang kaibigan kong fairy. Siya siguro ang nagdala ng pagkain para sa akin. Pero wala akong ganang kumain. Hindi ko kayang maiwaglit sa isip ko ang mga sinabi ni Dalikamata.
The light of the moon peered from the window. Sobrang ganda nito kaya napabangon ako at dumungaw sa bintana. I was enjoying the sight when I notice Juan Carlos walking out of the palace gates. Saan siya pupunta?
"Frenny, dito ka lang ah? May pupuntahan lang ako. Dito ka lang ah?" Bilin ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at nag-dive doon sa kama ko.
Agad akong lumabas ng kwarto para habulin si Juan Carlos. Mabilis naman akong nakarating sa baba. Nang makalabas ako ng gate, hindi ko siya makita kahit saan. Sa'n na pumunta 'yon? Naglalakad-lakad ako sa damohan. Not far from where I was standing, my eyes caught a glimpse of him. He was sitting under the shade of the shimmering tree. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Psst" Tawag ko sa kanya. "Ang lalim naman yata ng iniisip mo"
Ngumiti siya sa akin at tinuro ang damo sa tabi niya. "Maupo ka"
Umupo naman ako sa tabi niya.
"Bakit gising ka pa?" He asked.
"Kasi hindi ako makatulog?" Biro ko.
He laughed softly. "Nice"
"Ikaw bakit gising ka pa?" Tanong ka rin sa kanya.
"Gan'on din. Hindi rin ako makatulog. Ewan ko ba. Kung ito na ang huling gabi ko, mas mabuti na hindi na lang ako matulog. Susulitin ko na lang ang oras"
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! " sabi ko at kinurot ang tagiliran niya. "Tinatakot mo ako eh!"
Tumawa siya ng mahina. Pero hindi ako sure kung natutuwa ba siya. His laughter sounded more worried than happy. "Talaga?"
"Ooh naman! Alam mo naman na mahal kita eh. Kaya h'wag ka ng magsasalita ng ganyan" I said and grabbed grass from the ground. "Ang daya mo nga eh" Dugtong ko.
"Bakit naman ako naging madaya?" Tanong niya.
"Kasi ano...mahal kita tapos ikaw...ah wala!"
I heard him chuckle again. "Ally, hindi mo ba talaga nahahalata?"
Tiningnan ko siya. "Ang ano?"
"Wala!" Tumawa siya ng malakas. "Ang hina mo talaga" Tinulak niya ng mahina ang noo ko. Binato ko naman sa kanya ang damong napulot ko. At nagtawanan kaming parang mga ewan.
"Miss ko na si mommy, si Freya at si Brent" bigla kong sabi ng mahimasmasan kami sa kakatawa. I kept my eyes glued on the glistening water of the lake where the light of the crescent moon created a lovely reflection.
"I'm sorry" he whispered.
"Para saan na naman?"
"Because I couldn't give it to you sooner" he face me and grabbed my hand. His eyes filled with emotions. "Pero pinapangako kong gagawin ko ang lahat para makasama mo sila ulit. Kahit ano ang mangyari"
I met his eyes. They were so full of care, full of concern. Gabi ngayon at madilim pero enough ang liwanag ng buwan para makita ko ang mukha niya.
"I'm willing to do everything for you Ally...Everything" he told me.
My emotions were to strong to fight kaya niyakap ko siya. Naiiyak ako sa sinasabi niya. Bakit ba ganyan ang tono niya bakit parang nagpapaalam siya? Ayoko ng ganoon. I tightened my hug on him. Naramdaman ko rin ang higpit ng yakap niya. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Shuta pangit ako kapag umiiyak. Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.
"Ally..." his voice was hoarse.
"Hmmmn?"
"Mahal kita. Mahal na mahal kita"
I pulled away from the embrace and just stared at his eyes. I don't need clarification. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal. He loved me all along. Bakit hindi ko 'yon naisip. Manhid ba ako? Mas napaiyak ako. Ngayon ko lang kasi talaga na realize ma ang hina ko nga talaga. His fingers went to my face and wiped my tears off. Matagal niya akong tinitigan. Then slowly, he leaned down on me. I closed my eyes as I feel his lips pressing on mine.
At first it was gentle. Then slowly, it became more intense, more seductive. I wrapped my arm around his neck and kissed him back. It felt good.
His kiss went down my neck, making me moan in pleasure. I felt his hands traveling down my chest, slightly massaging them from outside my dress. I grabbed the hem of his shirt, pulling it upwards. His kisses turned even more provocative now.
Sa ngayon, the only thing that matters to me is this moment. I didn't want to go anywhere else. I just want to stay here. With him. With the man I love. And I didn't want to leave anymore.