I found myself alone inside a dark room. The temperature was eerily cold and it made my back shiver. I grabbed myself for a little warmth at nagpalingon-lingon ako sa paligid. Malalaki ang mga stained glass na bintana na hugis arko. May mga nakasabit ditong mga kurtina na iba't iba ang kulay. May pula, dilaw, lila at puti. Ang inaapakan kong sahig ay gawa sa pulang marble na nababalotan ng pulang carpet. Sa dulo nito ay may dalawang gintong upuan. Engrande ang pagkakakorte ng mga ito at ang liwanang mula sa bintana ay mas nagpapaganda sa ayos ng mga ito. Pero sa kabila ng ganda ng silid na iyon, may kung anong kababalaghang bumabalot dito na nakapagparamdam sa akin ng kakaibang lamig. Hindi nakasindi ang mga ilaw kaya mas dumagdag ito sa kakaibang atmosphere ng silid. If I'm not mistaken, I'm inside a throneroom.
May narinig akong mga yabag na papalapit sa akin kaya nagtago ako sa likod ng isang malaking poste na kulay ginto. Sa may ulo ko, may isang malaking sulo na wala ng langis.
Lumakas ang mga yabag at naramdaman kong malapit na sa kinatatayuan ko ang may-ari niyon. Napalunok ako. Sana nasa maling lugar ako at hindi ito ang lugar na nasa isip ko ngayon.
"Paano nangyari 'yon? Bakit nagkaganoon! Hindi 'yon ang napag-usapan natin!" Iritang tanong ng boses ng isang babae. Pamilyar sa'kin ang boses niya pero hindi ko pa matiyak kung sino ito.
"Patawarin mo ako, hindi ko rin inasahan ang nangyari. Sinisigurado kong hindi na ito mauulit" anang isang boses na malamig at hindi pamilyar sa akin. Pero nasisiguro ko na ngayon na si Lalahon ang kausap niya.
"Talagang hindi na ito mauulit! Hindi natin maaaring biguin si ina kundi tayo ang papatayin niya! Naiintindihan mo ba ako?" Singhal ni Lalahon.
Dahan-dahan akong sumilip sa likod ng poste upang makita sila. Gusto kong malaman kung sino ang kasabwat ni Lalahon. Pero hindi ko nakita ang mukha niya. Nakasuot siya ng itim na hooded coat kaya hindi ko mapagtanto kung babae ba siya o lalaki. Mahirap ring kilalanin ang boses niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang mukha niya.
"Alam ko. Pero h'wag kang mag-alala. Nakaplano na ang lahat at tinitiyak ko sa'yong mahuhulog sila sa bitag ko" sabi ng taong naka-itim.
Gumuhit sa mukha ni Lalahon ang isang makapanindig balahibong ngiti. "Mabuti kong gan'on. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila natuto. Sige ikaw na ang bahala. Ipapaubaya ko na sa iyo ang pagdala sa kanila rito"
Nakaramdam ako ng kaba. Kailangan kong malaman kung sino ang taong nakaitim. Dahil base sa sinabi niya, nakaplano na ang lahat. Anong plano? Ibig bang sabihin pinaglalaruan lang nila kami all this time? Hindi kaya...hindi kaya may traydor sa paanan namin? Ngunit sino?
Dahan-dahan akong umatras sa pagsilip ko. Kailangan kong humanap ng tiyempo para malaman kong sino ang kakampi ni Lalahon laban sa amin. Napaatras ako at humarap.
"Saan ka pupunta?" Sigaw ni Lalahon na sumulpot sa harapan ko at sinakal ako.
Agad kong naimulat ang mga mata ko at napatayo mula sa pagkakatulog. Napahawak ako sa leeg ko dahil parang nararamdaman ko pa rin ang pagsakal ni Lalahon sa akin mula sa panaginip ko. Paulit ulit akong napamura at napabuga ng hangin. Napasapo rin ako sa noo. Pero hindi kagaya ng mga nakaraang panaginip, tandang tanda ko ang mga pangyayari ng panaginip ko ngayon.
Paulit ulit kong iniisip kong sino ang kasama ni Lalahon. Maaaring ang taong iyon ay malapit lang sa amin. Minamatyagan ang bawat kilos namin. At iyong sinabi niyang nakaplano na ang lahat? Ano 'yon? Kailangan ko itong sabihin kay Juan Carlos. Baka alam niya ang maaaring ibig sabihin no'n.
Nawala ako sa iniisip ko ng marinig kong tumilaok ang tandang. Umaga na pala at kalalabas lang ng araw mula sa silangan. Nag-inat ako ng katawan at tumayo mula sa tinulogan kong kama na gawa sa kawayan. Wala ng tao sa loob ng bahay at nakarinig ako ng mga nagtatawanan sa labas ng kubo kaya lumabas ako roon.
Nadatnan kong magkasama sina Juan Carlos at Sarayan sa labas ng kubo. Masaya silang dalawa at nagtatawanan pa habang naglalaro doon na parang mga bata. Gamit ang kapangyarihan niya, itinataas ni Sarayan ang tubig mula sa maliit na sapa doon at ginagawa naman itong maliliit na ipu-ipo ni Juan Carlos. Nakakatuwa silang pagmasdan. Ang saya nila. Ang wierd nga lang kasi hindi ako sanay na may duplicate si Juan Carlos. Magkamukhang magkamukha kasi talaga sila at ang tanging naiiba lang sa kanila ay ang ayos ng kanilang buhok.
"Napakatagal na simula ng makita ko silang ganyan" Dalikamata suddenly said beside me. Magaling na pala siya. Nawala na ang mga pasa at sugat niya sa katawan. Bumalik na rin ang sigla ng kanyang mga mata at hindi na siya namumutla.
"Nang mag-away sila, ginawa ko ang lahat para magkabati lang sila pero wala ring nangyari. Masiyado kasing dinibdib ni Aglawin ang mga nangyari. Hindi ko rin naman siya masisissi. Masiyadong mahirap ang mga pinagdaanan niya" Dalikamata continued. "Pero ang mahalaga sa ngayon magkabati na sila ulit. Matagal ko na rin 'tong hinihintay"
Napatingin ako sa kambal. Sarayan raised a huge water bubble and splashed it at Juan Carlos. In return, Juan Carlos waved his hand and a powerful wind tossed his brother into the bushes. It left them both laughing. It was an adorable sight.
Pero nakaramdam ulit ako ng kakaiba. Lumamig ang pakiramdam ko bigla kaya hinarap ko si Dalikamata.
"Uhm...Dalikamata?"
Humarap siya sa akin na malawak ang ngiti. "Ano 'yon Ally?"
Isinalaysay ko sa kanya ang panaginip ko at ang suspetsa kong may nagmamatyag lang sa amin na hindi namin alam. Siya ang Diyosa ng mga Panaginip kaya maari niya matukoy kung ano ang kahulugan noon. Binanggit ko rin sa kanya ang tungkol sa sinabi ng kausap ni Lalahon na plando lamang ang lahat. Bumakas sa mukha ni Dalikamata ang pangamba at pag-aalala.
"Sa ngayon ay wala pa tayong masiyadong alam sa plano ni Lalahon o ni Maguayen. Ang natitiyak ko lang sa ngayon ay may ipinadala na naman si Ina para hanapin tayo at puksain. Dahil hindi nagtagumpay si Lalahon na patayin tayo, maaaring may iba na naman siyang plano" alalang sabi niya.
"Paano natin malalaman kung sino iyong kasama ni Lalahon?" Tanong ko.
"Kailangang malaman nila Aglawin ang tungkol sa panaginip mong 'yan"
"Gising na pala kayo" masiglang bati sa amin ni Juan Carlos. Pero nawala ang ngiti niya ng mapansin ang mga reaksiyon namin. Lumapit din sa amin si Sarayan na pilit tinatanggal ang mga damong dumikit sa damit niya.
"Ano'ng meron? Bakit para kayong nakikita ng multo?"
"May problima ba?" Tanong ni Juan Carlos.
Nagkatinginan muna kami ni Dalikamata bago ko napagdesisyonang magsalita.
"May kailangan tayong pag-usapan"
Nagtipon-tipon kami sa loob ng kubo ni Aling Susan. Pinaghanda niya kami ng pagkain kaya doon na kami nag-usap usap. Gaya na ginawa ko kay Dalikamata, sinabi ko sa kanila ang napaginipan ko. Nakinig naman silang mabuti.
"Hindi magtatagal at mahahanap din tayo ni Lalahon" sabi ni Dalikamata.
"Kilala mo si Ina, maaaring may iba siyang ipadala para taposin tayo" sabi ni Sarayan at pinalutang sa ere ang talong mula sa mangkok ng sinabawang gulay.
Bumuntong hininga lang si Juan Carlos at mukhang malalim ang iniisip. "Tama si Sarayan, maaaring magpadala si Maguayen ng ibang tao. Pero kilala rin natin si Lalahon. Hindi siya tumitigil hanggat hindi niya natutupad ang utos sa kanya. Dahil kapag hindi niya nagawa 'yon, siya ang malalagot"
"So anong gagawin natin? Hindi natin siya pwedeng hayaan na lamang na patayin tayong lahat" sabi ko.
"Hindi ganun kadali 'yon Allysandra. Kung madali lang ang pagpatay kay Maguayen ay baka nagawa na namin ito matagal na panahon na. Pero sa bukod sa isa siyang Diyosa ng Kamatayan, siya rin ang Reyna ng mga Diyos kaya halos lahat ay kontrolado niya" Dalikamata explained.
"Pero hindi ibig sabihin n'on na wala siyang kahinaan. Surely, there must some way to weaken her" I blurted. On most movies I've watched, villains usually have weak spots. Ang kailangan lang ay malaman mo kung ano 'yon. Why is this any different?
Sarayan smirked playfully at me. "Ang totoo niyan, tama ka Allysandra. May kahinaan din si Maguayen. Pero kahit ang kahinaan niya ay mahirap atakihin"
"Mahirap pero hindi imposible" Juan Carlos said in a serious tone. Napatingin ang mga kapatid niya sa kanya, naghihintay sa iba pa niyang sasabihin. "Ang lakas ng kapangyarihan ni Maguayen ay mula sa dala-dala niyang tungkod, ang Tungkod ng Kadiliman. Kapag nakuha natin 'yon at nasira, maaari nating siyang matalo"
I recalled the presence of the said "tungkod" in my dreams. 'Yon din ang ginamit ni Maguayen ng isumpa niya si Ariella at Juan Carlos matagal na panahon na ang nakakaraan. Hindi ko lang lubos akalain na napakamakapangyarihan pala non. I never thought that a simple wood such as that could harness such power.
"Pero Aglawin, dala-dala palagi ni ina ang tungkod niya. Paano natin ito makukuha sa kanya?" Dalikamata asked.
"Minsan na itong iniwan ni ina sa silid niya" Sarayan said. "Kailangan lamang nating humanap ng tiyempo para makapasok sa silid niya at kunin ito sa takdang panahong wala siya o hindi niya ito hawak"
"Maaari nga nating gawin 'yan. At para magawa yan, kailangan nating makapasok sa palasyo ng hindi namamalayan" Juan Carlos stated and tapped the table with his fingers. He turned his eyes on Dalikamata.
"Maaari akong gumawa ng sumpa para hindi kayo makilala ng mga guwardiya. Pero alam niyong hindi iyon tatalab kay ina. Masiyadong nalilimitahan ang kapangyarihan ko laban sa kanya" banta naman ni Dalikamata.
Para lang akong nanonood ng pelikula at pinalipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Wala akong kaalam alam sa mga ganitong bagay kaya nanatili akong tahimik. Paano ba kasi at naging parte ako ng kwentong ito pero hindi man lang ako binigyan ng kahit kaunting kapangyarihan. Ang nangyayari tuloy, kailangan ko pang maghintay sa ibang tao para iligtas ako. And the thought did not made me feel better.
"Kakailanganin natin ng tulong ng ibang mga diyos" sagot ni Juan Carlos.
"Sino? Sino naman ang tutulong sa atin? Halos lahat ng mga diyos ng Guindara ay takot kay Maguayen. Mga bahag ang buntot at hinahayaan lang si ina na paikot ikotin sila. Ako lang ang naglakas loob na umalis doon at tulungan kayo" Sarayan pointed out.
Natahimik si Juan Carlos at hindi nagsalita ng ilang sandali.
Mawawalan na yata kami ng pag-asa ng magsalita si Aling Susan o si Sappia. "Diyan ka nagkakamali Sarayan. Hindi lahat ng diyos sa Guindara ay takot kay Maguayen. Mayroong isang diyosa na kasinglakas ni Maguayen at siya ang makatutulong sa inyo"
Lahat kami ay napatingin sa kanya pero si Dalikamata ang nagsalita. "S-sino siya?"
"Si Alunsina, ang Diyosa ng Silangan" Sambit ni Aling Susan na naupo sa tabi ko.
"Alunsina?" Tanong ko.
"Siya ang kapatid ni ina" Pag-amin ni Juan Carlos.
Nanlaki ang mga mata ko. Kung magkapatid sila, hindi kaya sila pareho silang maitim ang budhi?
"Hindi Allysandra, magkaibang magkaiba ang sina Alunsina at Maguayen" Sambit ni Dalikamata. Ooh nga pala. Ngayon ko lang ulit naalala na nababasa niya pala ang iniisip ko. Hindi pa rin kasi ako masanay.
"Mabait si Alunsina at mahabagin. Hindi siya kagaya ni Maguayen na ang puso ay puno ng galit" dagdag pa ng diyosa.
Kumalma ang nabulabog kong pag-iisip. Mabuti naman kong ganoon. Nakahinga ako ng maluwag.
"Tama" Pagsang-ayon ni Aling Susan. "At maaari niya kayong tulungan. Hanapin niyo siya. Matatagpuan ninyo siya sa Guinaksilon sa silangan ng Guindara. Namumuhay siya doon ng tahimik kasama ang asawa niyang si Liadlaw at ang anak nilang si Ribong Linti. Si Ribong Linti ay maraming sakop na makapangyarihang mga sundalo. Malaki ang maitutulong nila sa inyo"
"Guinaksilon? Alam ko ang lugar na yan! Minsan na akong napadpad na lupalop na yan" Sarayan said and grinned.
"Kung gayon ay pupuntahan natin siya. Kung totoo ngang si Ribong Linti ay may mga sundalo. Maaari natin siyang maging kakampi laban kay Maguayen. Magkakaroon na tayo ng tiyansa laban kay ina" sabi ni Juan Carlos at tumitig sa kakambal niyang tumango sa kanya.
"Kung gayon ay iyon na lamang ang gagawin natin. Sama sama tayong babalik sa Guindara" sabi ni Sarayan.
Humarap si Juan Carlos sa kanya. "Sarayan, hindi mo kailangang sumama sa amin. Hindi mo laban ito. Ayoko ng madamay ka pa"
"Kinikilig ako" natatawang sagot nito kay Juan Carlos. Ng taasan siya ng kilay ni Juan Carlos, nawala ang ngiti niya at sumeryoso ang mukha. "Aglawin, ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na sasama ako! Pwede ba hindi ako bata na pagsasabihan mo kung anong dapat kong gawin. Isa pa hindi kita kuya dahil magkambal tayo kaya kung gusto kong sumama, sasama ako! At natitiyak kong makakasagupa mo ulit si Lalahon kaya kakailanganin mo ako. Kaya tigilan mo na yang kakasatsat mo dahil ang OA mo na"
Napangiti ako sa sinabi ni Sarayan.
"Bahala ka sa buhay mo" Juan Carlos mumbled and shifted his attention to the soup na lumamig na.
"Oh siya, magsikain muna kayo at mamaya niyo na pagplanohan ang pagbalik sa Guindara. Ayan tuloy at lumamig na ang pagkain" Saway ni Aling Susan.
***
"Ang tahimik mo naman yata ngayon" untag sa akin ni Juan Carlos habang nakaupo ako sa lilim ng puno ng mangga sa labas pa rin ng bahay kubo at nakaharap sa sapa. Umupo siya sa tabi ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala lang siguro akong ganang magsalita. Ang dami dami na kasing nangyari eh"
"H'wag kang mag-alala. Magiging maayos rin ang lahat. Pangako ko yan" He smiled back at grabbed my hand. I felt his arm gently rubbed my back kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. I didn't want to talk. I just want to rest my head on his shoulders and forget about everything even just for a short while. Things happened so fast and so unexpected kaya minsan hindi pa rin ako makapaniwala na pinagdaanan ko yun. At lalong lalo na hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon humihinga pa rin ako at buhay pa kaming lahat.
How I wish this was all a dream. A bad dream. Na sana kinabukasan pag gising ko nasa loob lang pala ako ng kwarto ko. At nasa bahay lang ako kasama si mommy at si daddy. At aalis lang ako papuntang school, makipag kulitan kay Freya, makipag bangayan kay Brent, makinig sa klase ni Prof. Guzman, kumain sa cafeteria at kumain ng buko flavored ice cream. Lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa ko dati sa Maynila ay sobrang miss ko na. Nakakalungkot lang at parang hindi ko na yata magagawa pa ulit ang mga bagay na 'yon. Wala ng katiyakan kung pagkatapos ng lahat ng ito, makakauwi pa ba akong buhay.
Hindi ko maiwasang hindi isipin si Mommy, si Brent at si Freya. Alam na kaya nila ang nangyari? For sure nag-aalala na ang mga 'yon. Pero hindi ako pwedeng bumalik sa resort. Pag ginawa ko 'yon, mapapahamak sila. Nasunog na nga ang buong resort dahil sa akin. Kaya dapat may gawin na ako para matalo si Maguayen. Kahit ang totoo, ekis na ekis naman talaga ako laban sa kanya. I just decided to think of something else. Masiyado na yatang mga negatibo ang pumapasok sa isip ko.
"Carlos?"
"Hmmmn?"
"Ano nga ulit yung Guindara?" Wala sa sariling tanong ko habang nakasandal parin sa kanya at nakapikit ang mga mata.
"Ang lugar nga mga diyos. Isang lugar na puno ng iba't ibang magaganda at puno ng makababalaghang elemento. Malawak at makulay doon. At 'yon ang lugar na kinalakihan ko. Ang tahanan ko"
"Bakit ka napunta rito? At si Dalikamata?"
"Maganda ang Guindara ooh. Pero sinakop na ito ng kasamaan. Ng mawala si ama, napagdesisyonan namin na lisanin ito. At hindi naman ako nagsisisi" he stared straight into my eyes.
"Dahil may mas gaganda pa pala sa Guindara...at kaharap ko siya ngayon."