"Ah JC, I'm sorry but I think I have to go." Nagmamadali akong tumayo at kinuha ang papar bag ko. Yumuyuko ako para hindi ako makita ni Cynthia dahil see-through ang glass ng café na kinaroroonan namin ni JC. Ayokong makita niya kaming magkasama ng lalaking gusto niya.
"Gan'on ba? Sige sabay na tayo." Tumayo siya at akmang susunod sa akin.
"Hindi-ahh, ano kasi. . ." Sinulyapan ko si Cynthia sa labas ng café na may kausap na babae. "Baka maabala ka pa."
Walang kwenta ang alibi na naisip ko pero wala akong ibang maisip. Kaya kahit ano papatolan ko na lang talaga.
Ngumiti si JC sa akin. "No, it's okay. Pauwi na rin naman ako eh" he said.
Tumango na lang ako at mabilis na naglakad. Wala na kasi akong magagawa para takasan si JC. Agad akong naglakad palabas ng café at sinigurado kong may distansiya kami ni JC. I really need to get out of this place immediately before my cousin sees us. Baka ano pang isipin n'on. Palagi pa naman 'yon advance mag-isip. Mahirap na.
Umatras ako bahagya ng mapansing paalis si Cynthia at ang kasama nito sa pwesto nila. Tumayo ako sa likod ng isang matangkad na babae sa may pinto ng café at hinintay na makalayo sina Cynthia. Napansin naman ni JC ang pagtigil ko.
"Ally, may problema ba?" tanong niya.
I shook my head, trying to act normal. "Ah, wala! Wala naman. Everything is fine." I grinned.
"You sure?" Bakas sa mukha niya ang hindi pagiging kumbinsido sa sagot ko.
Tumango ako. Binalik ko ang atensiyon sa labas ng café. Nang makitang wala na sila Cynthia sa paligid ay nagdire-diretso na ako palabas ng café at ng mall. Alam ko namang walang mali sa ginagawa ko pero ayaw ko lang talagang makita kami ni Cynthia.
"You seem to be in a hurry" JC said habang nakasunod pa rin sa akin. Halos tumakbo na ako sa bilis ng lakas ko pero naaabutan niya pa rin ako. Ang tangkad niya kasi.
"Ah, may gagawin pa kasi ako at saka late na rin eh," sagot ko, hindi siya tinitingnan.
Lumiko kami papunta sa parking lot ng makabunggo ko ang taong pinakainiiwasan ko.
"Ally!" Gulat na gulat si Cynthia ng makita ako. Maski ako ay nagulat din. Agad lumipat ang titig ng pinsan ko mula sa akin patungo sa lalaking nasa likuran ko.
"JC! Hi!" bati niya dito sa kabila ng gulat. But it was less enthusiastic than usual.
"Hello, Cynthia" bati rin ni JC sa kanya.
"You two together?" Cynthia pointed a finger at JC and me.
"No!"
"Yes"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sabay naming pagsagot sa tanong ni Cynthia. Napalingon ako kay JC, hindi alam ang dapat kong maramdaman. Parang gusto ko siyang sakalin o bigwasan kahit wala naman siyang ginawang mali. Hindi ko lang talaga bet ang sagot niya.
Tumaas ang kaliwang kilay ni Cynthia. "Oh that's. . . nice."
"It's not what you think it is," sabi ko at lumayo sa kanila. "Nagkita lang naman kami at pauwi na rin ako."
I sound f*cking defensive and I hated it.
"Wala naman akong sinabing kakaiba Ally," Cynthia said.
That was right. Masiyado lang talaga akong nag-ooverthink. Mabuti na lang at tumunog ang phone ko dahil sa tawag. It saved me from acting weird infront of Cynthia and JC.
"Excuse me. I need to answer this." Naglakad ako palayo sa kanila at sinagot ang phone ko. Si mommy ang tumawag at pinapauwi na ako. Agad na rin akong pumasok sa loob ng kotse ko. I glanced back at Cynthia and JC and saw them talking to each other. Mukhang wala namang nangyari kaya tinalikuran ko na sila. Hindi na ako nag-aksaya ng oras doon at umalis na ako sa mall.
It was silly. Bakit ba ako takot na makita kami ni Cynthia eh wala namang mali sa nangyari? Nagkita lang naman kami ni JC ng hindi inaasahan at nilibre niya lang ako ng shake. That was just it. Hindi naman siguro iyon dapat lagyan ng malisya. Pero ewan ko ba! It felt like I was committing a crime. And it was a very stupid feeling and somehow funny that I was acting what I was acting.
Nang makarating ako ng bahay, na-interview pa ako ni mommy. Hindi niya naman ako pinagalitan. Tinanong lang kung saan ako galing. After that, I did my usual night routine. Pagkatapos humiga na ako sa kama at inayos ang mga gamit ko. Natulog na rin ako kaagad. I was hoping not to get another nightmare but I got one again.
My dream brought me back to Samar. Sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Juan Carlos noong bata pa ako. I saw myself running around the white sand beach with a tall guy wearing a plain white shirt chasing after me into the waves of the sea.
My dream shifted. I found myself fighting the Harabak trees. I saw Juan Carlos, Sarayan and Dalikamata tied in knots above the trees' branches. Pinulot ko ang espada sa lupa at inihagis ito kay Juan Carlos.
The dream shifted again. I was on the valley of flowers, fighting alongside my god companions against Maguayen's minions—the LiGwardiyas. The skies turned dark and lighting flashed from above, tossing and burning the enimies into dark dust.
Biglang natigil ang lahat sa gitna ng labanan. Everything froze and nothing remained moving except me. Nagpalinga-linga ako sa paligid. No one else was moving, even Juan Carlos and his siblings froze like ice. Then from behind the sole tree in the valley, a dark sillhouette formed. It turned into a shape of a human being. Slowly the figure took it's shape. Mula sa mga paa nito paitaas, dahan-dahang naging klaro ang anyo nito. Pero bago ko pa maaninag ang mukha ng itim na pigura, nagising ako.
Bumangon ako mula sa kama at nasilaw ako sa berdeng liwanag na nagmumula sa dalawa kong kamay. Bumalik na naman ang kakaibang kulay nito. Hanggang ngayon wala pa rin akong paliwanag sa nangyayari sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat.
Huminga ako ng malalim at umayos ako ng upo sa kama. Nag-beep ang pang-ala singko kong alarm kaya tuluyan na akong bumangon at pumasok sa loob ng banyo. Nawala di naman ang pag-ilaw ng kamay ko ng tumayo ako mula sa kama. Bumalik ang dating kulay nito. Nakahinga ako ng maluwag at tumuloy na sa banyo para mag-toothbrush.
Nag-workout ako pagkatapos mag-toothbrush. I still need to keep myself healthy and fit kaya nagwo-workout ako lagi. After 30 minutes of breaking sweat, nagpahinga ako bago nag-shower.
Wala akong lakad ng araw na iyon kaya tambak na ulit ako sa bahay. Nang umalis si mommy para magtrabaho, nag-decide akong tumambay sa may pool sa likod ng mansion. Maraming mga halaman ang nakatanim doon dahil gaya ko mahilig din si mommy sa mga bulaklak. Nitong mga nakaraang linggo, ako na ang nagdidilig sa mga pananim dito dahil pati iyong hardinero namin ay umuwi din sa probinsiya. Si Manong Raffy lang ang natira na siyang driver ni mommy.
Kinuha ko ang green na hose mula sa garahe at in-on ang gripo at nagsimula akong magdilig ng mga halaman. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. Parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakita ng kulay green. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam at sa mata ng kulay na ito. Very fresh and relaxing.
Nakuha ng isang nakapasong Dahlia ang atensiyon ko. Medyo naninilaw ang mga dahon nito at maraming bulaklak na ang natutuyo at ang iba ay tuluyan ng nalagas. Palagi ko naman itong nadidiligan pero bakit ganito? Nadapuan kaya ng mga insektong pumapatay ng halaman?
Hinawakan ko ito upang alamin. Pero laking gulat ko ng hawakan ko ito ay bigla na lang umilaw ang mga kamay ko. Gaya noong nangyari sa park, umilaw din ang Dahlia at ilang sandali pa lang, nagbago ang anyo nito. Dahan-dahang naging berde ang dahon nito, naging malusog at tumibay din ang tangkay. Ang mga bulaklak na kanina ay parang natutuyo na, ngayon ay biglang kumintab at bumukadkad pa. Nagsabog din ito ng napakabangong halimuyak.
Nawala rin sa wakas ang pag-ilaw ng kamay ko kasabay ng muling pagkabuhay ng halaman. Napaatras ako at napatitig ako sa dalawang kamay ko. This is really getting weirder and weirder. Ano bang mayroon sa mga kamay ko at gumagaling ang mga halamang nalalanta?
Hindi ko na nagawang sagotin ang sariling katanongan ng biglang may nag-doorbell. Pansamantala kong iniwan ang pagdidilig at tinungo ang pintuan.
Bumungad sa harapan ko ang mukha ni Cynthia. Nakangiti siya at may carton ng pizza.
"Hello!" she said. But her voice doesn't sound excited at all. "Can I come?"
Nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. "Hindi ka man lang nagpasabi na bibisita ka ulit. Bigla-bigla ka na man yatang sumusulpot." I said. Muli kong isinara ang pinto ng makapasok siya.
"Why? May iba ka bang hinihintay?" Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ha? Wala. Bakit?"
"Nothing," she said and walked ahead of me.
Hinabol ko siya at iginiya sa may pool para doon na kami tumambay. Sumunod naman siya at tahimik na inilapag ang pizza sa table doon. Agad kong pinatay ang gripo at umupo doon sa metal chair sa harapan ng pinsan ko.
She looked very sexy today. Nakasuot niya ng baby blue off-shoulder crop top at high-waisted denim shorts. Nakakulot din ang buhok niya. Binuksan niya ang carton ng pizza at inilapit sa akin.
"What do you want?" I asked. "Juice or water?"
"Water na lang," bored niyang sagot at kumagat sa pizza niya.
Pumasok ako sa kusina at kumuha ng tubig. Bumalik din ako agad at inilapag ang dala ko glass na table bago muling umupo.
"So, napasugod ka yata bigla?" wika ko ng mapansing tahimik lang si Cynthia habang ngumunguya sa pizza niya.
She shrugged. "Wala lang."
Naging tahimik kami ulit. Kumuha na lang din ako ng pizza at tahimik na kumain. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isip ng pinsan ko. She's acting really really odd. Kadalasan naman ay maingay siya at palakwento. Pero hindi 'yon ginawa ngayon.
"Ally you're my friend, right?" wika niya.
Napatingin ako sa kanya. "Of course!" sagot ko. "Why would you ask something like that?"
"You knew I like someone right now?" tanong niya ulit, hindi pinapansin ang sarili kong tanong.
"I do," wika ko. Hindi ko alam kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "Why?"
"What were you doing with JC yesterday?"
Diretso niya akong tinitigan sa mukha kaya napaayos ako ng upo at tiningnan din siya. "What are you talking about? Nagkita lang kami sa mall."
Her brow shot up. "Really."
"Why are you acting like that?" tanong ko.
"Acting what?" Tiningnan niya ako na para bang kinasohan ko siya na hindi niya alam. Tsk!
"Like I committed a mistake againts you?"
Cynthia chuckled, something that irritated me in a way. She bit her pizza and nibbled on it before looking at me like I was inder interrogation. Hindi ko gusto ang klase ng tingin niya.
"Sabihin na nating walang mali doon pero naiinis ako sa'yo."
"What? Why?"
Sumandal siya sa backrest ng upuan niya at ipinagkrus ang mga kamay sa dibdib. "You think I didn't saw you? I saw you two yesterday in the café. Don't even bother saying na hanggang doon lang 'yon kasi I also saw you at the beach!"
Kumunot ang noo ko. I felt a snowflake melt on the back of my neck. "W-what did you see?"
Cynthia smirked. "Stop fooling around Allysandra. Akala ko pa naman kaibigan kita. Pinsan pa man din kita pero ikaw pa pala ang tatapak sa akin."
"I don't know what you're talking about!" Tumayo ako mula sa upuan at nag-attempt umalis pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
"Alam mo Ally, I have always adored you. Pero ahas ka rin kasi. You knew I wanted him so bad tapos ipapagsiksikan mo rin ang sarili mo sa kanya!"
"Cynthia, watch your mouth! Wala akong ginagawang masama sa'yo! JC and I are just friends. Nagkita lang kami. Ano ba ang mali do'n? Why are you even acting like this? This is ridiculous!" I pulled my hand and walked away from her. Walang kwenta ang pinag-uusapan namin. Para lang talaga siyang tanga. Kung tutuosin hindi niya naman jowa 'yong tao kaya bakit siya umaasta ng ganiyan?
"Oh really? Then why did you kiss him at the beach?" Sumunod niya akin papasok ng bahay.
Napaharap ako sa kanya, gulat sa binitawan niya salita. Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mansiyon at natigil kami sa tapat ng malaking puno ng pink na bougainvilla.
"What?" tanong ko.
She rolled her eyes. "Don't even deny it dahil nakita ko kayo." She pointed a finger at my face. "You b***h! Akala mo hindi ko alam? I saw what you did with my own eyes! You are a disrespectful b***h!"
Her words echoed in my head like a megaphone. "Cynthia I was drunk!"
"Drunk? Or you're really bitching behind my back! I hate you! I thought you were my friend!"
I admit, nasasaktan na ako sa sinasabi niya. "Cynthia, enough."
Napahawak ako sa ulo ko habang patuloy niya akong binabato ng masasakit na salita.
"You're a b***h!"
"Cynthia that's enough!" Pero hindi pa rin siya tumigil sa kakasalita niya. My head ached kaya napapikit ako. Her words lingered inside my head until I can no longer contain myself. "I said enough!"
Naitulak ko ang pinsan ko kaya marahas siyang bumagsak sa damohan.
"Tama na tumigil ka na!" I yelled.
"You pushed me! How dare you!" Galit na galit siya at sinubukang tumayo. Pero hindi pa siya nakakagalaw ay may lumabas na malalaking ugat mula sa lupa at pumulupot ang mga ito sa katawan niya.
Napasigaw si Cynthia at pinilit manlaban sa mga nagsisilabasang ugat at baging na ngayon ay nakatali na sa mga paa niya. She kicked and screamed.
Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam ang gagawin ko. My hands glowed in neon green but I wasn't able to move as if I was stuck on the ground.
"Ahhhhhh!" Cynthia screamed. "Ally tulongan mo ako!"
Pero hindi na ako makagalaw. I tried to move but it felt so hard. Tila nasemento na ako sa kinatatayuan ko.
Halos maubos na ang katawan ni Cynthia dahil halos balot na siya ng mga ugat. It pulled her downwards in the earth. She continued screaming and yelling for my name but I wasn't able to do anything. She cried even louder as the huge roots pulled her down into the ground, slowly and painfully eating her until all of her body got buried in the soil. Nilamon na siya ng lupa hanggang sa tanging ang singsing niya na lang natira.
*****
"Ahhhhhhhh!" Agad akong bumangon. Napakalas ng kabog ng dibdib ko. What on earth was that. Napalingon ako sa paligid. Nakatulog pala ako sa garden. Nakahinga ako ng malalim. Panaginip lang pala lahat 'yon. Paulit-ulit akong napabuga ng hangin at pinilit kong ikalma ang sarili.
Tiningnan ko ang paligid ng halamanan. Wala namang kakaibang nangyari. Tumayo ako mula sa metal chair na inuupuan ko. Papasok na ako sa loob dahil mukhang uulan.
Biglang may nag-doorbell kaya pumunta ako para tingnan kong sino iyon.
"Hello!" sabay na bati sa akin ng dalawang babaeng parang galing sa pabrika ni Santa Claus. Malawak ang ngiti nina Cynthia at Freya.
"Ano'ng nangyari sa'yo Ally?" tanong ni Cynthia ng makita ako. Bahagya pang kumunot ang noo niya. "Okay ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?"