Huli na nang tinakbo ko siya. Tuluyan na siyang nahulog sa ibaba. Masiyadong mataas ang tulay para talonin. Pero hindi ko siya pwedeng pabayaan. Muli akong napaatras nang maramdaman ang pagtama ng likod ni Brent sa akin. "Ally ang dami nila. Hindi natin sila kaya." Mas halong panginginig ang boses ng pinsan ko. Napapalibutan na kami ngayon ng mga halimaw. "Sa likod ko. Bilis!" Nauubosan na talaga ako ng ideya pero hindi pwedeng mamatay nalang kaming lahat dito. We were cornered but I refused to give up. "Kumapit kayo sa'kin!" sigaw ko sa kanilang tatlo. Kahibangan ang naiisip ko pero bahala na. Sumugod sa amin ang mga halimaw at naramdaman ko ang pagkapit nilang tatlo sa'kin. Bago pa kami marating ng mga halimaw ay agad akong nagpatubo ng mga baging na bumalot sa aming apat

