Chapter 45: Ultimate Surprises

2708 Words
Wala naman talaga akong planong sumama doon sa party nila Brent. Dinahilan ko lang 'yon para hindi niya na ako gulohin. Simula bata ako, hindi naman talaga ako mahilig sa mga social events. Mas gusto ng tahimik na buhay. Pero ang mga pinsan ko at kaibigan ko, iyon ang palaging trip nila. Minsan tuloy napapaisip na lang ako ng kung paano ko sila naging mga kaibigan eh parang gabi at umaga ang pinagkaiba namin sa isa't isa. Tinapos ko na lang ang lahat ng gagawin ko na ipapasa ko sa araw na iyon para kung mapilit talaga nila akong sumama ay hindi ako magkaproblima sa mga paperworks ko. Mamayang gabi pa naman ang event pero inayos ko na lahat  ng requirements ko. Mas mabuti na iyong ready ako para hindi na magkanda letche-letche ang schedule ko. "Magsa-submit ka na ba Ally?"tanong ni Gwen ng makita akong nagliligpit na ng mga gamit ko. Nagkasabay kasi kaming pumasok sa library kaya sabay din kaming gumawa ng school activities. "Ah ooh  may pupuntahan pa kasi ako eh. Ikaw ba?" Sinilid ko na lahat ng gamit ko sa shoulder bag ko habang hinihintay ang sagot niya. "Ahh mamaya pa. Sabay na lang kasi kami ni Steph." Nagpaalam na lang ako sa kanya para makaalis na ako ng school. Plano ko kasing umuwi ng bahay ng maaga, i-off ang cellphone ko at matulog para wala silang magawa kapag hindi ako pumunta. Kakapasok ko palang sa loob ng kotse ko ng mag-chat si Keith. Keith: can we have a drink? Bihira lang magyaya sa'kin ng inuman 'tong si Keith kaya nakaramdam ako na may problima siya. Nireplayan ko siya ng ok at nangakong pupuntahan ko siya. Hindi na ako umuwi ng bahay, dumiretso na ako sa condo ni Keith. Pagkapasok ko sa loob, naroon na siya at  may hawak na canned beer. Iniwan niya lang kasing nakabukas ang pintuan kaya pumasok na ako sa loob. "Psst" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Mukha naman siyang okay ah? Baka drama niya lang 'yon. Ibinaba ko ang bag ko sa couch at tumabi sa kanya. Inabot niya sa'kin ang isang can ng beer. "Okay ka lang?"tanong ko. "I don't know" he whispered and turned on the TV. Hindi pala talaga siya okay. "You could tell me" I said and opened the can before taking a sip. "I broke up with Zoe." Huminto ako sa pag-inom at tiningnan lang siya. Hindi ako sure sa dapat kung maramdaman kung dapat ba akong matuwa o ano. "Seriously?" "Yeah, for good" "Kaya ka mo ba ako pinapunta dito kasi iiyak ka na? Omg I can't wait to see this." Humarap ako sa kanya at naghintay na mag-kwento siya pero nginitian niya lang ako ng mapait. "Do you really love her?" tanong ko ng makitang wala siya sa mood makipag-gagohan sa akin. He shrugged. "I don't know. I don't even  know what to feel right now." "It's okay. Magiging okay ka rin" I smiled and pressed his hand. But deep inside me, I wanted to laugh at my own statement. That "magiging okay ka rin". It's funny that I used to tell people to be okay and that they will be okay when I myself doesn't even know what the word okay feels like. To me, that word is meaningless. Because all this time I wasn't really okay. I was still clouded with the pain and the longing and the guilt and all the other emotions that has been slowly engulfing me and destroying me on the inside for years. Hindi ako okay. And it's hard to swallow the fact that I'll never be. I turned to Keith who stared blankly at the screen. Alam ko na kahit ganoon si Zoe, I knew he loved her. Pero talagang may mga bagay na hindi pwede. I grabbed his hand kaya napalingon siya sa akin. "It's okay" Ngumiti siya, "bakit kaya hindi ikaw ang naging girlfriend ko?" Hinampas ko siya sa mukha. "Gagi, hindi tayo talo!" He laughed at the remark. Alam ko namang nagbibiro lang siya eh. Our relationship has never advanced beyond platonic. Tinuturing ko siyang bestfriend at ganoon na rin naman ang tingin niya sa akin. And we are both comfortable with this set-up. "I know what you need Keith" I said. Tumayo ako at pinulot ang bag ko mula sa couch. Kumunot ang noo niya, walang idea sa nais kong ipahiwatig. "Get dressed," I said. "We're going to party!" **** Bumili na lang ako ng damit sa nadaanan naming shopping center dahil wala ng oras kung uuwi pa ako ng bahay para magpalit. Sa dressing room na rin ako nagpalit ng damit at nag-apply ng make-up. I just a wore a simple black sleeveless dress and black heels. Nilugay ko lang din ang buhok. Mabuti na lang at may extra jewelry akong nakatago sa bag ko kaya iyon na lang din ang sinuot ko. Nag-match naman siya sa outfit ko. Mabuti na lang naging normal na ulit ang kulay ng kamay ko. Lumabas ako sa mall na nakabihis na. Hinintay na lang ako ni Keith sa labas ng kotse. He was wearing a simple black shirt and  black pants. Nag-match tuloy yung damit namin. Para kaming papunta sa libing ng mga namatay naming pag-ibig. Except that sa akin yata mas nag-apply iyong literal na namatayan ng pag-ibig. May kanya kanya kaming dalang kotse at hinayaan niya akong mauna. Hindi naman kalayoan iyong club kaya mabilis kaming nakarating doon. The club was already crowded when we got there. Marami ng tao. Keith held my hand kasi masikip. Alas 9 palang naman pero ganito sa karami ang nandito. Exclusive ang club na'to ngayon sa amin dahil ni-rent na ito noong kaibigan ni Brent na anak ng may-ari ng isang car company kaya halos lahat ng nandito mga taga-school lang. "Ally! Nandito na pala kayo! Akala ko hindi kayo pupunta!" Freya had to raise her voice so we could hear her. Malakas kasi ang tugtog kaya medyo hindi kami magkarinigan. "This way guys." Naglakad siya sa unahan kaya sumunod na rin kami ni Keith. Marami na silang na order na mga drinks. May Black Label, Gin, at marami pang iba. Naroon na rin ang ibang mga friends ni Freya na sina Andrea. Sila iyong mga kasa-kasama niya sa tuwing may gimik siya at parties. Nakipag-beso ako sa kanila bago naupo sa couch. Inabot kaagad sa'kin ni Andrea ang shot glass. "Oh Ally, sa'yo na!" Inabot ko na lang iyong at ininom. Gumuhit sa lalamunan ko ang pait na lasa niyon. Tumabi sa akin si Keith na inabotan din ni Andrea ng shot. "Where's Brent?" Tanong ko kay Freya ng mapansin kanina ko pa hindi nakikita ang pinsan ko. "Nandito lang 'yon kanina eh. Baka lumabas. I don't know." Uminom na si Freya at hindi na ako pinansin. Humarap na lang ako kay Keith at siya na lang kinausap ko. Dinala ko siya rito para mag-enjoy siya eh pero mukhang wala namang nangyayari. "Uy" Mahina ko siyang siniko. Tiningnan niya ako. He still looked sad though. Pero sana maging okay na siya. Hindi ako sanay na ganiyan siya umasta sa harapan ko. "Ang hihina niyo naman! Oh" Naglapag pa si Freya ng dalawang bucket ng beer. Talagang halimaw ang babaeng ito pagdating sa inuman. Ewan ko na lang talaga kung makakauwi akong hindi susuray-suray nito. Nagtuloy-tuloy ang pag-inom namin. Medyo tinamaan na ako ng alak kaya nahihilo na ako ng kaunti. Pero okay na pa naman ako. "Ally" Keith whispered, "I need to make a call" "Bumalik ka ah?" He grinned, "Ooh naman. Huwag kang mag-aalala. Hindi ako tatalon sa tulay. I'll just check on my sister. Si yaya lang kasi kasama noon sa bahay" I gave him a thumbs up at agad na siyang lumabas. Kawawa naman 'yon isang 'yon. Pero parang lutang lang naman siya ng kaunti. Hindi naman siya naglulumpasay sa sakit gaya ng gusto kong makitang gawin niya. Hintayin ko na lang na maging ganoon na siya. Parang exciting panoorin 'yon eh. Char. "Hi ladies!" Nakilala ko agad kung sino iyong bagong dati. "Miss me?" Brent even spread his arms out wide as if wating for someone to hug him. Yuck. "Saan ka galing?"iritang tanong ni Freya saka uminom doon sa beer niya. She sounded like an angry mother when her daughter arrives home late. "Diyan lang" sagot ni Brent at ibinababa ang mga kamay niya dahil walang pumansin sa kanya. Kawawa naman. "Teka, nasaan na 'yong kasama ko?" Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Ge, asan na yon?" Naglakad siya ng kaunti palayo at may tinawag doon sa malayo. "Ewan ko, nandiyan na 'yon eh! Baka dinagit na ng babae" sagot noong lalaking tinawag ni Brent. Matangkad siya at gwapo rin. Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Angelo. Siya ang nag-rent ng buong club. Hindi ko na sila pinansin at nag-focus ba lang ako sa iniinom ko. Hihintayin ko na lang na bumalik si Keith kasi wala na akong makausap. Si Freya kasi bigla akong kinalimutan at nandoon sa iba niyang friends na nakaka-keep up sa party attitude niya. Hindi ko na rin siya inistorbo pa. "Oh nandito na pala eh," rinig kong sabi ni Angelo. "Hey, sorry I'm late" Narinig kong sabi noong lalaking bagong dating. I didn't bother looking. Wala naman akong gustong makilala pa 'yon. Nagsitahimik iyong mga kasama ko sa couch at nagbulong-bulongan pa. Ano'ng mga problema nila?. "Guys, this is JC," pagpapakilala ni Brent. Tinaas ko lang ang kilay ko sa beer na hawak ko. Nabo-bored na ako dito. Mahanap nga si Keith at ng maka-uwi na. Tumayo ako kasabay ng pag-abot noong lalaki ng kamay niya sa harapan ko. Wala sa sarili ko iyong tinitigan ng magsalita siya. "Hi" Natigila  ako. That voice. I immediately looked up. With wide eyes, I felt the world stopped and froze. Ilang ulit akong napapikit. Lasing na ba ako? Bumalik ako sa katinoan ng may mabasag sa may paa ko dahilan para magsitayoan sina Freya at iyong mga kaibigan niya. "Hey Ally," alalang tanong sa akin ni Brent na agad akong inilayo doon sa bubog. Tumawag na rin ng waiter si Angelo para linisin iyong ginawa kong kalat. Nanatili akong nakatitig sa lalaking tinawag nilang JC. Pilit kong inaaninag ang mukha niya sa kabila ng patay sinding ilaw ng club. It can't be. Tama lang ba 'to ng alak o talagang siya iyong kamukha ni Juan Carlos? "Hoy, okay ka lang?" Inalog-alog ako ni Brent. Saka lang ako nahimasmasan. Binaba na rin ni JC ang kamay niya ng hindi ko abotin. Nagtataka akong tiningnan ni Brent. "Ally? Bakit ang sama ng tingin mo kay JC?" "H-Ha?" Parang bumalik ako sa katinoan dahil sa tanong niya. "Ah, sorry. Masakit kasi ulo ko eh." Nagkunwari akong minamasahe ang noo ko. "Mas malala ka pa sa nakakita ng patay ah," natatawang sambit ni Brent. Kung alam mo lang sana Brent Sanchez kung ano'ng nakikita ko ngayon. I found myself staring again at JC. Damn, kahit saang anggulo ko siya tingnan he looks exactly like Juan Carlos. Nagkataon lang kaya 'yon? Dumating iyong tinawag nilang waiter at agad nilinis ang sahig. Tumabi naman kaming lahat kaya nabangga ko si JC dahil totoong sumakit na ang ulo ko. Hinawakan niya ako sa balikat para hindi ako matumba. Napatingin ako sa kanya dahil doon pero mukhang wala lang naman sa kanya. Our eyes met. Kalmado ang mukha niya at walang bahid ng kahit anong emosyon. It was all casual for him. Umiwas ako ng tingin dahil  hindi ako mapakali sa presensiya niya. "Did I miss anything?" Sumulpot si Keith mula sa likod ni Angelo at malapad ang ngiti na humarap sa amin. Pero ng makita ako at ang taong nasa tabi ko, biglang nanlaki ang mga mata niya. "Holy s**t!" Gulat siyang napaatras at muntik pang matumba. I saw where he was looking at. Kay JC. "Hoy ano bang meron sa inyong dalawa?" Itinuro ni Brent si Keith tapos ako. "May mga tama yata kayo eh" Umayos si Keith ng tayo, halatang pinipilit kalmahin ang sarili niya ng makita si JC. "Sorry. I thought I... nevermind." "Ah, Keith? I think kailangan mo ng iuwi itong si Ally. Mukhang kailangan na niyang magpahinga" Freya said and stared at me with concern. I caught a glimpse of JC again pero nakikipag-usap na siya kay Angelo. Mukha namang hindi niya ako kilala at wala namang bahid na naging magkilala kami. Naramdaman ko ang paghawak ni Keith sa kamay ko. "Do you wanna go home?" "Mag si-CR lang ako," sabi ko at naglakad na papunta sa comfort room. Sumunod naman sa akin si Keith at hinintay ako sa labas ng CR. Mukha rin talaga siyang na-engkanto sa inaasal niya ngayon. Hindi naman ako nasusuka o naiihi. Gusto ko lang talagang pakalmahin ang sarili ko dahil sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil nakita ko na naman iyong kamukha ni Juan Carlos. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman. Matuwa, matakot, magalit, mainis? Basta ako hindi magiging komportable kung nariyan siya. He might unleash my pain again. Seeing  him would be similar to killing myself. Naghilamos ako at nagtanggal ng make-up. Ilang beses ko na ring tinitigan ang repleksiyon ko sa salamin. I kept heaving for deep breaths kasi masakit na iyong dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Mas lalo pa akong hindi napakali sa katotohanang kaibigan siya ni Brent kaya mas mapapadalas ang pagkikita namin. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa loob ng CR. Hindi pa rin kasi ako makakalma. Damn this life. Bakit ba hindi nawawalan ng surpresa ang buhay ko? Nag-beep ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan. Nag-text si Keith na sa labas ng club niya na lang daw ako hihintayin. Hindi ko na siya nireplayan. Palabas na rin naman ako. Inayos ko ulit ang hitsura ko bago lumabas ng banyo. I need to go home. I also need a good cup of coffee. Hindi pa ako nakakalayo sa CR ng makasalubong ko si JC. Papunta din siguro siya sa men's restroom. Umiwas ako ng tingin pero napansin niya pa rin ako dahil masikip nga ang lugar dahil sa dami ng tao. Imbitado yata ang tao sa school eh. Daig pa ni Brent ang kakandidato sa eleksiyon. "Hey," tawag ni JC sa akin. Binilisan ko ang lakad ko pero naabotan niya pa rin ako. May kung ano siyang inabot sa akin. "You dropped this" I stared at his hands holding my purse. Agad ko itong kinuha sa kanya. "Thank you" Tatalikuran ko na sana siya ng magsalita siya ulit. "Uh, your hand" Tumaas ang kilay ko. "It's turning green" I stared down at my hands. Damn, bumalik nanaman iyong berdeng kulay. Nawala na ito a week ago at ngayon bumalik na naman. Nagsimula ito sa may palapulsuhan ko at dahan-dahang naglakbay paitaas at pababa sa mga daliri ko. Napaatras ako at lumayo kay JC. Hindi ko na siya nilingon at nagdire-deretso na ako sa labas ng club. Nakita ko si Keith sa labas ng kotse niya at nakapamulsa. His face contorted ng makita akong nagmamadali. "What's wrong?" "Wala. Let's get out of here!" sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse niya. Si Brent na kasi ang magdadala ng kotse ko. Bahala na siya roon basta huwag niya lang gagasgasan. Pumasok si Keith sa loob ng kotse niya, curious pa rin ang mukha sa inaasal ko. Sumampa ako sa headboard ng shotgun seat at pumikit. "Are you sure you're okay?"ulit ni Keith. "I'm fine. Don't take me home yet" "So saan naman kita dadalhin ngayon?"  Pinaandar niya na ang kotse at hinihintay na lang ang isasagot ko. "Sa coffee shop. I need caffeine to keep myself sane" I replied, not turning my head to see him. I heard him took a deep breath. He sounded bothered too. Matagal-tagal din kaming naging tahimik sa loob ng kotse habang papunta sa pinakamalapit na coffee shop. Then Keith decided to break the silence. "Ally," he called me. "Yeah?" "That guy back in the club," he sounded like he didn't know what to say next. Kaya ako na mismo ang tumapos sa sasabihin niya. I fixed my gaze on the road before talking. "He looks like Juan Carlos I know. It's weird. It's really weird"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD