Special Chapter: In His Shoes (part 2)

3006 Words
"Ano? Nakipagkita ka ulit sa kanya? Aglawin alam mong hindi mo dapat ginawa 'yon!" wika ni Dalikamata. Nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko siya na yata ang nakakatanda sa aming dalawa. Napakamot ako sa ulo. "Alam ko. Pero hindi ko rin gustong hayaan na lang siya doon. Kailangan niya ng tulong ko" pagpapaliwanag ko. Kumalma ang mukha ng kapatid ko. Halata namang natatakot lang siya sa ginagawa ko. Umupo siya sa kulay lilang silya at iwinasiwas ang kanang kamay. Biglang may lumitaw na kulay lilang baso sa harapan niya na puno ng tubig. Uminom siya rito bago ito naglaho mula sa kamay niya. Mariin niya akong tinitigan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" Umiling siya. "Wala. Nakita ko na kasi iyang ganyang hitsura sa mukha mo matagal  na panahon na ang nakakalipas." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano ang gusto mong ipahiwatig?" Muli siyang umiling at pilyang ngumiti. "Wala aking kapatid. Tandaan mo na lamang na naririto lang ako sa tuwing kailangan mo." Tumayo siya mula sa silya at naglakad papasok sa loob ng kwarto niya. Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang tinuran. Mabuti na lang talaga at hindi niya nababasa ang isip ko. Wala siyang kakayahang kontrolin ang isip ng kapwa niya diyos pero napakalakas niya namang makiramdam. Kung ano man ang nakikita niya sa mukha wala na akonh balak pang alamin. **** "Excuse me, if you don't mind me asking, sino ang kausap mo?" Tanong nuong babaeng bigla nalang pumasok sa loob ng cottage na kinalalagyan namin ni Allysandra. Napansin ko siyang papalapit pero tila ako naistatwa sa kinalalagyan at hindi na nakapagsalita dahil sa gulat ko sa tanong niya kay Ally. "What do you mean? I'm obviously talking to him" Halatang nairita si Ally sa tanong ng babae. Kung tutuosin naman kasi, halata naman talaga ang sagot sa tanong na iyon. Ako ang kausap niya. Ang hindi niya lang alam, hindi ako nakikita ng ibang tao. Nang makaalis ang tatlong babae hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. May pagtataka ang mukha niya ng makita ang reaksiyon ko. "May problema ba?" malumanay niyang tanong. Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo hindi ako mapakali. Aaminin ko ba ang totoo? Malamang ang tingin sa kanya ng mga taong iyon ay nababaliw na siya. Pero pinangunahan ako ng takot. Mas nangibabaw sa akin ang pangamba na mas ikakapahamak niya kung malaman niya ang tunay kong pagkatao. Pero hanggang kailan ako magkukubli sa maskarang nakikita niya? **** "Anong ibig sabihin niyan?" Sa lakas ng sigaw niya ay para akong sinasampal sa mukha. Ramdam ko ang sakit ng bawat salitang binibitawan niya. "Sabihin mo nga sakin ang totoo! Totoo kaba? Do you even exist? Kasi hindi ko na alam ang iisipin ko eh! Hindi ko alam! Hindi ko naiintindihan ang nangyayari! Bakit? Bakit-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil naiyak na siya. Gusto ko siyang yakapin dahil ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Nasasaktan rin ako. Lumapit ako sa kanya pero umatras siya at lumayo sa akin. "No! Lumayo ka sakin!" Galit na singhal niya.  "Just answer my question! Totoo ka ba?" Patuloy ang pagpatak ng mga luha niya. Napatigil ako sa paglapit sa kanya, hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita. "Sumagot ka!"sigaw niya. "Carlos baliw ba ako? Sabihin mo sakin bakit kita nakikita tapos sila hindi! Ano kaba talaga? Multo kaba? Ano? Sumagot ka putangina! Are you real or am I just imagining things. Are you just...are you just a product of my imagination? Dahil ba to sa schizophrenia ko kaya may kaharap ako ngayon?" Nagpatuloy siya pag-iyak at napatakip ng mukha. Hindi ko kinaya ng nakikita siyang ganyan kaya tuluyan akong lumapit sa kanya. "Hawakan mo ako" wika ko, lihim na nagmamakaawa na sana makinig siya sa akin. Hindi siya gumalaw at tinitigan lang ako. "Ally, hawakan mo ako" sabi ko ulit. Ng wala siyang ginawa ay kinuha ko ang kamay niya at inilapat iyo sa dibdib ko. Gusto kong maramdaman niyang totoo ako. Na buhay ako. Na hindi ako multo, anino, aswang o kahit ano pang iniisip niya tungkol sa akin. Totoo ako at handa na akong aminin sa kanya ang tunay kong pagkatao kahit alam kong mabigat ang kapalit. "Anong nararamdam mo?" Mahinang kong tanong sa kanya "Y-your heartbeat" utal-utal niyang sagot. ***** "Maganda siya" puna ni Dalikamata na sumulpot sa likuran ko. Mahimbing na natutulog si Allysandra sa loob ng silid niya ng pinilit nitong umuwi para iligtas ang ama niya. "Huwag kang maingay" saway ko sa kanya. Mahina siyang tumawa bago ako iniwan sa loob ng kwarto. Tinitigan ko si Allysandra na payapang natutulog sa kama. Tahimik at napakapayapa ng mukha niya. Parang kailan lang parang leon siya kung maka-asta. Pinatulog siya ni Dalikamata dahil muntik na siyang sumulong sa kagubatan para hanapin si Maguayen. Ng malaman niya ang tunay na kwento ng pamilya niya at ng pamilya ko, masiyado siyang nadala ng emosyon. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pamilya niya ang nakataya dito. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya iniwan sa loob ng silid. "May paraan pa ba?" Tanong ko kay Dalikamata ng makalabas ako sa silid. "Na ano?" Inaantok niyang pinailaw-ilaw ang mata sa gitna ng palad niya. Paminsan-minsan niya itong inihaharap sa akin na animo'y kinokontrol ako. Kahit alam naman naming dalawa niya na labas na iyon sa kaya niyang gawin. "Na baliktarin ang  sumpa" diretsa kong tugon. Humarap siya sa akin na seryoso ang mukha. "Kapatid ko, alam mong walang kapangyarihang mayroon sa mundo ang makakapagpawalang bisa ng mga sumpa ni ina. Maraming beses ko ng sinubukan at alam mo ang mga naging resulta. Kahit isang beses ay wala pang nagtagumpay na gawin iyan." "Gusto ko pa ring subukan." "Alam kong gusto mong tulungan si Allysandra pero wala tayong magagawa. Mangyayari ang lahat ng dapat mangyayari. At ikaw, higit sa lahat ang unang dapat nakakaalam noon" Hindi matanggap na tama siya. Mabigat ang loob na napaupo na lang ako sa tapat niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Aglawin umamin ka nga" Tinaasan ko ng kilay. "At ano ang aaminin ko sa'yo?" "May gusto ka ba sa kanya?" Napaatras ako ng kaunti mula sa kinauupuan. "H-hindi! Bakit mo naman naisip na itanong 'yan?" "Talaga lang ha" Mukhang ayaw niya pang maniwala. Iniwan ko na lang siya doon sa sala ng mag-isa. Mukhang hindi magiging maganda ang takbo ng usapan namin kapag nanatili pa ako roon. ***** "N-nakausap ko si Kaptan" "Ano?" Gulat na tanong ko. Imposibleng magpakita sa kanya si Ama. Napakatagal na panahon ko itong hinahanap at ni isang bakas ng paa niya ay wala akong natagpuan. "Matagal ng hindi nagpapakita si ama sa kahit kanino. Ano'ng sabi niya sayo?" "Binalaan niya ako na mapapahamak ako kapag hindi kita nilayuan. P-pero bumalik ako kasi...Juan Carlos bumalik ako kasi m-ma-" Hindi ko na hinintay ang mga susunod niya pang sasabihin. Parang may mali sa mga nangyayari. At kailangan kong malaman kung ano iyon. "Ally makinig ka, ihahatid kita pabalik sa resort. Wag kang aalis doon hanggat hindi ako ang pumunta sa'yo. Naiintindihan mo ba? Delikado ang buhay mo kaya mas mabuti ng nandoon ka lang. May pupuntahan akong importante na pwedeng makatulong sa'tin" diretsa ko sambit. Hindi ako maaaring mag-aksaya ng panahon. Kailangan kong malaman kung si ama nga ang nagpakita sa kanya. "P-paano kung balikan ako ni Sariwali at magpanggap ulit siya na ikaw?" Kabadong tanong niya. Hindi ko gustong iwan pero kailangan ko ring malaman ang totoo. "Kilala ko si Maguayen. Alam ko ang takbo ng utak niya. Hindi niya na gagamitin si Sariwali ulit. Maaaring may iba siyang ipadala para patayin tayong dalawa. Kaya mag iingat ka. Wag kang sasama sa kahit na sino lalo na at hindi mo kilala. Naiintindihan mo?" ***** Narating ko ang tahanan ng diyosang si Aklea. Siya ang diyosa ng Panahon. Kung may makapagpapaliwanag man sa akin ng tunay na nangyari, siya iyon. Kinailangan kong bumalik ulit sa Hilaga ng Guindara kung saan siya matatagpuan. Ang tahanan niya ay isang maliit an barong-barong. May mga kurtinang itim sa loob niyon. Dahil dito ay nagmukha tuloy itong bahay ng mangkukulam sa halip na diyosa. Pumusok ako sa loob ng munti niyang tahanan. Nagkalat sa loob ang iba't ibang uri insekto na nakapaloob sa mga maliliit na bote. Gagamba, butiki, mga uod, iba't ibang klase ng ahas, mga kuliglig at tipaklong at mga langgam na sinlaki ng hintuturo ng tao. Sa may bubong ng bahay may sanga nga narra na nakasabit. Bagamat patay na ang tangkay ay buhay na buhay ang mga dahon. May mga pugad ito ng maraming klase ng ibon. May naglilipan ding mga paru-paro sa palibot nito. "Sino siyang mapangahas na tumuntong sa aking tahimik na tahanan" anang isang paas na boses mula sa isang silid na natatabunan ng itim at asul na kurtina. "Ako ito Aklea, si Aglawin ang Diyos ng Hangin. Narito ako para sa iilang katanongan maaaring ikaw lamang ang makakasagot. Wala akong nakuhang sagot mula sa diyosa ng mga ilang segundo. Lumipas muna ang ilang sandali bago niya ako muling kinausap. "Lumapit ka" Naglakad ako papunta sa itim na kurtina at hinawi ito. Bumungad sa akin ang maputlang mukha ng diyosa. Pulos puti ang kulay ng kanyang mata at itim ang kanyang labi. May tatlong itim na buwan sa kanyang leeg. Nakaupo siya sa harapan ng isang parisukat na lamesa na may puting mantel. Sa lamesa nagkalat ang iba't ibang uri ng mga mamahaling bato ngunit sa pagitan ng mga ito nagkalat rin ang maraming alakdan at ahas. "Ano ang nais mong malaman?" Tanong niya. "Nais kong malaman kung nasaan ang aking ama at kung siya ba pagpunta sa mundo ng mga mortal" Kinuha niya ang isa kong kamay at ipinatong sa gitna na mesa. Inilagay niya sa ibabaw ng kamay ko ang isang diyamante at agad nagkumpolan ang mga alakdan sa ibabaw nito. Hinintay ko ang tugon ni Aklea. Ng hawakan niya ang kamay ko. Biglang nag-iba ang kulay ng mata niya. Naging purong itim ito. Nayanig ang buong silid. Nagsitakbohan ang mga insektong nagkumpolan sa kamay ko ay nagsialisan. Nagliwanag ang diyamante at nagsalita si Aklea. "Ang iyong ama ay nasa Timog mo matatagpuan. Siya ay hindi pumunta ni tumapak sa mundo ng mga mortal sa loob ng limang dekada" Napakunot ang noo ko. Tama ang hinala ko. Hindi nga ama ang nagpakita kay Allysandra. Maaaring ibang diyos iyon. Pero sino? Natitiyak kung hindi iyon si Sariwali. Binalot ako ng kaba ng mapagtanto kung sino iyon. Si Maguayen. Natitiyak kong siya iyon. Kailangan kong balikan si Ally. Maaaring nasa panganib na ngayon ang buhay niya. Binitawan ni Aklea ang kamay ko kaya nagdesisyon akong magpaalam na. Pero hindi pa ako nakakatayo ng magsalita siya ulit. "Sigurado ka bang iyon lang ang nais mong malaman Aglawin?" Madilim ang mukha niya na animo'y may nagbabadyang bagyo. "Ano ang ibig mong sabihin?" Sa panglawang pagkakataon,  hinawakan niya ulit ang kamay ko. Lumakas ang pagyanig sa loob ng silid. Ang mga ahas ay pumulupot sa bisig ko at nanatili roon haggang sa lumabas sa bibig ni Aklea ang mga katagang hindi ko inaasahan. "Aglawin, ang tadhana mo ay nakatali sa isang mortal. At ang tadhanang ito ay hindi magiging madali. Ang mga pangyayari ay hindi mo aasahan. Pagkat ang panganib sa inyo ay laging nakaabang Sa dulo ng paglalakbay ay may kailangan lumisan Isang hininga ang kapalit para sa natatanging kaligtasan" Nanlamig ang buo kong katawan. Sa lahat ng maaari kong marinig, bakit iyon pa? Darating ang araw na kailangang may magsakripisyo. Kailangang... isa sa amin ni Allysandra ang mamatay. Hindi ako makakapayag na siya 'yon. ***** "Everything will be fine. Trust me" sabi niya sa akin at kinindatan pa ako. Ang babaeng 'to talaga. Kahit mamatay matay na kami ay nagagawa niya pa ring maging ganyan ka pilya. "Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sa iyo niyan?"sabi ko nginitian din siya pabalik. Nag kibit balikat siya. "Well, naunahan na kita" "Mahilig ka naman talagang unahan ako eh" "Ha? Kailan ko naman ginawa 'yon?" Nagtatakang tanong niya pa. "Basta...maraming beses na." Tumingin ako sa malayo at tumitig sa lawa  na payapa. Gusto ko na lang sanang manatili dito sa ganitong lugar. Maging masaya habang kasama siya. Pero mukhang malabo yata iyong mangyari. Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa pero talagang mahirap maging positibo lalo na at alam mong kayo ang nasa ibaba. Muli ko siyang hinarap at tinitigan ng mariin. "Basta Ally, kahit ano ang mangyari, magtagumpay man tayo o hindi, tandaan mo na hindi kita pababayaan. Gagawin ko ang lahat para iligtas ka. Para protektahan ka. Kahit..." he heave another deep breath. "kahit buhay ko ang kapalit" ***** Pinilit kong bumangon mula sa pangatlo kong pagbagsak sa sahig. Pinilit kong maupo ng maayos kahit hinang-hina na talaga ako. Nangingining na ang katawan ko dahil wala na akong masiyadong lakas pang natitira. Naubos na simula ng pagbubugbugin ako ng mga LiGwardiya bago nila ako ikinulong sa isang nakatagong selda. Kung hindi lang sana ako nilason ni Dalikamata ay maaaring mapapadali ang pagtalo ko sa kanila. Napapikit ako ng maalala ang kapatid ko. Sa lahat ng maaaring magtaksil sa akin ay siya ang pinaka hindi ko inaasahan. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko. Siya ang dahilan ng lahat. Simula't sapol siya na ang naging espiya na ina sa lahat ng kilos ko. Siya ang nagsumbong sa amin ni Ariella at hindi si Sarayan. Dahil sa kanya, nag-away kami ng sarili kong kambal. Nagalit ako kay Sarayan sa isang kasalanang hindi niya naman talaga ginawa. Si Dalikamata rin ang dahilan kung bakit bumalik si Ally kahit nasa Maynila na siya. Binigyan niya ito ng mga pangitaing hindi kaaya-aya. At ginawa niya iyon dahil sa isang napakababaw na dahilan- dahil sa galit at inggit niya sa akin at kay Sarayan. Gusto kong makipagtoos sa kanya pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang umasang buhay pa si Allysandra. "Aglawin" Narinig ko ang isang pamilya na boses na tinatawag ako mula sa isang hindi ko matiyak na direksiyon. Sa isip ko lamang ito naririnig kaya hindi ko alam kung kanino galing. "Si Sarayan ito. Nasa bubong ako ng palasyo. Nasaan ka?" "Sarayan? P-paanong? Akala ko..." "Na ano? Na patay na ako? Buhay pa ako. Buhay na buhay. Nasaan ka ba at ililigtas kita?" "Hindi ko natitiyak. Nawalan na ako ng malay bago pa nila ako nadala rito" paliwanag ko. "Hindi na mahalaga kung nasaan ako. Makinig ka Sarayan. May hihilingin ako sa'yo. Nais ko sanang tuparin mo ito kahit ano pang mangyari" "Sabihin mo" Humugot ako ng malalim na hininga bago ako muling nagsalita. "Nais kong hanapin mo si Allysandra. Nakakulong siya sa ibang bahagi ng palasyo. Hindi ko natitiyak kong saan. Pero hanapin mo siya bago pa lumabas ang araw. Itakas mo siya. Ibalik mo siya sa mundo ng mga mortal. Sabihin mo sa kanya na... na huwag na siyang babalik. Na ipagpatuloy niya ang buhay niya. D-dahil m-magiging maayos lang ako." Hindi ko alam pero naluluha na ako. Hindi ko siya gustong iwan pero wala na akong magagawa. "Paano ka?"tanong ni Sarayan. "Huwag mo na akong intindihin! Kailangan mong maitakas si Allysandra. Alam ko na ang maaaring mangyari sa akin. Ito ang nakatadhana sa akin Sarayan. Hindi ko man gusto pero hindi ko na ito mababago. Ngayon, ipangako mo sa akin na gagawin mo ang lahat para maibalik si Allysandra sa pamilya niya." Hindi siya sumagot. "Sarayan mangako ka!" "Aglawin kahit ngayon lang maaari bang pagkatiwalaan mo na ako? Ooh ipinapangako ko" Ng matapos ang pag-uusap namin ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Handa na ako sa mga susunod na mangyayari. Tiniis ko ang sakit. Tiniis ko ang lahat ng hampas ng LiGwardiya sa akin. Wala na akong pakialam kung mamatay na ako ang importante ligtas si Ally. "Carlos pleaseeee wake up! It's me." "A-Ally." Hindi ko inaasahan na nandito pa siya. "A-anong ginagawa mo rito?" Dapat umalis na siya. Dapat iniwan niya na ako. "Iaalis kita rito" determinado niyang wika. Pinilit niyang buksan ang posas pero napaatras din ng mapaso ang kamay niya. "Hindi mo na 'yan magagawang buksan" bulong ko sa kanya. "We could try! Please don't give up on me because I am not and I will never give up on you" Napatitig ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang huli niyang sinabi. Gusto ko lang protektahan siya at ibinabalik niya sa akin iyon. Gusto ko siyang yakapin. Nagkaroon ako ng panibagong lakas para lumaban. Handa akong harapin ang lahat. Handa akong dayain ang tadhana sa pagkakataong ito. Kahit sa kahuli hulihang sandali. "What the f*ck were you thinking!" Sigaw niya ng sa akin tumama ang tungkod ni Maguayen. Ang tanging nasa isip ko lang noon ay siya. Hindi ko kayang mapahamak siya. Isang beses an akong nawalan at wala akong nagawa. Sa pagkakataong ito hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit iyon. Hinawakan ko ang mukha niya kahit nahihirapan na akong huminga. Iyak siya ng iyak at nagbabaka sakaling mapatigil pa ang pagdaloy ng dugo ko. Pero nararamdaman kong wala ng pag-asa. Hinawakan ko ang kamay ang mukha niya. Sa huling pagkakataon ay iyon na lang ang nais kong makita. "I love you..." Mas lalo siyang umiyak. "Huwag kang umiyak Ally. Mananatili ako sa tabi mo sa pamamagitan ng hangin. Tandaan mo yan." Pinilit kong ngumiti. If I could only live another lifetime. I would trade anything in this world just to be with her again. To see her smile again... To feel her kiss again... If only fate permits it... ––END–— Author's Note There you have it guys. I hope you got something out of this story. Sadly, it has to end this way. Ooppss!!! It's never over for Ally though... co'z book two is coming right up! Watch out for the next updates!!! Dito lang po siya nakapost sa CHARMED BY THE UNSEEN. The title po is ILLUSIONS NO MORE❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD