Chapter 49: Blurry Insights

2978 Words
My heart rate trippled. Parang sasabog na ito sa lakas na pintig na puso ko. Nanatili akong nakatitig sa itim na anino na nasa labas ng terrace. Hugis tao ito ngunit purong itim at walang mukha. The wind grew colder and the windows creaked. It hit my face and sent chills down my spine. My chest was pounding but I tried to conceal it. Hindi ako nagpatinag o kaya tumakbo. I remained firm on my feet. I had been through a lot para ngayon pa matakot sa ganito. I walked outside my room para makita ng malapitan ang anino. Pero bago pa ako makalapit, nag-iba ang anyo nito. It contorted into an abstract mist. Then slowly, the image started to disappear. But it felt like it was dragging me along with it. I was like being pulled inside a pump and was shot into space. I found myself in a blinding white place. Wala akong makita kun'di puro puti at napakasilaw noon kaya napapikit ako at napatakip ng mga mata. Warm wind hit my face. I can also hear birds chirping. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. "Wow" bulalas ko ng makita ang angking ganda ng kapaligiran sa harapan ko. Nasa isang maaliwalas na gubat ako at halos berde lahat ang nakikita ng mata ko. May naglalakihang mga bulaklak na iba-iba ang kulay at may nagliliparang mga paru-paro at kuliglig sa paligid nito. Sa 'di kalayoan ay narinig ko ang huni ng mga ibon at ang agos ng tubig na sa aking tantiya ay galing sa isang batis. Napangiti ako. It has been years since I was able to feel close to the beauty of nature. It was a feeling way beyond satisfaction. Naglakad ako palapit sa isang pulang bulaklak ng makarinig ako ng iyak ng isang sanggol. Nagpalinga-linga ako. Saan galing iyon? Mukhang nasa malapit lang. Pilit kong hinanap ang pinagmulan ng iyak pero wala akong nakita. Paikot-ikot lang ako sa dinadaanan ko ngunit wala pa rin. "Naririning mo ba iyon Mayumi?" anang boses ng isang babae mula sa likuran ko. "Ang alin po, ina?" tanong ng boses ng isang bata. "Parang may naririnig akong umiiyak na sanggol." Agad akong napaharap para tingnan kung sino ito. Ngunit napakunot ang noo ko sa nakita. A lady was walking towards me. Matangkad siya, maputi at nakasuot ng bestidang kulay berde na napapalibotan ng klase-klaseng bulaklak. Pero hindi ko makita ang kanyang mukha. It was blurred. Nakasuot din siya ng gintong korona at may handgloves na berde din ang kulay. Nakasunod sa kanya ang isang batang babae. Ang bata ay nasa labin-isa o labindalawang taong gulang. Nakasuot ito ng dilaw na bestida at may hawak na patpat na gawa sa sanga ng kahoy na may tatlong bulaklak. Pero hindi kagaya ng babaeng nakaberde, kitang-kita ko ang mukha ng bata. Maganda ito at maamo ang mukha. Bilogan ang hugis ng mukha, matangos ang ilong at may kislap sa mga mata. Naglakad silang dalawa sa harapan ko at nilagpasan ako. Para akong transparent hologram na nakatayo doon at dumaan sila sa katawan ko. Hindi nila ako napansin. Nagpatuloy sila sa paglalakad palayo. Susundan ko pa sana sila ng hindi ko na maigalaw ang mga paa ko. My feet had stuck on the ground and I can no longer move any of them. I tried to lift, kick and pull but I wasn't able to do any of it. Then I felt like sinking. Napatingin ako sa baba at napansin na dahan-dahan akong kinakain ng lupa. "Ahhhhhhhhh!" The earth pulled me underground until nothing was left of me but dust. ***** Agad akong napabangon at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa kwarto lang ako, sarado ang mga bintana at naka-on ang aircon kaya ako nakaramdam ng lamig. Nagkalat din sa ibabaw na kama ko ang mga gamit na dala ko noong outing. Napabuga ako ng hangin. Nakatulog pala ako at hindi man lang nakapag-ayos o nakapagpalit ng damit. Ang weird lang kasi hindi naman ako pagod eh pero nakatulog ako agad. Dinalaw pa ako ng isang kakaibang panaginip. I just decided to shake the thought away and get on with fixing my things. Papagabi na at baka dumating na si mommy anytime. Noong sumunod na mga araw, nanatili  lang ako sa bahay. Hindi ako kinulit ni Cynthia dahil may kaekekan siya kasama iyong mga dati niyang kaibigan noong highschool. Si Brent naman at si Freya may kanya-kanya ding buhay. Si Keith lang ang nakakausap ko kahit madalas busy din siya dahil nagsisimula na siyang turoan ng daddy niya sa paghawak ng negosyo nila kahit  nag-aaral pa rin naman siya gaya ko. Kaya ang nangyari,  madalas lunod ako sa bahay, nanonood ng Netflix. Maliban na lang sa araw na 'yon dahil nagdesisyon akong lumabas. Last year, our whole section visited an orphanage para mag-conduct ng study tungkol sa psychological state ng mga batang naabuso mentally, emotionally and physically. At magmula noon, naging madalas ang pagbisita ko sa lugar. Napalapit na rin kasi ako sa mga batang nakilala ko doon kaya natutuwa ako kapag nakikita at nakakasama sila. Nitong mga nakaraang buwan hindi na ako nakabisita dahil masiyadong busy sa school. I drove off to the orphanage. Nagdala na rin ako ng mga snack dahil isa iyon sa mga inaabangan nila. Siyempre, I make sure naman na healthy ang mga dala ko. I brought cookies, fruits, healthy juices at kaunting chocolates at jelly beans. Mabilis ko namang narating ang lugar. Hindi naman kasi ito kalayuan sa subdivision na tinitirhan ko. I parked infront of a yellow brick building. May puting gate ito at may signboard na may nakasulat na Childrens Haven. Napangiti ako. Sa gilid ng gusali ay may maliit na park kung saan naglalaro ang mga bata. Agad naman akong napansin ng ilan sa kanila. "Ate Ally!" sigaw noong batang babae na ubod ng taba. Nagtalunan sila at naghintay sa may gate ng bumaba ako sa kotse. "Oh, huwag kayong lalabas na gate. Papasok naman si Ate Ally ninyo eh," wika ng isang matabang madre na nasa singkwenta na ang edad—si Sister Lysa. Siya ang isa sa mga madreng nagpapatakbo ng bahay amponan. Kinuha ko ang mga dala kong paperbag at pumasok sa loob ng vicinity ng orphanage. Agad namang nagkumpolan sa harapan ko ang makukulit na mga tsikiting. "Sister Grace, pakitulongan mo nga si Miss Herrera sa mga dala niya" tawag ni Sister Lysa sa isa pang madre na dumaan sa likuran niya.  Tumango ito at lumapit sa akin. Nginitian niya ako ng iabot ko sa kanya ang mga dala ko para sa mga bata. "Mabuti at napasyal ka ija," wika ni Sister Lysa. Ngumiti siya ng makalapit sa akin. "Matagal ka na ring hindi nakapunta rito. Miss ka na ng mga bata. Lalong-lalo na nina Andy at Piper." "Ah, medyo busy lang po sa school" sagot ko. "Kumusta  na ho ba sila?" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Sister Lysa. Lumungkot ito at tila may kung ano'ng bumabagabag dito. "Ano hong problima?" tanong ko. Umiling lang ang punong madre sa akin. "Halika dito sa loob," she said and walked ahead of me. Naglakad na rin ako at sumunod sa kanya papasok sa main building ng orphanage. Naglakad kami sa loob. Marami kaming nakasalubong na mga bata at mga madre na paminsam minsan at tinatawag ang pangalan ko at nangangamusta. Ginagantihan ko na rin sila ng ngiti.  May iilan ring volunteers ang nandito. Karamihan sa kanila mga college students din gaya ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo ng hallway. May isang puting pintuan doon. Pinihit ni Sister Lysa ang pintuan at binuksan ito. Pumasok kami sa loob ng silid at tumambad sa harapan ko ang dalawang batang babae—sina Andy at Piper. Nakaupo sa isang silya si Andy at may hawak na laruang helicopter. Sa tabi niya, nakahiga sa isang puting kama ay si Piper. Kumirot ang puso sa nakita. Mahimbing na natutulog si Piper sa puting kama. Napakapayat at napakaputla nito. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito. Malayong-malayo ang hitsura niya  sa hitsurang natatandaan ko. "Ate Ally!" Tumayo si Andy sa pagkakaupo at tumakbo patungo sa akin. Yumakap ito at ibinaon ang mukha sa may tiyan ko. Ilang segundo lang at narinig ko na itong humikbi. "Ano hong nangyari, Sister?" Humarap ako sa punong madre habang hinahaplos ang buhok ni Andy na tahimik na umiiyak sa damit ko. Bumakas sa mukha ng madre and matinding pag-aalala sa bata. "May leukemia si Piper. Huli na rin ng malaman namin kaya hindi na naagapan. Ilang buwan na lang daw ang itatagal niya sabi ng doctor." Napaluha ako sa natuklasan. "W-wala na daw bang ibang paraan Sister?" Umiling ang madre. Mas lalong napahikbi si Andy habang nakayakap sa akin. Mag-bestfriend kasi sila ni Piper. Kapwa namatay sa sunog ang mga magulang nila at kinupkop na sila dito sa orphanage kung saan sila nagkakilala. Sa lahat ng batang narito, sila ang pinakamalapit sa akin. Pareho kasi silang makulit at palatawa. Kamukha rin kasi ni Piper si Grace, iyong batang kaibigan ni Juan Carlos na nasa hacienda sa Samar. Lumapit ako sa kama ni Piper. Si Sister Lysa na rin ang nag-comfort kay Andy na hindi pa rin matigil sa tahimik na pag-iyak. Umupo ako sa maliit na silya at hinawakan ang kamay ng batang natutulog. Ayoko ko sana siyang gisingin pero dahan-dahang dumilat ang mga mata niya ng maramdaman ang paghawak ko. "Ate Ally?" Mahina at halos bulong na lang ang boses niya. "Is that really you?" Nasasaktan ako sa kalagayan niya. Tinuring ko na kasing mga maliliit na kapatid ang batang narito. I pressed her hand and smiled at her. "Yes baby, it's me." Ngumiti siya. Sa kabila ng panghihina at pamumutla niya, it was a real smile. A genuine one. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit. It was so hard seeing someone so dear to you slowly and excruciately suffering. "Akala ko hindi na kita makikita bago ako umalis," she said. "I'm here now." "Ate, do you know what it feels like to be in heaven?" inosente niyang tanong.  "Am I going there?" I felt a bitter taste in my lips but I managed to smile. "I'm not sure what it feels like, dear" I said. "But I believe that good children such as you will always be welcome up there." "Sister Grace said that heaven is a happy place," Piper said. "Wala na daw akong sakit doon. I want to go there Ate Ally. Maybe mommy and daddy are waiting for me there. I could be with them again. I won't be sad anymore." Tuluyan na nga akong napaiyak sa sinabi ng bata. I want to take all the pain and sickness that she's feeling. If only I could. I want to assure her that everything will be alright. It's really hard seeing this little girl in pain. She's too young to endure all of this. It isn't fair that this kind and poor young soul had to suffer so much while all those scumbags roam around the earth in a bubble of bliss and comfort. It's a sad reality that no one, even me, can escape. Nanatili ako sa orphanage buong araw para makasama ang mga bata. Request din kasi iyon ni Piper sa akin at hindi ko rin siya gustong iwan lalo na sa kalagayan niya ngayon. **** Pagabi na ng makauwi ako mula sa bahay-amponan. Mabuti na lang hindi gaano kalala ang traffic kahit rush hour. Hindi ko rin feel umuwi ng bahay kaya pumunta muna ako sa pinakamalapit na mall para mag-unwind. Gusto ko rin bumili ng regalo para kay Piper. Tatlong araw na lang kasi at magpapasko na kaya gusto ko sanang maging masaya ang pasko niya kahit ganoon ang sitwasyon niya. I still wanted her to feel that she is loved. That she is special and there are a lot of people who will always be there for her. At isa na ako roon. Bumaba ako agad ng kotse matapos mag-park. Pumasok na ako agad sa loob ng mall.  Napakaraming tao sa loob dahil simula na ng christmas rush. Marami ang shoppers at kumpol-kumpol na ang mga tao. I fought my way in the kids section. Hindi pa rin ako nakakapag-decide kung ano'ng bibilhin ko para kay Piper at Andy. Naglibot-libot na lang muna ako habang wala pang napipili na suitable christmas gift para sa dalawa. Nakakatuwa din kasi dahil mayaman sa christmas decorations ang buong mall kaya nalibang din naman ako. Napakaraming sales din and promos. I found myself checking out some designer bags. Wala naman akong planong bumili kasi marami na akong bag at sayang lang sa pera 'yon. Tumingin-tingin na lang ako. Nang ma-bored, tinahak ko na ang toy section. Laruan na lang siguro ang pipiliin ko para sa kanila. Mahilig kasi ang dalawang batang iyon sa laruan na panglalaki kahit pareho naman silang babae. Hindi naman sila future tomboys dahil favorite nila ang pink pero mas trip talaga nila ang mga laruang panlalaki kaysa sa mga barbie dolls. May nakita akong new robot sets ng Iron Man sa top shelf. Kaso nasa tuktok ito at kahit matangkad na ako ay hindi ko pa rin abot. I tried to tip-toe just to reach it pero hindi ko talaga abot. Tatawag na sana ako ng saleslady ng biglang may matangkad na lalaki na kumuha sa laroang dapat kong kukunin at inabot ito sa akin. "Here you go," sabi niya sa akin. Nag-hung ako ng ilang segundo bago nakapagsalita. "T-thanks." JC gave me a smile and he shrugged. "Wala 'yon," he said. Tiningnan niya ang laruang nasa kamay ko. "Let me guess, that is for your younger brother maybe?" "Ha? No, it's for someone else. Wala akong kapatid." sagot ko, hindi ko siya tinitignan. Since our last encounter hindi na kami nagkita. At ayaw ko talaga siyang makita dahil hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa nangyari doon sa beach house. Ayan tuloy! Naalala ko na naman.  "Oh, I see," he said. "Pareho pala tayo. I'm an only child as well." Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. "Ah, sige ah. Bayaran ko lang 'to" "Oh, that's great. Doon din ang punta ko." Saka ko lang napansin ang hawak niyang stuffed toy. Hindi na ako nagtanong kung para kanino 'yon dahil wala naman ako sa lugar para kalkalin pa ang buhay niya. We're not even close. Sumabay nga siya sa akin papunta sa counter. Nakasunod lang siya sa likuran ko. Inabot ko sa cashier and laruang hawak ko habang si JC yakap ang stuffed toy na bitbit niya at may kinakalikot sa cellphone niya. Nang mapansin niyang inabot ko ang robot sa cashier, ibinigay niya rin ang stuffed toy dito. "Para sa mga anak niyo po ba ma'am, sir? Ang cute niyo po." Malapad ang ngiti ng cashier sa amin at titig na titig sa mukha ni JC. Tumawa lang si JC at hindi sinagot ang babae. Inabot niya na dito ang bayad niya. "Hey-" Sinubukan ko siyang pigilan pero ngumiti lang siya sa akin. "It's okay," he said.  "It's on me." Wala na rin naman akong nagawa dahil nabayaran niya na. Pinaghiwalay niya lang ng paperbag. "Merry christmas ma'am, sir!" Inabot na ng cashier sa amin ang mga laruan. JC handed me the paper bag. "You shouldn't have paid for it." I said. Kinuha ko sa kanya ang laruan. "May dala naman akong pera eh." "It's okay," he said.  "Just consider it a christmas treat from me." He chuckled. Napangiti na lang din ako dahil infectious ang tawa niya. Sabay na rin kaming lumabas ng store. May nagpatugtog na ng mga christmas carols at may mini program doon sa center stage ng mall. May nakadamit Santa Claus pa at namimigay ng candy sa mga nanonood. "Pauwi ka na ba?" JC asked. He turned to me as if waiting for my answer. "Do you still have for a drink? Tara, libre ko!" Hindi pa ako nakaka-ooh pero mukhang settled na 'yong idea sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Pumasok kami sa isang cute na café. Maraming tao sa loob pero mabuti na lang at nakahanap kami ng bakanteng upuan. Maraming babae ang napapalingon ng dumaan kami. They weren't staring at me of course. They were staring at JC. Can't blame them though. This guy is way too handsome to exist which reminded me again of his splitting image Juan Carlos. Naupo kami sa table na nasa pinakadulo. Hindi ako komportable na kasama siya pero hindi ko alam kung bakit ako nandito. "What do you want Ally?" tanong niya. "Fruit shake na lang," mahina kong sagot. Naupo ako habang umoorder siya doon sa counter. Hindi ko rin maiwasang hindi siya titigan. Kahit saang anggulo ko talaga siya titigan, si Juan Carlos ang nakikita ko. Magkaiba lang ang gupit ng buhok nila at mas outgoing ang ugali ni JC pero maliban doon, wala na silang pinagkaiba. "Here." Hindi ko napansin ang pagbalik niya sa table namin. Parang ang tagal ko yatang natulala. "Thank you," I said. Tumango lang siya at sumimsim na sa kape niya. And again, I found myself staring at him. Ang awkward na naman dahil wala naging tahimik kami ulit. "Para kanino pala 'yan? Ngumuso ako sa stuffed toy niyang naka-paper bag. "For my mom," he replied. "She loves stuffed toys, specially blue ones. How about that Iron Man? You said you didn't have a brother." "Ah, it's for some kids I know," wika ko. I sipped on my shake. "Mahilig kasi ako sa mga bata. " Tumango siya. "That's nice." I gave him a small smile. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. Binilisan ko na lang ang pag-ubos sa shake ko. Umayos ako ng upo. But then someone caught me attention. May babaeng nasa labas ng cafè. Nakasuot siya ng royal blue bodycon dress at nakalugay ang buhok. Mukhang may hinihintay. Si Cynthia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD