I was too astonished to utter a single word. Habang yakap si Dalikamata, napatitig na lamang ako sa nanggagalaiting kalangitan. Panay kulog at kidlat nito. At ang bawat tinatamaang LiGwardiya ay nagiging abo o kaya ay nasusunog haggang sa maglaho.
Ang mga higanteng Haranta ay hindi rin nakaligtas sa bagsik ng kidlat. Tinamaan ang mga ito na napasigaw ng malakas dahil sa sakit. Ilang sigundo at naging abo ang mga ito.
Juan Carlos and his brother remained standing there watching as the skies killed the our enemies for us. Until Juan Carlos dropped on one knee kaya inalalayan siya ni Sarayan. Mukhang magpa-pass out na siya ilang sandali na lang.
"Ano'ng nangyayari?" Sigaw ko dahil masiyadong malakas ang mga kulog kaya maaaring hindi kami magkarinigan.
Sarayan faced me, helding his brother's arm.
"Hindi ko natitiyak Allysandra pero mukhang may tumutulong sa atin" sagot niya sa akin bago tinuon ang pansin sa nanhihinang kapatid. "Okay ka lang ba?"
Tumango lang si Carlos pero halata namang pinipilit niya na lang na panatilihing malakas ang sarili.
We heard yelling from a distance. Hindi nagtagal, palapit ng palapit ang mga ito. And from behind us, emerged an army unlike any other.
Ang nangunguna sa kanila na sa tingin ko ay siyang lider ay isang matipunong lalaki. Itim ang buhok na naka army cut, matalim ang tingin ng mga mata na animo'y may kuryente at may maangas na reaksiyon sa mukha. Nakasakay siya sa isang itim na kabayo. At sa likod niya nakasunod ang mga tauhang hindi ko na mabilang dahil sa dami. Pawang nakasakay sa kabayo ang mga ito at nakataas ang mga nagliliyab na espada. Literal na nagliliyab dahil sa umaapoy ang mga ito.
The leader raised one arm in the air and aimed it at the sky. Then the sky rumbled and thundered. Lighting flashed from all directions and blasted the LiGwardiya's. But miraculously, walang tumama sa amin.
"Sino sila?" Sigaw ko ulit.
Juan Carlos turned to me looking like a drained sponge. "Siya si Ribong Linti. Ang anak ni Alunsina"
I gazed at the man mounted on that black stallion. So kakampi pala namin siya. Lihim akong nagpasalamat sa Diyos. Iyong totoong Diyos na kahit papaano ay may dumating na tulong.
Ribong Linti rode along a line of LiGwardiya's attempting to strike at him, but his blade was fast enough to severe off their heads in one straight move.
Nagsitakbohan ang mga LiGwardiya sa iba't ibang direksiyon. Pero pinagsasaksak at pinagtataga na sila ng mga tauhan ni Ribong Linti na mas mabilis at mas mabagsik sa kanila. In a split second, the tide of the battle turned.
Ribong Linti slayed a huge Haratna that fell down before his horse. Saka niya na kami napansin. Agad siyang lumapit sa aming direksiyon. He looked stern and authoritative, yet also wise and reasonable. Ewan ko kung paano ko nasabi ang mga bagay na 'yon dahil ngayon ko lang naman siya nakita.
"Ribong Linti, diyos ng kidlat" Aglawin said, acknowledging the presence of the god who saved us.
Bumaba si Ribong Linti sa kabayo niya at yumuko sa harapan ng magkapatid.
"Aglawin, diyos ng hangin at Sarayan diyos ng tubig, aking mga prinsipe"
The last word made my ears shot. Tinawag niya bang prinsipe ang dalawa? Ngayon ko lang na realize 'yon. Ang diyosang si Maguayen ay ang Reyna ng mga Diyos. Kung kaya't sina Juan Carlos, Sarayan at Dalikamata ay mga prinsesa at prinsipe. I found that weird. I was never a fan of fairy tales but it turns out that I am actualy inside one.
"Ikinagagalak ko ang makita ko kayong muli. Ngunit ikinalulungkot ko na sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkita-kita" Ribong Linti said.
"Kami rin ay nagagalak kang makita. Lalo na at sa pagkakataong ito ay kailangan namin ang tulong mo. Kailangan naming makapunta sa Guinaksilon sa lalong madaling panahon" Sabi ni Juan Carlos.
I felt Dalikamata slowly pinching my wrist. Hindi naman ako nasaktan dahil sobrang hina na noon at ikinakatakot ko na ang paghina ng t***k ng puso niya.
"Kailangan na nating umalis! Hindi na itatagal ni Dalikamata ang lugar na ito" I told them.
"Maaari mo ba kaming maihatid sa Guinaksilon?" Tanong ni Sarayan kay Ribong Linti.
"Isang karangalan para sa akin ang matulongan kayo" sagot nito at sumipol. "Ynariss, bigyan mo sila ng kabayo at samahan papunta sa Guinaksilon" utos nito sa isang matangkad at payat na lalaki na nakadamit pang gyera na animo'y Roman Legionnaire.
"Hindi ka sasama sa amin?" Juan Carlos asked.
"Hindi ko maaaring iwan ang aking hukbo. Ang Guinaksilon ay hindi na kalayoan sa bandang silangan. Matutulongan ng aking ina ang inyong kapatid. Susunod ako sa inyo kailangan ko lamang masiguro na hindi kayo masusundan ng mga LiGwardiya" paliwanag ni Ribong Linti.
"Maraming salamat Ribong Linti. Tatanawin namin itong isang malaking utang na loob"
Tumango lang si Ribong Linti at sumakay na ulit sa kabayo niya. Dumating ang alagad niyang si Ynariss na may dalang dalawang kabayo kung saan agad naming isinakay si Dalikamata kasama ni Sarayan.
Agad kaming umalis sa lugar na iyon habang kasalukuyan pa ring naglalaban. Tinulungan naman kami ng ilang mga kasamahan ni Ynariss na sumama sa amin papuntang Guinaksilon. May ilang LiGwardiya pang humabol sa amin pero madali silang napigilang ng mga sundalong kasama ni Ynariss.
Tinahak namin ang daan patungo sa silangan. Kailangan naming magmadali bago pa maging huli ang lahat dahil halos hindi na gumagalaw si Dalikamata sa kamay ni Sarayan.
Nakasakay ako sa kabayo na hawak ni Juan Carlos habang nakasunod sa amin ang ilang mga guwardiyang ipinadala ni Ribong Linti. It was my first time riding a horse at kahit parang nahuhulog ako, I still managed on the occasional hopping thingy.
Malayo-layo rin ang aming nilakbay. Pero paganda naman ng paganda ang lugar na aming nararating. Parami ng parami ang mga bulaklak kaya nabalotan ang lugar ng halimuyak ng mga ito. Pero masiyado akong tensiyonado kaya hindi ko na appreciate ang ganda ng paligid. Then we passed through a tunnel of weeping willows. The moment Ynariss removed the last branch of the willow stood the most beautiful palace that ever existed. Okay, I have to admit that palaces like this only appear mostly on Disney movies. I have never thought that I would see one in real life. It was breath-taking.
"Nandito na tayo Allysandra. Sa Guinaksilon, ang tahanan ni Alunsina" Juan Carlos whispered.
It was more than just beautiful. It was beyond beautiful. It was erected down the valley below us, right beside a bank of a crystal lake. It was a castle entirely made of glass. Nagniningning ito at nakakasilaw sa mata dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
Mabilis kaming nakarating dito at pinagbuksan kami ng gate ng mga maliliit na nilalang na may mga pakpak. Oh, they're fairies. So fairies are also real? They are so cute and adorable with their little wings and pointy hats. Just cross out their harsh pointy teeth that could surely bit your skin off.
Pagkapasok namin, agad sumalubong sa amin ang isang matangkad at napakagandang babae na ginto ang kasuotan. Itim na medyo kulot ang mahaba niyang buhok na nakalugay. Puno ng dilaw na diyamante at ginto ang headdress at mga palamuti niya sa katawan. Basi sa hitsura siya, alam kong siya si Alunsina. Puno ng pag-aalala niya kaming nilapitan.
"Sa ngalan ni Bathala, ano ang nangyari sa inyo?" Tanong niya ng makita ang walang malay na si Dalikamata sa kamay ni Sarayan. Agad siyang tumawag ng mga katulong upang tulongan kami.
***
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na mga pangyayari. Parang naging blur na lang ito sa akin. Nagising na lang akong nakahiga sa isang malaki at malambot na kama. Nasa isang hindi pamilyar na silid ako na kulay dilaw ang halos lahat ng mga kasangkapan. Mula sa kurtina, bedsheet, unan, mga palamuti, lamesa at mga upuan. Malaki ito kumpara sa normal na kwarto at napakagara ng pagkakaayos ng loob ng silid. Pero ano ang nangyari? Paano ako napunta rito? Ang mga kasama ko? Nasaan sila?
I slowly got up and noticed my dress. Iba na ang damit na suot ko. I wasn't wearing the my shirt and jeans. I was wearing a sheer linen dress and in the colors of sky blue and royal blue. Paano ko 'to naisuot? Nasaam ang mga damit ko? Sino ang nagsuot sa akin nito? Oh my god! Hinubaran kaya nila ako? Did they? Did see the world beyond the universe?
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari matapos kaming makarating sa Guinaksilon. Kinuha nila si Dalikamata at isinugod sa isang lugar kong saan siya maaaring gamotin. Pero pagkatapos noon ay wala na rin akong naalala. Siguro hindi na rin kinaya ng katawan ko ang pagod at ang maraming injury kaya nawalan na rin ako ng malay.
Tumayo ako. Surprisingly, my body felt extra light. I feel energized and strong. Ano kayang ginawa nila sa akin? May pinainom kaya silang kagaya ng katas ng Gurnavilla?
I stepped slowly towards the door and opened the knob then peeped outside like an i***t. Pero napunta ako sa isang hindi pamilyar na hallway. Kung paano man ako napunta sa kwartong ito, hindi ko na alam kaya hindi ko rin alam kung paano makakaalis dito.
Nasaan na kaya si Juan Carlos at Sarayan? Si Dalikamata? Ligtas kaya siya? Ano na ang nangyari sa kanila?
I heard small high-pitched voices coming from the corridors. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakita. Mahina akong naglakad para hanapin ang tinig.
"Arayyy!"
I leaped and kicked my left leg, tossing away a small green fairy that bounced on the floor. She just bit my foot kaya napatalon ako sa bigla. Dahan-dahan siyang tumayo at pinamewangan ako. Mukha siyang cute na galit. She could be a perfect replacement for the angry emoji. She was about 7 inches tall and reminds me so much of Tinker Bell or Thumbelina.
"Sorry" I muttered ng ma-realize na muntik ko na pala siyang maapakan. Kaya pala galit na galit siya sa akin. Nag peace sign ako sa kanya. "Sorry ha? Ikaw kasi eh. Bakit kaba kasi nangangagat?" I asked in a soft voice.
She rolled her eyes at me and replied in a series of wink plink brink flink flink wink zzing breenk. At dahil doon, wala akong naintindihan.
Napakamot na lang ako sa ulo at nag-sorry ulit. Sumigaw siya akin which I actually find cute dahil para siyang babaeng chipmunk kung magsalita.
"Sorry na.." I grinned. I wanted to tickle her pero baka kagatin niya ako ulit kaya ipinagpaliban ko na muna. "Uhm, I don't know how to make it up to you. But can you help me find my friends?"
Tumaas sa akin ang isa niyang kilay na kulay green. I really wanted to pinch her but I reposed myself. Saka ko naalala na in-english ko pala siya. Hays. Nag-assume lang ako na gaya nila Juan Carlos maiintindihan din niya ako. Pero based on her negative reaction, pareho kaming loading sa isa't isa.
"Sabi ko, maaari mo ba akong samahan na makalabas dito at mahanap ang mga kasama ko?" I described Juan Carlos and the others to the fairy. Hindi rin ako sure kung na-gets niya ba 'yon. Tiningnan niya lang ako. Sometimes, she tilts her head a little to the side and raises her eyebrows occasionally. Ng matapos akong magsalita, tumango siya kaya inisip ko na naintindihan niya siguro 'yon.
She flew right around the front of my face and gestured me to follow her. Tapos lumipad siya patungo sa kaliwang side ng hallway. I had to keep up with her. Kahit napakaliit niyang nilalang, mabilis siyang lumipad. Paminsan-minsan niya akong nililingon dahil medyo nahuhuli ako. Lumiko siya sa isang panibagong hallway na mas malawak at mas mahaba kaysa sa dinaanan namin kanina.
Sa wakas narating namin ang isang malawak na corridor, sa kanang side noon ay isang balkonahe kung saan kita ang view ng lake. Nag dere-deretso lang kami hanggang sa nalampasan namin ang balkonahe.
Tumigil sa isang malaking double door ang pixie at lumingon sa akin. Nagsasalita na naman siya ng chipmunk language at itinuro ang dalawang kulay gintong door knob. I gave her a small nod and opened the door.
A soft bang came from the inside. Mahina kong itinulak ang dalawang higanteng pintuan at dahan-dahan itong bumukas sa harapan ko.
Napanganga ako sa lawak ng silid. I have been in many extravagant rooms during parties and other events pero ang silid na ito? Walang katulad. The huge support beams are made of red granite and marble covered with glistening gold. The floor was tiled white. The curtains and decorations are unlike any other. They sparkle, they shimmer and they glow in different colors. Ang loob ng throneroom ay puno ng iba't ibang klaseng bulaklak na hindi ko alam kong ano ang tawag. Hindi yata nag-eexist ang mga ganitong klase sa Earth.
At the farthest edge of the throneroom stood two huge golden thrones. Walang nakaupo sa kaliwang trono pero sa kanan doon nakaupo sa Alunsina. Sa harapan niya nakatayo ang kambal na sina Juan Carlos at Sarayan na nakatalikod sa akin. Mukhang may pinag-uusapan silang importante at natigil ito ng dumating ako. Talong pares ng mata ang sumalubong sa akin kaya napangiti ako ng parang ewan at nag-gesture sa kanila sa dito lang ako sa tabi. Nakaramdam ako ng hiya kasi parang naistorbo ko yata sila.
Tatabi na sana ako ng tawagin ako ni Alunsina.
"Allysandra..." Her voice sounds like that of a stern yet loving mother. Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Lumapit ka. Hinihintay ka talaga namin" she continued.
My eyes widened. I unconciously pointed at myself para siguradohing ako ba talaga ang tinutukoy niya. "A-ko ho?"
"Ikaw lang naman ang Allysandrang nasa loob ng silid na ito diba?" Her voice seemed more like an order and not sarcasm. Dahan-dahan akong naglakad sa harapan ng diyosa. She radiates so much power and greatness. Pero hindi siya nakakatakot. Her presence felt welcoming and comforting. Mahirap paniwalaan na kapatid siya ni Maguayen. She looked too different from that heartless goddess.
As I stepped closer, I saw the smile slowly curving on Juan Carlos's lips. He looked different today. Malinis na ang anyo niya. Wala na ang sugat at pasa niya sa katawan. He is also wearing new clothes. He looked more like a greek god to me. Except that he isn't greek.
I bowed at Alunsina.
"Maligayang pagdating sa Guinaksilon" she said. "Binabati kita sa pagtatagumpay na makarating sa lugar na ito. Lubha kitang hinahangaan Allysandra. Nabanggit sa akin nina Aglawin ang mga pinagdaanan ninyo papunta rito kaya. Isa kang malakas na babae kumpara sa isang tipikal na mortal. At nagagalak akong makilala ka" she said.
I ran out of words to say. Napatango-tango na lang ako sa kanya habang napapangiti. She looked really kind to me. "Maraming salamat po" I bowed again.
"Inang Alunsina, narito na po si Amang Liadlaw" balita ng isang lalaking matangkad at matipuno. Ang ayos niya ay gaya ng ayos ng mga kawal ni Ribong Linti.
Lumiwanag ang mukha ni Alunsina at tumayo mula sa inuupuang trono. She turned to Juan Carlos who's standing on my right.
"Aglawin" tawag niya kay Carlos. "Pag-uusapan natin ulit ang hinihiling ninyo sa pagsapit ng gabi. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo. Mauuna na ako" paalam niya sa amin.
She smiled at me before following the armored man outside the throneroom.
Naramdaman ko ang paglapit ng kambal sa likuran ko.
"Sino ang dumating?" Tanong ko habang nakatitig pa rin sa pintuan. "Mukhang nagmamadali yata si Alunsina"
"Si Liadlaw" sagot ni Juan Carlos. "Siya ang Diyos ng Araw, ang asawa ni Alunsina.