PART TWO|| Chapter 42: Hands of Growth

2825 Words
Author's Note:  Hello guys! Thank you for sticking until the end of book 1! I hope you did learn something out of it. Can't believe it was already done. But the magic and mystery will go on. Now let me welcome you to the second book of this series. Book 2 is originally entitled Illussions No More. Have fun guys. Hope you'll love this story! Enjoy!  "Papatayin kita! Bumalik ka rito! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito. Papatayin kita!" Dahil sa lakas ng sigaw niya akala ko puputok na ang mga eardrums ko sa tenga. "Walang kang kaluluwa! Ano'ng karapatan mong gawin sa akin ang bagay na ito? Ano? Magbabayad ka! Itaga mo yan sa bato! Magbabayad ka! Hayop ka!" Napapikit ako. Dahil sa lakas ng volume ng TV ay sumakit ang ulo ko. Kinuha ko ang remote at pinatay na ito. Wala rin naman akong naiintindihan doon sa palabas. Puro patayan lang naman 'yon at hindi ko rin alam kung bakit 'yon pa pinanuod ko. Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si mommy sa may sala na may hawak na malaking giftbox. Nakaayos siya at mukhang may pupuntahang malaking event. "Saan ka pupunta mommy?" Naupo ako sa sofa at nagtataka siyang tiningnan. "To a birthday celebration of one our family's closest friends. Wala ka bang pasok? Bakit hindi ka pa nakabihis?" Kinuha niya ang magara niyang purse bago humarap sa akin, hinihintay ang sagot ko. Nag-inat ako ng katawan. "Mamayang hapon pa ang pasok ko mommy" nakangiting saad ko. She stared at me, donning a look that's full of concern. "Okay ka lang ba dito? Lumabas-labas ka naman kahit paminsan-minsan lang anak. You're locking yourself in this tiny piece of cement when there's a whole wide world out there" Natawa ako sa sinabi niya. Two years ago, she could've said something contrary to what she's saying right now.   Talagang nagbago na si mommy. Simula noong nawala si Daddy hinahayaan niya na akong pumunta sa mga gusto kong puntahan. And two years ago, I would've find this idea overexciting. Pero ngayon, mas pipiliin ko na lang manatili sa bahay kaysa umalis at gumala. Mas okay na ako dito. "Mom, don't worry about me. Nothing's gonna happen to me. Nasa sariling teritoryo ako. And besides I have class this afternoon so I'm still going out into the whole wide world" She chuckled at my statement. "Very well. Maiwan na kita." I gave her a kiss before she went off to the party. Nang makaalis siya, muling naging tahimik ang buong mansion. Wala kasi ngayon ang mga katulong namin dahil pinauwi muna ni mommy sa kanya-kanya nilang pamilya. Palapit na kasi ang pasko at gusto niya raw kasama ng mga ito ang mga pamilya nila. My mom had always been emphasizing the importance of family since my dad died. Ayaw niya kasing may makaramdam pa na mag-anak sa naramdaman namin noong kinuha sa amin si Daddy. Napatingin ako sa malaking larawang nakasabit sa dingding na nasa harapan ko. Kuha iyon sa aming tatlo nina mommy at daddy noong debut ko. I miss him so much. Two years felt like days. The wound felt so fresh. Nawala ako sa iniisip ko ng mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag. "Hello?" "Ally where on earth are you?"sigaw noong nasa kabilang linya. Napairap ako. "Freya I'm still at home. What is it that's eating you that you have to yell at me like that?" "Pumunta ka ng school dalian mo! Hinayupak 'tong pinsan mo papatayin ko na talaga 'to!" "What's going on?" Tumaas na rin ang boses ko dahil unti-unti na akong naiirita. "He ruined the booth!" At ayon tuluyan na ngang kumulo ang dugo ko at agad napatayo. "What the frick! Papunta na ako! Arggggh!" Inis kong binaba ang  phone ko. Mabilis akong naghanda papuntang school. Nakakainis talaga. Nilabas ko ang susi ng sasakyan ko at halos hindi ko pa maipasok ang susi sa keyhole dahil sa inis. Letcheng Brent 'yon! Alam niya ba na dalawang linggo naming pinaghirapang maitayo yung Christman Booth na 'yon tapos sisirain niya lang? Kahit pinsan ko siya hindi ako magdadalawang isip na kalbohin siya! Mabilis kong narating ang campus namin. Matapos i-park ang kotse ko ay tinakbo ko na agad ang kinaroroonan ng Booth namin. May papalapit kasi na competition ang school sa pinakamagandang christmas booth at ang mga traydor kong blockmates ako ang in-assign kasi masipag daw ako! "Surprise!" Gulat na gulat akong napahinto sa kinatatayoan ko ng makita ang eksenang nasa harapan ko. Sumabog sa may ulo ko ang dalawang party poppers at inulanan ako ng confetti. Nakahinga ako ng makitang wala namang sira iyong booth namin. Sa halip, nasa harapan noon ang isang malaking tarpualine na may mukha ko. At may mga lobo pa! "Happy birthday Ally!" Kinindatan ako ng pinsan kong may hawak na bouquet ng red roses at sunflowers. Standing beside her is Freya holding a birthday cake. And beside Freya stood my mom. Birthday ko pala? Bakit hindi ko man lang naalala. Masiyado na yata akong maraming iniisip kaya sarili kong kaarawan nakakalimutan ko na. Nagsimula silang kumanta ng Happy Birthday. Halos lahat ng mga blockmates ko ay naririto. Napangiti ako at nagbabadyang umiyak. It's once in a blue moon that someone makes me feel so special like this. Noong ano lang...ah wala. Lumapit sina Freya, mommy at Brent sa'kin. Nag-pout pa ang walanghiya kong pinsan. Si mommy at Freya naman nakangiti. Aba't naisahan ako ni mommy doon sa party na pupuntahan niya ah! Dito pala. "Make a wish!"excited na bulalas ni Freya. Nagsitahimik silang lahat at hinintay akong mag-wish. Kung iyong cellphone nagla-lag possible din kaya iyong utak ng tao? "Ang tagal naman, nangangawit na ako ah!"pabirong reklamo ni Freya. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong hilingin. Wala naman kasi akong gusto. Wala ba talaga? Tinitigan ko ang mga mukhang naghihintay sa akin. Si Brent ang pinakamukhang patay-gutom sa kanilang lahat. Napalunok ako bago nag-wish ng tahimik. Alam ko namang impossible ang hihilingin ko pero sana... I wish that one day our paths will cross again, maybe in another life, maybe never. But if I could still hold you the way I once did, I'd give anything in this world just to feel your embrace again I blew the candle on the cake sabay ng pag-cheer ng mga engots. "Kainan na!" masayang sigaw ni Brent. May pagkain pala silang dala na si mommy na ang nag provide. Puro fast food lang naman pero nakakatuwa pa ring isipin na nag-abala sila para sa akin. Iyong iba naghanda pa talaga ng gifts. Inabot ni mommy sa akin ang gift box. Masuyo niyang hinaplos ang mukha ko. Happy birthday anak. I hope this simple gesture is enough to make you feel how much I love you" Naluha ako sa sinabi ni mommy kaya niyakap ko siya. Infairness naman sa kanya at magaling din siyang gumawa ng kwento. "Birthday pala ng friends ah" Tumawa lang siya ng mahina habang yakap ako. Matapos ang sandamakmak na greetings at well-wishes at mga psych students na busog, napaupo dahil sa pagod. Nagpaalam na rin si mommy para bumalik sa bangko na pagmamay-ari namin. Napangiti ako sa effort ng lahat. Bihira na akong nag-eenjoy ng ganito. Madalas kasi nasa bahay lang ako at si Freya na ang pumupunta sa akin. Dahan-dahan ng nabawasan ang mga kaklase ko at iilan na lang ang natira. Mostly iyong mga naka-assign na lang na magbantay ng booth sa araw na ito. Nag-beep ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag-text at napangiti ako ng makita ang numero ni Keith. Keith: Sup birthday girl? Sorry I wasn't around on your surprise celebration Can't leave my younger sister. Bawi ako sa'yo mamaya. Ano'ng gusto mong gawin? Me: ewan ko. Ikaw bahala Keith: ako na naman? :( palagi nalang ako nagde-decide ah. C'mon! It's your day! You should decide. Me: kahit ano na lang. Keith: ok. How about we go watch that new movie? G? Me: G Keith: I'll pick you up :) Binaba ko na ang phone ko at saka ko lang napansin si Freya sa tabi ko. "Sino na naman 'yon?"tanong niya. "Baka pinsan mo?" Sumimangot siya. "Oh? What's with that face?"nagtatakang tanong ko. Pinagkrus niya ang mga kamay niya sa dibdib. "Nahahalata ko na kayo ah. Kayo na lang palagi magkasama. Feeling ko tuloy pinagpalit mo na ako sa kanya. Hmmp!" Binato ko sa kanya ang hawak kong disposable cup na sinalo niya naman sa isang kamay. "Ang drama mo! Parang hindi naman tayo araw-araw magkasama ah!" "Sa klase ooh! Pero sa labas hindi na. Paano kasi palagi mo na lang akong inaayawan. Kung hindi pa ako mismo ang pumunta sa inyo eh hindi kita makakasama eh. Kapag inaaya kita palagi ka namang tumatanggi. Pero pag si Keith go agad? Aba! Ang daya niyo ah!" "Eh paano ako sasama sa'yo eh palagi mong kasama si Brent!" Siya naman ngayon ang hindi napakali at tinarayan ako. Babaeng 'to talaga. "Kahit na!" "Speaking of Brent the Legendary Kumag, nasaan na 'yon?" Luminga-linga pa ako para hanapin ang presensiya ng pinsan ko pero nakaalis an 'ata. "Malamang nambababae na naman" mahinang tugon ni Freya pero narinig ko pa rin. "Bakit affected ka?" Kinurot ko siya tagiliran. "Hindi ah!" Biglang tanggi niya at tumayo. Iniwan niya ako at nagkunwaring tumutulong doon sa bantay sa booth. Sus, in denial pa rin hanggang ngayon. Sinundo ako ni Keith mga ala singko ng hapon. Hindi na ako umuwi ng bahay dahil may mga regalo silang damit kaya 'yon na lang sinuot ko. Sinamahan ako ni Freya kasi siya na ang magdadala ng kotse ko. Sa kanya na daw muna 'yon. Inilagay ko sa backseat at lahat ng mga regalo nila. Bubuksan ko nalang kapag nakauwi ako mamaya. "Hoy! Pinsan kong mang-aagaw ng bestfriend! Ayusin mo ah? Uupakan kita kapag pinabayaan mo 'yan! Gigil mo 'ko" Inirapan niya si Keith bago pumasok doon sa sasakyan ko. Tumawa lang si Keith at binilatan ang pinsan niya. Tapos humarap na siya sa'kin. "So shall we?" Tumango ako at nag-thumbs up. Sumakay na kami sa kotse niya. Siya ang nagda-drive at nasa shotgun seat naman ako. Papunta kami ngayon sa sinehan. "Sigurado ka bang hindi magagalit si Zoe kapag nalaman niyang magkasama tayo?" Naalala ko kasi 'yong girlfriend niyang maldita na palagi akong pinagseselosan. "Nah, bakit naman siya magseselos eh magkaibigan lang naman tayo. And besides it's your birthday. I feel obliged to make you happy today." Tumawa pa siya. "Talaga lang huh. 'Pag ako talaga sinugod noon isasaksak kita sa baga niya." Natawa siya sa huli kong sinabi. Marami pa kaming pinag-usapan habang papunta sa sine. Nitong mga nakaraang taon, naging ganito na ang set-up namin ni Keith. He became some sort of a boy-bestfriend to me. Masaya naman siya kasama at matagal na niyang tanggap na wala akong gusto sa kanya pero imbis layoan ako mas naging close pa tuloy kami. Minsan nga, imbis kay Freya ko sabihin ang mga problima ko, sa kanya ko na tuloy naibubuhos ang lahat. Kaya madalas magtampo sa aming dalawa si Freya eh. Mabait naman kasi si Keith. He's very thoughtful and fun to hang out with. Kaya magkasundo talaga kami. Medyo naging bihira na nga lang kaming tumambay nitong mga nakaraang buwan dahil may girlfriend na siya na ubod ng selosa. Hindi yata nakakaintindi ng word na "friendship" eh. Mabuti na lang at hindi traffic. Nakarating kami agad sa mall. Si Keith na ang bumili ng tickets at snacks para sa amin. Desidido na kasi talaga siya sa linyahan niyang "to make me feel special" Pumasok na kami sa loob. Umupo kami sa pangalawang row kaya malapit kami sa screen. Inabot niya sa akin ang nabili niyang popcorn.  Medyo puno na rin ang mga upuan at hindi magtatagal, magsisimula na ang palabas. It was a romantic fantasy movie kung saan ang bidang babae  ay nahulog sa balon at napunta sa ibang dimension kung saan niya nakilala ang isang lalaking hindi niya kagaya na naging leading man niya. Hindi ko na na-enjoy ang popcorn ko.  Hindi pa nagkakalahati ang palabas but my tears started falling on my cheeks. I can't watch this movie.  It brought back those memories. It unfolded the pain I have tried to bury and conceal for years. Those hidden feelings had awaken once more. I don't want to feel this pain again. I have always tried to let go pero kahit anong gawin ko, paulit ulit kong naaalala ang lahat. Kung paano ko siya nakasama. Kung paano ako nakipaglaban kasama siya. Kung paano siya nawala sa mismong kamay ko. I can still hear his voice. I can still feel his touch. I can still feel his blood on my hands. It still felt real to me like it just happened yesterday. "Ally? God are you okay?" Agad pinunasan ni Keith ang mga luha sa mata ko ng mapansin niyang umiiyak ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napayakap ako kay Keith at hinayaan ang sarili kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko doon. All this time hindi ko pa rin kayang bitawan ang mga ala-ala niya. All those years of moving on were total lies. Because I wasn't really able to move on. I wasn't able to let go. I was stuck in those dark days where I lost him. A part of me shattered when he died. And I will never be able to fix that part of me again. "I'm sorry Ally. Hey" Keith rubbed my back. "F*ck I shouldn't have chosen this stupid movie" Umayos ako ng upo at pinahid ang mga luha ko. "I want to go home" *** "Look I didn't mean to ruin your night. I should've known better." Kanina pa sorry ng sorry si Keith kahit wala naman siyang kasalanan. Lumabas na kami ng sinehan kahit hindi pa naman tapos yung palabas. Nasa Starbucks na kami ngayon dahil nag request na lang ako ng kape sa kanya. "I'm really sorry." Naaawa na ako sa mukha niya ngayon. "Ano ka ba." Mahina kong hinampas ang braso niya. "Wala kang kasalanan" "What the hell!" Gulat kaming napatingin sa isang matangkad na babaeng nakasuot ng itim na bodycon dress. Tinanggal niya ang shades niya at tinaasan kami ng kilay. "So this is why you were ignoring my calls!" Sigaw niya kay Keith. Dahil sa lakas ng boses niya napatingin sa gawi namin ang mga taong nandoon. "Zoe, lower your voice down please." Lumapit si Keith sa girlfriend niyang handa ng mag-eskandalo. Kung saang lupalop niya ito napulot, wala na akong balak pang alamin. "Don't touch me!" Sigaw ulit ni Zoe ng subukan siyang hawakan ni Keith. Ibinaling nito ang atensiyon sa akin. "Listen b***h!" She even pointed her finger at me. "You're being off limits! My boyfriend has been ditching me because of you!" Akma niya akong sasampalin  mabuti na lang  at napigilan ni Keith ang kamay niya. Pero natamaan niya pa rin ang kapeng hawak ko kaya natapon ito sa puting damit ko. "I hate you! Specially you!" Sigaw niya sa akin at kay Keith bago galit na galit na umalis. Nagtitinginan pa rin ang mga tao sa amin. "Ally , I'm very very sorry about this" "Hey it's okay"sabi ko kay Keith ng makita kong hindi niya na alam ang gagawin niya.  Hinawakan ko siya sa kamay. "Ally I don't know. I messed your birthday" Ngumiti ako. "Keith, it's fine. You've done enough. Now go get your girl." "Paano ka?" "I'll be fine. I'll just text Freya to pick me up" "Crap. I'll make it up to you. I promise" Nagmadali na siyang umalis para habolin ang eskandalosa niyang jowa. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang naiwang panyo ni Keith. Tinapon ko na rin ang nasayang na kape sa trash bin at lumabas na ako ng mall. Alas otso na pala ng gabi. Pero imbis na i-text si Freya at umuwi, nagdesisyon akong maupo na muna sa park sa harap ng mall. Maraming christmas lights at christmas tree doon. Marami ring taong namamasyal at nag-iikot ikot lalo sa banda ng fountain. Naupo ako sa isang bench sa parte na hindi matao. Gusto kong magpakalma ng sarili. Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga. Grabe. Hindi parin ako natutunawan doon sa eksena kanina doon sa Starbucks. Pero hahayaan ko na lang si Keith na ayusin ang gusot na 'yon. Total, jowa niya naman 'yon. Natigil ako sa pagsesenti ko ng mapansin ang isang halamang naka-pot. Tuyong-tuyo ito at mukhang malapit ng mamatay. Kawawa naman. Mukhang hindi yata naalagaan na tama. Halatang kulang sa dilig. Wala sa sarili kong nilapitan ito at hinawakan. Hinaplos-haplos ko ang malalapad na dahon nito na animo'y buhok ito nga isang bata. Suddenly, the plant glowed in green. Nagliwanag din ang kamay ko. Dahan-dahan itong naging kulay berde.  Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Ang halamang kanina lang ay malapit ng mamatay, ngayong ay malusog na at buhay na buhay. What the hell did just happened? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD