Chapter 24: Scream of Power

2608 Words
"Anong lugar 'to? Bakit hindi gumagana ang mga kapangyarihan natin?" Sarayan yelled, still slashing on the vines attacking us. "Hindi ako sigurado pero mukhang napadpad tayo sa Irayad" Juan Carlos replied and ducked from a huge vine before slashing at it.  "Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Dalikamata at tuluyang tinanggal ang mga baging na nakapulupot sa mga paa niya. "Ooh, maraming salamat" dagliang sagot niya at tinulungan ko siyang tumayo sa pagitan nina Juan Carlos at Sarayan. The vines continued snapping and swinging at us, trying to entangle us into the trees. Fortunately, both Juan Carlos and Sarayan are both good at swords. "Anong mga klaseng puno ba ang mga ito? Bakit sila ganyan?" I asked. "Mga Harabak. Ang tawag sa mga punong ito ay Harabak. Natataglay ito ng napakalakas na majika na nagpapawalang bisa sa mga kapangyarihan ng mga diyos. At kapag nakuha nila ang isang diyos o diyosa sisipsipin nila ang kapangyarihan nito hanggang sa tuluyan itong maglaho. Kaya iniiwasan namin ang Irayad dahil dito lang sila matatagpuan" paliwanag ni Dalikamata. Now that isn't good news. Kung kaya nitong pumatay ng mga makapangyarihang nilalang gaya ng mga diyos, paano pa kaya ang isang tao? Ayoko na tuloy sagutin ang sarili kong tanong. "Kailangan na nating makaalis dito!" Sarayan yelled at Carlos. "Ang totoo kanina ko pa iniisip yan!" Sagot ni Carlos sa kapatid habang patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga Harabak na nakapalibot sa amin. "Anong gagawin natin?" Dalikamata asked. Juan Carlos pulled her away from a swaying vine that almost caught her arm. "Tatakbo tayo?" Sarayan muttered. Sa mukha niya halatang hindi siya sigurado sa sinabi niya. "Mukhang imposibleng makalusot tayo sa mga ito ng hindi nalalambitin sa isa sa mga sanga niyan" "Wala tayong ibang magagawa. Kapag manatili pa tayo dito ay maaring hindi na tayo tatagal pa" Juan Carlos explained, keeping his sword tightly gripped in his hand. A vine went zooming towards him but he was fast enough and cut it off. Dahan-dahang nawala ang mga baging. Pansamantalang nagsitigil ang pag-atake ng mga Harabak sa amin. Naging payapa sandali ang lugar. Sa ilalim ng lilim ng mga higanteng puno nagkalat ang mga putol-putol na mga sanga, gumagalaw pang mga baging at mga dilaw at pink na dahon na gaya ng dahon ng holly. "Hindi magtatagal, aatake ulit sila. At baka mas mabagsik na ngayon" Dalikamata whispered kaya napatingin na lang ako sa kanya, hindi alam kong ano ang sasabihin. "H'wag na tayong mag-aksaya pa ng oras" Carlos said. "Makinig kayo, kapag sinabi kong takbo, tumakbo agad kayo" he told Dalikamata and me kaya napatango na lang kami sa kanya. "At wag na wag kayong titigil naiintindihan niyo? Sarayan..." "Ano 'yon Kapitan?" Nakangiting sagot sa kanya ng kapatid. Napakamot ako sa ulo. Nasa seryosong sitwasyon kami ngayon pero nakuha niya pang magbiro. "Alam mo na ang gagawin" Juan Carlos said, eyes dark and fierce. Walang pakiaalam kahit nasa kabilang planeta ang mood ng kambal niya.  His twin just gave him a smirk and fixed his stance. "Siyempre naman. Dating gawi?" "Dating gawi..." In front of us, the twins got themselves ready for the threat of the trees. Juan Carlos steadied his foot and Sarayan did the same. Hinawakan ni Dalikamata ang kaliwang kamay ko at pinisil iyon. "H'wag na h'wag kang bibitaw sa akin Allysandra" Tumango ako sa kanya at kinalma ang sarili ko. Hinayaan kong mawala ang mga pangamba at takot ko sa maaaring mangyari. My pounding chest started to loosen up and I somehow felt calm and ready to run away. The branches of the Harabak trees started to creak and rustle once again. "Isa" "Dalawa" "Takbo!" We aimed for the path away from the magical trees. Naka-isang hakbang pa lang kami ng magsi-atake ulit ang mga baging sa amin. We had to duck, bounce, stagger, leap and dodge just to avoid getting ourselves tangled into the branches and meet our end. Juan Carlos and Sarayan slashed all the vines that gets in our way. "Aglawin! Sa likod mo!"Sarayan yelled. Juan Carlos slashed his sword without looking backwards and cutting of the nasty evil vine that attempted to attack him. We had little luck, of course. Kasi noong malapit na kami sa kataposan ng huling puno ng Harabak, nangyari ang hindi inaasahan. Ang dalawang naglalalakihang mga Harabak ay animo'y nagsanib pwersa. Ang mga sanga ng mga ito at nagtapat at ang mga baging ay nagsilambitin sa isa't isa, blocking us from our escape. Napatigil kaming apat dahil wala na kaming madaanan. And masama pa, nasa gitna na kami ng pinakadelikadong parte ng gubat. May napakataas na pampang di kalayoan sa aming kaliwa. And we had no way out since we were trapped between the trees. Mas malalaki at mayayabong ang mga puno ng Harabak sa parteng ito. Mas matitibay rin ang mga sanga at baging ng mga ito. Hindi yata talaga sila titigil hanggat hindi kami napapatay lahat. Nagsitigil kaming apat sa pagitan ng mga puno. Pabilog na nakatalikod kami sa isa't isa at inihanda ang aming mga sarili. Kailangan na naming protektahan ang mga sarili namin at ang isa't isa. Ngunit paano? Wala akong dalang kahit na anong armas o panangga man lang. The trees rustled furiously and dangerously, giving me unnecessary chill in the back of my neck. Kailangan ko ng ipoprotekta sa sarili ko. Hindi pwedeng hintayin ko nalang palagi si Juan Carlos para tulungan ako. Hindi pwedeng sa kanya ko nalang palagi iasa ang kaligtasan ko. Out of desperation, I grabbed a fallen branch. Galing man 'yon sa Harabak o hindi, makakatikim sila sa akin ng palo ng isang babaeng desperadang mabuhay. I saw Dalikamata did the same thing. Wala siyang kapangyarihan sa pagkakataong ito kaya naiintindihan ko rin ang pangangailangan niyang iligtas ang sarili. Ally's Tip 101: Hindi sa lahat ng panahon kailangan mo ng lalaking mag poprotekta sa'yo. Kailangan mo ring matutong iligtas ang sarili mo lalo na sa ganitong sitwasyon. With a loud creak and c***k, the vines viciuouly charged at us, lashing, snapping, sweeping and slashing. Gamit ang sanga ng puno na kasing laki ng isang baseball bat, pinaghahampas at pinagpapalo ko ang bawal baging na napapadaan sa harapan ko. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa bawat hampas kaya napapaiwas ang mga baging na parang may buhay. Sa kaliwa ko ay ganoon din ang nangyayari. Dalikamata bravely fought the vines using the branch she also  took from the ground. At sa likuran ko, Juan Carlos and Sarayan mightily slashed at the pestering plants. Ganoon ang ginawa namin ng halos ilang minuto dahil halos walang kataposan ang pag-atake ng mga baging sa amin. Kung gumagana lang ang kapangyarihan nilang tatlo hindi kami magiging ganito. We could have had a fair fight. "Mukhang hindi sila nauubos!" Sarayan stated the obvious. "Kailangan nating gumawa ng paraan para makatakas!" "May naiisip ka ba? Kasi ako wala!" Juan Carlos yelled, narrowly avoiding a lashing vine na napunta sa may mukha ng kambal niya at agad naman nitong pinutol. "Napapagod na ako" Dalikamata said. Bali-bali na ang sangang nasa kamay niya. Maging ako rin ay napapagod na. Pang ilang sanga ko na rin ito. Hindi ko na mabilang pero parang hindi yata nauubosan ng baging ang mga puno. Pero kung susuko kami, walang mangyayari. Mauuwi sa wala ang lahat ng paghihirap namin. Mauuwi sa wala ang lahat ng mga nagsakripisyo at ang mga buhay na nalagas. "Kaya natin 'to!" Sabi ko sa kanila. At sa akin pa talaga nanggaling ang mga salitang yun ha? Sa akin na pinakamahina. Eh kasi naman, dahan-dahan na silang napapagod, eh pag pati ako napagod na rin, sino na lang ang matitira? "Dapa!" Hindi ko na na-process pa ang sigaw ni Sarayan dahil huli na noong lumingon ako sa kanya. Isang napakalaking baging, kasinglaki ng mga braso ko ang tumama sa aming apat dahilan para tumilapon kami sa iba't ibang direksiyon. Bumagsak ako sa matigas na lupa sa ilalim ng pinakamalaking Harabak. Ang mga kasama ko ay napunta sa kabilang side kaya nagkahiwa-hiwalay kami. Malakas ang pagkakabagsak ko at tumama pa ang ulo sa isang malaking ugat kaya namilipit ang katawan ko sa sakit. Ng iangat ko ang ulo ko nakita ko si Sarayan na dahan-dahang nagagapos ng baging. Natali na ang isang paa niya pero minabuti niya pa ring gumapang para abotin ang espada niyang napalayo ng ilang metro sa kanya. He tried his best to get through. Pero ng malapit niya na iyong makuha, saka naman siya naitali ng isa pang baging at hinugot siya nito palayo sa espada at dinala sa itaas ng puno. Napasigaw siya habang inilalambitin siya ng Harabak sa isang malaking sanga. "Tulong!" I heard Dalikamata's scream. Medyo nahihilo ako dahil sa pagtama ang ulo ko sa ugat ng puno kaya medyo nanlalabo ang paningin ko. Hinanap ko ang direksiyon kung saan nanggaling ang boses. "Tulongan niyo ako!" Sigaw niya ulit. Galing sa itaas ng puno ang sigaw niya kaya iniangat ko ang ulo ko. Kahit nanlalabo ang mata, pinilit kong tumayo. Pero hindi ko rin kinaya ang hilo at bumagsak ako sa lupa ulit. Hinawakan ko ang ulo ko. May basa. Bumilis ang t***k ng puso ko ng mapagtanto kung ano iyon. Dugo! Dumudugo ang ulo ko. Napapikit ako ng makaramdam ng hapdi. Teka, nasaan si Juan Carlos? I shook my head several times para kahit papaano, mawala ang hilo ko. "Ally, naririnig mo ba ako?" hinawakan ni Juan Carlos ang mga kamay kong nanlalamig. He was sweating and panting. Puno na rin ng dumi ang damit niya. "May sugat ka" he said which reminded me that I had a bleeding forehead. With a rugged breathing, he told me, "Dito ka lang. Ililigtas ko si Sarayan. 'Wag kang masiyadong gumalaw" Pinaupo niya ako na sapo ang noo. Pagkatapos tumakbo siya sa kinalalagyan ng kapatid. Nakita ko kung paano niya inilagan ang mga baging na iba-iba ang haba at laki. Kitang-kita ko rin ang pagod sa mukha niya pero tinakbo niya pa rin ang espada ni Sarayan. Hanging from the tree upside down, Sarayan tried to reach out for Juan Carlos. "Dito! Bilisan mo!" He shouted. Pero bago pa ihagis ni Juan Carlos ang espada, bumalik ang napakalaking baging at humampas ng malakas. Tinamaan nito si Juan Carlos at tumilapon palayo. "Juan Carlos!" Napatayo sa ako sa nakita. He struggled to free himself by slashing at the vine pero masiyadong malakas ito kumpara sa kanya. Gaya ni Sarayan nabitawan niya rin ang espada niya haggang sa tuluyan na siyang nadagit ng mga baging. Hindi na ako nag aksya ng panahon. Bahala na. Kahit nanlalabo ang mga mata at susuray-suray, tinakbo ko ang kinaroroonan ng espada ni Juan Carlos. Ang lahat ng baging ay papalapit at umatake sa akin pero nag dire-diretso lang ako ng takbo. Kung paano ko naiwasan at nailagan ang mga iyon ay hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay hindi ko hahayaang dito na lang kami mamamatay! Hindi ako makakapayag! Hindi talaga ako sigurado kung sino ang una kong pupuntahan o ano ang gagawin ko para iligtas silang lahat. Gusto ng sumuko ng katawan ko pero mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan matulongan sila kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo. I hurriedly picked up the sword even in the midst of the vines chasing me and trying to catch me. Hindi ako lumingon o nag atubili. I grabbed it and lifted it in the air. "Juan Carlos!" I yelled. With all my might, I threw him the sword. Kahit nakalambitin ang kalahati ng katawan, nagawa pa itong masalo ni Juan Carlos.  Pero nangyari din ang hindi ko malilimutang pangyayari. "Allysandra!" Dalikamata's scream echoed the forest. I screamed in shock. The Harabak vine successfully caught my arm and I was pulled upwards in a millisecond. Pinilt kong manlaban ngunit sadyang napakalakas nga nito. Juan Carlos and the others called out for me but I was already pulled up and sideways. "Ally!" I heard him yell as other vines tangled other parts of my body: my feet my stomach, my ribs hanggang sa nahihirapan na akong makahinga. "Carlos tulongan mo ako!" The Harabak vine took me into the highest part of the tree, still wrapping around me and squeezing me. Napasigaw ako sa tindi ng sakit. Parang pinipiga ang buo kong katawan. Hindi ko na ito kaya pang tiisin. "Ah" I groaned and grunted in pain. Dinala ako ng mga baging sa pampang. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa taas niyon. No no no no! Hindi ako pwedeng mahulog diyan. Kumapit ako ng mahigpit sa baging kahit dahan-dahan na akong pinapatay nito sa higpit rin ng pagkakatali nito sa akin. Halos hindi ko maigalaw ang lahat ng parte ng katawan ko. Namamanhid na ito. Napatingin ulit ako sa ibaba. Napakataas ng kinalalagyan ko at ni hindi ko maaninag kung ano ang nasa ibaba dahil nababalotan ito ng makapal na fog. Kapag nagdesisyon ang baging na bitawan at ihulog ako ay maaring patay ako sa taas ng ibabagsak ko. "Ally kumapit ka lang!" Juan Carlos yelled at me habang pilit niyang tinatanggal ang pagkakalambitin niya sa malaking baging na iyon. Si Sarayan naman at Dalikamata ay walang nagawa kundi manlaban ng walang kwenta. "Allysandra!" Dalikamata screamed even more seeing me on my position. Hindi ako sure kung umiiyak ba siya dahil naaawa siya sa akin o ano. "Ahhhh!" Napasigaw ako sa sakit. Sobrang sakit na para bang inuubos nito lahat ng meron ako. Lakas, buhay, pag-asa. Tama si Dalikamata, parang sinisipsip nito ang lahat, hindi man kapangyarihan ko pero ang buhay ko. Pinilit ko lumaban, pinilit kong isipin na matatapos din ito. Juan Carlos was almost out of entanglement. Iiligtas niya ako. Pero hindi ko na kaya. Baka hindi na siya mahintay ng katawan ko. Then I heard grunting and screaming kaya samantala kong pinilit na hindi indahin ang sakit ng katawan ko. Nakita ko si Dalikamata na pilit sinasakal ng mga baging. She had her hands gripped on her neck, trying to prevent the vine from stranggling her. Sarayan was hit hardly by a branch in the head kaya nawalan siya ng malay. At si Juan Carlos, just as the moment that he was almost out of the vines, his sword fell and the vines caught his feet and his arms. It stretched him, trying to pull him apart. Napaiyak ako. I can't let my friends die! I just can't! "Tamaaaa naaaaa!" I yelled in the loudest way I could. Inilabas ko na lahat ng natitira kong lakas sa katawan gamit ang boses ko. Then to my utmost surprise, the vines suddenly started to loosen it's grip on Juan Carlos. Binitawan din nito si Sarayan na bumagsak sa lupa at wala pa ring malay. It stopped stranggling Dalikamata and let her loose, letting her fall on the ground. Juan Carlos heavily fell down when the vines untangled themselves from him. And then it happened...the vines untangled themselves from me and send me falling down...down...down into the wilderness. "Allysandra!" Juan Carlos' voice was the last thing I heard, screaming my name as I fell into my doom. Ipinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng mapait kong kamatayan. Pero parang may mali. Parang kanina pa yata  ako nahuhulog bakit wala pa ring nagyayari? Idinilat ko ang isa kong mata. Papunta ako sa taas at hindi pababa. Hala? Ba't ganun. Then I heard flapping. And that's when I saw Juan Carlos, his arms wrapped around me and he was flying me back up to safety. Iniligtas niya na naman ako. "Juan Carlos..." I wobbled dahil halos naubos ang boses ko kanina noong sumigaw ako ng malakas. "Your wings...how?" "Hindi ko rin alam. Pero mamaya na natin pag-usapan yan. Ang mahalaga makabalik tayo sa taas" he whispered. "You saved me..." "No Ally, you saved us..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD