Nagmamadali akong sumakay sa kotse ng dumating si Freya. Hindi ko alam bakit bigla akong nahilo. Minabuti ko na ring itago sa kanya ang pangingiba ng kulay ng kamay ko.
"Are you okay?" Paminsan-minsan niya akong nililingon habang hawak niya ang manibela. Nahahalata na niyang hindi ako mapakali. "It is about Keith and his trashy girlfriend? Sinabi ko na nga ba't bruha iyong babaeng 'yon eh. Ginayuma niya ata 'yong pinsan ko"
Umiling ako. Sinabi ko na sa kanya ang nangyari doon kanina sa Starbucks at ang naging resulta mas nagalit pa siya kaysa sa'kin. "It's nothing Freya. Just focus on the road please"
"Are you sick? Bakit pakiramdam ko kahit medyo madilim 'yang mukha mo namumutla ka?"
"I'm fine" tipid kong tugon. Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil sa totoo lang, masama talaga ang pakiramdam ko. Wala naman akong sakit pero ng hawakan ko iyong halaman bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. And my hands are turning green.
Mabilis naming narating ang bahay nila Freya. Syempre, kailangan ko muna siyang iuwi sa kanila bago ako dumiretso sa amin. Mabuti na lang at maluwag ang traffic kaya nakarating kaagad ako sa mansion.
Tahimik pa ang bahay ng makauwi ako. Wala pa siguro si mommy. Madalas na kasi siyang late umuwi dahil masiyadong busy sa negosyo. Naglakad ako papunta sa kwarto habang pilit tinatago ang dalawang kamay ko sa likod ko. Takot akong makita ang mga ito dahil baka kulay green pa rin. Pero wala pa rin akong nagawa noong kailangan ko ng buksan ang pinto. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinawakan ang door knob.
My palm, fingers and the lower portion of my hands are turning into a shade of faint green. Agad akong pumasok sa kwarto at dumiretso sa CR at naligo. Hinugasan ko ang kamay ko, sinabon at kinuskusan pero hindi pa ring nagbabago ang kulay nito. Mas lalong lumitaw iyong sa kaliwang kamay ko habang iyong nasa kanan ay unti-unti ng nawawala. Ano bang nangyayari sa akin?
Problimado akong lumabas ng banyo ng walang magawa upang tanggalin 'yong kulay. Pabagsak akong umupo sa kulay asul kong kama at pilit iniisip kong ano ang mayroon sa halamang nahawakan ko at naging ganito ang balat ko.
Pero wala rin naman akong naintindihan. Bumaba na lang ako ulit at kinuha ang mga gamit na nasa loob ng kotse ko. Pagkatapos ilapag ang mga ito sa gilid na kama ay napahiga na rin ako. Nakatitig na lang ako sa asul na kisame at nakatulala.
Simula ng makauwi ako dito sa Maynila galing sa Samar, binago ko ang kwarto ko. Pinapinturahan ko na ng asul. Tinanggal ko rin ang lahat ng larawang nakakabit sa dingding na magpapaalala sa akin sa mapait kong karanasan sa lugar na iyon. Since then, I never tried to get near nature again. It just brings back those memories and I'd just end up hurting myself. Kaya binago ko ang lifestyle ko mula noon.
Matagal-tagal din akong nakatulala hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Bad dreams had been evading me for two years. And tonight, it decided it missed me and came to visit me again.
I found myself in a dark cell, the same cell where I was once locked up. Halos wala akong makita at pilit akong nangapa ng makakahawakan sa paligid. May ingay akong narinig mula sa 'di kalayuan. Parang tunog ng isang mabangis na hayop. Naglakad lang ako mahina at diretsong tinahak ang daan. Unti-unti kong naaninang ang isang pulang bagay mula sa dulo ng hallway na nilalakaran ko. Kung hindi ako nagkakamali ay apoy ang nakikita ko.
I continued walking towards the same direction. I didn't know why but my feet just sent me there. Dahan-dahan akong lumapit sa dulo ng hallway. Kitang-kita ko na ngayon ang liwanag ng apoy na nagmumula sa ibaba ng corridor na iyon.
There was something huge down there. I felt like I should know it. Dumikit ako sa malamig na pader at nakiramdam. Ilang metro na lang ang layo ko sa parisukat na pintuang iyon.
Napakapit ako sa isang bakal ng madulas ang paa ko at muntik ng mahulog. And there, a hundred feet below me is a sight a mortal would've never wanted to see.
Hundreds, and I mean hundreds of dead bodies were floating and lying on the cold, damp ground of that enormous dark cavern. Maggots as big as the largest fists flew all over the place. My stomach twisted and turned. The stench of decaying human bodies and burnt insects filled my nostrils and made me want to disgorged everything I ate.
Napaatras ako. Hindi ko kaya ang amoy at ang eksenang natagpuan ko. Tumalikod ako at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Whatever this cursed place is, I didn't want to be in it.
I ran away. For the sake of my sanity and for whatever that's left of me. Pero bago pa ako makahakbang ng ilang metro, may humarang sa daraanan ko.
Her tall dark posture reminded me of cumulus clouds about to unleash a thunderstorm of the century. Her soft black curls reminded me a raging sea on stormy nights. Her fiery dark eyes reminded me of a lightning bolts. And her sly and wicked grin reminded me of an unfinished business.
"Saan ka pupunta Allysandra?" Maguayen's voice echoed in stone halls, making me want to squirm away immediately. The dark aura around her tripled ever since I can remember. And her eyes, they scream so much hate, so much anger, so much malice in them that I couldn't even bear to look at those pair of black beads.
Hinawakan niya ako sa leeg at sinakal, her sharp nails piercing my skin. "Akala mo ba hahayaan na lang kita? Hindi pa tapos ang lahat sa atin babaeng mortal. Magbabayad ka sa lahat ng kasalanan mo sa akin"
"W-wala ako ginawa sa'yo Maguayen!" Pilit akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya pero punyeta talagang malakas siya.
"Kataposan mo na!"
And before I knew it, she threw me off the cliff. A loud scream escape from my mouth as I fell down into the pool of dead bodies.
"Aaaaaaaahhhh!" I screamed louder. Broken bones, battered flesh, pieces of human body all exploded before me.
"Aaaaaaahhhh!"
Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga. Mabilis kong tinakbo ang banyo at sumuka roon sa bowl. Ang lahat ng detalya ng panaginip ko ay muling nanariwa sa isip ko at hindi ko mapigilang ilabas ang lahat ng nakain ko.
Ng mahimasmasan, naghilamos ako at napapikit ng paulit-ulit. Habang nakatitig sa salamin, parang nakikita ko rin ang mukha ni Maguayen na nakangiti at pinanlilisikan ako ng mata. Agad akong lumabas ng banyo at lumayo sa salamin.
"What is it that you want from me this time?"
Naupo ako sa kama at paulit-ulit na minamasahe ang sentido ko. What on earth was that dream. Bakit kailangan ganoon? Parang ko na tuloy matulog ulit. Nilingon ko ang wall clock sa may taas ng kama ko at nakitang alas kwarto na ng madaling araw. Kinuha ko na lang ang phone at nag-i********:. Gusto kong libangin ang sarili ko para mawala sa isip ko ang napakasamang panaginip na 'yon.
Na-bored rin naman ako noong nagtagal na at hindi na namalayang nakatulog ako ulit.
Sa kabutihang palad, hindi na ako dinalaw ng masamang panaginip. Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako napakali kahit noong nasa school na ako. Nagsuot na rin ako ng jacket at gloves dahil iyong kamay ko, green pa rin. Naisip ko tuloy, ano kayang magiging hitsura ko kapag naging green lahat ang katawan ko? Magiging kamukha ko kaya si Gamora ng Guardians of the Galaxy? Or iyong witch sa Wicked? Or si Te Feti sa Moana? O baka si Fiona doon sa Shriek.
"Ally, since we are supposed to work in groups for the final paper, gusto mo bang sumama na amin? Kayong dalawa ni Freya?" Gwen asked me habang papalabas kami ng last course namin noong umaga.
"Ah sige ba" sagot ko. Mas mabuti na rin 'yon para hindi na hassle maghanap ng kagrupo. Matalino si Gwen dahil Dean's Lister siya kaya advantage din 'yon sa part namin ng bestfriend ko.
Nginitian ako ni Gwen. "Okay, so see you later sa library? Stephanie and I decided na sa library na lang gawin 'yong activity since tahimik doon at walang masiyadong distractions"
"Sure, I'll just inform Freya about it then." Nag-bye na ako kay Gwen at hinanap na si Freya na nauna na sa cafeteria dahil nagugutom na raw siya.
Nakita ko siya doon sa usual spot namin at nakapag-order na siya ng food. At dahil thoughtful siya, ibinili niya na rin ako ng makakain. Syempre natuwa ako no? Libre niya kaya 'yon. Tip: humanap kayo ng friend na galante para libre lunch.
"Sit down mahal na prinsesa" sabi niya at inabot sa'kin ang utensils ng binili niyang sphaghetti.
"Salamat dakilang alalay" sagot ko at kinindatan siya bago naupo sa harap niya.
"Ako lang naman ang pinakamaganda sa lahat ng mga naging alalay dito sa balat ng lupa." Kinuha niya ang sariling utensils at binuksan ang paper box ng sphaghetti niya.
"Wala ka na mang jowa!"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit ikaw ba meron?"
Nagkibit-balikat ako. Wala naman akong planong magka-jowa eh. Nawalan na ako ng ganang makipaglandian sa mga lalaki. Hindi na siguro ako magmamahal ulit kasi hanggang ngayon... siya pa rin.
Tama. Hanggang ngayon si Juan Carlos pa rin ang laman ng puso ko. Kahit matagal na siyang wala. Kahit hindi ko na siya makakasama at mahahawakan pa ulit. Deep within, he is still with me. For as long as the winds blows
"Hoy!"
"Ha!" Umayos ako ng umupo at tiningnan siya, gulat sa biglaan niyang pagsigaw.
"Ano'ng problima mo?" Freya playfully waved her hands infront of my face. "Lutang na naman girl? Daily routine mo na yata yan ah!"
I shrugged. "Wala. Kulang lang siguro ako sa tulog"
"Hmmp! Kala mo naman may ka-late night talks eh" sabi niya at sumubo sa pasta niya.
Bumuntong-hininga ako at kumain na lang. Wala rin namang mangyayari kung makipag-debate pa ako sa kanya tungkol sa pagiging single. Eh anong magagawa niya? Ang daming nanliligaw sa kanya busted naman lahat. Eh pa'no? Hanggang ngayon may gusto pa rin siya kay Brent na hindi niya naman magawang aminin. Tsk! Bagay nga sila! Pareho silang malabo. Mas malabo pa sa sabaw ng bangus.
Nakarecieve ako ng text mula kay Gwen kaya sinabihan ko si Freya na magmadaling kumain. Magrereklamo pa sana siya pero wala na siyang nagawa ng magsimula na akong magligpit.
"Dalian mo diyan at nakakahiya kina Gwen!"
Napasimangot siya habang naglilinis ng kalat niya. "Ooh na! Kaya ayokong nakikipag-group sa matatalino eh. Palaging nagmamadali!"
"Hoy, sino rin bang nagbebenifit? Hindi ba ikaw rin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sabagay." Ngumisi ang loka-loka at sumunod sa akin.
Naglakad kami sa hallway sa likod ng cafeteria. Sa likod kasi noon ang library. I checked my wristwatch. Hindi pa naman siguro kami late. Si Freya kasi eh. Mas marami pa yata ang daldal niya kaysa sa nakain niya.
Papasok na sana kami sa loob ng bigla kong nakita si Brent na tumatakbo patungo sa direksiyon namin. May humahabok ba sa kanya?
"Ally!"
"Oh? Ano na naman?" mataray na tanong ng bestfriend ko.
"Ally ka?"pamimilosopo naman noong kumag.
"Mag-aaway pa daw 'yan sa harapan ko!" reklamo ko.
"Ito kasi eh" sabay nilang sabi at turo sa isa't isa.
"Char! Required talagang sabay eh no? Ano ba kasing problima mo ha?"tanong ko kay Brent.
"Nakalimutan mo ba? Ngayon darating si Cynthia!"
Ooh nga pala. Iyong pinsan naming galing sa America na anak ng bunsong kapatid nila mommy ay nagbabakasyon dito sa Pilipinas. Nakalimotan ko rin na ngayong araw na pala ang dating niya. Bukod kay Brent, isa rin si Cynthia sa pinakamatalik kong pinsan at kaibigan. Ilang taon na nga lang kaming hindi nagkikita dahil sa US na siya nag-aral ng kolehiyo.
"Oh, tapos? Ano'ng problema?" Wala sa sarili kong tinitigan si Brent.
"The problem is, I am supposed to pick her up at the airport. Kaso may kailangan akong gawing report ora mismo at hindi ko 'yon pwedeng iwan kasi papatayin ako ng mga kaklase ko!"
Parang alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito. "So you want me to get Cynthia from the airport, ganoon?"
Tumango ang kuneho kong pinsan. "Please Ally, hindi naman kayo busy diba? Like you can afford to miss a couple of subs kasi you're both straight A students"
Binatukan siya ni Freya. "Hoy! Para sa kaalaman mo, may gagawin din kami ni Ally at isa pa 'di ba responsibilidad mo 'yon? Bakit mo pinapasa sa amin?"
"Teka lang ah." Umayos ng tayo si Brent at itinaas ang dalawang kamay sa harapan ni Freya na animo'y nagsi-signal ng stop sign. "Pwede ka namang hindi sumama eh. Ikaw na lang gumawa ng kung ano man iyang gagawin niyo"
Sasagot pa sana si Freya pero pinigilan ko na siya kasi wala namang nangyayari diyan sa walang kwenta nilang bangayan.
Tinanong ko nalang si Brent. "Ano'ng oras ba dating niya?"
Brent stared down on his watch. "Mga ala dos siguro 'yon."
"Okay, 12:30 pa lang naman. Ako na ang bahala kay Cynthia, unahin mo na 'yong project mo"
Kumislap ang mata ni Brent. "Ayun! Thank you talaga Ally ah! Libre kita kapag nakaluwag-luwag! Sige alis na'ko. Ingat kayo. I love you! Mwah!" Nag-flying pa siya sa amin ni Freya bago siya kumaripas ng takbo palayo.
"Halika na nga!" Tinulak na ako ni Freya papasok sa library.
Kaunti ang tao sa loob ng makapasok kami. Lunch break kasi kaya bihira lang ang studyanteng nasa loob dahil hindi allowed kumain rito. Natagpuan namin sina Gwen at Stephanie sa dulo ng aisle natatabunan ng sandamakmak sa kulay asul ng mga libro. Babasahin kaya namin lahat 'yon? Grabe ah. Hindi yata 'yon kaya ng brain cells ko.
"Oh hey!" Ngumiti si Gwen ng mapansin ang aming pagdating. Iyong palagi niyang kasama na si Steph ay natutulog. May kaharap lang na aklat para hindi halata.
"Maupo kayo" alok ni Gwen sa dalawang bakanteng upuan ng pabilog na mesa. Ginising niya na rin Steph. Nilapag namin ni Freya ang mga gamit namin sa mesa at nag-start na si Gwen sa pagpapaliwanag ng mga gagawin namin. Kumuha na rin siya ng mga books na maaari naming gamiting reference para sa major paper namin. Nilabas ni Freya ang laptop niya at nag-connect sa Wifi ng school. Para kung sakaling kailangan namin ng internet sources ay siya na raw ang bahala.
Nagin maayos naman ang group work namin. In-assign kami ni Gwen sa mga parts na gagawin namin kaya mas naging mabilis ang takbo ng activity.
"Ally!" Siniko ako ni Freya dahilan para matigil ako sa pagsusulat.
"Oh?" iritang tanong ko. Paano ba kasi ay kaunti na lang matatapos ko na 'to saka niya naman ako ginulo.
"Hello?" Alas dos na kaya. Akala ko ba kukunin mo si Cynthia? Baka naghihintay na 'yon doon!" sabi niya habang nakatingin pa rin sa tinitipa niya sa screen.
Agad akong napatingin sa oras ng cellphone at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras. 2:20 na. Ow shooot!
Agad akong nagpaalam sa kanila upang umalis. Hindi ko na muna tinapos ang gawa ko at nangako naman si Freya na siya na lang ang gagawa noong part ko. Pumayag naman sina Gwen na mauna na akong umalis kaya nagmamadali akong tumakbo pabalas ng library.
Walanjo! Baka ma-traffic pa ako neto! Mainiping tao pa naman si Cynthia!
Tinakbo ko ang hallway na dinaranan ko kahit may kumpol-kumpol na mga istudyante ang nakaharang doon. Nagdire-diretyo lang ako ng bigla kong mabangga ang isang lalaking paliko pa lang mula sa pangalawang palapag noong building.
"Omg I'm sorry!" Gulat na sabi ko.
Napatingin din siya sa akin at halatang nagulat din sa pagkakabunggo niya sa akin.
Saka ko lang nakita ang mukha niya. Makinis at perpekto ang hugis ng mukha. Mapupungay ang mata at mahaba ng pilikmata and he had... peach lips?
Nanlaki ang mga mata ko.
"J-Juan Carlos?"