Chapter 32: Sword Play

2582 Words
I had another dream that night. I was in the middle of a white nothingness. Walang hangin, walang kahit anong tunog, walang mga bagay, walang kulay. Wala akong ibang nakikita kundi puti. The whiteness was blinding me and the defeaning silence hurts my ears. Have you ever felt something so silent to the point that it felt like digging in your head? That's the feeling that I am having as of the moment. Then the air suddenly blew. Hot air. I am slowly assuming that Lalahon could be here and could incinerate me any second now. But a different person appeared in front of me. A different image. She wasn't Lalahon and guess who? No, if your thinking about the goddess of death, no, you are definitely wrong. She wasn't any of the two goddesses that often give me nightmares. She was a different person. She was wearing a long green-dress with a long cyan train. It was adorned with blue orchids and pink daffodils. She was as tall as I am. And whoa, she smelled of fresh roses and geraniums. Really. But something seemed wrong as I couldn't make out her face. It was just a blur. I tried to gaze clearly at her as she stepped towards me but her face remained clouded. "Allysandra" she said. Her voice felt so light and airy. Somehow I felt strangely connected to her. Na para bang matagal ko na siyang kilala? Ang weird lang. "Sino ka? Paano mo ako nakilala?" Walang pag-aatubili kong tanong sa babaeng blurred ang mukha. "Hindi na mahalaga kung sino ako. Narito ako para bigyan ka ng isang babala" sagot niya. There was a strong conviction on each word of her sentence. "Babala para saan?" "Para sa dagok na kakaharapin mo. Ang lahat ng ito ng ito ay simula pa lamang Allysandra kung kaya't magpakatatag ka. H'wag mong hayaang talonin ka ng pagsubok" she said. "Bakit sinasabi mo 'to sa akin?" I whispered. "Sa ngayon ay hindi mo pa ito maiintindihan, pero darating din ang panahon at magiging maliwanag din sa iyo ang lahat" That was the last thing she said before I woke up from that very strange dream. The light of the sun shimmered through the windows kaya napatakip ako ng mata. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama at nagkusot ng mga mata. Then someone knocked from outside the door. Kahit inaantok pa, naglakad ako sa pinto at binuksan iyon. "Ano yon?" I asked while yawning. Nanlaki ang mga mata ko at biglang nawala ang antok ko ng makita ang mukha ni Juan Carlos sa labas ng pintuan. Agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito. Napahawak ako sa mukha ko. Pucha. Malamang mukha pa akong war zone ngayon. Gulong-gulo ang buhok ko at at sigurado akong may laway pa ako sa labi. Argh! Nakakahiya ng slight. I heard him chuckling from outside the room. Then he knocked again. "Wala ka bang planong papasokin ako?" He asked, halatang natatawa pa siya. Bakit ba kasi ang aga-aga niyang nambubulabog? Hindi man lang ako nakapag-ready. "Sandali!" Sigaw ko at tumakbo sa malaking salamin ng silid. Mabilis kong inayos ang buhok ko at ginawang bun. Pagkatapos nagtanggal ako ng mga unnecessary particles (haha). Inamoy-amoy ko pa ang sarili ko na parang tanga. Kumatok ulit si Juan Carlos kaya nag-panic ako at binuksan ang pinto. Ngumiti ako na parang ewan sa kanya sabay din paybagsak ng minadali kong bun sa harap ng mukha ko. My hands automatically went to removed the mess from my face. "Pasok ka" I told him, grinning stupidly. Carlos gave me a soft chuckle and his hands went to my face, helping me remove the strands off my face. He was smiling, enjoying the sight of my ridiculous face. Nahiya ako kaya umatras ako at tumalikod sa kanya. My face is heating. "Ano'ng kailangan mo?" I asked. "Maghanda ka na. Aalis tayo" he said from behind me. Hinarap ko siya na gulat ang mukha. "Aalis na tayo? Ngayon na?" "H'wag kang mag-alala hindi pa tayo aalis ng Guinaksilon, diyan lang tayo sa labas" he replied. "Ano'ng gagawin natin?" "Mamaya ko na sasabihin. Maghanda ka na. Hihintayin kita sa labas" he said. Then just like that he walked out of the room, leaving me alone and wondering what is going to happen today. Binilisan ko ang paghahanda dahil ayokong maghintay si Juan Carlos ng matagal. Naghanap ako ng maisusuot. It was a good thing that this room have everything I need. From shower to pampering to closet and other stuff. It was a room fit for a princess. Only that I wasn't a princess. In the end, I just wore a long blue off-shoulder sheer dress. Sinuot ko na rin 'yong golden headress na suot-suot ko kahapon na wala rin akong ideya kong paano ko naisuot. After finally deciding that I looked presentable enough, I went out of the room. Ng makalabas ako sa kwarto, naroon ang sidekick kong fairy at kumakaway sa akin. May kasama siyang mga kagaya niya na iba-iba ang kulay. May dilaw, pula, asul, orange at iba pa. Ang liliit nila at lahat sila cute. Nag-bye sila sa'kin kaya ginantihan ko rin ng bye ang mga ito. They flew past me and went to the other direction of the hallway. Naglakad ako palabas ng palasyo kung saan naghihintay ang kambal. They were both wearing battle armors which looked good on them. Hindi pa rin namin kasama si Dalikamata dahil wala pa rin siyang malay. Bumubuti na naman daw ang kondisyon niya ayon sa mga dalubhasang gumamot sa kanya. Hindi na raw tatagal at magigising na ito. And I could no longer wait for that day. I already miss her and we badly need her. Lalo na ngayon. "Ang tagal mo ah" reklamo ni Juan Carlos pero ngumiti din naman siya. Gan'on siya 'di ba? Palangiti siyang tao. Pero minsan ang sarap niyang upakan kapag ngumingiti. Masiyado kasi siyang gumagwapo. Herrrrrr. "Sorry" mahina kong sagot. Nagtagal ba talaga ako? Grabe na nga 'yong pagmamadali ko eh. Napatingin ako kay Sarayan na ngumiti lang sa'kin bago itinoon ang pansin sa lalaking kausap niya na gaya rin nila ang suot. I turned to Juan Carlos. "Saan tayo pupunta? At bakit ganyan ang ayos niyo?" I pointed at his breastplate. He waved his hand in the air and a new set of battle armor appeared in his hands. Ibinigay niya ito sa akin na ikinagulat ko. "Isuot mo yan" "T-teka" I said and gestured a stop sign. "B-bakit pati ako? Ano bang meron ha?" Pangungulit ko pa. "Magsasanay tayo sa pakikiglaban. At kasama ka. Kaya isuot mo na 'yan" *** How I hoped he wasn't serious when he said that. Kasi noong isinuot ko ang armor, saka ko lang napansin ang angking bigat nito. Halos hindi ako makatayo at makagalaw dahil nga sa bigat. Ang nangyari tuloy, nagmukha akong kengkoy! Darn it! Why do I have to dress up in this heavy metal? Huhuhu! Hirap akong naglakad pabalik sa kanila. Punyeta! Kung nakikita ko lang siguro ang sarili ko pinagtawanan ko na. Sumimangot ako kay Carlos ng makalapit ako sa kanya. Nahihirapan na yata akong huminga. Hindi ko alam kong dahil ba 'to sa bigat suot ko o dahil sa inis ko sa kanya. "Oh? Nandiyan kana pala" he said when he noticed me. Tiningnan ko siya ng masama. Gusto ko siyang sabunotan. Nagdidilim ang mga mata ko sa kanya. "Ano'ng problima? Okay ka lang? Ba't ganyan ka makatingin sa'kin?" Painosente niyang tanong. "Mukha ba akong okay?" Sigaw ko. "Ang bigat nito halos hindi na ako makalakad. Parang awa mo naman wala na bang mas magaan dito?" "Masasanay ka rin diyan kaya h'wag kang mag-alala. At saka, bagay naman sa'yo ah" he grinned at tapped my shoulder. Umirap ako. Pasalamat ka talagang mokong ka mahal kita. Dahil kong hindi, tinaga na kita ng sarili mong espada! Nakakainis ka! Parang nabasa niya yata ang iniisip ko kaya nagsalita siya ulit. "Kakailanganin mo yan para matuto kang makipaglaban ng tama. Hindi ba't 'yon naman talaga ang gusto mo? Ang maipagtanggol ang sarili mo? Ito na ang pagkakataong 'yon" Nanahimik ako. He had a point. Dapat na talagang matuto akong makipaglaban dahil hindi pwedeng umasa na lang ako palagi sa ibang tao. What if ako na lang mag-isa sa buhay? Ano na lang mangyayari sa akin kapag mag-isa ako? Iiyak na lang ako at mamamatay ng walang kalaban-laban? Aba, hindi pwede 'yon! "Tama ka. Sorry" I said. "Wala 'yon. Isipin mo na lang na hindi sa lahat ng panahon narito ako. Kaya dapat alam mo kung paano protektahan ang sarili mo. Dahil kapag-" "Aglawin!" Hindi na naituloy ni Carlos ang sasabihin niya ng dumating si Ribong Linti. He was also wearing his battle armor with a black cape draping behind his back. He seemed like a Roman General to me. Just a god version. "Rinong Linti" Juan Carlos said and slightly bowed to acknowledge the presence of the his cousin. "Nakabalik ka na pala" "Kararating ko lang nitong gabi. Hindi na agad kita nakausap dahil kinailangan ko pang kausapin ang aking ama na kararating lang din" Ribong Linti replied. "Ano ang nangyari sa mga LiGwardiya?" Tanong ni Carlos. "Nagtagumpay kami sa labanang iyon bagamat marami rin sa aking hukbo ang nalagas. Ang mabuting balita ay maaaring hindi na sila bumalik sa bandang ito ng Guindara. Mahihirapan silang kalabanin ang Hukbo ng Guinaksilon" "Maraming salamat sa tulong mo Ribong Linti. Kung hindi dahil sa'yo siguro patay na kami ngayon" I said and bowed slightly. "Responsibilidad kong protektahan ang sinumang nilalang na napapadpad sa aming lugar Allysandra. Lalo na't sila ay mga pinsan ko at hindi na iba sa akin" he responded. "Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob" Carlos said. "Ribong Linti, maligayang pagbabalik" singit ni Sarayan at ngumiti ng malapad. Ribong Linti smiled then turned serious again. "Nabalitaan ko mula kay ama ang kinahinatnan ng pag-uusap ninyo ng aking ina. Nais ko sanang humingi ng paumanhin sa naging tugon niya sa inyong kahilingan" "Wala kang dapat ipag-alala. Lubos naming naiintindihan ang lahat" Juan Catlos gave him a small smile. "Pero huwag kayong mag-alala. Kung hindi kayo matutulongan ng mga magulang ko, ako na ang tutulong sa inyo. Hindi ako nakatali sa kahit na anong sumpa sa Hukuman kung kaya't kapag may kailangan kayo sa akin ay huwag kayong mag-aatubiling magsabi. Nakahanda akong tumulong sa abot ng aking makakaya" Ribong Linti said. "Maraming salamat pinsan" Sarayan said. He tapped Ribong Linti's shoulder and smiled. Napatango-tango na lang kami ni Juan Carlos. "Muli, isang karangalan sa akin ang matulongan kayo" he said before bidding us goodbye. Sarayan went back to the person he was talking to earlier. Juan Carlos turned to me with a weird expression on his face. Then, slowly his lips curved into a small smile. He handed me a sword. "Ano 'to?" "Malamang espada" "Alam ko p-pero bakit nasa akin?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. I was expecting to train my dagger not a sword. "Ang bilis mo namang makalimot. 'Di ba sabi ko magsasanay ka ngayon? At ako mismo ang magtuturo sa'yo" he replied and winked. Gusto ko pa sanang magreklamo dahil bukod sa mabigat ang suot ko, mabigat rin ang espadang hawak ko. Halos hindi ko nga mabuhat. Paano ako makikipaglaban gamit ito? Tinawag na kami ni Sarayan kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong mag-rant sa harapan ni Carlos. Kaya kahit hirap maglakad, sumunod ako sa kanila. I just wondered. Bakit noong nasa pagitan kami ng mga puno ng Harabak hindi ko naramdaman ang bigat ng espada ni Juan Carlos ng ihagis ko ito sa kanya? Hmmn. Baka may special something 'yon kaya magaan. My stupid curiosity drove me to pull off his sword from it's sheath ng ikinabigla niya. I regretted what I did. Really. The sword was actually top-heavy. Muntik pa nitong tamaan ang paa ko. Napangisi ako kay Carlos ng taasan niya ako ng kilay. "Ano namang pinaplano mo?" "Kung iniisip mong papatayin kita hindi ka nagkakamali" I said and gave him a smirk. Tinawanan niya lang ako at binawi sa akin ang espada niya na nagliwanag sa kamay niya. "Gusto mo bang gamitin 'to?" "Nah, I'm good!" tanggi ko. "Okay na ako dito." Itinuro ko ang espadang bigay niya sa akin kanina na hindi kasing garbo ng sa kanya. Pero at least hindi kasingbigat. Grabe! Ang bigat pala talaga n'on! Sigurado adrenaline ang dahilan kaya nagawa ko 'yong buhatin. Nakarating kami sa isang malawak na damohan. May mga tent doon at mga firing range ng pana. Mukhang mas bet ko doon. Marami rin ang mga nagsasanay doon na mga tauhan ni Ribong Linti. Agad sumama si Sarayan sa kanila at iniwan kami ni Juan Carlos. "Handa ka na ba?" Seryoso niyang tanong. Tumawa ako ng malakas. "Ba't ka tumatawa?" "Wala." Pero tumawa ulit ako. "Naalala ko lang si Korina sa'yo" "Sino 'yon?" "Wala, anchor sa T.V" sabi ko at pinigilan ang sariling humagalpak ng tawa. Nakaka-miss pala no? 'Yong feeling na nasa loob ka lang na bahay niyo, nakaharap sa T.V. at kumakain ng chips. 'Yong wala kang ibang iisipin kasi wala ka namang problima. Chill chill lang. Mararamdaman ko pa kaya 'yong ganoon? Makakauwi pa kaya ako? "Ally..." "Yeah!" "Saang planeta ka na nakarating?" "Ha?" "Natutulala ka na naman kasi bigla" So napansin niya pala ang pag-evaporate ng isip ko sa malayong lupalop. Nitong mga nakaraang madalas akong nagiging ganito. Hays. "Sorry, may naalala lang". Pinilit kong ngumiti. Juan Carlos also stared at me for a long time bago siya huminga ng malalim at sinahaman akong maglakad sa may ilalim ng lilim ng puno. Something is clearly bothering him too pero hindi niya lang sinasabi sa akin. Ibinigay niya ulit sa akin ang espada ko na kinuha niya kanina sa akin dahil para akong tangang naglalakad. "Magsimula na tayo" sabi niya. Tumango-tango lang ako habang nagbibigay siya ng instructions sa tamang pagtindig, tamang paghawak ng espada at ano ang tamang anggulo nito. He showed me how to stand with poise and kept on telling me that sword fight is like a dance. Napalunok ako. Hindi pa naman ako dancer. Wala akong talent n'on! "Ayosin mo ang paa mo. Para kang matutumba eh" he said and pointed at my left foot. I tried to fix it pero hindi pa rin tama kaya siya na mismo ang nag-ayos ng tindig ko. It was frustrating on my part. Akala ko kasi madali. Ang hirap naman pala. After several tries, he told me I'm slowly progressing. I was relieved I'm doing it right. The next thing he thought me was how to step properly and how to sway the sword on right angles, how to protect yourself and how to be keen on your enemy's movement. Noong una palagi niya na lang akong natatamaan sa mukha, sa ulo, sa likod. Huhu. Walang awa siya. He stepped on my right and lifted his sword, I slashed towards him but he was so swift and hit me in the back with his bare hands, sending me head first into the grass. "Kaya mo 'yan Ally!" He said. I got up, wiped off my sweat and pulled my sword from the ground. Okay, kaya ko 'to! I fixed my stand. Siya ang unang umatake na agad kong nailagan. I'm slowly getting the sequence of his movements so when he slashed overhead me, I dodged and circled, elbowing him and hitting him in the chest. Natumba siya at nabitawan ang espada niya. He tried to grab it by I stepped on his arm and aimed my sword on his neck. With a smirk I said, "So, does that mean that I win?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD