Morning came and everybody is preparing. Ngayong araw kasi ang libing ni lola. Maaga akong nagising at naligo. Then I opened my closet to get something to wear. Wala akong masyadong dalang damit. Uuwi din naman kami bukas sa Maynila kaya hassle lang ang magdala ng marami.
I decided to wear a simple white flowy dress and dark brown boots. I blowdried my hair and put on some nude lipstick. Yun lang. Bakit naman ako magdadamit ng bonga sa libing? Hindi naman yun fashion show dun.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Brent na kakalabas lang din ng kwarto niya. He is wearing white shirt and black pants. Ngumiti siya sakin and he gestured me na mauna na sa hagdan.
Pagkababa ko nakabihis na sila mommy. Nakaready na daw lahat at anytime aalis na kami.
Nakatoon lang ang atensyon ko sa kabaong ni lola habang dahan dahan itong ibinababa sa hukay. Tahimik lang lahat habang hinuhulog doon ang mga puting rosas. Wala na masyadong umiiyak ngayon. Naluluha pa rin si Tita Marga at si Mommy pero hindi na ganun kalala. Ilang araw narin silang nag iiyakan kaya halos wala ng luhang pumapatak sa mga mata nila. Tahimik lang din si Brent na nasa likuran ng mommy niya. Malungkot ang mukha pero hindi naman siya mukhang iiyak.
I dropped the white rose on the coffin. Napapaisip ako na kahit masakit ang pagkawala ni Lola, alam naman naming umalis siya ng payapa. She will never feel any pain, any sorrow or any loneliness anymore. Kung nasaan man siya. Alam kong masaya na siya sa piling ni Lord. Ayaw niyang nakikitang malungkot ang pamilya niya kaya she wouldn't want us to mourn. Dahan-dahan ng natatabunan ng lupa ang kabaong. At ang lahat kay Mercedes Guevarra ay magiging isang alaala nalang. Alaala ng isang inang mapagmahal, mapag-aruga at isang napakabait na lola. Napangiti ako. I know somehow, she would be somewhere up there, watching over me.
Dahan dahan ng nagsialisan ang mga tao, hanggang sa kaming apat nalang ang natira. We glanced at lola Mercedes for the final time bago kami umalis. Sumakay kami ulit sa van na maghahatid sa'min sa resort nila Tita. She suggested na magpahangin na daw muna kami dun para ma relax ang mga sarili namin. Ilang araw na rin silang walang tulog ni mommy dahil sa pag aasikaso sa mga naglalamay kaya kailangan talaga nila ng pahinga.
Nakarating kami sa beach resort. Wala naman siyang ipinagbago. Maganda at maaliwalas parin. May iilang nadagdag na buildings lang at may ilang renovations kaya mas lalong gumanda. Kaya naman sikat 'tong resort nila eh. Pansamantala nga lang itong close kasi nga gusto ni Tita na kami lang muna ang naririto. Para na rin tahimik yung lugar at makapag relax talaga kami. Pumunta kami sa isang open cottage. Presko ang hangin doon kaya mawawala talaga ang stress mo. Kita lang ang dagat kahit medyo malayo ng kunti sa buhangin ang kinatitirikan nun. Tumingin ako sa dagat. May kung anong nandoon na parang tinatawag ako. Ay, shuta! Parang Moana lang?
Nagpaalam ako kay mommy na maglalakad lakad lang ako sa may dagat. Pagod siya at puyat kaya pinayagan niya ako. Gustong gusto niya na atang matulog sa hotel ng resort kaya hindi ako pinagbawalan. Si Tita naman ay may kausap dun sa laptop niya at busy naman si Brent sa ML.
Pumanhik ako pababa ng cottage at naglakad papunta sa dagat. Ang ganda talaga dito. White sand beach surrounded by tall, towering green tress and colorful flowers added a festive air to the already relaxing environment. Paulit ulit akong huminga ng malalim. Medyo okay na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi nq kasing bigat nung mga nakaraang araw na parang pinipiga ang dibdib ko.
Hindi ko na namalayan na napalayo na pala ako sa resort. Nakita ko na lang ang sarili ko sa lugar kung saan ko nakita si Juan Carlos kahapon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng excitement. Nandito kaya siya? Tumingin ako sa paligid but there was no sign of him. Mag isa lang ako sa lugar na yun at tanging mga puno lang ng niyog ang naka palibot sakin. Not far from where I was standing, to my left is where the beach ends. Bato na kasi ang naroon na animoy itim na semento na nagsisilbing pampang sa dagat. May puno sa taas niyon na may maliliit na pink na bulaklak. Sa likod nun ay may mas malaki pang bato na parte na siguro ng animo'y batong bundok kaya hindi na kita ang part ng dagat sa likod nun. It was covered in vines and small tress that managed to grow up even with the small quantity of soil present on the cracks of the rock.
I stared at the smaller boulder with the flowering tree. Malinis siya kahit may iilang damo at mga patay na dahon pero dahil bato nga, wala masyadong tumutubong halaman. Mukhang maganda dun. Mabilis akong naglakad papunta dun. I grabbed several vines to help me ascend. Dahil naka boots ako, hindi ako nahirapan. Mabilis akong nakarating sa tuktok nun. Bumilib ako sa sarili ko dahil sa simpleng achievement kong makaakyat dito. Ngumiti ako at agad akong humarap sa dagat.
Wow! Yun lang ang nasabi ko sa isipan ko. Ang ganda! Kitang kita ko ang malawak na dagat na animo'y salamin ng kulay asul na langit. I breathed the salty fresh air of the sea. Mabango ang mga bulaklak ng puno kaya mas naging masarap ang simoy ng hangin. It was the most relaxing feeling ever! Until...
Tumalikod ako sa dagat para maghanap ng mauupuan ng makita ko ang isang malaking ahas na nakapulupot sa malaking ugat ng puno. I froze. My body refused to move upon the sight. Nakakakita lang ako ng ahas sa zoo o sa TV kaya sobra nalang ang takot ko. Kasinglaki nito ang braso ko. It was coiled silently on that huge root. I tried to calm myself and tried not to panic. Pigil ang hininga kong hinakbang ang mga paa ko. I need to find a way to get off this boulder without getting bitten. Sa lahat ng na imagine kong magiging katapusan ko, hindi 'to kasali.
I took a step in the lightest way I could. But dried, fallen branches and leaves covered the ground and I find it hard to take another step without causing a huge c***k. Nakaka dalawang hakbang na ako ng gumalaw yung ahas sa direksyon ko. Oh no! Lord, help me please. Gusto ko ng maiyak. The snake slowly crawled towards me, it's body slithering and writhing. It hissed softly as it's tounge moved dangerously out of it's mouth.
Napaatras ako. I have no way out. Napaatras nalang ako sa pampang. s**t! I took a quick glance behind me. Mataas yung pampang at malalim yung tubig sa ibaba. Marunong naman akong lumangoy pero hindi ko pa na try sa dagat. Sa pool lang ako confident. I was inches away from falling down yet the snake continued to crawl towards me. My heart pounded heavily. Nanginginig na rin ang tuhod ko. At this point, alam kong putlang-putla na ako. Palapit parin siya sakin kaya napaatras ako, isang pagkakamaling muntik ko ng pagsisihan. The ground cracked below me, causing me to lose my balance.
"Ahhhhhhh!" I screamed and closed my eyes, preparing myself for the impact of the sea.
Only then that I felt someone grab me by the waist and gripped my arm, pulling me away from the cliff. Tumama ako sa dibdib niya at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Though trembling, I manage to open my eyes and look at him. Seryoso ang mukha ang niya habang nakatingin sa may likuran ko. Hindi na ako lumingon. Alam kong nandun pa yung malaking ahas.
"Arapayan!" Sigaw ni Juan Carlos. "Tama na! Umalis kana!"
Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya pero hindi ko na inalam.
"M-may ahas" mahinang sambit ko dahil sa takot.
"Alam ko" mahinang sagot niya habang nakatingin parin sa may likuran ko. I looked up at him. He had a fierce expression on his face. Saka ko lang din na realize na ang awkward pala ng posisyon namin. Nakaharap ako kanya sa may dibdib niya habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Ang bango niya. Yung sweat shirt niyang puti mabangon rin. Para kaming nag po-photoshoot ng prenup.
I cleared my throat. Na realize niya din siguro yung awkwardness kaya binitiwan niya ako. Dahan-dahan akong humarap. Wala na dun ang ahas. Dahan dahan na itong gumagapang palayo at papunta sa gubat. Kumunot ang noo ko.
"Hahayaan mo lang ba yung makatakas?" Tanong ko sa kanya at hinarap siya.
He's face flashed amusement, na para bang nakakatawa ang tanong ko. "Anu bang gusto mong gawin ko dun?"
"Ewan ko! Pero bakit hinayaan mo? Baka makatuklaw pa yun ng ibang tao!" Kabadong saad ko. Hanggang ngayon nangingining parin ako. Akala ko talaga tuluyan na akong mahuhulog sa dagat.
Ngumiti lang si Juan Carlos. "Wag kang mag alala. Hindi na yun babalik dito"
"How can you be so sure?" Tanong ko ulit. Eh kasi naman. Baka may mapahamak nanaman dahil sa ahas na yun.
"Wag mo na yung isipin. Ang mahalaga okay ka lang. Anu ba kasing ginagawa mo dito? Diba sabi ko sa'yo, delikado rito. Napapahamak ka tuloy" sermon niya pa.
"Hindi ko naman kasi alam na may ahas dito eh. I thought it was a nice place to rest. Ang ganda naman kasi dito eh. Malay ko bang pinamamahayan 'to ng pagkalaki laking ahas" sagot ko naman.
Nabigla ako kasi lumapit siya sa akin na seryoso ang mukha.
"Ally, wag kang magpapadala sa mga bagay na magaganda. Kasi kadalasan, kong saan ang maganda, nandoon din ang disgrasya."
Natahimik ako sa sinabi niya. Parang ang lalim naman yata nun. Mukhang may pinaghugutan siya ng sinabi niya yun kasi ang seryoso ng mukha niya.
"Umuwi kana" sabi niya at naglakad na siya palayo sakin.
Naiwan ako dun. Ilang segundo pa bago ako natauhan at sumunod ako sa kanya pababa sa malaking bato na yun.
"Bakit ba palagi mo nalang akong pinagtataboyan ha?" Sigaw ko sa kanya kasi naiwan na niya ako. Tumakbo ako para habulin siya. "Am I that annoying kaya ayaw mo na akong makita?"
Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. "Wala naman akong sinabing ganun ah?"
"Anung wala? Yesterday, you told me you don't want to see my anymore" pinamewangan ko siya.
"Ang sabi ko, sana hindi na tayo magkita. Hindi ko sinabing ayaw na kitang makita. Magkaiba yun" at ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Pareho na rin yun! Pinagtataboyan mo pa rin ako" sumunod lang ako sa kanya. Nasa kalagitnaan na kami ng mga niyogan sa may buhanginan parin ng tumigil ako at malungkot na hinarap ang dagat.
"Uuwi na kami sa Maynila bukas pero hindi ko manlang masusulit ang pag bisita dito sa Samar" malungkot na sabi ko. Tumalikod na rin ako para makalapit sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at parang hinihintay akong makalapit sa kanya.
"Share ko lang" sabi ko ng magkatapat na kami at ngumiti ako sa kanya.
"Anu bang gusto mong sulitin dito sa Samar?" Tanong niya sakin at tiningnan ako, halatang hinihintay niya ang isasagot ko.
I shrugged. "A lot of things! Nature in particular. Gusto ko lang naman makita at ma enjoy ang nature, yung dagat, yung mga rock formations, waterfalls at marami pa. Pero hindi naman talaga ako nagkakaroon nga pagkakataon. Kaya hanggang picture lang talaga ako" I smiled bitterly.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip niya. Lumingon ulit ako sa dagat ng bigla siyang magsalita.
"Sumama ka sa'kin"
"Ha? Sa'n tayo pupunta?" Agarang tanong ko pero hindi na siya sumagot. Naglakad siya papunta dun sa malaking batong bundok. Basta yun tawag ko dun, wag kayong epal. I was a little bit confused pero sumunod nalang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung saan kami papunta. Puro malalaking damo at mga sanga na kung ano ano nalang ang nadadaanan namin. Tiyak mangangati ako nito dahil sleeveless ang damit ko. Hinahawakan ko nalang ang skirt ng dress ko para hindi mapunit.
"Hoy! Juan Carlos! San ba tayo pupunta?" Angal ko. Baka may ahas nanaman dito eh.
"Basta! Sumunod ka na lang" sagot niya while trying to get rid of the branches blocking the way. Tumigil siya sandali para hintayin ako. Ngumiti siya ng makalapit ako sa kanya. Tumaas lang ang kilay ko.
"Nandito na tayo" sabi niya at hinawi ang malaking sanga ng puno. Napanganga ako ng makita kung nasaan na kami. Naglakad ako papunta sa buhanginan.
Wow! Nasa Palawan naba ako? Lumingon ako sa dinaanan namin. Hindi, nasa kabilang side lang kami nung malabundok na bato na nakakapitan ng maraming halaman at maliliit na puno. Sa kabilang side kasi nung boulder, hindi nakikita ang parte na ito ng dagat.
Humarap ako sa dagat! Ang ganda talaga! Puting puti ang buhangin at malinis at napakalinaw ng tubig ng dagat. Kitang kita ang buhangin sa ilalim nun. I scanned the area! Wow! This is too much! The white beach stretched for like a half kilometer away. Ahead of me stood huge rock boulders na napapalibotan ng tubig. Parang mga batong nakalutang sa dagat. Grey, black and white rocks covered with vines, small trees and mosses. Malamig rin ang hangin. The place was so serene and perfect, just like what I've always wanted. It was a hidden piece of paradise! And Juan Carlos gave me a chance to witness this place. It was more than I could ever ask for.
Humarap ako sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin habang nakapamulsa.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
"What are you talking about? Of course I do!" Tumawa ako. Hindi ko na mapigilan. I was dying to see places like this since I was young. Hindi ko inakalang magkakaroon pa ako ng chance kasi palagi naman akong pinagbabawalan ni mommy.
"Thank you!" Sa sobrang tuwa, napayakap ako sa kanya. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi siya nag react. Nahimasmasan ako kaya lumayo ako dahil nahiya ako.
"Wala yun..." mahinang sabi niya at umiwas siya ng tingin.
Hindi narin ako makatingin sa kanya kaya tumakbo na lang ako sa buhanginan. Tinanggal ko ang boots ko. I badly wanted to feel the sand on my feet. I ran around like it was the last day of my life. Lumapit ako sa tubig. Payapa ang dagat. May kunting pag aalinlangan ako pero sobrang peaceful at sobrang linaw nun kaya hindi ako natakot. Binasa ko ang mga paa ko hanggang sa may ibaba ng tuhod. Napapalingon ako kay Juan Carlos na nakatayo lang dun at hinahayaan akong maglaro sa tubig. Ngumingiti siya sa'kin kapag nagtatama ang mga mata namin.
A smirk formed in my lips, umalis ako sa tubig at tumakbo ako sa kanya.
"Para kang statuwa dyan. Halika dito, samahan mo'ko" tumatawa kong hinatak ang kamay niya and pulled him towards the water.
"Ally ayoko! Mababasa ako" pigil niya sakin.
Pero hindi ako nagpatalo. Tumakbo ako tubig at hinatak parin siya. Nagrereklamo siya pero tuluyan ng nabasa ang pantalon niya. Tumawa ako ng malakas kaya napailing nalang siya. Pero hindi pa dun nagtatapos ang plano ko. Binasa ko siya gamit ang kamay ko.
"Ally! Hoy! Tama na yan!" Natatawang reklamo niya while trying to shield himself with his hands. But I didn't stop. I continued splashing water on him.
"Pagbigyan mo na ako! Uuwi na rin naman ako bukas eh kaya wala ng mangungulit sa'yo! Hahahaha"
I screamed when he splashed the water on me. Isa palang yun pero nabasa na agad ako. Tinawanan niya lang ako. Ah ganun ah? I splashed back and laughed at him. We were like children trying to wet each other with sea water. We were laughing at each other hanggang sa napagod ako kaya umahon ako at umupo ako sa buhangin. Sumunod naman siya sakin at umupo sa tabi ko. Basang basa siya. Mas nabasa yata siya kaysa sa'kin. Siguro sinadya niyang hindi talaga ako basain masyado. His hair was dripping. Inayos niya yun gamit ang kamay niya.
I found myself staring at him while he was fixing his hair. I can't believe I'm with this person I just met yesterday. Pangalawang beses ko palang siyang nakakasama pero ang gaan na ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. He just looked very peaceful and calm. Na para bang kahit anong problima ang ibato sa kanya, kaya niya paring maging ganyan ka payapa. He's not just handsome, he also has this mysterious aura that I can't explain. Parang feeling ko matagal ko na siyang kilala kaya ganito ako maka akto sa kanya. It feels like if he's around, I don't have to think about anything else.
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya. Umayos ako ng upo. He didn't caught me staring, did he? I swallowed. Hindi naman siguro.
"Thank you ah," sabi ko nalang. Tumango lang siya at humarap sa dagat. Itinoon ko rin ang atensyon ko dun. Hapon na, at papalubog na ang araw. Hindi kita ang sunset sa side na ito pero hindi kona yun kailangang makita. Everything was quite enough for me today.
"Today was a gift and I thank you for that. I never really expected this from a person I barely know. Nature had always been something I've dreamt of embracing. And thanks to you, I've witnessed this piece of paradise. I will never forget this day. You just made one of my wildest dreams come true..."