Chapter 47 : Seaside Memories

2885 Words
Maliwanag ang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa labas ng bintana dahilan para magising ako mula sa malalim na pagkakatulog. Bumangon ako mula sa malambot na kama at nagkusot ng mga mata sabay tingala sa wall clock na nakasabit sa ibabaw ng headboard ng kama ko. Alas sais y medja na ng umaga. Nag-inat ako ng katawan bago pumasok sa loob ng banyo upang maligo. Finally! Tapos na rin sa wakas ang first semester at malaya na akong gawin ang kahit na ano kahit ang nasa isip ko lang naman ay manatili at magkampo sa loob ng bahay. Gusto ko lang ngayong magpahinga buong araw dahil nakaligtas na ako ng kalahating taon sa third year. Kaunti na lang talaga at ga-graduate  na ako. Hindi na ako makapaghintay na maging isang ganap na psychologist. Noong makabalik ako mula sa Samar, saka ko lang nalaman na wala naman pala talaga akong schizophrenia. Totoo lahat ng nakita ko noong bata pa ako. Totoo si Juan Carlos at hindi isang ilusyon. Hindi siya bunga nga pag-iisip ko. He was real and tangible. **** Noong umagang iyon ay wala namang masiyadong nangyari. Nag-breakfast lang ako kasama si mommy at  nagbabad nalang sa panonoud ng kung  ano-anong videos sa Youtube. Wala rin naman akong ibang magagawa. Busy pa rin kasi si Keith sa mga sarili niyang errands kaya hindi ko na kinulit. Nasa kalagitnaan ako ng panunood ng isang recipe video tungkol sa pagluluto ng isang Swiss meal ng biglang may nag-doorbell. I lazily got up and walked towards the door. Wala kasi sina yaya kaya I have to do this myself. "Hello!" Maliwanag at masigla ang ngiti ni Cynthia na bumungad sa akin pagkabukas ko sa pintuan. "Cynthia! Hi" Nag-beso siya sa akin at nagdire-diretso siya sa loob ng bahay. I closed the door and followed her into the living room. "Bakit hindi ka nagsabi  na papasyal ka rito? Sana nakapag-prepare ako" She smirked. "Kailangan pa ba 'yon? I wanted to surprise you and besides ikaw lang alam kong hindi busy today kaya may time ka para sa'kin." She winked and pouted. Umupo ako sa tabi niya at in-on ang TV para may mapanuod kami. Kumuha na rin ako ng mga chips at juice para may makain kami. "Actually nagtatampo ako ng slight sa'yo kasi umalis ka agad noong party" sabi niya sakin habang titig na titig sa pinapanood sa Netflix. Siya na ang pinapili ko. Wala na rin naman akong nagawa kasi inagaw niya na sa akin ang remote. Oh 'di ba? Ganiyan siya kabait! Char lang guys. Mabait naman talaga siya eh. May pagkamaldita lang minsan. "Sorry na kasi," sabi ko. "Sumakit ulo ko kaya nagpahatid  na ako kay Keith" "Oh,  iyon ba 'yong pinsan ni Freya na cutie?" "Uh, yeah? Interested ka no!" Kinurot ko siya sa tagiliran. Impit siyang tumili at parang kinilig na lumayo sa akin. "Hmmn, noong una ooh. Pero not anymore! I'm having my eyes  on a different person right  now." She giggled. Bigla akong na-curious. "And who might that be?" She listed sideways and nibbled on her chip. From the way she looked and acted, I could say na talagang tinamaan  siya ng kung sino man iyang tinutukoy niya. "Brent's friend, JC. You know him?" Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya pero minabuti ko iyong itago. She likes JC, huh? Well, hindi naman ako dapat magulat sa choice niya dahil talaga namang gwapo si JC. He had features like that of a god. Pero hindi ako sure sa dapat kung maramdaman. I felt like I'm obliged to be happy for Cynthia pero wala akong naramdaman na ganoon. "We... uh, kind of met" sabi ko at itinutok ang mga mata sa screen ng TV. Humarap si Cynthia sa akin na maliwanag ang mukha at parang namumula pa. "Oh, isn't he hot? Damn that guy, I think I'm falling in love" she giggled. "What do you think Ally? Bagay   naman kami 'di ba?" She even winked at me when she said that. Napalunok ako. Inlove agad? Ang bilis naman yata noon. "Uh yeah. Of course," sagot ko na lang. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng inis. I shouldn't be feeling like this kasi wala naman akong pakialam. Inubos ko na lang ang pagkain ko pero nawalan na ako ng mood sa pinapanood ko at sa mga pinagsasasabi ng pinsan ko. Panay kwento pa rin kasi siya ng kung anu-ano. Pero halos lahat ng iyon tungkol sa mga lalaki. Si Cynthia kasi iyong girl version ni Brent. Kung magpalit ng boyfriend ay parang nagpapalit lang ng damit. Kapag pinagsawaan niya na iyong tao, iiwan niya na lang bigla at aastang parang walang nangyari. Pareho sila ni Brent ng ugali. Nako! Mabuti na lang talaga at hindi ako ganoon. Marami naman nanliligaw sa akin eh. Wala lang akong sinasagot dahil naiirita lang ako sa mga pagmumukha nila. Kung hindi lang din si Juan Carlos ang makakasama ko ay mabuti pang 'wag na lang. At saka, masaya naman ako kahit single. Mukhang tatanggapin ko na ang kapalaran kong maging isang matandang dalaga. "How about you Ally? May romantic juices ka bang nag-eexist sa katawan? Simula noong mga bata pa tayo ay wala akong nabalitaang nagkagusto ka sa isang lalaki," pabirong kutya niya sa akin. Kung sa ibang araw ay siguro tinawanan ko ang sinabi niya. Pero ngayon, hindi ko alam kung ba't ako nairita. "They're just a waste of time" sabi ko na lang. Ayokong magkwento ng kahit ano tungkol kay Juan Carlos. Lalo na kay Cynthia. "Ang lungkot naman ng buhay mo" wika niya. "Brent told me the same thing" I replied. She laughed at it but I just decided to ignore her. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman yata tama iyon kaya nag-try ako alisin ang walang dahilan kong inis. Nag-stay si Cynthia sa bahay hanggang hapon kaya marami kaming ginawa na kahit ano na lang. Niyaya niya akong mag-yoga, mag-bake at manood ng kung anu-ano na lang. Nag-enjoy rin naman ako kasi matagal rin naming hindi nagagawa ang mga bagay na iyon ng magkasama. Naging masaya naman ang bonding naming dalawa at naglaho rin iyong naramdaman kong inis sa kanya kanina. Noong gabi pinagluto ko ulit si mommy na natuwa dahil napapadalas na ang pagluluto ko ng dinner para sa kanya. Pagkatapos mag-hugas ng mga pinagkainan, tumambay ako sa terrace ng kwarto ko kung saan napansin ko ang halamang nakapatong doon sa mesa. Ang mga maliliit nitong bulaklak na kulay puti ay nagsabog ng kakaibang bango roon. Malakas din ang ihip ng malamig na hangin kaya nanatili ako doon habang nakatitig sa phone ko. Bigla namang tumawag si Cynthia. C: hey Ally! Me: oh? Napatawag ka yata? C: may sinabi ba sa'yo si Brent? Me: wala bakit ba? She giggled at me kaya napakunot ang noo ko. Me: what is it? C: mag-a-outing daw sila ng mga kaibigan niya sa resort nila sa Laguna this weekend and he invited me to come. Me: so? C: what do you mean so? Come on Allysandra! That means JC is going to be there! Kaya kailangan nating sumama! Me: wait what? Natin? Bakit kasama ako! C: Duh, sumama ka na kasi! At saka ngayon lang naman 'to no! Magtatampo na talaga ako sa'yo kapag hindi mo'ko sinamahan. Me: But Cynthia- C: no buts! Sasama ka sa Laguna. Sasabihin naman talaga sa'yo ni Brent ang tungkol doon eh pero nag-insist ako na ako na lang ang magsasabi sa'yo. Basta samama ka Ally! I don't want any excuses. Oh my god! I'm so excited! Wala na akong nagawa dahil fix na sa isipan ni Cynthia ang lahat. Napasapo ako sa noo. Ayokong sumama! Ayokong makita si JC dahil naaalala ko si Carlos sa kanya. At mas ayaw kong makitang nakikipaglandian si Cynthia sa kanya. Pero mukhang wala na akong magagawa. Nag-try akong gumawa ng kahit na anong alibi para hindi ako makasama sa outing nila Brent pero sinundo ako ng mga mokong sa mansion at sila pa mismo ang humingi ng permiso kay mommy na agad namang pumayag. Kaya wala akong nagawa ng hatakin ako ni Cynthia papunta sa van na gamit nila. Sa surpresa ko, naroon din si Freya sa loob, ka-chika ang isang kaibigan nila Brent na sa pagkakaalala ko ay Dex ang pangalan. Nag-flying kiss siya sa akin ng makita ako. I rolled my eyes on her. Pinagkaisahan talaga ako ng mga takas sa mental. "Hi Ally," napatingin ako kay JC na nakaupo sa likuran ni Dex malapit sa bintana. "Thought you weren't coming" "Ah, sila kasi eh" Nagkibit-balikat ako. "You know what JC, masanay kana diyan kay Ally. Hindi talaga 'yan mahilig sumama sa mga ganito. Takot 'yan sa tao,"panlalaglag  ni Freya. "Shut up," bored kong saway sa kanya. Puno na kasi sila doon sa likod dahil may tatlong lalaki pa at isang babae ang naroon. Si Angelo ang nagdadrive at hinihintay na lang si Brent at Cynthia na sa kausap si mommy. For sure marami pang bilin 'yon sa kanila. Mas napasimangot tuloy ako. Biglang lumabas si JC kaya napaatras ako. "So this is where you live?" tanong niya. Wala sa sarili akong tumango, hindi siya tinitingnan. Ba't  niya pa tinatanong eh halata naman kasing dito ako nakatira. "Hoy, ano'ng hinihintay mo diyan Allysandra? Halika na!" Dahil sa lakas ng boses ni Freya, labag sa loob akong pumasok sa loob ng van kung saan kanina nakaupo si JC. Pabagsak akong naupo roon at tumingin na lang sa bintana. Napansin naman ni Freya ang tahimik kong pag-aalburuto. "Okay ka lang?"tanong niya. Hindi ko siya sinagot. "Ay, mainit ulo" sabi niya at ibinalik ang atensiyon sa pakikipag-usap kay Dex. "Guys ano na? Baka abotan tayo ng traffic!"untag ni Angelo. Biglang pumasok sa loob ng van si JC at tumabi sa akin.  Bakit ba siya diyan umupo? Ooh nga pala. Siya ang nakaupo dito kanina at ako ang nag-invade sa space niya. Sumunod naman si Brent sa kanya kaya nawalan ng upuan si Cynthia. "Hoy umalis ka diyan!" Cynthia tried to pull Brent out of the van. "Bakit ba? Ayoko nga! Doon ka sa shotgun seat!"iritang sagot ni Brent. Bumakas sa mukha ni Cynthia ang inis. "Ayoko doon! Ikaw na d'on! Bumaba ka riyan!" Alam ko kung bakit niya gustong umupo doon kasi nandoon si JC at gusto niya magkatabi sila. "Brent!" "Cynthia, ikaw na nga doon! Mas maganda pwesto doon eh. At saka ano bang pinagkaiba ng upuan dito at upuan doon? Sumakay ka na kung ayaw mong iwan ka namin dito" Walang nagawa si Cynthia dahil sa sinabi ni Brent. Nakaramdam din siguro iyon ng hiya dahil sila na lang ang nakakaantala sa biyahe. Kaya padabog siyang pumunta sa shotgun seat and halos masira pa ang pintuan dahil sa lakas ng pagsara niya. "Calm down woman," natatawang sambit ni Angelo bago pinaandar ang makina. I rolled my eyes ang put my earphones on. Pinabayaan ko na sila. Matutulog na lang ako sa biyahe. But I wasn't able to sleep. Nagpatugtog kasi sila ng malakas at nagsing-along pa kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Dahil sa ingay ilang beses kong tinabunan ng daliri ang tenga ko. Si Freya at Cynthia mukhang enjoy na enjoy naman sa nangyayari. Ako lang dito ang hindi nakikisabay sa ingay nila. Correction. Dalawa kami. Si JC na nasa tabi ko, tahimik lang din at pangiti-ngiti. Ewan ko kung 'di niya lang trip ang kanta o naiirita na rin siya sa mga kaibigan niya. May nilalaro-laro lang siyang parang keychain sa kamay niya. Hindi ko na rin siya pinansin at itinoon na lang ang atensiyon ko sa kung paano ako makakatulog. Pero hanggang sa nakarating kami sa resort ay iyon na ang naging eksena sa loob ng van. Matagal-tagal na rin akong hindi nakabalik dito sa resort nila Brent. Noong huling bakasyon ko dito ay noong nakaraang summer pa. Maganda pa rin naman siya pero hindi kasing ganda noong resort na pagmamay-ari nila sa Samar. Puti kasi ang buhangin doon at dito hindi. Pero pareho lang silang dagat kaya walang kaso 'yon. Pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Iisa lang ang kwarto namin ni Freya. Si Cynthia naman nasa kabila dahil dalawahan lang ang rooms. Hapon na ng makarating kami sa resort kaya nag-prepare na iyong mga guys ng bonfire at barbecue sa labas. "Kailangan pa ba 'yan?"tanong ko kay Freya ng iabot niya sa akin ang isang pares  ng color blue na bikini. "Bakit hindi? Girl nasa beach ka po kasi. Ano ba'ng gusto mong isuot pantulog?" "Bakit, kung iyon ba ang isuot ko may magagawa ka, ha?" Inis kong ibinato sa kanya ang bikini set. "Ayoko niyan! At huwag mo akong pipilitin" Tinawanan niya lang ako at pabirong ginaya ang sinabi ko. Sa huli ay nagsuot lang ako ng white flowy dress. Iyon ang mas gusto kong get-up kapag nasa dagat. Hindi naman sa totally ayaw ko sa bikini. Nagsusuot din naman kasi ako n'on. Pero ngayon ayaw ko talaga. Basta ayoko! Inis ko siya iniwan sa kwarto at lumabas na lang. Nagdire-diretso ako doon sa buhanginan at dinaanan sina Brent naghahanda na ng food and drinks. Tinawag niya ako pero tinarayan ko lang siya at hindi nilingon. May buysit! Bakit pa kasi namimilit ng taong ayaw. Kung ayaw sana, hayaan na lang. Inis kong sinipa ang mga kabibeng nadaanan ko. Naglakad ako boat dock at pabagsak na umupo. Mukhang masisira ko pa yata dahil sa lakas ng bagsak ko. Nakakainis talaga. Hindi ko alam kung bakit ang init-init ng ulo. Gusto kong manapak! "Ally!" I heard Freya's voice calling out my name. Nilingon ko siya at nakitang kumakaway. Nandoon na sila lahat. Nagsuot nga siya ng bikini na pinatungan niya ng lace dress. Si Cynthia din ang iyong isang babae pa na barkada din nila Brent. Cynthia was already talking to JC who also seemed to my enjoy my cousin's company dahil malawak ang ngiti niya. Si Brent naman himala at walang kasamang babae. Nahihiya siguro siya kay Freya kung harapan siya makikipaglandian sa mismong harapan ng babaeng matagal niya ng gusto pero hindi niya magawang aminin. Panay ang tawag ni Freya sa akin pero nagbingi-bingahan ako. Masiyado silang maingay at ayoko noon. Sinipa sipa ko na lang ang tubig sa paanan ko at huminga ng malalim. Madilim na ang langit at lumalamig na ang hangin. Naabot na rin ng alon ang paa ko dahil high tide na. This wasn't how I wanted to spend the school break. As much as possible ayokong napapalapit sa mga bagay na magpapaalala sa akin ng masakit konh karanasan. Pero heto ako at napunta sa tabing-dagat and slowly it reminded me of the first time we met. He was perched on that rock and I was crying to myself on Lola Mercedes' death. Then I saw him, looking casual. His face calm and mysterious... "Why weren't you joining the group?" Napalingon ako ng makita si JC sa likuran ko. Pero agad ko ring binalik ang paningin ko sa dagat. "Wala lang. Maingay" Umupo siya sa tabi ko at naglapag ng dalawang bote ng beer. "You prefer being left alone, huh?" Yeah whatever, so you're the king of stating the obvious now. Really? Pero nginitian ko na lang siya. "I hope I wasn't disturbing your me-time" he chuckled. "But I brought beer" "Thanks," I said. "Bakit ka umalis ka doon?" tanong ko sa kanya. "Like you said, maingay" then he smiled. Napako ang mga mata ko sa kanya ng ngumiti siya. Why ? Why do you have to exist JC delos Reyes? You're a nightmare. Gusto ko ng mawala ang sakit na dalawang taon na akong pinahihirapan. But you came along and started dragging me into the thorns even without doing anything. I know it wasn't your fault that you looked like him pero bakit kailangan pa kitang makilala? It just reminded me that Carlos is gone for good and facing a person who looks like him but isn't really him. I am like being dragged halfway into the storms. "Ally?" Bumakas sa mukha niya ang pag-aalala. "What's wrong? Why are you crying?" Agad kong pinahid ang mga luha kong hindi ko namalayan ang pagtulo. Pucha, bakit ba ako umiiyak? JC looked worried pero ngumiti pa rin ako sa kanya. "I-I'm fine" "You're crying and you're fine?" Inilagay niya sa kamay ko ang panyo niya. "I hope I'm not overstepping into your life but if you ever need someone to talk to, I could listen" I turned away. Sticking around with him would be torture pero hindi ko naman magawang sabihin sa kanya 'yon kasi parang ang weird naman yata noon. "Hindi wala 'to. I-I just remembered someone" Tinitigan niya lang ako. "And who mighy that be?" I turned back to the sea, trying hard to gain the strength to speak. "Someone I know... He's d-dead" "Oh, I'm very sorry to hear that" "You kind of reminds me of him, you know" I smiled bitterly. "Really" Tumango ako. He turned to the sea, facing the same direction as I do, then ibinigay niya sa akin ang bote ng beer. "I don't know what to make of this information but," tumalikod siya at kinuha ang mga bote ng beer. "This might help lessen the burden there," he pointed at my chest. I chuckled softly and accepted the bottle. "Cheers?"alok niya. "Cheers"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD