Chapter 44: Toast of Return

2512 Words
"What?" Naguguluhang tanong noong lalaking nabunggo ko. Bumakas sa mukha niya ang pagkabigla. Marahil ay dahil sa pangalang itinawag ko sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa kanya at hindi nakapagsalita. Pilit kong prinoproseso sa isip ko ang mukha niya. "Hey, are you okay?"tanong niya. Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakaimik. This can't be. I am really seeing what I'm seeing right now? "Pre! Ano ba? Halika na!" Tinawag na siya noong lalaking kasama niya kanina. "Excuse me" sabi niya at nilagpasan ako. "Teka Angelo hintayin mo ako!" Sinundan ko ulit ng tingin iyong lalaki pero nawala na siya sa paningin ko. Naglaho na siya doon sa kumpol ng mga mag-aaral. Tama ba 'yong nakita ko o guni-guni ko pang 'yon? Hindi! Hindi pwedeng maging si Juan Carlos 'yon! Wala na siya. He died two years ago and he can't possibly be that guy I just bumped into. Namamalikmata lang siguro ako. "Oh sh*t" Napamura ako ng maaalalang susunduin ko pa pala ang pinsan ko. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa carpark upang lisanin na ang school at pumunta sa airport. Sigurado akong kanina pa naghihintay si Cynthia doon. Mas lalo akong napamura dahil sa bagal ng traffic. Pambihira! Kapag nga naman sinuswerte oh! Paulit-ulit akong napatapik sa manebela dahil sa stress. Minabuti kong i-text si Cynthia na on the way na ako at kasalukuyan lamang akong nalubog sa traffic. Hindi ko na hinintay na mag-reply siya at baka tadtarin lang ako ng sermon noon. Siya pa naman iyong tipo ng tao na medyo bossy. Pero kahit ganoon 'yon, mahal na mahal ko 'yon kasi mabait din naman 'yon at super palakaibigan. Mga alas kwatro na ako nakarating sa airport. Thanks a lot to the very stressful Philippine traffic. Grabe! Makakalbo na yata ako sa kunsomisyon dahil mas makupad pa sa pagong ang takbo ng mga sasakyan. Mabilis akong tumakbo sa arrival area at hinanap ang pinsan ko. Pinalibot-libot ko ang paningin ko. Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga benches, nakasimangot at mukhang kanina pa naiirita sa kinalalagyan niya. Sabi ko na nga ba eh! Kasalanan talaga 'to ng traffic sa Pinas. I slowly approached her. "Cynthia?" She slowly lifted her head and took off her shades. Matalim niya akong tiningnan at tinaasan pa ako ng kilay. "What took you so long?"mataray niyang tanong at tumayo saka pinamewangan ako. "Traffic perhaps?" Ilang segundo niya akong tinitigan na nakasimangot pa rin. Tapos bigla siyang ngumisi. "Char! Allysandraaaaaaaa!" sigaw niya at niyakap ako. Halos matumba pa ako sa higpit ng yakap niya. "I missed you! And I hate you too for making me wait like that!" Mahina niyang hinampas ang balikat ko bago ako pinakawalan. "Blame the traffic please" I rolled my eyes. "Anyway, I suppose Brent told you na ako ang susundo sa'yo?" "Ahh ooh! He texted me! Nakakainis nga eh! He volunteered to pick me up and then end up ditching me! The nerve!" Inis siyang umupo ulit doon sa bench. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Umupo na rin ako tabi niya habang nagra-rant siya sa pinsan namin. I stared at her. Cynthia looked even more beautiful and sexy. Nakasuot siya ng black turtleneck long-sleeves na hapit sa katawan at black jeans paired with brown leather boots. Blonde din ang kulay ng buhok niya at natural 'yon kasi American 'yung tatay niya. Marunong lang siyang magtagalog dahil dito naman siya lumaki sa Pilipinas. Lumipat lang siya ng America for  college. Mas matangkad din siya sa akin ng isang inch. "Bakit naka-jacket ka? Ang init init na nga dito sa Pinas tapos ganiyan pa suot mo" Tinuro niya yung jacket at gloves na suot-suot ko. Naalala ko 'yong kamay ko na naging green ang kulay. Hindi ko na na-check 'yon kanina at mas lalong hindi ko gustong tingnan ngayong kasama ko si Cynthia. "Ah ano, wala lang trip ko lang" Tumawa pa ako ng pilit. Tinaasan niya ako ng kilay pero ngumiti din. "You're still weird!" Niyakap niya ako ulit at pinisil-pisil ang kamay ko.  "By the way, why is Freya not with you?" "Ah, ayon? She's finishing our final paper kaya hindi na sumama. Magkikita rin naman daw kayo sa ibang araw total hanggang January ka pa naman daw dito" paliwanag ko. Ngumuso si Cynthia. "Talagang nagtatampo na ako sa kanila ni Biboy!" Natawa ako ng tawagin niya si Brent sa palayaw nito noong mga bata pa kami. Iyong ang mabisang pambadtrip namin sa kanya dahil naiinis siya tuwing tinatawag namin ng ganoon. Hanggang sa makarating kami sa condo ni Cynthia ay hindi na kami nawalan ng pinag-usapan. Ang dami niya kasing kwento kaya hindi naging boring ang biyahe namin kahit nalubog kami ulit sa traffic. May bahay naman sila rito dati pero ayaw niya daw roon umuwi dahil siya lang mag-isa. Baka sapian pa daw siya  doon. Mabuti na lang at may condo ang mommy niya kaya doon na daw muna siya titira. Nag-inform ako kay mommy na sasamahan ko na muna si Cynthia sa condo niya at male-late ako ng uwi. Nag-text na rin sa akin sina Brent at Freya na sabay na silang pupunta rito. "So what's been going on with you lately Ally? Don't tell me hanggang ngayon single ka pa rin?"natatawa niyang kantiyaw sa akin habang nakaupo kami sa sofa niya. Wala pa siyang ganang maglinis at mag-ayos ng gamit dahil gusto niyang idamay 'yong dalawang engots sa paglilinis niya. "Ah wala. Para namang hindi mo ako kilala eh" mahina kong sagot. Wala akong balak i-kwento ang karanasan ko sa pag-ibig. Baka bigla na lang akong mag-break down. At saka, hindi rin naman maiintindihan ni Cynthia ang lahat kung sakaling i-kwento ko man. Naaalala ko tuloy 'yong lalaking kamukhang kamukha ni Juan Carlos na nabunggo ko kanina sa school. Hindi ko pa rin masigurado kung tama iyong nakita ko o namamalikmata lang ako kasi nami-miss ko si Carlos? Ah, basta. Eh kung totoo ngang magkamukha sila, ano naman ngayon? Magkaiba pa rin silang tao. Biglang may nag doorbell kaya tumayo si Cynthia para pagbuksan ang mga ito. "Hello!" Umalingawngaw kaagad ang boses ng dalawang takas sa mental kaya napapikit ako ng mata. "Welcome back balikbayan!" Yumakap si Brent kay Cynthia. "Hey!" "Oh my god Cynthia!" Nagtilian na silang tatlo roon kaya hinayaan ko nalang. Ilang taon din kaming hindi nagkasama ng ganito. "May dala kaming foods!" Itinaas ni Freya ang dalang karton ng pizza. Umatras si Cynthia para makapasok ang dalawa at kinuha ang box kay Freya. "Oh no, I'm on a diet!" "Diet mo mukha mo! Wala kang utang na loob. Magpasalamat ka naman at nagdala kami ng pagkain no!" wika ni Brent at umupo sa tabi ko. Tinawanan lang siya ni Cynthia at nilapag ang pizza sa lamesa sa tapat ng inuupuan ko. Umupo na rin sila Freya sa mga bakanteng upuan. "Cynthia, sagot mo na inumin ah!" untag ni Brent. Kumunot agad ang noo nung isa. "What?" "What ka diyan. Basta sagot mo drinks" "Okay fine" Sa huli ay wala ring nagawa si Cynthia kundi mag-order ng drinks para sa amin. "Ally, call Keith. Papuntahin mo dito" sabi ni Freya sa akin at kumagat doon sa pizza niya. "Who's Keith?"curious na tanong ni Cynthia. "Pinsan ko. Since magpipinsan kayong tatlo, papupuntahin ko pinsan ko. Mahirap na. Baka mamaya magpatayan tayo e 'di wala akong kakampi. That can't happen. Masiyado naman yata akong kawawa 'pag  nagkaganoon" sagot ni Freya. "Oh, is he hot?" excited na tanong ni Cynthia na biglang naging interested sa pangalan ni Keith. "Sis taken na" sabat ko habang dina-dial ang number ni Keith. "Oh that's sad.  Pero hindi pa naman asawa eh. Ano'ng masasabi mo Freya?" "Ayoko sa'yo" Tinalikuran niya pa si Cynthia at umaktong  nandidiri. Binato siya ni Cynthia ng papercup. "Bruha ka talaga!" Nagtawanan na silang tatlo roon ng iwan ko para tawagan si Keith. Agad namang nag-ring ang phone niya. :yes? :are you free tonight? :y? :pumunta ka dito. Send ko 'yong address. Now na : nagmamadali ka yata? Hahaha :basta dalian mo :okay po Pinatay ko na ang cellphone ko at binalikan ang mga kaibigan ko. Dumating na rin iyong order nilang beer kaya nag-iinuman na silang tatlo. Inabot sa akin ni Brent ang baso at ininom ko naman agad 'yon. Nasanay na ako sa kakainom ng alcoholic drinks dahil sa kanilang dalawa ni Freya pero hindi pa rin tumaas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako masiyadong uminom. Nakakalimang shots na ako ng dumating si Keith. "Oh wow!" Umayos ng upo si Cynthia ng makita si Keith. He actually looked good tonight. He was wearing a gray sweater, black pants and a designer watch. Akala mo saan galing eh. Doon sa kabilang kanto lang naman. "Sorry I'm late" nakangiting bati niya sa amin. Nakipag-fist bump siya kay Brent at pinitik ang ilong Freya bago umupo sa tabi ko. "Ang bilis mo ah" puna ko. "Minamadali mo ako eh." Kinindatan niya pa ako. "Hey Keith, this is Cynthia, pinsan nilang dalawa," pagpapakilala ni Freya kay Cynthia. "Hi" Cynthis smiled at Keith. Tinugon naman iyon ni Keith ng ngiti at handshake. Lumipas ang gabing iyong na nalasing ako. Paano, sinadya yata nilang lasingin ako para paaminin ako kung may crush daw ba ako sa school. Mga gago talaga. Wala rin naman silang napala sa akin. Si Keith naman at si Cynthia mukhang nagkakamabutihan pero dahil lasing na rin 'yong pinsan ko, tinulogan si Keith sa gitna ng pag-uusap nila. Ang dalawang malakas ang sistema, ayon nag-aaway tungkol sa mga walang kwentang bagay. Bakit ba hindi sila nalalasing at  ng magkaaminan na silang dalawa? Lumabas ako sa terrace para magpahangin. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko dahil sa tama ng alak. I need fresh air to keep myself sober. Sumampa ako sa railings at nilasap ang malamig na hangin. Hindi ito kasing presko ng hangin sa probinsiya dahil polluted pero okay na rin. "Thinking of something?" Sumulpot na naman si Keith sa likuran ko. Tumabi siya sa akin at sumampa ng patalikod sa railings. "Ano na ang nangyayari doon sa loob?" tanong ko. "Dinala ko na sa kwarto si Cynthia kasi tumba na. Iyong dalawa naman nag-aaway pa rin kung ano'ng nauuna sa itlog at manok. Parang mga tanga, " natatawang balita niya pa sa akin. "Feeling ko tuloy, pinapunta kita rito para maging babysitter ng mga lasing" Hinarap ko siya at patalikod ding sumampa sa railing. "Wala 'yon. Kung tutuusin nga may kasalanan pa ako sa'yo eh. Hindi pa ako nakakabawi after what happened at the mall." Nilingon niya ako at parang affected pa rin sa nangyari. "Wala 'yon kalimutan mo na 'yon." Humarap ako sa kanya at nag-thumbs up.  "So how is it going with you and Zoe? Okay na ba kayo?" Tinapik ko siya sa balikat. I assured him that everything is chill. Iniintindi ko lang naman 'yong jowa niya eh. Si Zoe lang naman ang hindi marunong umintindi. Umiling siya at bumuntong hininga. Sinipa ang isang imaginary lata sa harapan niya. "I don't know. She's still mad at me. Hindi niya pa rin ako kinakausap hanggang ngayon." "Don't worry. Everything will be alright in due time" I smiled at him. "How can you be so sure?" I shrugged. "Ewan ko" Noong sumunod na mga araw, naging busy ulit kami sa mga ganap sa school. Papalapit na rin iyong judging noong Christmas Booth competition kaya mas inayos pa namin at mas pinaganda ang booth namin. Naging cooperative naman lahat ng kaklase ko at lahat sila nag-contribute para sa ikabubuti ng lahat.  We really prepared for this and hopefully everything goes to plan. Naging busy din ako sa pagtapos sa mga major papers at paghahanda para sa final exams ng sem na ito. Third year na kasi ako ngayon at ilang kembot na lang ga-graduate na ako. Hopefully hindi ako maka-encounter ng problema along the way at makapagtapos on time. Plano ko pa naman sana mag-aral ng masters sa Europe. "Omg nandiyan na ang judges!" Tumakbo si Freya sa tabi ko ng makitang patungo na sa direksiyon namin iyong panel of judges. "Okay guys, alam niyo na ang mga sasabihin niyo ha? Alam niyo na rin ang mga isasagot niyo sa mga possible questions na itatanong nila sa inyo tungkol sa booth natin." Binigyan ko na ng last minute instructions iyong mga naka-assign sa doon para hindi na magkaproblima kapag turn na namin. Kahit medyo kinakabahan, I poured my trust on my classmates. Alam ko namang nag-effort sila para sa araw na ito. Lumapit na booth namin ang mga judges kaya lumayo kami na mga hindi kasali sa mga nag-entertain sa kanila. Nagsimula na silang tanongin tungkol sa theme, tungkol sa mga displays at marami pa. Nakita ko naman sa mukha noong dalawang blockmates ko na confident sila sa bawat sagot nila. 50% din kasi 'yon kaya kailangan talaga nilang ibuhos iyong best nila. Nang makaalis ang mga judges ay nag-thumbs up sila sa amin. Natuwa ako. Kung ano man ang maging result ng competition, manalo man kami o hindi, at least masasabi kong binigay namin ang best namin. Pero syempre, nag-pray pa rin ako na sana manalo kami. "Mamayang hapon daw lalabas ang result." Freya told me. Tumango ako at naupo sa isa sa mga silya doon at tumabi siya sa akin. "Are you nervous?"tanong niya. "Kinda. You know I've worked so hard for this." Huminga ako ng malalim. Inabotan niya naman ako ng mineral water. "We'll win. Trust me" Malakas yata ang kapit ni Freya sa langit dahil nagdilang-anghel siya. Nanalo kami sa Christmas Booth competition ng second place. Yup, second place kami. Not bad though, sa dinami-dami ng entry naging pangalawa kami kaya malaking achievement na rin iyon para sa amin. Tuwang-tuwa iyong mga kasamahan kasi sa amin din napunta iyong Best Speakers Award. At 'yong nag-champion? Sila Brent! Iyon pala kasi iyong sinasabi niyang may gagawin siya. 'Yong booth pala nila 'yon. Kaya noong hapon nagyaya nanaman si mokong ng inuman. Paano, malaki laki din kasi iyong prize noong contest kaya nagkayayaan silang magkakaklase na mag-inuman. "Sama kayo ah!" sabi niya sa amin ni Freya. "Magsama na rin kayo ng mga friends niyo. Kami na ang bahala mag-rent ng club." "Seriously? Iyong napanalonan niyo gagamitin niyo lang pang galor?" Freya made a face and rolled her eyes. Syempre, hindi papayag ang pinsan ko na matalo kay Freya. "Hoy wag ka ngang judger! Iyong prize mapupunta sa kaban ng org 'yon! Libre 'to ng kaklase ko no! Pero kung ayaw mong sumama bahala ka!" "I didn't say that I'm not going!"angal ni Freya. "Bahala ka sa buhay mo." Itinoon ni Brent sa akin ang atensiyon niya. "Uy ikaw, sama ka ah? Bawal tumanggi" "Ayoko" sagot ko habang nakatingin sa cellphone ko. Gumagawa kasi ako ng notes sa mga dapat kong ipasa this week. "Ang kj mo naman Ally, ngayon lang naman eh" "May gagawin ako Brent" sabi ko bilang  dahilan. Bahala siya sa buhay niya. "Ang dami mong palusot. Sumama ka na kasi special na araw 'yon para sakin." Kinindatan niya ako. I made a face, drank my water and turned to him. "Pwede kong isama si Keith?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD