Chapter 20: Under Searing Flames

2887 Words
My mind felt foggy. Hindi na ako makahinga dahil sa usok. I tried to cling to something about this life. Just as when I about to lose all hope. I felt something cold touch my cheek. "Ally..." That voice... Hindi ko kayang imulat pa ang mga mata ko dahil sobra na akong nanghihina. Nararamdaman ko na ang dahan-dahang pagkasunog ng katawan ko at ang hapding dulot niyon. "Ally...nandito na ako" I heard his voice again. "Keith? Ikaw ba yan?" I moaned slowly. Walang sumagot. Then I felt someone slowly lifting me. "Ally gumising ka" a voice of a woman whispered. The cold sensation hit my face again then suddenly I felt stronger. Nagawa kong imulat ang mga mata ko. But it wasn't Keith whom I saw. His eyes were glinting with tranquility. Buhat niya ako at puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Juan Carlos..." I wobbled. Pinuntahan niya ako. Hindi niya ako tuluyang tinalikuran. Then I saw Dalikamata beside him, keeping her iced palm on my cheek. "Kailangan na nating umalis. Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagkalat ng apoy" Saka ko lang napansin na nababalotan lang kami ng majika para hindi kami masunog. It was like a huge purple bubble. A barrier. Dalikamata's magic kept the three of us safe from the fire. Tumango si Juan Carlos at lumabas kami sa bintanang ngayon ay basag basag na ulit. Kahit nanghihina, pinilit kong kumapit kay Juan Carlos. Dalikamata's touch gave me mysterious strength, slowly getting me back to my senses. Nang makalabas kami sa terrace, Juan Carlos's wings started to appear. Black feathers, then brown then gold. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Dalikamata followed us from behind. With a strong flap, Juan Carlos and I flew into the air, leaving the burning beach house. Noong nasa ere na kami, saka ko lang  napansin ang isang kahindik-hindik na tanawin. Halos manginig ang buo kong kalamnan ng makita ang nangyayari. Hindi lang ang beach house ang nasusunog, kundi ang buong resort. Ang mga cottages, ang boat dock, ang mga buildings. Pero umabot sa sukdulan ang takot at kaba ko ng makita ko ang nangyayari sa hotel.  Nagsisitakbohan ang mga tao mula sa loob ng apat na palapag na hotel palabas sa buhanginan kung saan mas ligtas. Sumasayaw sa bagsik ang apoy na kasalukuyang tumutupok sa istraktura. Halos lamunin na nito ang buong hotel. Iilang rooms na lamang sa fourth floor ang hindi pa naapektohan. Pero hindi magtatagal at aabot narin doon ang apoy. Ang mga guests ay takot na takot. Ang iba ay nag-iiyakan at nagsisigawan. May tao pa sigurong na trap sa loob at hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas. Para akong binuhusan ng malaking tub ng napakalamig na tubig kahit napakainit ang alimyo ng apoy at ng usok na mula sa sunog. Napatingin ako kay Juan Carlos. "Carlos si Tita! Nasa hotel siya. Kailangan natin siyang iligtas!" Sabi ko sa kanya, kahit nanghihina na ay pinilit ko pa ring lakasan ang boses ko. Napatingin siya akin at nilingon ng dahan-dahan ang kasalukuyang nasisirang building. "Ally, kailangan na nating umalis. Nararamdaman ko pa ang presensiya ni Lalahon. Mapapahamak tayo kapag nanatili pa tayo dito" he replied. "Pero Carlos hindi natin pwedeng iwan si Tita parang awa mo na" maluha-luha kong sambit. Ayokong iwan si Tita kahit ano pa ang mangyari. Hindi ako papayag na may mawala na naman sa pamilya ko. Tiningnan ako ni Juan Carlos ng madilim. Pagkatapos ay nilingon niya si Dalikamata na lumilipad sa likuran niya. Hindi kagaya ni Juan Carlos, wala siyang pakpak pero gamit ang kapangyarihan niya, nagagawa niyang lumipad sa ere. Ibinaba ako ni Juan Carlos sa buhangin sa likod ng nasusunog sa building ng hotel. Ramdam na ramdam ko ang tindi ng init nito. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa ring bomberong napaparito. Nakakapagtaka. Ano kayang ginawa ng kapatid niyang si Lalahon para hadlangan ang mga rescuers? Sa ipnakita niya sa akin kanina, halatang wala siyang awa. Kasing sama siya ng ina niya! "Aglawin, ano pang ginagawa natin dito?" Nagtataka at kinakabahang tanong ni Dalikamata. "Hindi na tayo maaaring manatili dito. Hindi mo ba nararamdaman si Lalahon? Nandito pa siya" "Hahanapin ko si Marga" Juan Carlos said. "Umalis na kayo. Itakas mo si Ally. Masiyado siyang mahina para manatili dito" he added and slowly put my arm around Dalikamata's shoulder. "Sasama ako" I said stubbornly. "Ally, hindi pwede. Hindi na kakayanin ng katawan mo ang tindi ng apoy. Ako na ang bahala sa Tita mo. Sumama kana kay Dalikamata at umalis na kayo rito" "Paano ka?" Dalikamata asked, puno ng pangamba ang mga mata niya. Kagaya niya, natatakot din ako. "H'wag niyo akong isipin! Kaya ko ang sarili ko. Sige na! Umalis na kayo wala na tayong oras!" Kumirot ang mga paso ko sa katawan. Tama si Carlos. Kapag nanatili pa ako rito ay tiyak na bibigay  na nga talaga ng tuluyan ang katawan ko. "Mag-iingat ka..." I muttered. Ngumiti sa akin si Juan Carlos. "Sige na umalis na kayo!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at lumipad patungo sa hotel para hanapin si Tita. Dalikamata gave me a worried glare and held my weight with her own strength. Pero dahil nga isa siyang diyosang makapangyarihan, hindi iyon naging mahirap para sa kanya. "Kumapit ka sa akin, Ally" she whispered. "Higpitan mo" Ginawa ko ang sinabi niya sa akin pero bago pa kami makaalis doon, isang napakalaking bola ng apoy ang bumagsak sa harapan namin dahilan para tumilapon kaming dalawa. Bumagsak ako sa buhangin, malayo sa kinalalagyan ni Dalikamata na bumagsak rin doon. Mahina kong iginalaw ang katawan ko kahit halos mamanhid na ito. Nakatayo si Lalahon sa pagitan namin ni Dalikamata na kasalukuyang walang malay. Napalakas ang pagbagsak niya. That same evil smirk was present on Lalahon's lips. Then she waved her arm in a circular manner and a circle of fire sorrounded us. Ooh ako lang at si Lalahon ang nasa loob ng malawak na pabilog na apoy. "Ang bilis mo yatang makalimot Allysandra. Hindi ba't ang sabi ko sayo bago kapa mailigtas ng mga gonggong kong kapatid, mamamatay ka muna?" Inis na sabi niya. A ball of fire formed in her left hand again and she raised it the air, ready to strike it at me. I tried to cover my arm around my face dahil masyado siyang maliwanag.  Nakakasilaw ang liwanag ng apoy na lumalabas na katawan niya.    She lifted her arm in the air and gave me a sonorous glare. Tiningnan ko lang siya, pilit hinahanda ang sarili ko sa kataposan ko. Then it happened so fast. Dalikamata came zooming out of nowhere and threw a huge purple light energy at Lalahon. Dahil sa gulat hindi sa akin napunta ang bolang apoy kundi sa ibang direksiyon at sumabog ng malakas sa isang malaking bato. Dalikamata swiftly stepped infront of me, covering me from her sister's deadly heat. "Umalis ka diyan Dalikamata! Dapat mamatay ang mortal na yan!" Sigaw ni Lalahon ng makatayo mula sa pagkakatumba dulot ng biglaang pag-atake ng kapatid niya. "Hindi mo siya magagalaw hanggang nandito ako Lalahon!" Dalikamata shouted back. My eyes were already half-opened. I was barely awake. Ilang sandali na lang at mawawalan na yata ako ng malay. Pero pinilit kong hindi mangyari yun. Kaya pinilit kong gumalaw at umupo habang nag-uusap ang dalawang diyosa. "Talaga? Naririnig mo ba ang sarili mo? Pinagtatanggol mo ang isang babaeng mortal?" Humalakhak ng malakas si Lalahon ay pumalakpak pa. "Nahihibang ka na ba? Dalikamata, ako ang kapatid mo! Ako dapat ang kinakampihan mo at hindi ang isang kagaya niyang walang kwenta!" "Kahit ano pa ang sabihin mo, hinding hindi ako tutulad sa isang kagaya mo!" Dalikamata yelled. And just like that she fired her energy light on Lalahon. Ngunit mas handa na ang kapatid niya ngayon kaysa sa mga nauna niyang pag atake. Lalahon just flicked her fingers and the energy light popped like a bubble. "Alam ko kong hanggang saan lang ang kakayahan mo. Hindi ka nakikipaglaban kaya sinasayang mo lang ang oras ko" But Dalikamata tried her very best to produce her largest energy lights but all of them seem to not affect the powers of Lalahon. The Goddes of Fire was way too stronger than her. At hindi ko natitiyak kung hanggang saan aabot ang lakas ni Dalikamata. Gusto ko siyang tulungan. Gusto siyang sigawan na hayaan na lang si Lalahon na patayin ako pero wala akong nagawa. Isa lang akong hamak na mortal. Anong laban ko sa isang diyosa? Dalikamata gave off a loud grunt and yelled. She managed to produce a huge dark purple energy light and threw it at Lalahon. A huge explosion thundered in front of us. For a moment, akala ko nagawa niyang magapi ang kapatid pero nagkamali kaming dalawa. Lalahon was still there like nothing happened. Ni hindi man lang siya nasaktan o nagalosan man lang. She was still smirking. Dalikamata fell on her knees. Gumapang ako palapit sa kanya at pilit kong hinawakan ang kamay niya. I can hear her rugged breathing. She was slowly losing her strength. And she did all of that trying to protect me. "Ang sabi ko sayo 'wag kang makialam! Ngayon kayong dalawa ang mamamatay!" Lalahon charged and threw fire on us. I closed my eyes as I held the weakening Dalikamata. Then I heard a metal s***h. Agad kong binuksan ang mata ko at tumambad sa harapan ko ang isang kumikinang  na espada. Mahina kong inangat ang mukha ko para makita kong kanino iyon at nakita ko si Juan Carlos na nakatayo sa harapan namin at nakaharap kay Lalahon. Napansin ko ang pag-iba ng kasuotan niya. He was now wearing something similar to that of Kaptan's, only in gold and pure white. His wings are also  started to disappear. Nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi pa kami tuluyang naging toasted Ally s***h Dalikamata. Mabuti na lang talaga at dumating si Juan Carlos kaya nakahinga ako kahit paano. Kahit ang totoo hindi pa naman talaga kami ligtas. Hindi pa nawawala si Lalahon at  hindi pa rin namin alam kong kaya bang talonin ni Juan Carlos ang kapatid niya. Nakakalungkot lang na kailangan nilang mag-away away na magkakapatid dahil lang sa akin. Sa isang babaeng kagaya ko. "Hmp! Nagpakita ka rin" Lalahon snapped her fingers and a sword appeared at her palm. "Alam mo bang kanina ko pa hinihintay na ikaw ang magpakita. Para makita mo mismo kung paano ko patayin ang babaeng yan!" Turo niya sa akin. "Hindi ko hahayaang mangyari yon! Magpapatayan muna tayo!" Juan Carlos shouted back. "Ha! Tumahimik ka Aglawin! Alam mong wala ka ring laban sa akin kagaya ng isang yan." She threw Dalikamata a disgusted look. "Ipinanganak tayong magkasangga at hindi magkalaban kaya hayaan mo na akong kunin ang babaeng yan" "Tama ka, hindi tayo ipinanganak na magkalaban kaya itigil mo na 'to! Dahil hindi ako magdadalawang isip na labanan ka!" "Aglawin..." Dalikamata groaned on my arms. She's turning really pale now. Kailangan ko siyang ialis dito. Pero napapalibutan parin kami ng apoy kaya wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. "Talaga ba? Nakakatawa ka Aglawin. Nakakatawa ka" at gaya ng sinabi niya, tumawa nga siya. Then she turned serious. "At natutuwa akong patayin ka!" Juan Carlos gripped on his sword tighter. Lalahon charged at him. He flew in the air and met Lalahon's sword. The metals clashed on the the air. Lalahon was just as strong as her brother and I can see that he is struggling against her. Lalahon slashed at Juan Carlos and he backed off a meter in the air. Lalahon threw him a fireball. Juan Carlos exerted a strong wind force that took the fireball back to Lalahon pero lumaki lang iyon at binalik niya ulit kay Juan Carlos. Juan Carlos barely dodged and missed getting scorched to death. The fireball bursted in the air kaya parang umulan ng apoy. Agad kong pinagpag ang mga nahulog sa katawan at damit ko. Pero nagimbal ako ng makitang may dumapo sa bestida ni Dalikamata at  nasusunog na ito. Agad ko itong pinagpag pero ayaw nitong mamatay. Her dress was made mostly of tulle, mesh and silk kaya madali  itong masunog. Habang naglalaban si Lalahon at si Juan Carlos sa ere, pilit ko ring kinakalaban ang nasusunog na damit ni Dalikamata na hinang hina na. Bago pa siya masunog kasama nito, pinilit kong punitin ang parti ng damit niyang nasusunog. At sa kabutihang palad, nagtagumpay naman akong matanggal iyon. "Allysandra..." she moaned. "Dalikamata, nandito ako!" I said, panicking. "Si...Aglawin...hindi niya...p-pwedeng...H-hindi niya kaya..." "Dalikamata, wag ka nang masalita. Please. Nanghihina kana." I said. Ganoon din naman ako pero dahil hindi ko gustong may mapahamak dahil sa akin, pinilit kong maging malakas. "Hindi...n-niya kaya si L-lalahon. H-hindi maaari..." "Anong ibig mong sabihin?" Pero hindi na siya sumagot. Nakapikit na lang ang mata niya. I turned to Lalahon and Juan Carlos, still fighting overhead. Gaya ng sabi ni Dalikamata, nahihirapan nga si Juan Carlos. Mukhang mas malakas nga sa kanya ang kapatid. May sugat  na sa kaliwang braso si niya na kasalukuyang dumudugo. May pasa na rin siya mukha. Si Lalahon naman ay bagamat may sugat sa balikat, ay malakas pa rin. Thier blades clashed for the nth time and Lalahon pushed Juan Carlos into the ground where her slammed infront of us. Agad naman siyang tumayo at hinarap muli ang diyosa. She gave off several fire shots at us and Juan Carlos raised his sword. It glowed in a luminescent blue light and provided us a glowing light shield habang pinapaulanan kami ni Lalahon ng sangkatutak na apoy. I just grabbed on Dalikamata ang prayed hard for this to end. Juan Carlos kept his stance firm kahit nahihirapan na siyang pigilan ang mga apoy mula kay Lalahon. I saw Dalikamata lift her hand towards him and it glowed in purplish pink. Then it generated energy that slowly seeped into Carlos's body. Dalikamata was giving him her strength. Kahit hinang hina na siya, pinilit niya pa ring tulungan si Juan Carlos. I wish I could do the same for him. Sana may naiibagay akong lakas para tulungan siya pero wala eh. "Sige lang Aglawin! Tingnan natin kung hanggan saan mo yan kayang pigilan" And Lalahon laughed truimphantly. Behind the light shield, I can see her helding quite an enormous fireball lifted above her head. Kapag ibinagsak niya yun, malamang hindi na kakayanin ni Juan Carlos pa na pigilan yun. "Tikman niyo and bagsik ng impyerno!" Lalahon yelled. And it happened so fast like a blink of an eye. Inakala ko pa nga imahinasyon ko lang ang nangyari dahil sa sobrang bilis nito. Isang napakalakas na kapangyarihan ng tubig ang bumuhos kay Lalahon dahilan para mapasigaw ang diyosa. Apoy siya kaya ng bigla siyang naglaho sa kawalan ng tamaan ng tubig ang naiwan na lamang ay kaunting usok. Napakabilis ng pangyayari kaya napatulala na lang ako. Kahit si Juan Carlos ay nabigla rin. Dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaba ang nagliliwanag na espada. Ang akala ko ay galing ang tubig sa bomba ng mga bombero pero hindi pala. "Sarayan..." Dalikamata mumbled. "Ha?" Tanong ko sa kanya. She slowly lifted her finger to a direction behind of me. Sabay kaming tumingin doon ni Juan Carlos. Nang mawala ang apoy ay naglakad palapit sa amin ang isang lalaking nakaasul. Nang makalapit siya sa amin saka ko lang napansin ang mukha niya. Bakit magkamukha sila ni Juan Carlos? "Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong ni Juan Carlos sa lalaking kamukha niya. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat? Iniligtas ko lang naman ang buhay mo" Balik sa kanya ng tinawag na Sarayan. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Umalis kana" sagot ni Juan at tinulungan akong itayo si Dalikamata. "H'wag mo akong pagsabihan kung anong dapat kong gawin Aglawin. Ang mabuti pa't umalis na kayo. Buhay pa si Lalahon at ngayon mas lumala pa ang galit niya.  Kaya umalis na kayo. Ako na ang bahala rito" kalmado niyang sabi. Iba man ang pagkakakorte ng buhok niya ay talagang magkamukha sila ni Carlos. "Paano ka?" Dalikamata asked him while on Juan Carlos arms. "H'wag mo akong alalahanin aking kapatid. Kaya ko ang sarili ko at si Lalahon. Umalis na kayo. At Allysandra, wag kang mag-alala ako na ang maghahanap sa tiyahin mo" Hindi ko na tinanong kong paano niya nalaman ang tungkol doon. Ang importante makaligtas kami at mailigtas si Tita. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. I saw the doubt on Juan Carlos face pero bago kopa mapuna iyon, nagsalita ulit si Sarayan. "Pagkatiwalaan mo ako Aglawin. Ang magkambal hindi dapat nagbabangayan" So they're twins? Kaya pala. Then he smiled. He really looks like Juan Carlos. Hindi sinagot ni Carlos ang kapatid niya at sa halip ay inayos na lamang ang pagkakatayo ni Dalikamata sa pagitan namin. Pero nagsalita din naman siya "Mag-ingat ka" Yun lang ang huli niyang sinabi sa kakambal at bigla kaming naglaho sa resort. Kami ay hinigop ng nakalakas na hangin at sa isang iglap nasa kalagitnaan na kami ng kagubatan. Lumiliwanag ang lupa sa mga paa namin kaya nakilala ko kung nasaan kami. Sa tahanan ni Dalikamata. "Anong problema?" Tanong ko ng mapansing nakakunot ang noo ni Juan Carlos. Halos wala ng malay ang kapatid niya habang hawak hawak namin. "Wala ka bang naaamoy?" Tanong niya. I sniffed. Wala naman eh. Pero nung tumagal na ay may naamoy na nga ako. Amoy sunog. Tumalikod kami at nakita ang tahanang puno ni Dalikamata, naglalagablab sa apoy at dahan-dahang nagiging abo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD