Chapter 46: Glowing Fingers

2615 Words
"Thank you," nakangiting wika ko sa babaeng waiter na  nagbigay sa akin ng order kong capuccino. Nasa loob na kami ni Keith ng isang 24/7 na coffee shop. Alas onse na ng gabi at kakaunti na lang ang costumer dito. Hindi na kami pumunta pa sa favorite kong coffee shop kaya iyong una naming nadaanan, doon na kami pumasok. Bahagyang napatingin sa kamay kong kulay green  and waitress kaya agad ko naman itong ibinaba sa ilalim ng mesa. Ginantihan niya ako ng ngiti bago bumalik doon sa counter. "So, do you have any idea why your hands are having weird discolorations?"tanong ni Keith. Umiling ako. "I don't know. It just happens and I don't even know how to get rid of it" sagot ko. "Does it have something to do with what happened two years ago?" Seryoso ang mukha niya. Alam niyang ayaw kong pinag-uusapan namin ang mga bagay na nangyari noon pero mahirap ipaliwanag itong nangyayari sa akin. "I don't know" sabi ko na lang. Kahit ako ay wala ng naiisip na dahilan rito. I am just hoping that my hands will return to normal soon. "That guy" Keith said, "the one back at the club. Who was it? Is it Brent's friend?" Keith sounded curious as much as I am. "His name is JC. Sa pagkakaalam ko they're blockmates." I took a sip from my coffee cup and rested my back on the wooden chair. Nawala na ang tama ng alak sa'kin pero pakiramdam ko para akong nasampal sa mukha. "I thought I saw a ghost" bulalas ni Keith at nagkibit-balikat. "Really" Napangiti ako sa sinabi niya at inalala ang naging reaksiyon ko ng una kong makita si JC. "Believe me, I thought of the same thing when I first met him." "It's weird isn't it? How people looked exactly the same way as the other. I mean, we shouldn't get confused about it though. It's normal that people get look-alikes." "I think so," sagot ko at inubos na ang kape ko. Inihatid na ako ni Keith sa bahay after n'on. Matapos magpaalam sa kanya, pumasok na ako loob upang maligo at matulog. Amoy alak parin kasi ako eh. I once again tried to take off the green color on my hands pero ayaw pa rin mawala. Hinayaan ko na lang at baka masugatan lang ako. Nang makalabas ako ng banyo ay nag-text sa akin si Cynthia. Tinatanong niya ako kung bakit daw ako umalis na kararating niya lang daw doon sa party. Sinabi ko na lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko kaya nagkaganoon. Nasa kanya na lang 'yon kung didibdibin niya ang pag-alis ko doon sa party. I opened my i********: and sat on my bed. Nang wala akong makitang interesting content doon, nag-decide na akong matulog. Saka naman nag-chat si Brent at nag-send ng ilang pictures. Napako ang atensiyon sa lalaking nakasuot ng puting sweatshirt. He was smiling next to Angelo at may isang lalaki pa siyang katabi. Beside the other guy was Brent, Freya and Cynthia. They were all grinning on the picture. I found myself staring at JC, silently queationing on the fact of his existence. Nakaka-curious kasi eh. Bakit ngayon ko lang siya nakita? Tatlong taon na kaming nasa iisang university nila Brent pero ni isang beses ay hindi ko siya nakita. Well, hindi naman kasi ako palakaibigan at hindi rin ako palasama sa mga lakad nila. Si Angelo nga bihira ko lang makita at hindi ko naman naging close. Kaya siguro hindi ko napansin dati pa na may JC  na nag-eexist. Si JC na parang kambal ni Juan Carlos. May kambal naman kasi talaga si Juan Carlos. Si Sarayan. Pero hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Kung buhay pa ba siya o tuluyan siyang napatay ni Lalahon. Ibinaba ko ang cellphone ko at nahiga sa kama. Muli kong tinitigan ang mga kamay ko. Dalawa na silang kulay green ngayon kaya nakakaramdam na ako ng kaba. Hindi kaya sumpa na naman ito? Pero imposible naman yata 'yon. Patay na si Dalikamata at wala na rin ang Tungkod ni Maguayen. Nawala na rin ang sumpa sa pamilya namin. Pero bakit ako nagkakaganito? Then suddenly, my hands glowed neon green kaya napabangon ako. What on earth is happening to me? Tumayo ako, hindi alam kung ano ang gagawin. Tatakbo ba ako? Tatalon sa bintana? Tatawag ng pulis? Gusto kong tawagan si Keith pero ayaw ko na siyang istorbohin. Ayaw ko ng isama pa siya sa mga kaguluhang nangyayari sa buhay ko. May sarili din siyang mga problema kaya ayoko ng dumagdag pa. I shook my hands and fingers several times but the glow just grew stronger. Mas lumakas pa ito ng kinuyom ko ang aking kamao. "Letche! Ano ba! Tumigil ka na!" Naglakad ako palabas sa terrace at umupo doon sa metal chair. Hindi pa rin ako napakali sa nangyayari sa katawan ko. Naubos ang pasensiya ko at ibinagsak ko ang dalawang kamay ko sa mesa kung saan natamaan ko ang isang maliit sa potted plant na nakapatong doon. To my surprise the plant glowed. Napatayo at napatras ako sa bigla. The plant grew thicker and plumper. Then after a few seconds, nagkaroon ito ng bulaklak. The flowers bloomed and the glow faded. Dahan-dahan ding nawala ang pag-ilaw ng kamay ko. I stared at it and saw it slowly turning back to my original skin color. What the? Tiningnan ko ulit ang halaman na ngayon ay namulaklak na nga. Agad akong lumayo rito at mabilis na pumasok sa kwarto ko at isinarado ang pinto. I shouldn't be surprised at paranormal things like this pero nakaramdam pa rin ako ng kakaibang takot. Humiga ako sa kama ko at pinilit ang sarili kong matulog. Pero hindi ako dinalaw ng antok. Nagpaikot-ikot lang ako sa kama. Naabotan na ako ng alas kwatro pero wala talaga. Napabuntong hininga na lang ako at pinikit ulit ang mga mata ko. Ang nangyari tuloy para akong zombie ng araw na iyon. Officially nang nag-end ang first semester kaya pirmahan na ng clearance ngayon. Hindi pumasok si Freya dahil may hangover daw. Hindi na ako nagtaka. Expected ko na rin iyon eh. Si Keith naman may lakad daw na importante kaya ang nangyari, mag-isa akong ng araw na iyon. Kahit hindi ako masiyadong uminom pakiramdam ko pa rin may hangover ako. Hindi kasi talaga ako nakatulog at noong nasa school na ako saka naman ako hinabol ng antok. Pambihira! Talagang unfair sa akin ang earth! Lima pa ang blangko sa clearance ko at lahat 'yon lilibutin ko pa ngayon. Kahit gustong-gusto ko ng matulog, pinilit kong magpa-sign dahil gusto kong makapagpahinga na bukas. Five days nalang kasi at christmas na kaya gusto ko na iyong sulitin para wala na akong isipin next sem. Pero hindi rin kinaya ng mata ko. Matapos kong magpa-sign sa registrar saglit akong umupo sa tambayan namin sa gilid ng cafeteria para sana magpahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. *** Pakiramdam ko may nakatingin sa akin . Pero parang bumubulong sa isip ko na baka guni-guni ko lang 'yon. Pero hindi eh. Nararamdaman ko talagang may nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Slowly,   a figure formed infront of me. He was smiling  and leaning down on me. "Hi sleepyhead," nakangiti niyang bati. Agad akong napabangon at umayos ng upo. Kinusot-kusot ko pa 'yong mata ko bago tiningnan 'yong taong nasa harapan ko. "Mukha may hindi natulog kagabi ah" JC said. Wala pa ako sa sarili ko ng harapin siya kasi feeling ko gusto ko pang matulog. Pero teka, bakit siya nandito? At bakit nandito siya sa tambayan ko? "I'm sorry I didn't mean to disturb your sleep" he said. "Wala 'yon. Ano'ng ginagawa mo dito?"inaantok na tanong ko. Iniiwasan kong tingnan siya sa mukha para hindi ko maalalang magkamukha sila ni Juan Carlos. Baka pa dahil sa antok ko mapagkamalan ko nga siyang si Carlos at yakapin ko siya. Mapahiya pa ako. "Ah napadaan lang. I noticed you were alone and you looked really tired. Don't get me wrong, I really didn't want to disturb you but this is the only available space around here kaya pasensiya ka na kung dito ako nakiupo," paliwanag niya. "Okay lang." Tumango na lang ako habang nakatingin pa rin sa pulang lamesa. Unconciously, my eyes drifted to his ID. JC delos Reyes, it said. So that's his real name. Doesn't ring a bell. "Your Ally, right?"bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. He looked different today. May suot kasi siyang eyeglasses but he still looked handsome. Godly handsome. Wait, what was I thinking? I pinced my nose before answering his question, "yeah. And your JC." Umayos na rin ako ng upo dahil mukhang desidido na siyang makipag chikahan sa akin. "By the way, have you eaten? It's almost 12:00" Napatingin din ako sa relo ko at tama nga siya, alas dose na. Nakaramdam na  rin ako ng gutom kaya umiling ako. "Great! Hindi pa din ako kumakain eh, sabay na tayo! Tara libre ko" Tumayo siya at inalok akong samahan siyang mag-order sa cafeteria. Pansamantala akong nag-hung. What just happened? Inalok niya ba akong mag-lunch? Ang weird niya ah? Close na ba kami sa lagay na 'to? That left me wondering pero sumunod pa rin ako sa kanya. And he wasn't joking when he said na ililibre niya ako kasi siya nga iyong nagbayad ng pagkain ko. Tatanggi pa sana ako pero inabot niya na sa counter ang bayad para sa food ko kaya wala na akong nagawa. Tiningnan ko na lang siya habang nag-oorder siya ng sariling niyang pagkain. Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung bakit ang bait niya sa akin. Eh ngayon lang kami nagkakilala ng pormal. Parang nakakapagtaka eh. Then I just decided to let the thought away. Baka likas siyang mabait kaya ganoon. Bumalik kami sa inupuan namin kanina. Hindi ako nakakain ng maayos kasi hindi ako sanay na iba ang kasamang kumain rito. Palagi lang kasing si Freya at Brent ang kasama ko at kung wala sila mas prefer ko maging mag-isa. Then this guy came and I still don't know what to feel of his very presence. "So you're also from Pol.Sci?" I asked. Naging tahimik na kasi kami kaya mas hindi ako naging komportable. "Yup," tipid niyang sagot. Now that's a very Juan Carlos trait. 'Yong parang nagtitipid ng letra. Ganoon kasi si Aglawin/Juan Carlos. Pero si JC mukhang hindi naman. Sa inasta niya kanina mukhang hindi siya iyong tipo ng taong tipid magsalita. "Ngayon lang kasi kita  nakita" I said, taking a sip from my juice. "Oh, well, I was a transferee. Last year lang ako lumipat dito" he replied, checking something on his phone. His voice even sounded very similar to Juan Carlos. It's hard not to think of them as the same person. Pero gaya ng sabi ni Keith, baka nagkataon lang 'yon. "From what school were you in?" curious kong tanong. Mas mabuti na iyong may pinag-uusapan kami kaysa sa wala kasi nakakailang iyong sobrang tahimik. "CNU, it's in Cebu" he replied without looking at me. Tumango-tango na lang ako. Wala na rin akong balak pang alamin ang buong mga detalye. *** After lunch, kailangan ko pang taposin iyong mga dapat kong papirmahan. May apat pa kasing natitira at alam kong mahaba-haba pa ang pipilahin ko ngayon lalo na at hapon na. Marami na ang studyanteng narito at magpapa-sign din ng kanya-kanyang clearance. Sa gulat ko, sinamahan na naman ako ni JC. He's also working on his clearance at nagkataon ding pareho iyong mga blangko namin. Kaya in the end magkasama kami buong hapon. Siya na iyong pumipila at pumupasok doon sa mga offices. Siya na rin iyong nagpa-sign ng ID ko para next semester. Hindi na ako nagreklamo. Makulit kasi siya eh. Pero natuwa naman ako kasi nagkaroon ako ng isang instant alalay. Naisip ko tuloy. Kung nabuhay kaya si Juan Carlos sa panahon ko at hindi siya naging diyos at naging normal na tao lang siya kagaya ni JC, magiging ganito kaya kami? Hay, nag-iisip na naman ako ng mga imposibleng bagay. Napatingin ako kay JC na kakalabas lang mula sa President's Office. Last na signature na iyon. Nakangiti siya ng malapad habang dala-dala ang clearance naming dalawa. Habang naglalakad siya palapit sa akin, hindi ko maiwasan hindi siya titigan. He reminds me so much of the man I lost two years ago. His face, his voice, even the way he smiles and the way he walks. Ang hirap naman ng ganito. Mahirap itatak sa isipan ko na ang kaharap ko ay si JC delos Reyes na kaklase ni Brent at hindi si Aglawin na Diyos ng Hangin. "Here you go," inabot niya sa akin ang clearance ko. Tinanggap ko iyon at ngumiti. Sa wakas tapos na. Mapi-feel ko na rin ang christmas break starting bukas. "Thank you ah" "Wala 'yon," he replied. "Paano ba yan, mauna na ako sa'yo Ally. Kailangan ko pa kasing sunduin 'yong nanay ko eh" I gave him a thumbs up at nag-bye na rin ako sa kanya. Naglakad na rin siya palayo sa akin. Isinilid ko na rin sa clearbook ko iyong clearance at naglakad na ako sa carpark. Alas tres palang ng hapon. Magtataka na naman si mommy nito kung ba't ang aga kung umuwi. Mabuti na lang at hindi ako masiyadong na-traffic kahit rush hour. Nang makarating sa mansion, tinungo ko na agad ang kwarto ko. Wala pa si mommy sa bahay kaya nag-assume ako na may meeting iyon or may importante na namang lakad. Ipaghahanda ko na lang siya ng masarap na haponan. I got inside my room and lazily dropped myself on the bed. Finally, wala na akong poproblimahin sa school. Next year na ulit ako makikipag-bakbakan sa giyera sa psychology. Thesis na pa naman namin kaya dapat ko 'yong paghandaan. Pero siyempre, dapat ko munang unahin ang christmas with my mom. Agad akong naligo at nagbihis. Gusto kong ipagluto sa mommy ng adobo dahil favorite niya 'yon. Last year, nag-cooking lessons ako kaya may kaunting kaalaman na ako mga local at foreign recipes. Natutuwa naman si mommy kapag pinagluluto ko siya dahil pakiramdam niya raw mahal na mahal ko siya. Eh sa totoo naman eh. Madali lang naman lutoin ang adobo. Iyong talaga ang pinag-aralan ko kasi favorite din iyon ni daddy. Nang matapos ako sa pagluluto, pumasok muna ako sa loob ng kwarto ko para i-text si mommy na huwag ng kumain sa labas dahil nag-prepare ako ng dinner para sa kanya. Agad kong hinanap ang cellphone ko na naiwan ko sa loob ng kwarto. Pero hindi ko ito mahanap. Ilang minuto na akong nagpapalibot-libot sa loob pero wala pa rin. Hinalughog ko ang laman ng bag ko. Pati bedsheet ko inayos ko na rin at baka naipit lang sa pagitan ng mga unan. Sigurado naman akong hindi ko 'yon nilagay sa drawer pero pagbukas ko nakita ko iyon doon sa pinakadulo. Sa drawer na bihira ko lang buksan. Kinuha ko ang cellphone ko ng mapansin ko ang isang kwintas na natatabonan ng mga lumang greeting cards. I took the necklace from the drawer and immediately recognized what it is. It was the crystal necklace that Alunsina gave me. Nasa akin pa pala ito. I thought I lost it. It turns out naitago ko lang pala sa isa sa mga drawers ko. I stared at the crystal faintly gleaming in my palm. Slowly, the gleaming grew stronger. And my finger's started to glow faint neon green again.  I can't help myself from thinking of Alunsina's words. "May nakatago kang lakas Allysandra at sa takdang panahon, mahahayag ang lahat" Whatever that means, it left pondering for answers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD