Tahimik lang ako sa boung biyahe. Wala akong ganang magsalita. Katabi ko si Brent na nakatulala din. May headphones siya sa ulo pero halata namang wala sa tugtog ang iniisip niya. Natutulog si mommy habang nasa biyahe. Si Daddy naman hindi pa pwedeng umuwi kasi hindi pa tapos ang business trip niya. Hindi niya rin naman yun pwedeng iwan kaya kaming tatlo lang ang magkasamang umuwi. Minsan nakakainis din yung mga business business na yan eh!
Kasalukuyan kaming nasa private van na pinasundo ni Tita Marga para sa'min. We arrived at Tacloban City at 8:00 in the morning. Mga isang oras pa ang biyahe bago makarating sa lugar namin sa Samar. We passed through San Juanico Bridge towering over the Samar-Leyte straight. Kumikinang ang tubig ng dagat dahil sa sinag ng ginintuang araw. Pero kahit ano pang ganda nun, hindi ko parin na enjoy dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Ilang araw na simula ng mamatay si lola Mercedes. Hinintay lang namin na officially nang mag end ang sem para makauwi kami sa probinsya. Hanggang ngayon, hindi parin nag si sink in sa'kin na wala na ang favorite kong lola. Hanggang ngayon, stagnant parin ang utak ko, parang nawawalan na ito ng ganang mag isip.
I was still drowned in my thoughts when my phone beeped. Wala sa sarili kong binuksan yun at nakitang may nag text.
Freya: Ally..I'm so sorry about what happened. Mag ingat kayo jan ah? How I wish nandiyan ako para masamahan kayo lalo na ngayon. Basta, wag mong pababayaan ang sarili mo ah? Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. You can call me anytime. I love you always.
Kahit papaano, napangiti ako at parang gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Buti na lang at meron akong kaibigang gaya ni Freya na palaging nandiyan para sa'kin. Ipapasok ko na sana ang cellphone ko sa bag ng bigla ulit itong tumunog. Kinuha ko ito at binasa ang isang text mula sa isang hindi ko kilalang numero.
Unknown number: Hey, Ally. I just want to send my condolences. I heard what happened to your grandmother. I'm really sorry.
Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya to? Bukod sa pamilya ko, si Freya lang naman ang nakakaalam sa nangyari. Wala naman ibang kaibigan bukod sa kanya.
Me: thanks :(...who's this btw?
I decided to close my eyes and sleep pero nag beep ulit ang phone ko. Agad ko yung binuksan at binasa ang text.
Unknown Number: Keith
Ahh.. Siya lang pala. Wait? Siya? I mean si Keith yung nag text? Bakit naman siya mag tetext? We weren't close and he barely knew me. But I still appreciate the fact that he send his condolences. But wait, sa'n naman niya nakuha ang number ko?
Agad naningkit ang mata ko at nagdilim ang paningin ko ng maalala ko si Freya. Bruhang yun! Ako pala ang ibinenta sa pinsan niya. Hindi talaga matatahimik ang kaluluwa nun hanggat hindi ako... argh! Sorry muna siya. May pinag dadaanan ako kaya pass muna ang lahat ng kalandiang meron ako sa katawan. Hindi ko na lang muna nireplyan si Keith. Magulo ang isip ko kaya next time ko nalang siya papatulan. Char! Kala mo naman gusto ako nun nuh? Hindi ba pwedeng nangungumusta lang kasi namatayan ako? Minsan gusto ko ring upakan 'tong feelingerang part ng utak ko eh. Nag text si Keith kasi nakikiramay siya at hindi para makipag kingkoyan sa akin! Utak ko talaga kahit ano na lang iniisip!
Mga ilang minuto din ang dumaan bago kami nakarating sa mansyon ng mga Rodriguez, ang family house ng pamilya nila lola. Madalas din naman ako dito nung bata ako kahit may sarili naman kaming bahay na binenta na ng mga magulang ko. Dalawang anak lang kasi sina lola. May kapatid siyang may ari ng hacienda ng mga niyogan pero pumanaw narin yun. Ang mga anak naman nun ay pawang nasa ibang bansa at may tagapangasiwa lang sila dito sa Pilipinas. Kaya si lola na ang tumira sa bahay na'to, kasama si Tita Marga na mommy ni Brent.
Malaki ang bahay. Medyo old fashioned nga lang ang disenyo dahil nung panahon pa'to ng mga espanyol itinayo. Halata namang na renovate na kasi may halong modern na din yung design sa labas at sa interior. May malaking fountain na kerubin sa labas ng mansyon. Kulay puti ito at dark red ang color roof. Marami ding bulaklak at halaman sa paligid. At may malalaking puno ng mangga, niyog at mahogany. Maaliwalas ang hardin at malamig ang simoy ng hangin. Kasing lamig ng mga pusong naghihinagpis sa pagkawala ng isang mabait at mapagmahal na ginang.
The van parked infront of the porch. Lumabas na kami para makapag bihis at para makapunta na agad sa venue ng lamay. Tita Marga greeted us the moment we entered the house. She's wearing a black dress. Her eyes were red from crying but she still manage to give us a smile. Agad niyang niyakap si mommy na napaiyak lang sa balikat ng nakatatandang kapatid. Umiyak na rin si Tita Marga habang pinipisil ang kamay ng mommy ko. Napatingin siya kay Brent na mapait na ngumiti. It must've been hard for her. Two years ago, she lost her husband in a car accident. That same accident where she almost lose Brent. And now, yung nanay naman nila ni mommy ang nawala.
It's funny how most people don't give much time and attention to their families kapag buhay pa. Tapos kapag patay na, saka na natin iiyakan ng bonggang bongga. It doesn't really make sense.
I gave them a sad smile at naglakad na ako papunta sa second floor. I need to get away or I'll end up crying too. Tinulungan ako ni Brent na dalhin ang suitcase ko papunta sa kwarto ko. Iniwan na muna namin sina mommy habang nag uusap sila ni Tita.
My room was simple yet spacious. Kulay blue sa loob at may malaking painting ng dagat. Okay na sa'kin yun since hindi naman kami magtatagal dito. I sat on the bed, taking a series of deep breaths. Inilagay ni Brent and suitcase ko sa tapat ng closet bago naupo sa tabi ko.
"I can't believe it." Sabi niya habang nakatingin sa kesame.
"What do you mean?" Mahinang tanong ko habang nakatingala din sa kawalan.
I heard him took a deep breath. "I mean, I left this place so I'd finally get over the fact that Dad is gone. Umalis ako dito kasi dito nawala si Dad. Hindi ko lang inaasahang babalik ako dito dahil may nawala na naman" hindi niya na napigilan ang sarili niya. Tears starts to fall down his face. I felt a sting on my chest.
Seeing Brent like this feels weird. Kung sa ibang pagkakataon at sa ibang dahilan ko lang siguro siya nakitang umiyak baka pinagtawanan ko pa siya. But we both know that how painful it is for him to be here. Masyadong masakit mawalan ng ama at ngayon lola naman namin ang nawala. That kind of pain is overwhelming.
Hinimas ko na lang ang likod niya just to comfort him for a bit. I myself feels terrible pero pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Brent wiped the tears from his eyes and smiled at me bitterly.
"Magpalit kana. Pupuntahan pa natin si lola" sabi niya at iniwan na ako dun.
Napabuntong hininga na lang ako. I closed my eyes, iniisip na sana panaginip lang to lahat. Pero hindi eh, kahit ano naman ang gawin ko. Ito ang realidad ko. Wala na talaga si lola. At kahit anong gawin ko at i dahilan ko, kailangan ko itong tanggapin.
Nagsuot lang ako ng simple black tube top na pinatungan ko ng black leather blazer. Nakablack leggings at black boots lang din ako. I tied my hair in a ponytail.
Dinala kami ulit ng van kung nasaan ang lamay. Marami ng tao doon. Mga kamag anak, kaibigan at kakilala ng pamilya namin. Ang iba naman ay ka sosyo sa negosyo ni Tita Marga, halos lahat ay nakaitim. Halos lahat din ay nag aabot ng pakikiramay ng dumating kami. Sinilip ni mommy ang kabaong ni lola at agad siyang napahagulgol dun. Agad naman siyang hinawakan ni Brent para hindi siya bumagsak sa sahig. Paulit ulit niyang sinasambit ang ang pangalan ng namayapang ina. Paulit ulit din siyang humihingi ng tawad dito dahil wala siya nung mga oras na naghihingalo ito.
Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa kabaong. Sa bawat hakbang ay pasikip ng pasikip ang dibdib ko. Tila hindi ko magawang maigalaw ang binti ko sa bigat ng nararamdaman ko. Tiningnan ko ang litratong naka kwadra sa ibabaw ng kabaong kung saan maliwanag ang ngiti ni lola Mercedes. Maputi siya, bagamat medyo kulobot na ang balat dahil sa edad ay maganda parin. Hindi ko na nakayanan ang sarili ko. Hindi ko siya kayang makita sa loob ng kabaong na yan.
Sa bawat yapak ng mga paa ko'y tila may martilyong pumupokpok sa dibdib ko. Dahan dahan kong nasilayan ang mukha ni lola, maputla at wala ng buhay. Ang ganda niya'y taglay niya pa rin hanggang sa huling hantungan. Ang sakit lang. Hindi ko na ulit mararamdaman ang kanyang mga yakap. Hindi ko na makikita ang tamis ng kanyang ngiti. Hindi ko na maririnig ang lutong ng kanyang mga tawa at ang mga payo niya at mga paalala ay hindi ko na ulit pang maririnig. Hindi ko na nakayanan ang sakit. Masyadong puro, masyadong tagos. Hindi ko kayang tagalan pa ang tagpong ito.
Tumalikod ako at tumakbo palayo. Tumakbo lang ako hanggang sa nakarating ako sa dalampasigan. Walang tao doon at puro niyog lang at iba pang punong kahoy.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa buhangin at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Kahit sa maikling sandali kong nakasama si lola, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa amin, sa akin. Nasasaktan ako dahil makikita ko pala siya ulit na ganyan na. Wala ng buhay.
I know there's nothing I can do about it. People die. And no one can cheat death. Pero masakit lang kasi talaga. At ayokong makita nila akong umiiyak. Hindi naman kasi ako iyaking tao. Pero pagdating sa pamilya ko, mahina talaga ako. Ang pangit kopa naman kapag umiiyak. Mas mabuti ng ako lang ang nakakakita. Baka mabasag pa ang atmosphere dun kapag doon pa ako nagdrama.
Pinunasan ko nalang ang luha ko at tinanaw ang dagat. Madilim ang langit at malakas ang ihip ng hangin. Parang uulan. Nakikiramay yata ang panahon sa pagdadalamhati ng pamilya ko ngayon. Malalaki ang alon kaya minabuti kong hindi masyadong lumapit. Marunong naman akong lumangoy pero mas maigi ng ang safe kaysa sa sorry. Minsan na akong nalunod, ayoko ng ulitin.
I tried to calm myself down. Naiiyak parin ako pero naalala ko na namang pangit ako kapag umiiyak kaya I stopped myself. I just continously puffed air to sooth the pain at mukhang kumakalma naman ako dahil sa lamig ng hangin. Mukang anytime, babagsak na nga ang ulan.
Babalik na sana ako dun sa lamay ng may makita akong lalaki na nakaupo sa isang malaking bato. Nakasout siya ng white sweater at itim na pantalon. May hawak siyang maliit na sanga ng puno na nilalaro niya sa buhangin. Medyo malayo siya sa akin at nakatingin siya sa dagat. Payapa ang mukha niya at kahit malayo pansin kong gwapo siya.
Buysit, namatayan kana nga girl nagawa mo pang humanap ng gwapo? bat ngayon kapa lalandi? Bulong ng kontrabida kong isip.
Gusto kong upakan ang sarili ko pero magmumukha akong tanga kaya mamaya nalang. Bahagya ko pang tiningnan yung lalaki. Sigurado naman akong wala pa siya kanina pagdating ko rito. Oh baka hindi ko lang talaga siya napansin.
Lumingon siya sakin. He had no emotion on his face but his look seemed peaceful. Nililipad ng hangin ang buhok niya sa may noo that added zest in his look. He looked like a complete contrast to the wild weather. Tumingin siya sakin pero hindi niya ako pinansin. Tumayo lang siya sa kinauupuan niya at dahan dahang naglakad palayo.
That guy... My heart beats so fast.
He looks familiar...