Chapter 23: The Trees of the Powerless

2986 Words
Nagmistula akong tanga kakangiti sa sinabi ni Carlos kaya pinagtawanan ako ng kambal niya na inirapan ko na lang. Ewan ko ba. Ganoon nga siguro talaga 'yon kapag... alam niyo na. Bukas na kami aalis at hindi ako sigurado kung anong mangyayari sa amin doon. Lalo na sa akin. Wala akong kapangyarihan. Isa lang akong mortal pero kahit ganoon inisip ko pa rin na may laban ako. Na magtatagumpay kami. Hays,  optimism at it's finest. Pinag usapang mabuti nina Juan Carlos at Sarayan ang paglalakbay. Nakinig lang kami sa kanilang dalawa ni Dalikamata dahil silang magkambal naman talaga ang mga mas nakakaalam sa mga dapat naming gawin. Hindi ko na lang namalayan na nakatulugan ko rin sila dahil wala naman akong ginagawa. Pero sana pala hindi ko na lang ipinikit ang mga mata ko dahil dinalaw nanaman ako ng isang hindi magandang panaginip. I found myself in an open and deserted circular building in the middle of nowhere. There was a huge circular marble floor with huge cracks and it was lower than the other parts of the structure. I was standing alone in the middle.  Around me, there were broken walls, destroyed beams, catapults, red and white flags lying on the ground and splinters of glass. I was in an abondoned arena. Across the platform, stood two huge beams. Pero ang ipinagkaiba nito sa lahat, gawa ito sa ginto at nakakasilaw ang liwanag nito dahil sa repleksiyon ng araw kaya minabuti kong tabunan ang mga mata ko gamit ang likod ng kamay ko. Biglang nagdilim ang langit. Natabunan ng ulap ang liwanag ng araw at kumulog ng pagkalakas-lakas. Hindi tatagal at uulan na. Napatingala ako sa langit na animo'y sumisigaw sa galit dahil sa lakas ng mga kulog at kidlat. At gaya ng inaasahan, bumuhos sa akin ang malakas na ulan. Lumakas din ang simoy ng hangin na parang bagyo. Pero nanatili akong nakatayo sa ginta ng bilugang bulwagan. Sa gitna ng dalawang higanteng poste na gawa sa ginto, dahan dahan kong naaninang ang anyo ng isang tao. Nanindig agad ang mga balahibo ko sa katawan ng makita ang nakakaawa  iyang hitsura. Nakagapos ang magkabilang kamay niya sa dalawang poste gamit ang isang pares ng gintong kadena. Nakayuko ang ulo niya kaya hindi ko agad siya namukhaan. Wala siyang damit pan itaas kaya kitang kita ko ang mga sugat at pasa niya sa katawan kung saan dumadaloy ang preskong dugo na sumasabay sa bawat patak ng ulang tumutulo sa katawan niya. Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib ng makilala ko siya. Hindi ako nag atubiling takbuhin ang direksiyon niya at niyakap siya. "Juan Carlos!" I held his face up. Halos hindi na siya humihinga. Halos hindi ko na rin siya makilala. Puro pasa at sugat ang pagmumukha niya at may dugong dumadaloy mula sa noo niya na napunta sa kamay ko. "Juan Carlos, gumising ka. Iaalis kita dito" I cried. I was panicking and tried to find a way to unlock his manacles. Pero masiyado iyong matigas at alam kong may taglay iyong majika na tanging kapangyarihan lang ng isang diyos o diyosa ang makakabukas. "Nasaan si Sarayan? Si Dalikamata?" Hindi siya sumagot. Paano ba nangyari ito? Pilit kong giniba ang kadena. Kumoha ako ng pamukpok pero kahit anong gawin ko, walang tumatalab. "Carlos hindi kita iiwan. Iaalis kita dito" sigaw ko sa kanya dahil napakalakas ng ulan. Pero hindi na siya gumalaw. Dahil sa takot hinawakan ko ang mukha niyang nakayuko. Ng iangat ko ito, nakita ko ang mukha ni Maguayen na nakangiti sa akin at nanlilisik ang mata. "Ahhhhh!" "Ally gising! Gising!" Agad akong napabalikwas ng bangon. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Nasa loob lang pala ako ng maliit na kwarto ng bahay kubo at nasa harapan ko ang nag-aalalang mukha ni Juan Carlos. Nang magbalik sa akin ang detalye ng panaginip ko, hinugot ko siya at niyakap ng mahigpit. Nabigla siya sa ginawa ko pero hindi naman siya nagreklamo. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Pangalawang beses na ito na nanaginip ako ng ganoon. Ano ba yun? Bakit kailangan ganoon? Naiiyak tuloy ako. I felt him rub my back. "Shhh. Nandito lang ako" he whispered. I slowly lifted my head to see his face. He smiled down at me kaya nawala ang kaba ko. I traced my fingers on his face. That face. It was a face of a god. Flawless, poreless and da*n perfect. Hindi ko kayang makita ang pagmumukhang yan na dinadaloyan ng dugo at puno ng pasa. Hindi ko kaya makita siyang ganoon. Nakatali at  bugbog sarado. "Okay ka lang ba? Anong problema?" Tanong niya ng mapansing nakatingala lang ako at tinititigan siya. Umiling ako. Ayokong mag kwento ng ganun kapangit na panaginip. Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap sa kanya at ipinikit ang mga mata ko.  I felt relieved ng maramdaman ko na niyakap niya rin ako pabalik. Someone cleared a throat kaya binitawan namin ang isa't isa. "Hindi naman siguro ako nakakistorbo diba?" Tanong ni Sarayan na nakasandal sa may pintuan at nakangiti ng pilyo. I heard Juan Carlos' soft chuckle. "Epal ka lang naman" Sarayan pressed a palm on his chest, acting hurt. "Aray" then he laughed. "Kailangan na natin umalis, palabas na ang araw" then still donning that grin, iniwan niya na kami ng kapatid niya. Juan Carlos turned back to me and smiled. "Halika na" he grabbed my hand and helped me get up. Mabilis lang ang paghahanda dahil wala naman kaming masiyadong dala. Mga sarili lang namin at ilang pabaong pagkain ni Aling Susan. "Allysandra," untag niya sa akin. "dalhin mo ito at nawa'y makatulong ito sa inyong paglalakbay" Inabot niya sa akin ang isang maliit na bote na may kumukinang na tubig. "Ito ang katas ng bulaklak ng Gurnavilla isang halamang nakaka gamot sa anumang uri ng sugat. Hindi magiging madali ang inyong paglalakbay ngunit palagi mong tatandaan kung ano ang rason kung bakit narito ka. At yun ay para supilin ang kasamaan. Gabayan nawa kayo ni Bathala" I smiled at her as she handed me the small bottle. Isinilid ko ito sa maliit na bag na bigay niya rin sa akin. "Maraming salamat ho Aling Susan. Pero...maaari ho bang humingi ng kaunting pabor?" "Ano iyon ija?" Tanong niya. "Maaari ho bang puntahan niyo si Tita Marga at ipaliwanag sa kanya ang nagyayari. Gusto ko lang pong malaman niya na nasa...nasa mabuting kalagayan ako. Ayokong mag-alala pa siya sa akin" "H'wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa Tita  mo" ngiti sa akin ni Aling Susan kaya kahit papaano ay nakampante ako. "Kung wala na tayong gagawin pa ay tayo na?" Tanong ni Sarayan. Nagsitango kaming tatlo at nagpaalam na rin sila sa ginang. Hinawakan ni Juan Carlos ang kamay ko at tumingin ng makahulugan sa akin. Then slowly, his wings started to appear. Behind me, Dalikamata changed her outfit into a much more comfortable one. Ayaw niya na daw masunog ulit kaya nakasout na siya ng simpleng pantalon at sweatshirt. Sarayan didn't mind wearing a simple blue tee and jogger pants. While me? Well, I was just donning Juan Carlos hand-me-downs. A simple black shirt and a comfy grey pants. Napangiti ako. Mamatay man kami at least my fashion statement. Charot lang. Ganito kasi talaga kapag papalapit kana sa #KillingSpreeMoment mo. Kahit ano na lang naiisip mo. Juan Carlos wrapped his arm around my waist. Nauna ng lumipad si Sarayan sa ere. Gaya ni Juan Carlos, may pakpak din siya, grayish brown nga lang kulay. Dalikamata followed him after a short while. Juan Carlos flapped his wings and we zoomed in the air like a bullet. Mabilis naming narating ang puso ng kagubatan. Naglalakihan ang mga puno ng lawaan, acacia, toog at yakal. Hindi ko na alam kung paano ko nakilala ang mga pangalan n'on. We landed beside the trunk of a huge acacia tree. It's strong and sturdy branches produced towering shadows that cooled the atmosphere. Infront of us is a huge cave, it's dangerous and sharp-edged stalactites and stalagmites peered creepily before us.  Juan Carlos tucked his wings behind his back as Sarayan scanned the area. "Sa tingin ko ligtas naman ang lagusan" Sarayan said, turning around to face us. "Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito" Dalikamata said and walked closer to the cave entrance. She raised her hand, the one with the eye,  infront of the cave and closed her eyes then muttered some wierd incantations that I wasn't able to understand. Her palm started to glow purple and light shimmered around her. After about a minute, the shimmering disappeared and she dropped her hand back to her side. "Hindi ko makita kung anong nasa kabilang dulo ng lagusan. May malakas na majikang nakabalot dito at hindi iyon kayang labanan ng kapangyarihan ko. At kung hindi ako nagkakamali, hindi maganda ang naroon. Maaaring sa oras na ito, alam na ni ina na papunta tayo sa Guindara para harapin siya. Maaaring may patibong ng nakahanda sa lagusang ito" "So we can't use this portal. Saan tayo dadaan?" Tanong ko. "May alam akong lagusan. Minsan ko ng ginamit 'yon dati ng una akong lumayas sa Guindara" Juan Carlos replied. "Ang tanging problima lang ay nagpapalipat-lipat ito ng dulo na para bang pinaglalaroan ang kung sino mang naglalakbay rito. Kaya maaaring pagpasok natin sa loob, dalhin tayo nito sa hindi pamilyar na parte ng Guindara" "Kung totoong may patibong dito, at kung gugustohin nating makabalik doon ng ligtas, kailangan nating gamitin ang lagusang tinutukoy mo" Sarayan said. "Saan ba natin ito matatagpuan?" "Sa kweba sa ilalim ng talon" Ang talong tinutukoy ni Juan Carlos ay ang talong minsan na naming pinuntahan. Sino pa ang mag-aakalang sa ilalim pala ng bumabagsak na tubig ay may isang malawak at malaking kweba. Gamit ang kapangyarihan sa tubig, lumipad si Sarayan sa harapan mismo ng batong hinuhulugan ng tubig at pinatigil ang pag-agos ng ilog. Sinenyasan niya kaming pumasok na sa loob ng kweba. Madilim sa loob, lalo na ng ibalik na ni Sarayan sa normal ang agos ng tubig. Napakatahimik ng silid kung hindi lamang sa kakaunting patak ng tubig mula sa mga bato sa ibabaw namin. Then Dalikamata produced a bubble light para makita namin ang dinaraanan namin. Si Juan Carlos ang nauna dahil siya ang nakakaalam sa daraanang ito. Naglakad kami sa kailaliman niyon sa liwanag ng flashlight ala Dalikamata. Naisip ko tuloy, kung nagkataon at mga barkada ko ang tatlong ito at nag camping or nag field trip kami chuchu ang saya siguro. Ikaw ba naman may kaibagang nakakakontrol ang tubig, nakakakontrol ng hangin at isang kaibigan my super light powers with extra nambabasa pa ng isip. Perfect ang magiging camping experience ko kung nagkataon. "Nandito na tayo" untag ni Juan Carlos. Narating namin ang dulo ng kweba kung saan mayroong isang malaking portal na lumiliwanag ng iba't ibang kulay. Nakakasilaw ito at hindi makita kung ano ang nasa kabilang dulo. Basta kapag pumasok kami diyan, mapupunta  na kami sa Guindara. "Ihanda niyo lang ang sarili niyo. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng lagusang ito. Nang huli ko itong gamitin para makabalik ay dinala ako sa gitna ng Lawa ng Kiram" Juan Carlos said. "Okay lang 'yon. Pero mas gugustohin ko kung dadalhin niya tayo agad sa silid ni ina. Sa harapan mismo ng tungkod ng masira natin ito agad" Sarayan said and grinned. "Mauuna na ako" he volunteered. With his tucked wings, he slowly stepped into the liquidy light and disappeared into the other side. "See you" Dalikamata whispered and waved her hand at me. I immenently noticed the eye on her hand which winked at me. Pati yung english phrase niya hindi pinalaspas ng tenga ko. Ang weird kasi nung nasanay kang marinig ang mga kaibigan mong puro ang pananagalog tapos bigla-bigla mag eenglish sa harapan mo. "Ally halika na. Sabay na tayo" Juan Carlos said. I accepted his hand and we both stepped inside the portal holding each other. Para akong hinihigop ng pagkalakas lakas na pwersa. My body felt like I was being strained, twisted and stretched. It was kinda painful but it was good pain. Noong una puro puti lang ang nakikita ko. Ng maglaon, dahan-dahan itong nagbago. Sa harapan ko lumitaw ang napakaraming mga puno. Mayayabong at matatayog ang mga ito at may mga vines na kumakapit sa mga sanga nila. Pero hindi kagaya ng normal na puno, yellow at pink ang mga dahon nito. Pakiramdam ko tuloy nasa Japan na ako, sa pagitang mga namumulaklak na mga sakura. Napalingon ako kay Juan Carlos at sa paligid. Pero parang may mali eh. "Nasaan sina Sarayan at Dalikamata?" Takang tanong ko. Hindi ko sila makita kahit saan.  "Iyan din ang ipinagtataka ko" sagot ni Juan Carlos kaya hindi ako napakali. "Dapat nandito lang sila" "Sarayaaaaan! Dalika-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Juan Carlos ang bibig ko. "H'wag kang maingay Ally. May kung anong sumpa ang nasa lugar na ito at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko ngayon" he whispered. "Paano ang mga kapatid mo? Where are they?" I asked. Hindi kami pwedeng maghiwa-hiwalay. Lalo na ngayon. He signaled me to keep quite. Then he closed his eyes, trying to concentrate probably on the sound of the air. Pero biglang kumunot ang noo niya na ikinabahala ko. "Bakit? Anong problima?" I asked. "May mali eh. Wala akong marinig mula sa hangin. Hindi naman ako kadalasang nagiging ganito dahil kontrolado kong  mabuti ang kapangyarihan ko" sabi niya na mas lalong nagpabahala sa akin. Pero bago pa ako makapagsalita, may narinig kaming sumisigaw mula sa malayo. "Boses ni Dalikamata yun ah!" Juan Carlos' eyes widened. "Ally, tara!" We sprinted towards the direction of the voice. Dalikamata screamed again a few more times and started calling out Sarayan's name. Binilisan namin ang takbo para abotan ito pero tumigil ang pagsigaw. Napalingon ako sa isang tabi at nakita ang isang espadang kumikinang na nahulog sa lupa. "Juan Carlos" mahina ko siyang siniko at tinuro ang kinalalagyan ng espada na agad niyang pinulot. "Kay Sarayan ito ah" Juan Carlos said with a contorted face.  "Anong nangyari?" "Hindi ko alam. Pero sa tingin ko sa isang hindi ligtas na lugar tayo dinala ng lagusan. Kailangan natin silang hanapin!" "Ahhhhh" "Doon!" Turo ko sa isang direksiyong nasa silangan namin. We ran towards it, through huge bushes and vines. Nadatnan namin ang dalawa na nakabitin sa isang malaking puno. The vine of the tree wrapped itself like it was alive and dragged both gods upwards. Dalikamata's left foot we're caught up causing her to get tied upside down. Si Sarayan naman ay nagapos ang buong katawan kaya hindi niya na nagawang gumalaw hanggang sa hinugot na siya ng puno pataas. "Aglawin! Tulongan mo kami!" Sigaw niya ng makita ang aming pagdating. "Hindi ako makagalaw!" He grunted and tried to fought to the vine but everytime he tries to fight it, it just squeezed him harder dahilan para mapasigaw sa sakit ang diyos ng tubig. Carlos came to an abrupt stop and immediately raised both arms in the air. Pero napatigil siya at tinitigan ang mga kamay niya ng nakakunot ang noo. "A-anong nangyayari? B-bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko?" "Aglawin bilisan mo!" "Juan Carlos dumapa ka!" I pushed him down on the ground when a vine snapped from one of the trees and swept at us. Mabuti nalang mabilis ang mata ko at nakita ko iyon agad bago pa kami matali doon. Juan Carlos rolled around, letting his wings dissappear. He knelt down, keeping his eyes keen for vine attacks while at the same time contemplating on how to save his siblings. "Hindi ko maintindihan bakit wala akong kapangyarihan" he muttered and cursed. Then he stoped like a bucket of freezing water was poured on him. He had a horrified expression on his face as he turned to me.  "Ally nasaan ang espada?" "Heto" abot ko sa kanya ng espada ni Sarayan. Ang diyos ng tubig ay nanghihina na at nawawalan na ng lakas. Juan Carlos took it from me and threw it to the vine helding up his brother. His aim was precise, cutting the vine, cutting off Sarayan and sent him bouncing on the ground. Tumakbo ako sa kanya at ingat na ingat na hindi rin ako tamaan ng mga nagsasayawang sanga at tinulungan siyang tanggalin ang sarili sa nakataling parte ng puno. Juan Carlos then took the sword back and threw at Dalikamata. She fell on the ground hard. But just as Juan Carlos ran to rush up at her, another vine came snapping and another and another until we were left with no movement. Sarayan lifted and spread his arm and his sword came back to his hands in an instant. Lumitaw na rin ang sariling espada ni Juan Carlos. "Gumapang ka!" He yelled at Dalikamata who remained in the middle of the snapping and sweeping vines. Dalikamata managed to do all she could to get to us without getting tangled again. "Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!" Dalikamata yelled. "Kukunin natin siya" Juan Carlos told us. Sarayan just nodded at him like he already knew what to do. "Ally tumakbo kalang ng dere-deretso. Sarayan and I will take care of the vines" he said. At the count of three, I sprinted. Juan Carlos and Sarayan kept the vines occupied, slashing at every single one that attempts to get in my way. I scooped Dalikamata from the ground and made her wrapped one arm around my shoulder as I carried her whole weight on me and ran her back to safety. The two guys continued fighting the vines with mere swords. Ng makita kaming papalayo, agad silang sumunod at  maingat na tumakbo papunta sa amin. I put Dalikamata on the ground and untangled her feet. Juan Carlos and Sarayan stood on both our sides readying themselves for any vine-related threat. The four of us remained stuck in the middle of the deadly yellow-leaved trees with nothing but our wit to save ourselves since powers seemed useless here...how will we survive? That I didn't know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD