Bumalik kami ni JC sa mga kasamahan namin ng maubos ang iniinom naming beer. Hindi na rin kami nag-usap after noon dahil kinaladkad na siya ni Cynthia kaya sila na ang nagkasama buong gabi. Nalibang na rin naman ako sa pakikig-usap kay Angelo dahil si Freya nasa kabilang mundo na kasama si Dex. Char! Nasa harapan ko lang naman sila nag-uusap.
Medyo nahihilo na rin ako dahil sa tama ng alak. Sa harapan ko nakalapag ang ilang bote ng beer na wala ng laman. Kumunot ang noo ko. Naubos ko lahat 'yon? Aba't lume-level up na ako sa inuman ah! Congrats to me! Tagay pa nga!
"Hindi ka pa ba talaga nagkaka-boyfriend Ally?" tanong ni Angelo. Tinungga niya ang hawak niyang bote at humarap sa akin. Sa mukha niya, alam kong tipsy na rin siya.
Napa-iling ako. Ano ba'ng dapat kong sabihin? "Wala," sagot ko. Mahina akong napahigikgik. Maaaring dahil 'to sa nakakahilong likido na nananalaytay sa katawan ko ngayon. "Bakit, interested ka no?" Pinitik ko ang tungki ng ilong niya at tumawa ng malakas.
Nahuli niya ang kamay ko at pinigilan ang pangungulit nito sa mukha niya. Tumawa na rin siya ginawa ko. "Hmm, are you?" he asked.
Natawa ulit ako. Pakiramdam ko para na akong tanga sa katatawa ko pera wala akong pakialam. Tinaasan ko ng kilay si Angelo. "I think I'm should get an answer first since ako ang unang nagtanong" I said and giggled.
Tinaasan niya rin ako ng kilay pero nananatili ang nakakalokong ngiti niya sa labi. "What if I say yes?" he asked.
"You like me?" I asked. "Really? I like you too!" I laughed.
He kept his playful smirk plastered on his lips. Bahagya pa siyang lumapit sa akin. He touched my face and fixed his dark stares on me. I didn't knew what it meant. I just felt weird. "I do Ally," he said. "G for a night?"
Kumunot ang noo ko pero natatawa ako. Pakiramdam ko kasi umiikot ang mundo. "What do you mean?" I asked, groaning.
"Just one night," he whispered. He leaned on me. His face closing to mine.
"Brent your cousin is drunk. You better get her upstairs."
Napaatras ako ng magsalita si JC sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Kailan pa siya napadpad diyan? Tumingin ako sa paligid at hinanap si Cynthia. Nasa likod na siya ni Freya at naglalaro sa phone niya kasama si Acelle, iyong isang ka-blockmate nila Brent na babae.
"What?" Tanong ni Brent na mukhang pabagsak na at halos sarado na ang mata. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay. "Hayaan mo na 'yan. May paa naman 'yan eh."
"I'll take her upstairs." Tumayo si Angelo at kinindatan ako. He lend me his hand at tinanggap ko naman iyon. Tinulungan niya akong tumayo habang pinapagpag ko ang buhangin mula sa bestida ko.
"Whoa!" I said and laughed ng muntik na akong matumba. Pakiramdam ko talaga umiikot na ang mundo.
"You're wasted," Angelo whispered. "Nice."
Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko at iginiya ako paakyat sa hagdan ng beach house. Susuray-suray ako sa paglalakad kaya mabuti na lang at malakas si Angelo kaya hindi kami nahulog pababa. Hindi ko na rin maintindihan ang pinagsasasabi niya. May binubulong siya sa akin at panay tango naman ako kahit wala akong na-gets.
Tuluyan na kaming nakapasok sa sala ng beach house. I felt like throwing up pero mabuti na lang at hindi natuloy. Punyeta! Ano na bang nangyayari sa akin?
"Gello." Napalingon si Angelo ng may tumawag sa kanya. Hindi ko na nakita o napansin kung sino iyon dahil nagpapasirko-sirko na ang utak ko.
"You're girlfriend's on the phone" dugtong ng lalaking bigla na lang pumasok.
"F*ck" Angelo cursed under his breath. Sa lahat ng sinabi niya, iyon lang ang naintindihan ko. "Can you get Ally inside her room?"
Wala akong narinig na sumagot but I heard footsteps closing. Parang bola ng basketball akong ipinasa ni Angelo sa kaibigan niya at mabilis na umalis.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Nasusuka na talaga ako.
"Hold it," the guy said. "You can't vomit on me" natatawa niyang sabi at inalalayan ako.
I lifted my head to see his face. Napataas ang kilay ko at napangiti ako ng malawak. Umayos ako ng tayo at tinitigan siya sa mukha. He's here. He's really here. Hinawakan ko ang mukha niya at humagikgik.
"You're here," I said. I chuckled like an i***t and slightly hit him in the face.
"Ally, halika na." He tried to steady my stance but I grabbed his collar, pulled him close and kissed him.
I saw the surprise on JC's face. But he didn't react. He just remained standing there while I was wrapping my arms around his neck. I kissed him which felt good as it's also crazy.
Slowly, I felt him taking my hands off him. He slightly pushed me away. "Ally, get some rest," he said. "You're drunk."
That's when my tears started falling. Hinampas ko siya sa dibdib. "Why? Why Carlos, why?"
I gripped on his shirt, not minding if I tear it or what. Paulit-ulit ko siyang hinampas sa dibdib habang walang tigil na umiiyak. "Why do you have to f*cking leave me like this!" Napahagulgol na ako habang hawak ni JC ang braso ko. He was attempting to stop my hands from hitting him.
"You promised! You promised to stay! But. . . you still left."
Hinayaan niya akong gawin 'yon sa kanya. "Why?" My tears just won't stop falling.
Then I felt my stomach churning and burning. I wasn't able to stop spilling everything out. Narinig ko pa ang boses ni Freya na papalapit bago nagdilim ang lahat.
***
Nagising ako na sobrang masakit ang ulo. Pakiramdam ko hinampas ako ng bakal sa ulo. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Saka ko lang napagtanto na nasa kwarto na pala ako. Paano ako nakarating dito kagabi? Napasapo ako sa noo, pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang hinatid ako ni Angelo sa kwarto namin ni Freya. Tama, 'yon nga 'yon.
I checked myself. I was wearing my blue night gown. Kinapa-kapa ko pa ang mukha ko. Hindi ko maalala kung sino ang nagsuot sa akin nito. I hope it's Freya at hindi ibang tao kasi. . . basta. Bigla akong nakaramdam ng hilo at ang tiyan ko parang iniipit sa sakit. Dagli akong napabangon at tumakbo sa banyo. Napaluhod ako sa harapan ng bowl and just throw my sh*t up.
Ilang ulit akong sumuka bago ako tumayo at sumampa sa dingding ng banyo. What the frick! Ngayon lang ako nalasing ng ganoon kaya talagang malala ang hangover ko nito. Leche! Hindi na talaga ako iinom ng ganoon kadami.
Humarap ako sa salamin ng bumuti ang pakiramdam ko. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng masuka ulit ako. Napamasahe ako sa noo ko bago muling tumayo upang maghilamos ng mukha.
"Ally?" Freya called from outside the comfort room. "Are you okay?"
Naghilamos pa ako ulit bago siya sinagot. "I'm fine!"
"Sigurado ka?" tanong niya ulit.
"All good" I said. Kahit ang totoo alam kong maya-maya susuka na naman ako. Nag-toothbrush na lang ako at naligo. I need a warm bath to calm myself down. I also need a good cup of coffee. I really need to remind myself to refrain from drinking too much alcohol dahil talagang napakababa ng alcohol tolerance ko.
Nagbabad ako sa shower ng matagal. Kahit papaano naman ay medyo umayos naman ang pakiramdam ko. Nang lumabas ako ng banyo ay nadatnan ko si Freya na nakaupo sa kama niya, titig na titig sa phone niya.
"Oh, nandiyan ka na pala!" wika niya ng makita ako. "Kumain ka na." Ibinalik niya ang atensiyon sa phone niya.
"Ano 'yan?" curious kong tanong bago lumapit sa side table na may nakapatong na breakfast tray.
"Wala," she replied and turned her phone off. Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. "Kamusta?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano'ng kamusta?" wika ko bago kumagat sa tinapay na naroon sa breakfast tray.
"Alam mo ang sungit mo kapag may hangover ka" wika niya at tumawa. "Magsusungit ka pa kaya once ma-realize mo ang pinag-gagawa mo kagabi?"
Mas tumaas ang kilay ko. "W-what are you talking about?" Lihim akong kinabahan sa sinabi niya. I hope it wasn't something stupid.
"You really don't remember anything, do you?" she asked. Of course she's trying to make it sound intriguing. She's Freya Lopez after all. That's her way of ruining my day.
Pinulot ko ang unan sa tabi ko at ibinato sa kanya. "Ano ba kasi 'yon?" Naiinis ako at kinakabahan sa ginagawa niya.
"Why don't you go ask JC?" she said, winked at tumayo na. "Mag-ayos ka na. Uuwi na tayo before lunch." Then just like that she walked out of the room.
That left me dumbfounded. What the hell did I do? And why does JC had to do anything about it? Pilit kong inalala ang lahat ng nangyari kagabi. Freya wouldn't say anything like that kung wala akong kagagahang ginawa.
Naibuga ko ang kapeng kasalukuyan kong hinihigop ng maalala ang lahat. Letche! Did I really do that? H-hinalikan ko siya? Punyeta nakakahiyaaa!
Napakamot ako sa ulo, napasampal ng ilang beses sa mukha at ibinaon ang mukha ko sa kama. Oh hell, no! Nakakahiya talaga! Baka ano'ng isipin no'n sa akin. Mapagkamalan pa niya akong may gusto sa kanya. Oh, great! Argh!
****
Hanggang noong nagre-ready na kami sa pag-uwi ay hindi na ako napakali. As much as possible hindi ako lumalapit kay JC. Nagtatago ako sa likuran ni Freya o 'di kaya ni Brent. Kahit sino sa kanila basta hindi lang ako mapalapit kay JC. Noong pasakay na kami sa van, nakipagtulakan pa ako kay Brent para doon ako sa malapit bintana. Buti na lang kinulit ulit ni Cynthia si JC kaya hindi kami nagkatabi ng upuan dahil naroon silang dalawa sa pinakadulo. Ayokong makita niya ako or kahit marinig ang boses niya dahil nahihiya ako sa nangyari. At mas nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Darn! Darn that alcohol effect and my stupid little self.
Pangiti-ngiti pa sa akin si Freya na nasa tabi ko para inisin ako. Palibhasa nakita niya siguro ang nangyari kagabi. Buysit talaga. Huhuhu.
"How does it feel?" Bulong niya sa akin at mahina akong siniko.
"Pinagsasabi mo?" Umayos ako upo, hindi siya tinitignan.
"Sus, patay-malisya ka pa eh alam mo naman ang sinasabi ko," wika niya. Humalakhak pa siya ng mahina at isinandal ang ulo sa kanang balikat ko. "Ano nga'ng feeling?" wika niya.
"Tumahimik ka!" pabulong kong saway at kinurot siya sa tagiliran. Tumawa lang siya at siniko ulit ako. "Freya tumigil ka."
Pero wala siyang planong tantanan ako. Kahit hindi ko pinapansin, tanong pa rin siya ng tanong.
"Freya tumahimik ka" wika ko. "Kapag hindi ka pa talaga tumigil ewan ko na lang talaga sa'yo."
I put on my earphones. Medyo maingay din kasi sa loob ng van dahil nagpapatugtog na naman sila ng rock n roll ng talagang masakit sa tenga.
But Freya wasn't really listening to my warnings at talagang nauubosan na rin ako ng pasensiya.
"Uy," she said and giggled, poking me on the sides. "Tell me na kasi."
"Freya, ano ka ba." I gestured her to stay silent. Tinalikuran ko siya at umayos ako ng upo saka ako humarap sa bintana.
"Ally. . ."
"Ano ba, sabi ng tama na eh!" sigaw ko. Dahil sa lakas ng boses ko, napatigil ang lahat ng tao sa loob ng van. Pati iyong music nala namatay din, which was weird and definitely not my fault.
"What's wrong? Ba't ang init ng ulo mo?" tanong ni Brent na siyang tumawag sa akin. Hindi pala si Freya 'yon dahil may kinakalikot na 'yong bruha sa cellphone niya. Pero dahil sa pagsigaw ko, nakatingin na rin siya sa akin at halatang gulat.
"Ipapababa ko lang naman iyong bintana dahil nahihilo si Acelle. Pero 'wag na. Baka mas may hilo ka eh." Umayos si Brent ng upo sa likuran ko.
Natulala ako. Lahat kasi sila nakatingin sa akin. Si Freya, sina Dex, si Angelo at Grey na nasa front seat, pati sina Cynthia at si JC at ang iba pang nandoon sa likod. Gustong-gusto kong matunaw at mawala na lang bigla. Tumalikod ako para iwasan ang mga titig nila. Pakiramdam ko ang pula-pula na ng mukha ko.
Dahan-dahan kong ibinaba ang glass ng bintana upang makapasok ang hangin. Nag-thank you naman si Acelle doon sa likod ko pero minabuti ko ng hindi sumagot. Nakakahiya sobra. Nakakadalawa na talaga ako since last night. God, sana makarating na kami agad ng Maynila. Ayoko ng dagdagan pa ang kahihiyang ginawa ko.
Freya rubbed my shoulder without looking at me. I glanced at her and she did the same. Then she gave me a smile and she turned her eyes back to her phone. Humarap ulit ako sa bintana at nilasap na lang ang malamig na hangin.
Naging tahimik na ang buong biyahe namin n'on hanggang sa nakarating kami sa Manila. Walang nagpatugtog, wala na rin nagsalita pa. May kanya-kanya na silang mga buhay kaya nanatiling tahimik ang loob ng van. Si Brent at Freya lang ang pinagbubulungan pero 'di nagtagal ay naging tahimik na ulit. Parang mas ginusto ko tuloy iyong maingay kaysa sa ganito katahimik dahil napaka-awkward. Minabuti ko nalang na hindi lumingon sa likuran ko at baka makita ko si JC. Mas hihilingin ko na lang maglaho at mag-pop na parang bula kaysa sa humarap sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansion dahil nakatulog ako. Nang maramdaman ko ang pag-alog ni Freya sa balikat ko, saka ko lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay namin.
"May plano ka bang bumaba mahal na prinsesa?" pabirong wika niya.
Bumaba ba rin siya para makalabas ako ng van. Hindi na ako nagsalita dahil pakiramdam ko napipi na ako dahil sa ginawa kong pagsigaw kanina. Nahihiya na akong gumawa ng kahit ano'ng huni. Ang awkward pa dahil pinagtitinginan nila ako noong bumaba ako. Paano eh ako kasi ang pinakaunang bababa.
Nang makababa ako ay ngumiti ako ng mapait sa bestfriend ko at sa iba. It still felt so awkward.
"Bye Ally!" malakas na wika ni Cynthia kaya napalingon ako sa kanya. Pero hindi sa kanya dumiretso ang titig ko kundi sa lalaking katabi niya—si JC. He was smiling at me. Hindi naman nang-iinis o nanunumbat. It was just a casual and friendly smile. I gave them a small smile at nag-wave ng kaunti sa kanila bago ako tumalikod at dire-diretsong tinungo ang pintuan namin.
"Ally, uminom ka ng maraming malamig na tubig para kapag nag-usap ulit tayo, hindi na mainit ang ulo mo! Bye! Mwah mwah chup chup!" sigaw ni Brent mula sa loob ng van.
Napabuga ako ng hangin sa harapan ng pinto. Nagtawanan sila sa loob ng van habang umandar ito papalayo. Naghanap lang talaga ng tiyempo ang hinayupak kong pinsan para asarin ako. I just rolled my eyes and opened the door.
Mommy texted me that she'll be in the bank the whole day kaya nag-expect na akong maging mag-isa na naman sa bahay. Walang kaso sa akin 'yon. After all, this is what I wanted. A simple and peaceful life. I can never find the word "peace" in my friends' vocabulary. The only word that exists in them is the word WILD. Yes, caplock in red and underlined.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at agad nahiga sa kama. Isang gabi lang akong nawala pero pakiramdam ko isang linggo.
Suddenly, the glass windows of my room clanged open. Biglang umihip ang malakas na hangin mula sa labas na terrace. Napatayo ako mula sa kama at gulat na tinitigan iyon.
From outside the windows, I saw it.
A dark shadow. . .
A silhouette of darkness. . .