Nagpaalam si Sarayan ng mawala si Alunsina. Pupuntahan niya daw si Dalikamata upang matingnan ang kondisyon ng kapatid. Kaya ang nangyari, naiwan kami ni Juan Carloa sa loob ng throneroom.
How I wish Sarayan stayed and never left o di kaya'y sumama na lang rin sana kami. Hindi kasi ako mapakali sa hindi malamang dahilan. Ewan ko ba! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naalala ko na naman kasi. Ooh! I remembered what happened that night in the valley of flowers. In an instant, it flashed again in my head. I can still feel it. Na para bang nangyayari pa rin iyon. It felt so awkward. Hindi na kasi kami nag-usap pagkatapos noon dahil nagkagulo na. Ngayon lang kasi ulit 'yon pumasok sa isip ko dahil nitong nagdaan, masiyado kaming busy na manatiling buhay.
"Kumusta tulog natin?" He suddenly asked which made me flinch. "Akala namin hindi kana gigising"
Tumaas ang kilay ko. "Ano'ng pinagsasabi mo?"
"You were asleep for a day and a half"
Huh? Ganoon katagal? Talaga bang hinang-hina ako ng mga oras na 'yon at ganoon na lang katagal ang tulog ko? Eh kasi naman parang napasarap yata ang tulog ko. Hindi rin ako nanaginip ng hindi maganda kaya nakatulong din siguro 'yon sa akin. Hindi ko rin naman maikakaila na mas naging malakas ako after ng mahaba-haba kong tulog.
"You look great" he said. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa malayo. He was staring at the empty thrones. Hindi ako sumagot. It wasn't the compliment that bothered me. It was the fact that we are alone and we shared a kiss a midnight ago. Ilang minuto din akong nanahimik bago ako nagsalita
"Ikaw rin" bulalas ko.
Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay. "Ha? Ano'ng ako rin?"
I cleared my throat. "Ikaw rin. Ano... you look great too"
Ngumiti siya ng nakakaloko at bahagyang lumapit sa akin. "Talaga?"
The smile on his face and that teasing expression didn't made me feel better. Pakiramdam ang init ng paligid kahit ang lawak lawak naman ng silid at kaming dalawa lang ang nasa loob. Pero kahit hindi mapakali, pinilit kong salubongin ang mga titig niya. His face suddenly contorted into a frown kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay ka lang ba, Ally?" He asked. I don't if it was just me or he really sounded concerned. "Bakit ka pinagpapawisan?"
Bigla akong kinabahan. Agad akong napaatras sa kanya at dagliang hinawakan ang noo at paligid ng mukha ko. Kinakapa ko rin ang may bandang leeg ko. Hindi naman basa, ah? Napatigil ako ginagawa ng bigla siyang humagalpak ng tawa. Napakunot ang noo ko. Ano'ng tinatawa-tawa niya?
Napapahawak pa siya sa tiyan niya ng magsalita. "Nagbibiro lang naman ako eh!" His face was truimphant. Walanghiya. Hindi naman kasi ako na inform na uso pala sa kanya ang 'It's a Prank!'.
Biglang kumulo ang dugo ko. Dahil sa inis at ooh dahil sa hiya. Hinampas ko siya sa braso at tinalikuran. Walang pag-aatubili kong tinungo ang pinto. Maiwan siya diyan! Nakakainis siya!
"Uy, Ally saan ka na pupunta?"sigaw niya sa pangalan ko. But I didn't even bother to look back. Bahala siya diyan! Mabulok na siya! Binilisan ko ang lakad ko. I felt him getting closer to me. Argh! Nakakainis! Bakit ba kasi ang tangkad niya at ang haba ng mga paa niya kaya mabilis niya akong naabotan. Pambihira!
He managed to walk ahead of me and blocked my path. "Ang init ng dugo mo ngayon ah, ano bang nakain mo?" Natatawang tanong niya.
How I wished he didn't brought that up. Because the moment he said it, my stomach rumbled violently. Napatingin siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya. And as expected, tumawa na naman siya ng malakas.
"Kaya pala masungit!" Natataea niyang sabi.
Paano ba kasi, hindi pa ako kumakain. Masiyadong marami ng nangyari ng walang kalaman-laman ang tiyan ko. Ako na nga yata and perfect definition ng f*******: viral line na 'galit na gutom'
Thd thougt made me even more mad. At Carlos masarap ibuhos ang inis lo. Gusto ko siyang suntokin, sipain at pagtatadyakan. Gusto kong bugbogin ang gwapo niyang mukha at ng mapurohan. Grabeeee. Nanggigil talaga ako sa kanya ng bonggang-bongga. I swear, kung hindi lang ako ng nanghihinayang sa perperkto niyang pagmumukha baka binasag ko na 'yan! Kating-kati ng manuntok 'tong kamao ko. In the end, kinurot ko na lang siya sa tigiliran.
Napaigting siya at lumayo sa akin ng kaunti. Pero halatang natatawa pa rin. He was just trying to conceal that laughter by pushing his tongue in his cheek. Then he pinched my cheek. "Halika. Mukhang kailangan mo nga talagang kumain" he pulled my hand and we went out of the door.
Ng makalabas, dumirestso kami sa may balkonahe. Sa hindi ko malamang dahilan, umakyat si Juan Carlos sa railing.
"Ano'ng ginagawa mo diyan? Bumaba ka riyan at baka mahulog ka!" Sigaw ko.
Nagkibit-balikat lang si Juan Carlos. Ooh nga pala may pakpak naman pala siya.
"Halika na" abot na sa akin ng kamay niya. I stepped slowly towards him. Then just as the moment that I touched the tip of his palm, an evil idea popped inside my head. I smirked. Hindi niya pa nahahawakan ang kamay ko when I made it slip. Then on purpose, I pushed him down the railing and into the hard ground of the palace garden.
Agad ko siyang sinilip sa pagkakahulog. The surprise on his face was clearly visible kaya nag wave pa ako sa kanya. The rolled over as he fell, (if it's even possible to roll over while falling), then from his back emerged his wings, both tucked. When he was a few meters from the ground he spread them widely and glided sideways. He flapped them mightily, gaining a good lift from the thermals and flying back to the balcony where I was waiting.
"Talaga kailangan na ng pagkain 'yang tiyan mo. Pati utak mo naapektohan na eh" reklamo niya at pinag-krus ang mga kamay sa dibdib niya. Ngumiti ako ng nakakaloko at nag-peace sig sa kanya. He rollled his eyes pero dahan-dahan din napangiti. He approached the railing and stepped on them. "Tara na. Gusto mo bang manatili dito o gusto mong kumain?"
I hated it bacause I prefered the second option. Inabot niya ulit sa akin ang palad niya. I was even hesitant to accept it first pero nagsalita siya.
"H'wag kang mag-alala, hindi ako nanunulak ng tao mula sa balkonahe" he said.
I smiled victoriously then grabbed his hand. Agad niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko and he jumped off the balcony.
Napasigaw ako. We were free-falling so fast, aimied straight for the hard ground without nothing to break our speedy descent. Napapikit ako. Then I heard wings flapping. Ng imulat ko ang mga mata ko we were already gliding smoothly and landed softly on the cement. Nakahinga ako ng malalim at parang nabunotan ng tinik. It was nerve-wracking kaya hinampas ko siya sa braso.
He just shrugged and gave me a wink. Then he grabbed my arm.
"Dito" he said, pulling me with him into a direction I didn't know.
***
Talaga nga'ng sobra na ang gutom ko. Sa dinami-dami ng pagkain na nakahain sa mahabang mesa na iyon parang hindi ko na napigilan ang mission: ultimate lamon ko. Grabe, parang hindi ako mabusog-busog. Kanina pa ako rito.
All the dishes served were all unfamiliar to me. But they all tasted beyond delicious. I saw some fish dish, meat and chicken whatever those things are called. The aroma of everything was just ugh!
A glass of water was pushed in front of my plate. Carlos was again giving me that pestering grin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"
Umiling siya, halatang pinipigilan ang pagtawa. "Wala. Hindi naman yata ito ang huling meal mo diba?"
Hindi ko siya sinagot. Mukha ba akong nakapila para sa silya electrica? Grabe naman siya! Inismiran ko lang siya at hindi pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagkain. Ng makaramdam ng uhaw, saka lang ako uminom. And my stomach made my day miserable kasi sumakit ito dahil naparami yata ako ng kain.
"Aray!"
Napatingin sa akin si Juan Carlos. "Bakit?"
"Sumasakit ang tiyan ko" sabi ko habang hawak ang sarili. Namimilipit na ako sa sakit.
"Ayan! Sige pa kain ka lang" sabi ni Juan Carlos at senermonan ako. "Hinay hinay lang kasi. Nalipasan ka ng gutom at hindi maganda sa tiyan kapag binigla mo ito sa pagkain ng marami"
Gan'on ba 'yon? Ngayon lang ako na orient. Napaaray ulit ako dahil sa sakit. Parang may kung ano sa loob niyon at pinagsasaksak ang laman-loob ko. Napaiyak na ako.
"Diyan ka lang" Juan Carlos said and stood up.
"Uy, sa'n ka pupunta? H'wag mo akong iwan dito!" Sigaw ko habang namimilipit.
"Babalik ako agad"
Bago ko pa siya mapigilan nakalabas na siya sa loob ng hapag-kainan. Tuluyan na akong naiyak sa sakit. Huhu bakit ganito? Kumain lang naman ako tapos sasakit ng ganito ang tiyan ko. Waaaaahh! I should've stuck on my diet.
Ilang minuto na akong nanatiling nakaupo doon sa harapan ng mga pagkain at mangiyak-ngiyak na sa sakit. Nasaan na ba si Juan Carlos? Bakiy hanggang ngayon, hindi pa rin siya bumabalik. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sakit. Ang ilang mga pixie na nasa paligid ng hapag ay lumilipad sa palibot ng ulo ko. Mukhang nag-aalala na rin sila dahil parang kaunti na lang aatungal na ako dito na parang baka. Carlos, nasaan kana bang walanghiya ka? Ba't ang tagal-tagal mo?
Bumukas muli ang pintuan at pumasok siya. Sa wakas. Para na akong naghihingalo rito.
"Ba't ang tagal mo!" I yelled.
"Kalma. Naghanap pa ako nito. Mabuti na lang at nakakita ako agad. Heto, kainin mo" abot niya sa akin ng isang prutas na hindi ko na naman kilala.
"Ano 'yan? Papakainin mo ako niyan eh sumasakit na nga tiyan ko sa sobrang kain eh"
"Ayaw mo? E'di 'wag" kalmado niyang sabi at inilagay sa harapan ko ang prutas.
"Gusto!" Singhal ko.
Ngumiti siya. "Gusto naman pala eh. Sige na. Kainin mo na para mawala ng ang sakit ng tiyan mo"
Kinuha ko ang prutas ng parang mansanas ang hugis pero hindi naman ganoon ka tigas. Orange ang kulay nito. I took a bite and chewed. Hmmmn, not bad. It's sweet and kind of sour at the same time. Malambot lang din ito at mabango pa.
"'Yan ang bunga ng Arabas, dito lang 'yan natatagpuan sa Guinaksilon. Nakakagamot 'yan ng mga sakit sa tiyan, pangangalam ng sikmura at marami pang iba. Maswerte ka at may tumutubo riyan sa labas ng palasyo" he said, staring at me while trying so hard to compose himself. He still looks like he'll break into laughter any minute. Ganyan naman kasi siya palagi. Pinagtatawanan niya ang mga epic fail ko. Hmmp!
Pero infairness, dahan-dahang gumanda ang pakiramdam ko at nawala ang sakit ng tiyan ko. Hays, nakahinga rin ako ng malalim. Pinagpawisan ako doon.
"Halika na, sasamahan na kita sa kwarto mo" alok niya at tumayo na.
Sumunod na lang ako sa kanya. I refrained myself from talking dahil masiyado na akong napapahiya sa kanya. Ng mapansing nasa likod niya lang ako lagi, tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"May problima ba? Ang tahimik mo yata" he said.
I shook my head. "Wala. Pagod lang siguro ako"
"Pagod? Isa't kalahating araw ka ng tulog, pagod ka pa rin?"
"Bakit ba? Eh sa pagod ako eh!"
"I like it better when you're like that" he said and pointed at my face.
"What do you mean?"
"'Yan! Iyan mismo" turo niya ulit sa mukha ko.
Kinapa ko ang mukha. Ano'ng sinasabi niya. May problima ba siya sa mukha ko? Aba, below the belt na yata 'yan!
"You look cute when you're eyebrows meet. Like that" he said. Then he grinned.
Nawala ang contortion sa mukha ko at tumitig na lang sa kanya. He was smiling, nag-eenjoy sa pagkukrus ng mga kilay ko. Nakakatawa kaya ako pag ganoon? Kasi natatawa siya eh. Minsan kasi, double meaning 'yong salita 'cute'. Minsan totoo, minsan isang malaking scam! Kaya mag-ingat kayo sa mga echosero at echosera. Naglipana sila sa mundo. Hikhok.
"Prinsipe Aglawin, nais kayong makausap ni Inang Alunsina ngayon na mismo" untag sa amin ng isang bata na sa tantiya ko ay nasa edad 15 o 14. Kayumanggi ang balat niya at bilogan ang mga mata. Nakasuot siya ng pula at dilaw ng toga.
"Sige pupunta na kami ngayon din." Juan Carlos replied then turned to me. "Tara na. At ipagdasal mong sana ay mahikayat natin si Alunsina"
***
Mabilis kaming naglakad pabalik sa throneroom. Kung bakit kami naglakad at hindi lumipad? Ewan ko! Tanongin niyo si Juan Carlos. May hidden topak din hindi pa nga lang nadi-discover.
Nang makapasok kami sa loob, naroon na si Sarayan. Si Alunsina ay nakaupo sa kanyang trono. Sa kanyang kanan, nakaupo ang isang lalaking ngayon ko lang nakita. Malaki siya at magandang lalaki. He had a long straight hair and brown complexion. His eyes were fiery gold. He wore a clothing like that of Juan Carlos, only in gold and yellow. And above all, he radiates light. And I mean literally, ramdom light shoots gradually out of his body like tiny fireworks. From his get-up, I assumed he is Liadlaw, the god the sun.
Naglakad kami hanggang sa harapan nila. Bahagyang nag bow si Juan Carlos kaya nakigaya na lang rin ako.
"Ipagpaumanhin ninyo kung kailangan ninyong maghintay" Juan Carlos said in respect.
Alunsina smiled at him and me. "Hindi tayo nagkaroon ng maayos na pag-uusap kanina dahil sa biglaan pagdating ng aking asawa. Ngayon, nais ko sanang malaman kung paano kayo nakarating sa Guinaksilon at ano ang nangyari sa inyo at kayo ay pinaghahabol ng mga LiGwardiya?"
That question had a very long explanation for an answer. Pero minabuti ni Juan Carlos na i-narrate amg nga nangyari. Kung paano kami nasangkot sa gulong ito, ang sumpa ni Maguayen sa pamilya ko at pagsunog no Lalahon sa resort nila Tita Marga ang mga labanang namagitan laban kay Sariwali at sa mga LiGwardiya at kung paano kami natagpuan at tinulongan ni Ribong Linti na siyang tumulong sa amin sa bingit ng kamatayan.
Both Alunsina ang Liadlaw stared at Juan Carlos, nakikinig sa kwento niya. Habang nagsasalita siya, pasimple akong tumabi kay Sarayan.
"Kamusta si Dalikamata?" Mahinang tanong ko. Nag-aalala pa rin kasi ako doon sa diyosa dahil siya ang pinakanapurohan sa aming apat.
Sarayan's expression dropped. He heaved a deep breath. "Hindi pa siya nagigising. Ginamot na naman ng mga pinakamagagaling na manggagamot ng Guinaksilon pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay"
I swallowed hard. Dalikamata had always been kind to me. It would break my heart to see her unconcious. Tumahimik na lang ako at ipinagdasal siya. It's weird to ask God to heal a god. But I know no one else who could do better.
"Kaya kami naparito Alunsina dahil kailangan namin ang tulong mo. Alam ng lahat kung gaano kamakapangyarihan si Ina. At kung may makakapantay man sa lakas niya, ikaw iyon. Umaasa akong kahit tayo ay hindi naging malapit, kahit papaano ay baka matulongan mo kami" Juan Carlos said. There was so much hope in his eyes. Sarayan and I were both silent but we are also hoping for the goddess' yes.
"Humihingi ako ng paumanhin na kailangan namin kayong idamay sa gulong wala naman kayong kinalaman, ngunit sa pagkakataong ito ay wala na kaming ibang mapupuntahan" he continued.
The goddess stared at him with care and concern. She looked moved and sad. Tumingin siya sa asawang si Liadlaw na animo'y hinihintay ang pagsang-ayon nito. Then she turned back to Juan Carlos. Her expression even more sadder.
"H'wag kang humingi ng pasensiya, Aglawin" she said. Somehow, there was hesitation in her voice. She stared at Liadlaw with pleading eyes, like she was asking for help. "Ang totoo niyan ako dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo at sa mga kapatid mo"
"A-ano ang ibig mong sabihin Inang Alunsina?" Juan Carlos asked, sensing what's about to come.
"Patawarin mo ako, pero hindi kita matutulongan"