Gulat kaming nagkatinginan ni Sarayan. Si Juan Carlos ay nakatingala lang sa dalawang diyos, halatang umaasa na sana ay mali ang narinig niya mula kay Alunsina.
Alunsina gave us a glum expression which made it clear to me that she was really serious. But why? Bakit hindi pwede? Tinatanong ko pa lang sa isip ko, nagsalita na si Juan Carlos.
"A-ano hong ibig ninyong sabihin, Inang Alunsina?"
Alunsina heaved a deep breath before answering Juan Carlos. Her eyes screams so much of pain and sadness. Parang may mabigat na kung ano sa mga iyon at siyang nagpapahirap sa kanya.
"Aglawin, hindi kita matutulongan sa paraang nais mo. Iyon ay dahil sumumpa na ako sa Hukuman na kailanman ay hinding-hindi na ako sasabak pa sa labanan. Kaya patawarin mo ako at hindi kita matutulongan sa pagharap sa aking kapatid" she said.
Natahimik kaming tatlo. Juan Carlos gave the goddess a slight nod. "Naiintindihan ko, Inang Alunsina" he said and tried to smile. Pero alam kong gaya namin ni Sarayan, hindi niya rin iyon na-digest. Kahit ako rin, hindi ko pa ma-process ang sinabi niya. Ayoko ko kasing isipin na totoo 'yon. Umaasa ako sa sana sasabihin niya na 'Itss aa prank! Pero hindi.
That moment, I thought Juan Carlos was giving up but he turned up to the goddess and spoke again.
"Ngunit sa pagkakataong ito ay wala na kaming ibang matatakbohan kundi kayo. Ikaw. Hindi titigil si ina hangga't hindi niya kami napapapatay at kilala mo siya. Alam mo kung ano ang kaya niyang gawin"
There was so much hope in his voice. So much need and I completely understand that. The only hope we have left is Alunsina and her family but if she declines us then all is lost. Hindi pwede!
That's the time when I realized tha I need to speak up. I need to act right at this moment. I needed to use my own reasoning. Hindi ako makakapayag na ganoon na lang ang mangyari. I walked infront of Alunsina and Liadlaw and bowed with courtesy. Napatingin si Juan Carlos sa akin na parang sinasabing ano'ng ginagawa mo? Bumalik na d'on! Kaya ko na 'to.
Pero hindi ko siya pinansin kahit pinanlakihan niya pa ako ng mata. I'm not just gonna stand here and watch us get dumped. I need to do something. I may have proved useless in the battlefield but maybe this conversation will result into something better. Better than useless fighting skills.
"Inang Alunsina, Amang Liadlaw" I greeted them both. Alunsina seemed to wait for what I was about to say. Liadlaw just gave me short nod and gestured me to go on.
"Wala po akong alam sa buhay ng diyos. Ang totoo niyan hindi ko naman po talaga alam na nag-eexist kayo. Pero ng...ng makilala ko si Aglawin, ipinakita niya sa akin ang lahat kung ano ang mayroon sa...sa mga kagaya niyo. The great things and all the infinite marvels you can do. He made believe in the impossible. He made me realize things. The beyond my small little room there are bigger and stronger forces that could uplift humanity or destroy it"
"Ng isumpa ni Maguayen ang pamilya ko, wala kaming nagawa. Wala akong nagawa. Pinilit kong labanan, pinilit kong baliin. Lahat ginawa ko para mapigilan lang ang mga pangyayari. I even wished na sana ako na lang. Pero... pero in the end, wala ring nangyari. Namatay ang lolo ko, namatay ang tito ko at namatay si daddy" my voice broke at the mention of my dad. It felt so fresh again. Like the event happened just today. I tried to wipe off the tears fallinh down my eyes.
Carlos tried to comfort me but I stopped him. This isn't the time to be crying for the past. I heaved a heavy breath before speaking again. I stared straight into the goddess' eyes, pleading. "I know this doesn't makes sense right now kasi tapos na naman 'yon at wala na akong magagawa. Pero sinasabi ko ito ngayon kasi ang totoo niyan, hindi naman talaga nagkakalayo ang sitwasyon natin. I lost my family, I lost my loved ones. And that was because I couldn't do anything! Wala akong nagawa kasi sino ba naman ako? Isa lang ang hamak na mortal. I am nothing against Maguayen"
"Pero ikaw Inang Alunsina. You're a completely different story. Dahil may magagawa ka pa. May magagawa ka para mailigtas ang pamilya mo. Hindi ang asawa't anak mo kundi sila" I pointed at Juan Carlos and Sarayan who just stood there at nakatingin sa akin. Probably waiting for me to finish my speech.
"Hindi ba't pamilya mo rin sila? Hindi ba't mga pamangkin mo sila? And they need you right now! We need you right now. Inang Alunsina, pumunta ako sa Guindara sa kabila ng panganib. Sa kabila ng tiyansang maaari rin akong mamatay. Pero para niyo ng awa. Huwag niyo sanang hayaang mawalan rin kayo ng kapamilya"
That wast the last thing I said. I didn't realize I was already crying so much. The emotion was too much and I think I couldn't handle it. Juan Carlos pulled me close to him and gently rubbed my back. Pinipigilan kong umiyak kasi nakakahiya pero walang planong tumigil ang mga mata ko.
Every word I uttered was true. I lost a lot of good people. I lost a lot of loved ones. And I didn't came here just to realize that their deaths were all for nothing! Their sacrifices were all for nothing. Dahil sa kahuli-hulihan wala rin palang mangyayari. At hahayaan na lang ba namin 'yon? Hahayaan na lang namin na pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Maguayen pa rin ang magtatagumpay?
Tumayo si Alunsina sa kinauupoan. I was scared and I admit that. I'm not meant to speak up to people so powerful they could pop me into dust if they wish to. But there was no anger in her eyes. There was pain and sadness that I could not comprehend.
"Allysandra, gustohin ko man ay hindi maaari. Ang isang sumpa na binitiwan ay hindi na maaaring baliin. Dahil...kung binali ito, mayroon itong idudulot na hindi kanais-nais. At hindi ko gustong sa aking pamilya mabaling ang sumpang idudulot nito. Naiintindihan kong nais mong iligtas ang pamilya mo. Mahirap ipaliwanag. Pero...pero sa ngayon, ay wala akong magagawa. Patawarin mo ako"
She tapped my shoulder before walking past me. I heard Juan Carlos' deep breath. He sighed. Tuluyan ng lumabas si Alunsina sa throneroom.
It was over. Paulit-ulit iyong binubulong ng isip ko. Pero hindi ko magawang maniwala. Pinipilit ko ang sarili kong umasa na magbabago pa ang pasya ni Alunsina. Sana kahit papaano, maantig ang puso niya at tulungan kami.
I was about to hold his hand when Juan Carlos turned away from me. Without looking back, he slowly walked out of the throneroom and disappeared from our sight. I wanted to call him pero pinigilan ako ni Sarayan.
"Bigyan mo muna siya ng panahong mapag-isa" bulong niya sa akin.
I felt bad. I tried to talk to Alunsina. I thought I did enough but it still wasn't. And it didn't went well. Buysit! Wala talaga akong kwenta! And I'm hating this.
Nawala ako sa sariling pagmumuni-muni ng magsalita sa Liadlaw. Nandito pa pala siya. I must admit I forgot about his presence kasi hindi naman siya nagsasalita simula pa kanina.
"Ipagpaumanhin niyo ang naging desisyon ng aking asawa" he said and walked down towards us.
Sarayan managed a smile. "Naiintindihan po namin, Amang Liadlaw" he replied.
Siya ooh, ako hindi.
"Matagal na panahon na mula ng sumumpa si Alunsina sa harap ng Hukuman na hindi na siya muling lalaban sa kahit anong digmaan. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng kapayapaan ang Guindara na sa panahong iyon ay sadlak sa kaguluhan" Liadlaw said.
"Ang malaking digmaan ng mga diyos" Sarayan said which made the god of the sun nod in agreement.
"A-anong digmaan?" Tanong ko.
Sarayan turned to face me. "Isang napakatagal ng panahon na Allysandra na nalalang ang isang diyos na ang pangalan ay Kanlaon. Si Kanlaon ay may anim na anak. Tatlong lalaki at tatlong babae. Sila sina Kaptan, Magyan, Paglinugon, Maguayen, Alunsina at Sinukliang Malayon" pagkukwento niya sa akin.
I raised a brow. "Ibig mong sabihin magkapatid ang nanay at tatay mo?"
He gave me a grin. "Ooh pero bago pa ba 'yon sa pandinig?"
Hmmn. Sabagay, I think it's natural for gods to marry their siblings. I mean all the other gods I knew does the same thing so I shouldn't be surprised.
"Kaya 'yon" pagpapatuloy niya. "Noong una, nagkakasundo naman ang magkakapatid. Pero naglaon, nagsimula silang magkaroon ng sari-sarili nilang gusto. Ang iba ay naging masama at ang iba ay nanatiling mabuti. Ang nangyari, nagkahiwa-hiwalay ang magkakapatid. Tatlo ang pumanig sa kabutihan, si Kaptan, Alunsina at si Sinukliang Malayon. Tatlo rin ang pumanig sa kadiliman. Si Magyan, Paglinugon at Maguayen. Dahil sa pagkakaiba at hidwaan, nagkaroon ng digmaan na tumagal ng ilang daang taon. Pero sa huli ay nagkaayos din ang magkakapatid at nagkaroon ng pagitan ang mundo. Si Kaptan ang namuno sa ibabaw ng daigdig, si Magyan naman sa ilalim nito" he continued.
"Upang hindi na ulit magkaroon ng ganoon kalaking away sa pagitan nila, binuo ang Hukuman kung saan silang anim lang din ang miyembro. Nagkaroon ng mga kautusan at batas na sinunod ng lahat ng mga diyos. Sa araw ding iyon sumumpa si Alunsina na hindi na kailanman sasabak sa kahit anong giyera, lalo na kung ang kalaban niya ay ang sarili niyang mga kapatid. Makapangyarihan ang Hukuman, hinding-hindi mababali o masusupil ang kapangyarihang taglay nito na kahit ang mga bumuo nito ay hindi ito kayang sirain"
"Hindi ko naiintindihan" I said.
"Dahil Allysandra" Liadlaw said. "Ang Hukuman ay hindi ang mga diyos na bumuo nito. Ang Hukuman ay ang kapangyarihang binuo ng anim na makapangyarihang mga diyos ng Guindara. Ito ang batas at ang sino mang lalabag dito ay mapaparusahan ng isang parusang higit pa sa kamatayan"
Is there really something even worse then death? That's a question that left me pondering even as the session ended and I was walking back into my chambers. Sarayan told me that he will go check on Dalikamata. Liadlaw also left us after that short conversation dahil napagdesisyonan niyang hanapin si Kaptan.
Kaptan and I had a very weird meeting. I can't even picture out his face anymore. Now, he seems like a distant and vague memory. A thing of the past.
Nakarating ako sa pintuan ng kwarto ko kung saan nakatayo sa doorknob ang maliit na fairy na kulay green.
"Oh hi there!" I greeted her. This time, she didn't threatened to bite me. Lumipad-lipad lang siya sa may ulo ko tumuntong sa balikat ko. And again, she's speaking in her chipmunk language that I don't have any idea on what on earth she was talking about. Maybe kailangan ko ng kumuha ng translator para sa kanya.
Ng mabuksan ang pintuan, pumasok na ako at agad humiga sa kama. I didn't know what to think right now. Masiyado ng nagra-rumble sa utak ko ang iba't ibang bagay. Pinilit kong makatulog habang nasa side table iyonh fairy, kinakalikot ang mga bulaklak sa flower.
Nang hindi makatulog, nagdesisyon akong lumabas.
"Green pixie, halika. Hanapin natin si Juan Carlos"
Pinulot ko ang pixie na nalock sa isang jewelry box sa tapat ng vase. Pinatong ko sa balikat ko at lumabas kami ng kwarto. Hanep! Naka recruit na ako agad ng fairy sidekick. Galing. But there's no room for celebration. Malaki pa ang problimang kinakaharap namin. Sana lang mahanap ko agad si Juan Carlos. Hindi naman kaya 'yon nag attempt mag-suicide diba? I slapped my forehead! Why would I even think of that? Kung may tao man ditong madaling magbigti, ako 'yon at hindi si Carlos.
Nilibot-libot namin ang buong palasyo pero wala kaming natagpuang anino ni Juan Carlos. Pati ang fairy sidekick ko napapagod na sa kakalibot namin pero hindi naman siya umaangal. Oh baka kasi hindi ko lang napansin na umangal kasi in the first place hindi ko gets ang sinasabi niya.
I saw a young girl with chlorophyll-colored skin and hair. She was about 12 years old and she was very cute. May hawak siyang basket ng mga prutas. Lumapit ako sa kanya at tinanong kung nakita niya ba si Juan Carlos. Kumonot ang noo ng bata kaya ginawa ko ang lahat para i-describe si Carlos sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha niya at itinuro niya sa akin ang kinaroroonan ni Juan Carlos.
The direction led me to a path heading to the lake. May malaking puno roon na may mga kumikinang na mga dahon. Sa ilalim noon nakaupo ang isang lalaking mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam mo 'yong ganoong hitsura? 'Yong parang walang kinabukasan? Kung nai-imagine mo 'yon, ganoon ang hitsura ni Juan Carlos. Depressed pero gwapo pa rin. Ang unfair lang no?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kasama ang bago kong fairy frenny na lumipad papunta sa mataas na sanga ng puno kung saan may mga fairy ding naglalaro. Umupo ako sa tabi ni Juan Carlos na hindi nagsasalita at panay bato ng kahit anong napupulot na kamay niya papunta sa kumikinang na tubig ng lawa.
"Hey" I wobbled.
Hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatingin sa mga paa niya. He kept sighing. Hindi ko na lang kinulit. I just grabbed his hand and pressed it. Hinayaan niya naman ako.
"I'm sorry" he whispered.
"You don't have anything to be sorry for" I replied.
"Marami" he said, still not looking at me. "Marami Ally. Kasi kung may dapat mang sisihin na nangyari ang lahat ng 'to ako 'yon"
"Wala kang kasalanan. Hindi lang talaga natin kontrolado ang mga nangyari"
He turned to me. His eyes were like telling me how miserable he is feeling right now. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Wala pang malay si Dalikamata hanggang ngayon. Si Alunsina hindi tayo matutulongan. Wala na tayong pwedeng ibang asahan kundi ang mga sarili natin" he said and threw another stone that went bouncing thrice on the water.
"Everything will be fine. Trust me" I told him.
"Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sa iyo niyan?" He said, starting to smile.
I shrugged. "Well, naunahan na kita"
He smiled at me. A genuine yet somehow troubled smile. He removed a few strands of my hair off my face.
"Mahilig ka naman talagang unahan ako eh"
"Ha? Kailan ko naman ginawa 'yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta...maraming beses na" he looked away. Then after a minute or two, humarap siya ulit sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay. The reaction on his face gave me goosebumps.
"Basta Ally, kahit ano ang mangyari, magtagumpay man tayo o hindi, tandaan mo na hindi kita pababayaan. Gagawin ko ang lahat para iligtas ka. Para protektahan ka. Kahit..." he heave another deep breath. "kahit buhay ko ang kapalit"
Natigilan ako. Seryoso ba siya? Nakakatakot naman ng line na 'yan. Mag-usap na lang kami ng kahit ano 'wag lang 'yang patay patay na 'yan!
"Ang drama mo naman" bahagya kong tulak sa kanya. "'Wag na nga tayong mag-isip ng mga negative thoughts. Nakaka-attract yan ng bad energy. Dapat 'yong isipin natin mga happy thought para masaya lagi"
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na magagawang mag-isip ng masasaya. Hindi ko maiwasang matakot sa mga bagay na maaaring mangyari.