Chapter 21: The Cursed Goddess

2619 Words
"Hindi...Hindi!" Sigaw ni Dalikamata ng  imulat ang mga mata at makita ang nangyayari sa tahanan niya. "Hindi maaari ito..." hikbi niya. Dahan-dahang nagsidaloyan ang mga luha mula sa mga mata niya. "Hayop ka Lalahon" banggit niya sa pagitan ng pag-iyak. "Juan Carlos...a-anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?" Tanong ko, pilit isinasaayos ang kamay ng diyosang nakaakbay sa akin. Mabigat siya, ah. "Isa na lang ang alam kong handang tumulong sa atin. Si Sappia, and Diyosa ng Awa." He replied, the gash on the side of his lips was red with a stung of blood. "Matatagpuan natin siya sa paanan nang kabilang bundok" "Magbabayad siya, Aglawin! Magbabayad siya!" Puno ng poot ang mga boses ni Dalikamata ng bitawan ang salitang iyon. Wala na kaming nagawa. Ng tuluyang matupok ang puno ay natakot ako na baka kumalat sa buong gubat ang apoy at magkaroon ng wildfire. Pero hindi iyon nangyari. Mysteriously, the fire only burned the tree house and none of the other plants burned on contact. Sinadya lang talaga siguro iyon ni Lalahon. Ang bahay lang ang gusto niyang mawala at hindi ang buong gubat. Ano na kayang nangyari sa kanya. Naglaho siya ng tamaan siya ng tubig mula sa kakambal ni Juan Carlos. Saan na kaya siya nagpunta? Ang sabi ni Sarayan ay buhay pa raw ito at mas ginalit niya pa. Sabagay, totoong hindi ganoon kadali pumatay ng imortal. At si Tita? Nailigtas kaya siya? Nakaligtas na sila ni Keith? Ang mga katonongan mayroon ako ngayon ay maaaring hindi na masasagot. Dahil sa pagkakataong ito, nararamdaman kong bilang na ang mga araw ko dulot ng panganib na nakaamba sa aming tatlo. "Kumapit kayo ulit sa akin. Pupuntahan natin si Sappia. Siya lang ang tanging makakatulong sa atin" untag ni Juan Carlos. "Pero Aglawin, si Sappia ay hindi na gaya ng dati. Iba na siya ngayon" Dalikamata said. "Kailangan nating subukan. Kaya halina kayo" He gripped on us. And with a flick of his finger, we shimmered in golden light and disappeared. Ng mabuksan ang mata, nasa paanan na kami ng kabilang bundok, sa harapan ng isang maliit na bahay kubo. Gaya ng tipikal na bahay kubo, gawa ito sa kahoy at kawayan at pinaghalong nipa at anahao ang bubong. Napapalibotan ito ng maraming puting namumulaklak na mga halaman at may mga tanim na gulay na gaya ng nasa orihinal na kanta ng Bahay Kubo. Maganda ito at sa kalagitnaan ng gabi ay parang nagniningning. Hindi lang ako makapaniwala na may diyosang pipiliing manatili sa isang ganitong tahanan gayong may mga palasyo naman sila sa lugar kung saan man sila nagmula. Pinilit naming maglakad palapit sa bahay kubo. Nakakailang hakbang pa pang kami at bumagsak sa lupa si Juan Carlos kaya natangay niya kaming lahat. Gaya ni Dalikamata, nanghihina na rin siya. Ginamit niya na ang halos lahat ng kapangyarihan niya kaya nanghihina na rin siya. Idagdag pa ang marami niyang galos sa katawan at sa mukha. "Okay ka lang ba?" I asked him. Tumango siya at sinubukang tumayo. Tinulungan niya rin kaming makatayo  ng kapatid niya. Kumatok si Juan Carlos sa pintuan ng munting bahay. "Sino yan?" Tanong ng babaeng nasa loob. Noong una kinabahan ako, pero parang pamilyar ang boses na iyon at hindi ko lamang natitiyak kung saan ko ito narinig. "Sappia...ako ito si Aglawin. Kailangan namin ng tulong mo. Kasama ko si Dalikamata at malubha ang kanyang kalagayan" Pagbabalita ni Carlos. Ang kanina pa namomoung suspetsa sa isip ko ay nakompirma ko ng pagbuksan kami ng maybahay. Magkahalong gulat at takot ang nakita sa mukha niya ng makita ang siswasyon namin. Isang duguang diyos, isang nanghihinang diyosa na punit ang damit at isang babaeng may mga sunog sa katawan na parang sinampal ng ilang beses ng makita ang pagmumukha ng diyosang kaharap ko ngayon. "A-aling Susan?" Kunot noong tanong ko, hindi makapaniwala sa nalaman. "Ooh ija, ako nga ito! Ano ba ang nangyari sa inyo? Halikayo at pumasok kayo sa loob! Bilis" Agad naming ihiniga si Dalikamata sa maliit na kama sa loob ng tahanan ni Aling Susan/Sappia. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na isang diyosa ang maid sa pamamamahay ni Tita. Napakarami ng gusto kong itanong sa kanya pero hindi ito ang tamang oras. Lumapit siya kay Dalikamata at pinainom niya ito ng tubig na may petals ng mga puting bulaklak mula sa labas ng bahay. It must be some sort of magical healing flowers. When Dalikamata took a sip, her wounds started to heal and her breathing steadied. Hinayaan na muna namin siyang magpahinga. Binigyan niya ako ng kaparehong inumin  at tiningnan ako sa mata na parang nagsasabing. "Mamaya na ako magpapaliwanag" Lumapit siya kay Juan Carlos at binigyan rin ito ng mahiwagang inumin. "Ano ang nangyari?" Mahinang tanong niya rito. Isinalaysay naman ni Juan Carlos ang buong pangyayari sa kanya. Hinayaan ko na lang sila. Hanggang ngayon, si Tita pa rin ang nasa isip ko. Hindi pa rin ako mapakali hanggat hindi ko nasisigurong ligtas siya. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang tindi ng kapangyarihan ni Lalahon.  Wala akong kalaban laban sa mga gaya niya. Kung hindi dumating ang magkapatid, malamang patay na ako ngayon. Pero ang pamilya ko, sana ligtas sila. Natigil ang pag-iisip ko at pati ang pag-uusap nina Juan Carlos at Aling Susan ng may kumatok. Napakalalim na ng gabi at kasuspe-suspetsa ang taong kasalukuyang kumakatok. Nasundan kaya kami ni Lalahon? Alam niya kayang nandito kami? Hindi maaari. Naulit pa ng ilang beses ang pagkatok kaya nanindig ang mga balahibo ko sa katawan.  Dahan-dahan akong napalapit kay Juan Carlos who made his sword appear on his hand. Dalikamata was still sleeping in the bed. Aling Susan walked slowly towards the door. "Sino yan?" Tanong niya. "Si Sarayan ito Sappia. Pagbuksan mo ako." Nabunutan ako ng tinik ng buksan ni Aling Susan ang  pintuan at tumambad sa harapan namin ang kakambal ni Juan Carlos. "Ang tagal niyo naman. Naiinip na ako dito bubuksan niyo rin naman pala" he said and stepped inside the house. Ang mukha ni Aling Susan ay tila nakakita ng masasamang espirito kaya tumaas ang isang kilay ni Sarayan. "Sappia, ngayon ka lang ulit nakakita ng kagaya mo?" "Hindi naman sa gan'on!" Agad na tanggi ni Aling Susan. "Hindi ko lang inaakalang pati ikaw ay mapapadpad rito" "Anong nangyari?" Diretsang tanong ni Juan Carlos sa kakambal bago pa nito masagot si Aling Susan or Sappia. Hays! Ang dami naman nilang pangalan. "Pwede ba Aglawin, kumalma ka! Kararating ko lang at ganiyan na agad ang isasalubong mo sa akin?" Umupo siya sa silya sa tabi niya. Nanatili lang nakatayo si Juan Carlos at madilim ang tingin sa kapatid. Hindi ko alam kung ano pero nararamdaman kong may hindi magandang namamagitan sa kanilang dalawa. "Nawala si Lalahon. Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita ulit. At napatigil ko na rin ang apoy sa buong resort. Kaya pala walang bomberong nakarating ay  pinatulog silang lahat ni Lalahon" he reported. "Paano si Tita? Nakaligtas ba siya?" Kinakabahang tanong ko. "Ooh, nakaligtas ang tiyahin mo. Nailigtas na siya ng kaibigan mo bago pa ako dumating kaya wala kang dapat ipag-alala" he said and smiled at me. He was like the playful and silly version of Juan Carlos whom I saw rolled his eyes. "Nagawa mo na ang dapat mong gawin kaya bakit nandito ka pa?" Maangas niyang tanong at tumalikod. Aakma sana siyang maglalakad palayo pero nagsalita ulit ang kapatid niya. "Nandito ako para tulungan ka. Mahirap bang intindihin 'yon?" Bored na sagot ni Sarayan while running his fingers through his jaw. My eyes widened in surprise when Juan Carlos turned back to him and fiercely grabbed him by the collar kaya napatayo siya. Napasigaw naman si Aling Susan sa ginawa ni Juan Carlos. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko kailangan ang tulong mo! Mahirap din bang intindihin 'yon?" Singhal niya sa kapatid. Sarayan just smiled and pulled himself away from his brother's grip. "Talaga? Hindi mo ako kailangan? Alam mong hindi totoo yan dahil kailangan mo ako.  Wala kang kalaban laban kay Lalahon dahil pinapalakas mo lang siya. Hindi mo siya maaaring talonin dahil pinapalakas lang ng hangin ang apoy at alam mo 'yon!" He actually make sense to me. But I remained silent as Aling Susan stepped beside me, kinakabahan na baka bigla nalang magpatayan ang dalawang 'to. "Ako ang kailangan mo para matalo siya. Ako!" "Isa kang traydor! Bakit pa kita pagkakatiwalaan?" Sigaw ni Juan Carlos. Ramdam na ramdam ko ang galit at hinanakit niya sa bawat salitang binibitawan niya. Kung ano man ang dahilan ng mga iyon ay total isang napakalaking bagay. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na wala akong kinalaman sa nangyari kay Ariella!" Singhal din sa kanya ng kapatid. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Hindi ako ang nagsumbong kay Ina at hindi ko magagawa 'yon sa sa'yo! Ooh at naiinis ako dahil mas maraming nagmamahal sa'yo pero hindi sapat 'yon para talikuran ko ang pagiging magkapatid natin. Ikaw ang tumalikod sa akin Aglawin dahil hindi mo ako pinapakinggan" Carlos just gave a him a spiteful glare. I can see tears forming in his eyes. And just like the way he was, he turned around and walked out. Hindi ko alam kong anong gagawin o sasabihin ng makaalis si Juan Carlos. Napaupo na lang ako sa upuang kawayan sa likuran ko. Bumuntong hininga si Sarayan at tumingin sa akin. Nailang ako dahil pakiramdam ko si Juan Carlos pa rin ang nasa harapan ko ngayon. "Ah, titingnan ko lang si Dalikamata" paalam ni Aling Susan at pumasok sa loob ng maliit na kwarto. "Maybe you should just give him time" I said to Sarayan. He was still giving me that wierd glare. Then he scoffed. "Time? Ilang dekada na akong nagpapaliwanag sa kanya Allysandra pero masyadong sarado ang isip niya. Alam mo, mabait yang kapatid ko, pero napakatigas ng ulo niya" umupo siya sa harapan ko. Napatango na lamang ako at hindi na nagsalita. Hindi ko rin naman alam kong anong sasabihin. Marahil ay tungkol kay Ariella ang pinag-awayan nila kaya ganoon ang naging reaksiyon ni Juan Carlos. I can hardly blame him. Mahal na mahal niya yung tao. "Hindi ko naman talaga gustong makialam sa mga nangyayari pero hindi ko naman siya magawang hayaan na lang sa kamay ni Ina" biglang basag niya sa namuong katahimikan. I smiled slightly. "Kahit naman siguro galit siya sa iyo alam ko namang may pakialam parin siya na nandito ka. Bigyan mo muna siya ng oras makapag isip" Sarayan smiled at me. "Mapalad ka Allysandra at matigas ang ulo na kambal ko. Malaki ang pakialam niya sa'yo kaya niya 'to ginagawa" Huh? Bakit parang kasalanan ko pa? Sinisisi niya ba ako? He laughed a bit. "H'wag ka na munang masiyadong mag-isip" Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito. Biglang lumabas si  Aling Susan mula sa silid. "Sarayan, gusto kang makausap ng kapatid mo. Puntahan mo muna siya" Sarayan gave me a playful wink before going inside the room to check on Dalikamata. Umupo sa tapat ko si Aling Susan at ngumiti sa akin. Binalik ko rin iyon sa kanya. "Alam kong nakakabigla ang mga pangyayaring ito ija. Marahil ay mahirap i proseso ang mga bagay na natuklasan mo sa ngayon" Tama siya, napakarami ng nangyari at sobrang bilis ng mga kaganapan. Pero isa ang hindi ko maalis sa isip ko. "Aling Susan, hindi pa rin ako makapaniwala na isa kayong diyosa" I said, studying her with a glare. Kaya pala ang ganda niya at napakaputi niya. And she doesn't seem to age. She smiled bitterly at me. "Ang totoo niyan ija, hindi na ako gaya ng iniisip mo. Hindi na ako isang diyosa. Kagaya mo, isa na akong mortal" "Ho?" "Ooh, ija. Pinarusahan ako ni Maguayen dahil minsan akong inibig ni Kaptan. Itinanggi ko man ang ugnayang iyon dahil sa hindi naman ako pumatol sa asawa niya, wala pa rin akong nagawa ng tanggalin niya ang kapangyarihan ko at gawin akong mortal ng panghabambuhay" malungkot niyang sabi. Talaga pa lang mas masahol pa sa hayop ang isang kagaya ni Maguayen. "Napakasama niya" iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Naalala ko naman ang lahat ng ginawa niya at hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit at galit. "Kaya po ba kayo namasokan sa resort?" I asked. She nodded. "Ooh ija, ng mawalan ako ng kapangyarihan, kinailangang kong mamuhay ng normal kundi mamamatay ako sa gutom. Mabuti na lamang at busilak ang puso ng iyong Tita Marga" Napangiti na lang ako at napahugot ng malalim na hininga. Ang dami-dami ko ng mga nalalaman dapat na siguro akong ipatumba. "Puntahan mo si Aglawin at kausapin mo siya. Tama si Sarayan na kailangan niyo siya. Kung ang patutungohan lang rin nito ay ang labanan ang kampon si Maguayen, kakailanganin ninyo ang lahat ng tulong na maaari ninyong makuha. Kaya kausapin mo siya. Natitiyak kong makikinig siya sa iyo" Then she left me and went inside the kitchen. *** Natagpuan ko si Juan Carlos sa labas ng kubo na nakaupo sa harapan ng isang kumikinang na puting bulaklak. "Hey..." I called out to him. Lumingon siya sa akin at sinenyasan akong maupo sa tabi niya na ginawa ko naman. Tahimik lang kaming dalawa habang nakamasid sa mga kumikinang na mga bulaklak. "Patawarin mo ako" he suddenly said. "Para saan?" Mahina kong tanong. Wala naman akong naalala na may nagawa siyang kasalanan. "Sa lahat ng sinabi ko sayo. And also for not being able to save everyone you love" ayan na naman siya sa accented English niya. Napailing ako at hinawakan ang kamay niya. "Wala kang kasalanan Carlos. Listen, kung ano man ang nangyari, hindi natin kontrolado ang lahat ng 'yon. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo" "Kung hindi dumating si Sarayan, maaaring napahamak kana ngayon" he muttered. "Galit kapa rin ba sa kanya?" He shook his head. "Ang totoo niyan, galit ako sa sarili ko. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ang sarili ko ang hindi ko mapatawad sa nangyari kay Ariella. Ayoko lang na madamay pa ang mga kapatid ko kaya naiinis ako na sunod sila ng sunod sa akin dahil mas lalo akong nagui-guilty kapag napapahamak sila" I can feel his love for his siblings. Nakakainggit tuloy. Lumaki akong nnag-iisang anak. Pero nandiyan naman si Freya at Brent na parang mga kapatid ko na rin. I heave a breath. Sa panahong kagaya nito, masarap pa rin siguro sa pakiramdam na may mga kapatid kang maaari mong maasahan. "Mahal ka nila kaya nila ginagawa 'yon" sa huli ay sabi ko. Juan Carlos just gave me glare and smiled. He pressed my hand lightly. Then kept his eyes glued on the flowers. "Bakit mo ako binalikan?" Tanong ko. "Tinatanong pa ba 'yon?" "Bakit naman hindi..." I said. "Akala ko ba tatalikuran na natin ang isa't isa?" Ngumiti siya ng pilyo. "At naniwala ka namang kaya kong gawin 'yon?" "Bakit naman hindi eh 'yon ang sabi mo. Tapos ngayon babawiin din naman pala" I rolled my eyes. He just gave me a short grin and chuckled playfully. "Hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo. Dapat alam mo na yan eh. Pero wala rin kasi ang hina mo" he smiled and stood up. Ano'ng sabi niya? Mahina ako? Ano ang ibig niyang sabihin? He kept that pestering grin. "Halika na. Matulog ka na at anong oras na. Kailangan ng katawan mo ng pahinga" Sabi niya at inabot sa akin ang palad niya. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi mapakali kong tanong. "Wala. Ang dami mong iniisip. Halika na" He pulled me up and helped me stand. Nakakunot pa rin ang noo ko pero parang wala na siyang planong pag usapan pa yung sinabi niya. He just pulled me inside the hut. "Matulog ka na" sabi niya ng makapasok kami sa loob. And without warning, he kissed me on the forehead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD