Chapter 25: Playful Roads

2746 Words
My eyes felt weak and heavy pero pinilit ko pa ring imulat ang mga 'yon. Agad rin namang naningkit ang mga ito dahil sa liwanag ng sinag ng araw. I tried to sit up  pero napakabigat ng katawan ko. Medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa tinamo nitong sugat. Ano'ng nangyari? I remember the Harabak trees, I remember screaming at them to make them stop, I remember falling to my demise and Juan Carlos saving my life. Pero hanggang doon na lang 'yon. I must have passed out. "Gising ka na pala" I heard a soothing voice. I glanced up and saw Juan Carlos smiling at me, his eyes gleaming with warmth and concern. Nakaupo siya may tagiliran ko. Tinulungan niya akong umupo ng maayos at isandal ang sarili ko sa isang malaking puno. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya. "Okay na. Medyo nahihilo lang ng kaunti" I replied. Nahirapan akong magsalita kasi ang sakit ng lalamunan ko. Paas na paas rin ang boses ko kaya hindi ako sure kong naiintindihan niya pa ako sa lagay na ito. "Uminom ka muna ng tubig" abot niya sa'kin ng tumbler na bigay ni Aling Susan. Agad ko iyong tinanggap at tinungga. Uhaw na uhaw ako kaya naubos ko ang laman ng tumbler. My throat felt kind of better pero medyo masakit pa rin. Bigla akong napaisip kung may source ba ng strepsils sa lugar na ito. "Ano ang nangyari?" Paas pa rin ang boses ko pero pinilit kong magtanong kasi wala na akong maalala. "Ng makabalik tayo sa ibabaw ng pampang at mawalan ka ng malay, gumana na rin ang mga kapangyarihan namin kaya napagdesisyonan naming lisanin na agad ang lugar bago pa umatake ulit ang mga Harabak. Mukhang natakot sila sa pagsigaw mo" pangiti-ngiting balita niya sa nangyari. "Paano mo nga pala nagawa 'yon?" Biglang tanong niya. Umiling ako at pilit nagsalita. "'Di ko rin alam basta sumigaw lang ako" "Kanina pa namin pinag-uusapan kung paano nangyari 'yon pero hindi rin namin naipaliwanag" he said and sat beside me. Tumaas ang kilay ko. So habang tulog ako ginawa pala nila akong topic? Tatlong 'to! I feel so violated right now. Sana ginising na lang nila ako hindi 'yong pag-uusapan nila ako ng wala akong kamalay-malay! Hmmp! Juan Carlos noticed my reaction which made him chuckle softly. "Okay ka lang?" Tumango na lang ako at hindi nagsalita kasi nga masakit pa ang lalamunan ko. Napangiwi ako. I made a silent pledge to myself na hindi na ako sisigaw ng ganoon kalakas ever again. "Baka may kapangyarihan boses mo" he suddenly said and grinned. Ang cute niya. Pero ano ang pinagsasasabi niya? "Kapangyarihan mo mukha mo! Walang gano'n! Nawindang lang siguro sila sa sobrang lakas ng boses ko" I coughed. Huhu, ang sakit! Juan Carlos chuckled again. This time parang nang-iinis na siya. "Ano'ng sabi mo?" Tiningnan ko siya ng masama. Alam kung sinasadya niyang magtanong ng magtanong kasi nag-eenjoy siya sa pakikinig sa boses kong paas. Halos wala na ngang salitang lumalabas sa bibig ko eh! Gusto ko tuloy siyang sakmalin. Napasapo ako sa ulo dahil na stress ako  sa kanya. Nagsasalita pa rin kasi siya at paminsan minsan akong tinatanong. Tinatangohan ko na lang siya o kaya iniilingan. Ayaw ko ng magsalita dahil tunog gasgas na tape ang boses ko. Ng mahawakan ang ulo, napansin kong wala na ang sugat ko kaya napatingin ako kay Carlos na parang nagtatanong. He gave me a smile and took something out of his pocket then gave it to me. Ang katas ng Gurnavilla. Aling Susan said it could cure any injury. Ginamit niya pala 'yon para gamutin ako. "Nahulog 'yan mula sa bag mo. Mabuti na lang at napulot ni Sarayan bago tayo umalis sa Irayad" he said. Saka ko lang tinuon ang pansin ko kung nasaan na kami. Nasa kagubatan pa rin naman kami. Pero hindi kagaya sa Irayad, normal na ang mga kulay ng mga puno dito. Nasa lilim kami ng isang malaking puno na hindi ko kilala.  Napapalibotan ito ng iba't ibang klase ng orchids na may iba't iba ring kulay. Sa harapan namin ay may isang maliit na ilog sa mabilis ang agos at napakalinaw ng tubig. The sight brought back nice memories. Hikhok! Nakaupo ako sa nilatag niyang parang kumot na malambot. Hindi ko alam kung saan galing 'yon. I didn't bother asking. Juan Carlos always has his way of acquiring things. Napansin ko rin na wala ang dalawa niyang kapatid. "Nasaan sila?" Ugh! I hate my life. Even talking was a struggle for me! "Sino?" Pilyong tanong niya kahit alam niya naman sino tinutukoy ko! Tumawa siya ng makita ang reaksiyon ko. Pasimple ko lang naman siyang binatukan. He stopped my arm. "Umalis sila. Naghahanap ng makakain. Naiwan sa Irayad ang mga dala natin at wala ng panahon para hanapin pa ang mga 'yon" "Bat 'di ka sumama?" Tumaas ang kilay niya. "Alangan namang iwan kita dito ng mag-isa?" Napangiti ako, low-key na kinilig. Tumango na lang ako kasi bukod sa wala na akong boses, wala na rin akong masabi. Hindi naman nagtagal at bumalik na sina Dalikamata at Sarayan na may dalang mga prutas. Papagabi na rin kasi kaya nagutom ako. May dala silang papaya, saging, mga bayabas, atis at huhuhu may dala silang buko! "Natagalan kami kasi naghanap kami ng niyog! Request pa 'yan ni Aglawin kasi paborito mo raw!" Pagdadaldal ni Sarayan. "Kumosta pakiramdam mo Allysandra? Ang galing ng ginawa mo kanina ah!" I managed a small smile and answered his question. "Okay lang ako" "Wag mo muna siyang kulitin. Wala pa siya sa kondisyon para makigdaldalan sa 'yo" Saway ni Juan Carlos. "Ang OA mo naman bro! Jowa ka? Jowa ka?" Sarayan said and scooped on his buko bowl. Madilim siyang tiningnan ng kapatid. Just as he was about to eat, Juan Carlos swished his hand and a strong gust of wind passed over Sarayan dahilan para tumilapon ang kinakain niya. Dalikamata laughed at Sarayan's reaction. Napangiti rin ako. Para kasi siyang kinder garten pupil na inagawan ng lollipop. Napasimangot siya at masamang tiningnan ang kapatid niya umaktong walang nangyari. "Alam mo nagugutom ako eh pero naghahamon ka yata" Sarayan said. Suddenly, a water spout erupted on the coconut on Juan Carlos lap and splashed water directly on his face. Agad siyang napaatras at tinapon ang buko pero may sumulpot nanaman sa may paa niya. Kahit saan siya pumunta may lumalabas na water spout at binabasa siya. "Tigilan mo 'to kundi babalik ka sa Irayad" sigaw niya sa kambal. Tumawa lang ng malakas si Sarayan at pinatigil ang mga water spout. "Pikon!" Sigaw niya kay Juan Carlos bago siya nagbukas ng panibagong buko. Tuluyan ng nagdilim ang langit ng matapos kaming kumain. Dalikamata produced a large light bubble to keep us  warm. Nagsilbi na rin iyong emergency lamp. Matinding bilin kasi ni Juan Carlos na 'wag na 'wag kaming gagamit ng apoy dahil mararamdaman daw 'yon ni Lalahon at madali niya kaming mahahanap. We can't risk that. Saka ko lang din nalaman sa kanila na panganay pala si Lalahon, pangalawa ang kambal at bunso si Dalikamata. Noon ko lang rin naalalang tanongin si Juan Carlos ng isang bagay na matagal na akong curious. "Ilang taon kana?" Tanong ko habang nakaupo sa tabi niya. Sa kabilang side ko natutulog na si Dalikamata. Sa di naman kalayoan nakahiga si Sarayan at dumikit sa ilaw kasi nilalamig daw siya. Weird thing to hear from a God of Water. Humiga si Juan Carlos sa tabi ko habang nakatingin sa langit na hitik sa mga bituin. "Ba't bigla mong natanong?" "Wala lang. Curious lang. Bawal ba?" Irap ko kahit hindi niya naman 'yon makikita. I heard Juan Carlos giggling. "Ano'ng nakakatawa?" "Wala..." Wala raw pero parang natatawa pa rin siya. Ano kayang iniisip nito? "Ikaw, ilang taon ka na?" Balik niya sa akin. "Ano ba yan! Ako una nagtanong eh!" Reklamo ko. Hindi ba dapat ganoon 'yon? Kung sino una nagtanong siya dapat unang sasagotin! "Sagotin mo muna ako saka ko na sasagotin ang tanong mo" he said. I rolled my eyes. "Dami mong alam! Fine, I'm 18! Oh, ikaw na? Ilang taon kana?" I heard him laughed again. Ano bang nakakatawa? "Ang layo pala ng agwat ko sa'yo" Napatingin ako sa kanya. His eyes were closed but still stiffling a laugh. Medyo naiinis na ako ng slight. "Hindi mo pa ako sinasagot" I groaned. "Hmmn. Limangdaan-limampu't dalawa" he said. Sasagot din naman pala. Bigla akong  natahimik at nanlaki ang mata. Ano nga ulit? Limangdaan what? "Ulitin mo nga!" Pangungulit ko, sinisigurado ang narinig ko. Inulit niya naman. Nag-isip ako. Limangdaan at limamput dalawa? That's 550! Ang tanda niya na!  Pero bakit ganyan? Ooh na at imortal siya pero bakit ganyan hitsura niya? He looks 19 or 20 to me. Ang daya naman ng mga lahi nila. So ako, ilang years from now, tatanda na ako at mangungulubot ang balat pero siya ganyan parin at hindi magbabago? Ang daya daya kaya non! Hays, hindi na mag-aapply sa amin ang kantang Grow Old With You kasi ako lang naman pala ang tatanda. Nakakainis naman. Edi siya na forever young. Sanaol! Magrarant sana ako sa pagiging unfair noon  sa part ko pero nakita ko siyang nakapikit na ang mata at nakatakip ang isang siko sa may noo. Nakatulog na 'ata siya. At dahil makulit ang kamay ko, (ooh kamay ko lang 'wag kayong ano diyan) dahan dahan kong binaba ang siko niya para makita ang mukha niya. Napatitig ako sa perfect niyang mukha at napatanga na lang. My eyes went to scout his peaceful face. Tulog na nga siya pero ang gwapo niya pa rin. I stared at his peach lips. It was so...kissable? It was so hard fighting the urge to kiss him. "Matulog kana Ally" he suddenly said, eyes still shut. Agad akong nag panic dahil sa bigla. Ganoon ba talaga kalala ang pagtitig ko at naramdaman niya pa rin kahit nakapikit siya? Binalot ako ng hiya at agad humiga at tumalikod sa kanya. Humarap ako kay Dalikamata na malalim na ang tulog. Nakakahiyaaaaaaa! I heard his soft chuckle again kaya mas nahiya ako. Alam kong namumula na ngayon ang mukha ko. Mabuti na lang talaga at gabi na. I forced my eyes shut and tried to sleep kahit masakit sa tenga ang paghilik ni Sarayan. Maaga kaming nagsigising kinabukasan dahil kailangan naming makarating sa Guinaksilon sa lalong madaling panahon. Malayo layo pa raw ang lalakbayin namin. Hindi rin ginamit nila Juan Carlos at Sarayan ang mga pakpak nila dahil naglipana raw ang mga sakop ni Maguayen sa lahat ng parte ng Guindara at baka makita raw kami. Gagamitin lang daw nila ito kung talagang kailangan na. Kaya, in the end, naglakad kami which is like walking forever. Walking isn't really my thing. Mabilis kasi akong mapagod. Si Sarayan ang nauna, kasunod niya si Dalikamata at ako tapos nasa hulihan si Juan Carlos. Hingal na hingal na ako at nakakailang inom na ako ng tubig mula sa tumbler ni Aling Susan na nilagyan ni Sarayan ng magic para hindi maubosan ng laman. Oh diba? Sabi na at hanep sa camping ang tatlong ito eh. Ang paglalakbay na ito ay walang kataposan. I swear, napapagod na talaga ako at hindi ko na kakayanin pa. Ang mas nakakainis pa rito, walang kapaguran ang mga kasama ko at ang bibilis pa nilang maglakad. Edi sila na! "Kaya mo pa ba?" Juan Carlos held up may shoulder ng muntik na akong matumba. Pawis na pawis na ako. Ang layo na ng nilakad namin swear! Pero ako lang ang mahinang nilalang na narito kaya ako lang ang pagod. Pwede bang manghingi ng energy level mula sa kanila kahit tag ti-ten percent lang kada isa? "Sarayan, magpahinga muna tayo. Mukhang hindi na kaya ng isang to" Juan Carlos said. "Ha?" Sarayan yelled. "Sabi ko, magpahinga muna tayo kasi napapagod na si Ally" Juan Carlos repeated. Umiling ako sa kanya. "Hindi okay lang. Kaya ko pa naman" I told them. Juan Carlos raised his left eyebrow. "Tingnan mo nga ang sarili mo. Halos kana humiga sa lupa eh" "Kaya ko pa!" "Nanhihina kana nga Ally" Dalikamata said. "Okay pero hindi tayo dito pwedeng magpahinga dahil delikado ang parteng ito ng gubat. Pag nakalampas tayo ng gubat, saka na tayo magpapahinga. Okay lang ba 'yon Ally?" Tanong ni Sarayan. I just gave him a thumbs up kasi hingal na hingal ako para magsalita pa. "Sa likod ko" Juan Carlos said. "What?" "Sa likod ko! Bubuhatin kita" he said. "Ano? Ayoko nga! May paa naman ako eh!" I declined. Juan Carlos rolled his eyes at me. "Wag ka ng makulit! Sige na" "Ayoko nga" Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi na lang ako nagreklamo at nagpabuhat na lang ako sa kanya. Dalikamata smiled at us. Umubo naman si Sarayan na natatawa na rin. "Nawa'y lahat" he said and continued walking ahead. Hindi ko mabilang kung ilang kilometro akong naging buhat ni Juan Carlos sa likod niya. Pero mukha naman siyang hindi napapagod kahit may buhat pa siyang isang tao. Ginawa ko rin ang lahat para magpagaan no! Baga kasi pag napagod siya, bigla niya na lang akong ibagsak. We traveled along the never ending forest. Fighting againts tall woods, short tress, mayayabong na damohan at iba't ibang halamanan. Narating namin ang isang malaking puno ng yakal ng biglang tumigil si Sarayan sa paglalakad at itinaas ang kamay niya. A signal for us to stop. "Ano ang problima? Bakit ka tumigil?" Juan Carlos asked and adjusted my weight on his back. His palm on my legs is tickling me. Hikhok! "Parang may mali eh" Sarayan said, turning around. Palinga-linga siya sa paligid namin na parang hindi mapakali. "Wala ba kayong napapansin?" "Wala naman eh. Bakit ba?" Dalikamata asked and put an arm on her hip. "Ewan ko. Ako lang ba o parang nadaanan natin ang lugar na ito kanina" he said. "Ano ang ibig mong sabihin? Bumalik lang tayo?" Juan Carlos asked at dahan-dahan akong ibinaba sa lupa. "Hindi ako sigurado" sagot niya sa kambal. "Pwes siguradohin mo dahil kung totoo ngang bumalik lang tayo...hindi maganda 'yon" "Baka akala mo lang 'yon" Dalikamata said. "Sige na dumiretso na tayo" Kahit parang hindi kumbinsido, nagpatuloy sa paglalakad si Sarayan sa unahan. At dahil kaya ko na, pinilit ko si Juan Carlos na maglalakad na lamang ako. Pumayag naman siya pero hinawakan niya ang kamay ko at hindi na binitawan iyon. Ako namang si Marupok, kinilig to the stars. Yieee Naglakad nanaman kami ng mga kalahating kilometro bago tumigil ulit si Sarayan at napakamot sa likod ng ulo niya. Nakakunot ang noo niya ng humarap sa amin. "Ano?" Juan Carlos asked, gripping my hand tighter. Tinuro ni Sarayan ang puno ng yakal. "Hindi na 'to guni-guni. Bumalik talaga tayo. At ngayon sigurado na ako" Nagkatinginan silang tatlo. Their faces scream uneasiness. Pati tuloy ako kinabahan. "Sariwali" Dalikamata whispered in a small voice. I remember that name. Sariwali, the God of Deciet. Minsan na rin akong naging biktima niya. Noong nagpanggap siyang si Juan Carlos at muntik na akong patayin. Kung hindi dumating noon si Juan Carlos ay baka patay na ako. Takot akong napatingin kay Juan Carlos. Pinisil niya ang kamay ko at tumingin sa akin na parang sinasabing huwag akong mag-alala. "Humanap ka ng ibang madadaanan. Mukhang pinaglalaroan niya tayo" he said. Then the tress rustled and the ground quaked. Napahawak ako kay Juan Carlos ng mahigpit. Sa paligid namin, dahan-dahang nagbago ang anyo ng lugar. Lumiit ang puno ng yakal at naging isang panibagong puno. Nawala din ang ibang mga puno at naging mga bato. Like a movie, the place shifted into a new scene hanggang sa makulong kami sa pagitan ng mga naglalakihang bato. Then it shifted again. Back to the forest but this time, hindi na yakal ang naroon kundi ang kumikinang na bahay ni Dalikamata. "Ang tahanan ko!" She attempted to run towards it. "H'wag!" Sarayan pulled her back as the scene changed back to normal. Napaatras sina Sarayan at Dalikamata palapit sa amin Carlos. Dahan-dahang lumaki ang yakal tapos yumuko ang isang sanga nito sa harapan namin. Mula sa mayayabong nitong dahon, dahan-dahang nahulma ang kabuoan ng isang tao. Nuong una ay para lang siyang isang berdeng anino. Tapos nagkaroon ito ng hugis, ng kulay hanggang sa ilalim ng mga dahon umusbong ang isang magandang lalaki. His presence brought back awful memories. The sly smile plastered on his face. That handsome yet dangerous face and the dark and evil aura exuding from him. Ngumiti siya ng malawak then spread his arm out wide. "Maligayang pagbabalik sa Guindara...mga anak ng Reynang Maguayen"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD