Chapter 6: In a Cave with a Stranger

2480 Words
There's something about that guy... Hindi ko namalayan ang sarili ko. I don't know what's with my feet but I found myself following the guy. Malayo na siya sakin at papunta siya sa daang hindi naman pabalik dun sa village. Nawala na lang siya bigla sa paningin ko. Saka ko lang napansin kong nasaan na ako. Parang papunta na yata ako sa gubat ah? Pero naririning ko pa naman yung dagat kaya alam kong malapit pa lang ako. I removed the small branches of trees blocking my way habang palinga-linga pa ring hinahanap yung lalaki. Pero nawala nalang siya bigla. Teka, hindi kaya multo yun? Omg! Agad akong tumalikod pabalik sa dinadaanan ko. "Ay putangina!" I cursed when I hit something. Natahimik ako ng makita ko kung ano. Hindi pala something, someone pala. "Sinusundan mo ba ako?" Kunot noong tanong niya. I raised my head. Ang tangkad niya kaya hanggang sa may ilong niya lang ako. I'm about 5'9 kaya siguro nasa 5"11 or 6 flat siya. Saka ko lang din na realize na ang gwapo niya pala talaga lalo na sa malapitan. He had a perfect nose, perfectly arched brows, thick eyelashes at peach lips. Wow? May lalaki palang may peach lips? At ang kinis ng mukha niya. Ang puti pa. Anu kayang skincare neto? Masubukan nga mukang effective talaga sa kanya eh. "Miss okay ka lang ba?" Tanong niya ulit. Saka lang ako natauhan. His voice sounds calm and very soothing. Parang hele ng nanay sa isang baby. "Ha? O-ooh! Yes, of course! I'm good, I'm fine!" Sabi ko sabay ngiti. Shuta! Bat ako nag sa stutter? Hindi naman ito ang unang beses na may nakaharap akong lalaki pero bat ganito ako kalala sa kanya? Ooh na at gwapo siya pero ang weird naman ng ikinikilos ko! "Sigurado ka?" Tumaas yung kilay niya. Cute. Tumango ako. "Buti naman. Bakit ka napunta rito? Sinusundan mo ba ako?" Diretsang tanong niya. "Ha? Hindi no!" I denied. Para naman yata akong tanga pag inamin ko diba? Tsaka, bakit ko nga ba siya sinusundan? "Kung ganon, mali ang dinadaanan mo. Bumalik ka dun, nandun ang daan pabalik sa brgy." Turo niya sa dinaanan ko kanina. Wala na siyang sinabi at nilaglasan lang ako. Patuloy siyang naglakad papunta sa kung saan man papunta ang daang to. Pero imbis na bumalik doon sa may dagat sinundan ko siya ulit. Patago tago pa ako sa mga halaman para hindi niya ako makita pero napansin niya parin ako at humarap siya sakin bago bumuntong hininga. "Akala ko ba hindi mo ako sinusundan?" Mukang naiirita na siya sakin ngayon. "Hindi naman eh!" I tried to deny for the second time pero mukang hindi ko na siya makukumbinsi. I let it drop. "Alright fine! Sinusundan nga kita! Happy?" I rolled my eyes. He scratched the back of his head. "Umuwi kana" sabi niya at tumalikod na sakin. "Pa'no kung ayoko?" "Anong oras na oh, at mukhang uulan. Kung ayaw mong maabutan ng ulan dito umuwi kana" kalmadong sagot niya. But he really emphasized the "umuwi kana" part. "Ayoko! I don't want to go home. Ayokong manatili dun. Maaalala ko lang na wala na si lola and it's terrible back there. I'm in a crisis right now and I don't know what to do. I don't know where to go. I guess, I guess sinusundan kita kasi wala akong makausap" my voice broke. I don't want to cry infront of this handsome stranger pero di'kona mapigilan. Alam kong hindi dapat ako umaakto ng ganito lalo nat hindi ko naman siya kilala pero may kunting kumurot sa puso ko na umaasang sana ay may makausap man lang ako kahit sandali.  I badly need someone right now. Naglakad siya pabalik sa'kin at malumanay na nagsalita. "Pasensya kana pero hindi tayo pwedeng mag usap" Ano raw? Bakit naman hindi? "What, why? Dahil ba babae ako at lalaki ka? At tayong dalawa lang dito in the middle of nowhere?" I know I sound stupid pero bakit naman hindi kami pwedeng mag usap? Masyado naman 'tong takot ma issue. I heard ganito daw sa probinsya eh. "Basta! Delikado rito. Umuwi kana" Sasagot pa sana ako pero tuluyan ng bumuhos ang ulan. Napasigaw ako at tinanggal ang blazer ko para itakip sa ulo ko. Nababasa na rin siya. Nabigla ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila ako. "Halika, mababasa tayo rito!" Sigaw niya sakin kasi tuluyan ng bumagsak ang ulan. He pulled me into an open cave sa may paanan ng bundok. Kumulog na at kumidlat pa kaya napatili ako. Hindi niya binitiwan ang braso ko hanggang makapasok kami sa loob. I shoul've been scared of caves pero nagulat ako sa nakita ko. Malinis ang loob ng kweba. May mga maliliit na upuan at lamesa na gawa sa mga sanga ng puno. Hindi naman siya ganun kalaki pero enough na rin para hindi kami mabasa ng unos. Tinanggal ko ang blazer ko sa ulo at itinakip sa katawan ko. Nakatube pa rin kasi ako kaya isinuot ko parin ang blazer kahit basa. Umupo ako sa isang silya silyahan habang hinihintay na tumila ang ulan. Yan, sige lumandi kapa! Na trap ka tuloy sa isang kweba at dikana makauwi! Bumulong nanaman ang utak ko. Agad ko nalang in-erase yun sa isip ko at niyakap ang sarili ko dahil nilalamig na ako. Nakatayo lang si Sinongabasya...er? Ewan ko. Basta he was just standing there by the opening of the cave. Basang basa rin siya kagaya ko. Ang ipinagkaiba lang, hindi siya nilalamig. Hindi ko napansin ang paglapit niya sakin kasi busy ako kung paano patutuyuin ang sarili ko. "Nilalamig ka yata" sabi niya. "Sandali lang" Tiningnan ko lang siyang maglakad palayo at may kung anong hinahanap dun sa may gilid kung saan may isang malaking cellophane na color blue. Hindi ko alam kung anong laman nun pero pagbalik niya may hawak na siyang kumot at posporo. Inabot niya sakin ang kumot na agad ko namang ibinalot sa sarili ko. Medyo dumidilim na ang langit pero mukhang wala pang planong tumigil ang ulan. He started building a bonfire to keep us warm. He collected pieces of firewood from the cave and the fire started to heat up, making me feel better. Saka lang siya umupo sa tapat ko habang nakatitig sa apoy. May binulong siya na hindi ko masyadong narinig. Hindi ko nalang inintindi. "Dito ka ba nakatira?" Walang kwentang tanong ko. "Hindi" simpleng sagot niya. Ooh nga naman. Yang pagmumukhang yan? Titira sa isang kweba? Eh mukha siyang supermodel eh. Hay, sometimes, the words that comes out of my mouth just doesn't make sense. "So, I'll take it na madalas ka rito?" Tanong ko ulit. "Medyo" Anu bayan? Ang boring niya naman kausap. Ang awkward kaya na kami lang dalawa dito tapos ang tipid niya pang magsalita. "Bakit parang alam na alam mo tong lugar na'to?" I shrugged. "Madalas kasi dito maglaro ang mga bata ng bahay bahayan kay may mga gamit dito. Napapadaan lang ako minsan" Sa wakas, hindi na siya nagtipid ng letra. Tumango na lang ako habang nakatingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa apoy. Tumingin na lang din ako sa apoy ng biglang kumulog ng malakas dahilan para mapatili ako sa bigla. Bahagya siyang tumawa. Mukha siguro akong tanga. Napaayos tuloy ako ng upo. Hinanda ko na ang sarili ko sakaling kumulog ulit. "We haven't introduce ourselves yet. I'm Ally by the way" sabi ko sa kanya ng maalalang hindi pa kami nagkakakilala. Hindi kona nilahad ang kamay ko kasi nanginginig ako. "Ikaw? Anong pangalan mo?" Tumingin siya sakin, slightly smiling. "Mahalaga pa bang malaman mo ang pangalan ko?" Tanong niya. "Aba ooh naman no!" Untag ko. "I just told mine. Unfair naman yata yun kung hindi ka magpapakilala sa'kin. Ano nalang ang sasabihin ko sa mga magulang ko kapag nagtanong sila kung sino ang kasama ko?" "May plano ka talagang sabihin sa mga magulang mo na kasama mo ako sa isang kweba sa dis oras ng gabi?" Taas kilay niyang tanong. Napasimangot ako. That sounds really wrong. Baka patayin pa ako ni mommy at sugurin niya tong si...hay! Wala ba talaga siyang planong magpakilala? "Ano ba kasing pangalan mo? Ang oa mo naman. Pangalan lang naman eh." Inirapan ko siya. Kala mo naman may plano akong i hack bank account niya no? He laughed softly, showing his perfect set of white teeth. Damn, bat ba ang perfect mo kowya? "Gusto mo talagang malaman ang pangalan ko?" Seryosong tanong niya. "Ooh nga!" "Juan Carlos... Juan Carlos ang pangalan ko."sabi niya habang nakatingin lang sa apoy. Oh yun naman pala eh. Sasabihin din naman pala dami pang alam. Natigilan ako. "May problima ba?" He asked when he noticed my reaction. I shook my head. "Wala naman. Parang...parang narinig ko na kasi yang pangalan mo eh, hindi ko lang maalala kong saan" Hindi siya nagsalita. He shifted his attention outside the cave. "Sabagay, malaki naman ang mundo. Baka marami kayong Juan Carlos ang pangalan." I said na ikinatango lang niya. Hindi na ako nagsalita ulit. Itinoon ko nalang ang atensiyon sa pagpapatuyo sa sarili ko. "Anong ba kasing ginagawa mo dun sa dalampasigan. Nakita kitang umiiyak" biglang tanong niya habang inaayos ang panggatong sa bonefire. Tiningnan ko siya. What? Nakita niya akong umiyak? So nakita niya rin kong gaano ako kapangit ng mga panahong yun? Eww me! Ng hindi ko siya sagutin, nagsalita siya ulit. "Okay lang kung ayaw mong magsalita. Nirerespeto ko yun" then he smiled. He's a stranger and I shouldn't be with him but there's something about this guy that is so comforting. His aura is so calming like a warm bath. Pero dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Sapat na ba ang isang oras na pagkakasama namin sa loob ng isang kweba para mag open up ako sa kanya? Hindi ko alam. Pero sa pagkakataong ito, kailangan ko ng outlet sa nagpapabigat sa dibdib ko. "My grandmother died" mahinang sambit ko na halos bulong na lang. Napatingin siya sa akin. I can see the sympathy on his eyes. "Pasensya kana. Hindi ko na sana itinanong" "Hindi okay lang. Ganun naman talaga ang buhay eh diba?" pilit akong ngumiti. I heard him took a deep breath. "Tama ka. Okay ka lang naman diba?" Tanong niya pero nakatutok pa rin ang mga mata sa apoy. I didn't know but the question warmed my heart. "I hope I could say that I'm okay. Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam. My mind fells foggy and I couldn't think straight. Pasensya ka  na kung sinasabi ko 'to sayo ngayon. Nakakahiya" "Okay lang" tipid  niyang sagot. Hindi na ako nagsalita pa at hinintay na lang na tumila ang ulan. Kanina pa kami rito at dumidilim na sa labas. Mabuti   na lang at natuyo na rin ang damit ko dahil sa init ng apoy kaya hindi  na ako nilamig. "Ihahatid na kita. Anong oras na, baka hinahanap kana sa inyo" untag niya sa'kin saka tumayo. Tumila na pala ang ulan. Gabing gabi na rin. I glaced at my wristwatch. It was almost 7:00 pm. Sigurado akong pinaghahanap na ako nila mommy ngayon. Tumango nalang ako at tumayo para sundan siya. Madilim na sa labas pero mukhang hindi naman siya nahirapan sa paglalakad. Mukhang nakakain 'to ng maraming kalabasa nung bata pa. Ang linaw ng mata eh. Sumunod lang ako sa kanya kasi nahihirapan akong maglakad dahil wala akong makita. Natatamaan ako ng mga sanga at dahon sa mukha kaya napapalingon sakin si Juan Carlos. Hinatid niya ako hanggang sa may highway sa tapat lang venue ng lamay. "Salamat" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin at umiling. "Wala kang dapat ipagpasalamat" "So, will I see you again?" Mahinang tanong ko. Pero nagsisi rin ako kung bakit ko pa yun itinanong. "Hindi ko alam. Pero sana hindi na tayo magkita..." *** Nakadapa ako sa kama habang ka chat si Freya. Nangumusta lang siya sa'kin at inupdate ko lang din siya sa mga nangyari. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Juan Carlos. Alam kong hindi ako dapat nagtatago ng sekreto sa kanya pero feeling ko kasi parang hindi ko dapat ipagsabi kahit kanino ang tungkol kay Juan Carlos. Parang may kakaiba kasi sa lalaking yun na 'diko maintindihan. Kaya iba na lang ang pinag usapan namin. Medyo matagal din kaming nag usap ni Freya bago siya nagpaalam na mag a out muna kasi may gagawin pa daw siya. Hindi niya naman sinabi kung ano kaya dikona tinanong. Somehow, we both have our own personal bounderies kaya kahit close kami sa isa't isa, at halos lahat ng sekreto ay alam naming dalawa, we knew when and where to stop and keep distance. Kaya bihira lang kaming mag-away. We love and respect each other. Hindi pa ako makatulog kaya inukupa ko nalang ang sarili ko sa kakascroll ng feed ng i********: ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtitingin tingin ng biglang mag text si Keith. Keithy Keithy: hey ally :) Gusto kong matawa sa nakasave na pangalan ni Keith sa contacts ko. Hindi ko alam kung anong bacteria ang pumasok sa ulo ko ng i save ko yun. Tuluyan na nga akong natawa. Pano ba naman kasi eh tunog kiti kiti ng dengue. I was laughing so hard while typing my reply. Me: hey... Agad din naman siyang nag reply. Keithy Keithy: are you busy? Me: nope, why? Keithy Keithy: can i call? I was surprised when I read his last reply. Why would he call me? We're not even close and we met in like a week ago? Oh baka bored din 'to at walang makausap. Sabagay, hindi naman ako busy at hindi pa'ko inaantok. Me: sure Agad nag ring ang phone ko kaya sinagot ko siya. [Keith]: hey um, i was hoping I'm not disturbing anything Me: oh no, I'm doing nothing naman. Napatawag ka yata? [Keith] Nothing, i'm just checking if your okay. He's last sentence baffled me. Ang weird niya. Hindi naman kasi kami close tapos...anyway bahala na. Bored nga siguro siya. Me: i'm good , thanks Marami pa siyang pinagsasabi. Hindi ko alam kung ano na yung iba. Minsan talaga yung mga tao susulpot lang bigla tapos in an instant frenny na kayo agad. Nagsasalita pa si Keith when I suddenly remembered about Juan Carlos. Palagi ko siyang naiisip na hindi ko maipaliwanag. There's something about him. Na para bang may malaking question mark akong dala dala na tanging siya lang ang makakasagot? At yung mga sinabi niya. Na ayaw niya na akong makita? Ano bang ibig sabihin nun? Bakit naman hindi? Ang dami ko talagang tanong. Ang weird niya naman kasi eh. [Keith]: Ally? Are you still there? Natauhan ako. May kausap pala ako tapos iba iniisip ko. Me: uh, yeah, i'm still here [Keith]: hmmn you sound sleepy already. Matulog kana. Good night Ally At nag end na yung call. Nainis ako sa sarili ko. Ang sama naman ng ugali ko. May kausap ako sa cellphone tapos ibang tao iniisip ko. Eh kasi naman eh. Ba't ba kasi bigla ko nalang naiisip si Juan Carlos? Hindi ko parin kasi maintindihan yung last na sinabi niya. Pero walang mangyayari kung mag iisip ako dito hanggang mag umaga. Mababaliw lang ako. Matagal tagal din akong nakatanga before I finally doze off to sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD