I slowly got up. I met her her gaze at tiningnan ko rin siya ng masama. She smirked as she stepped towards me.
"Ang tagal ko 'tong hinintay Allysandra. Ang makaharap ka sa pagkakataong hindi ko na kailangan pang magpanggap na kaibigan mo. Dahil ang totoo gustong-gusto na kitang patayin"
"Hindi mo kailangan magkunwari dahil ang kagaya mo, magpanggap man o hindi, wala ka pa ring kwenta!" I didn't give a damn about her anymore. Hindi ko lang lubos akalain na pinaniwalaan ko siya at tinuring ko siyang kaibigan. I have a very few friends and it turns out I chose a wrong one.
"Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Isa ka lang hamak na mortal, mahina at walang silbi!"
"Ooh, mahina nga ako! Pero ikaw Dalikamata, ano sa tingin mo ang tawag sa isang kagaya mo? Makapangyarihan ka nga, diyosa ka nga... pero duwag ka. Alam mo ba kung bakit? Dahil mapagpanggap ka! At ang tanging nilalabanan mo ay ang mga katulad ko dahil alam mong wala akong kalaban-laban. Duwag ka Dalimamata! At 'yon ang totoo!"
"Tumahimik ka! Hindi totoo 'yan!" Galit niyang sigaw sa akin. She fired her powers at me so I had to ran and take shelter behind a palace beam.
"'Wag kang magtago sa likod niyan Allysandra. Harapin mo ako!" Nanggagalaiti niyang sigaw. I wasn't crazy enough to face her. Hindi ko siya kaya at aware ako doon. Ang magagawa ko lang ay ang galitin siya at umasa na sana madala siya ng emosyon niya at maging reckless sa mga galaw niya. That way, I might be able to stand a chance.
"Lumabas ka diyan!"
Isang malaking pagsabog ang naganap sa likuran ko. I managed to hop away from the beam before it exploded, shattering the marble and bricks inside the hall. She continued firing shots at me kaya minabuti kong ilagan ang mga iyon. Damn this goddess! She really is something.
Nakapagtago ulit ako sa likod ng isa pang beam. Hingal na hingal na ako sa kakatakbo. Mukhang wala ring pakialam si Dalikamata kahit gumuho pa ang palasyo sa panay pasabog niya sa mga beam nito.
"Alam mo Dalikamata, kakaiba ka rin eh!" Sigaw ko sa kanya. "Totoo ngang Diyosa ka ng Isip kasi alam mo? Sa tingin ko may problima na yang pag-iisip mo!"
I had to toy with her emotions. Gusto ko lang siyang galitin at inisin. I nocked an arrow and continued blabbering insults on her. "Alam mo, pwede kitang samahan sa isang psychiatrist. Marami akong kakilala. O pwede ring ako na lang ang mag-counseling sa'yo. Gusto mo 'yon?"
I swiftly peaked and shot my arrow, followed by another and another but my shots missed her. She snarled angrily and fired purple energy balls at my direction. Para akong binabato ng mga granada. I hopped, rolled over, jumped, dodged and leaped just to keep myself alive.
Tumakbo ako sa likod ng malaking istatwa ni Maguayen. Sinadya ko talaga 'yon para kung pasabogin niya 'yon para niya na ring pinasabog ang mukha ng pinakamamahal niyang ina. The thought satisfied me.
I had only one arrow left. I had to put it to good use or I'll be left empty-handed.
"Ganyan lang ba ang kaya mong gawin Allysandra? Ang tumakbo at magtago? Lumabas ka diyan!" She yelled at me. I can see her reflection on the golden breastplate of the armor decoration worn by a soldier statue erected infront of me. Her face looked really, her eyes gleaming with hatred, and her hands? They were glowing purple. Those purple balls could decapitate me if I made even the slightest mistake.
Inayos ko ang tayo ko at inihanda ang panghuli kong alas. "Bakit Dalikamata? Pagod ka na bang habolin ako? Ang hina mo naman pala" sabi ko at tumawa. Letche, hindi ko na alam kung saan ko na nakukuha ang inaasal ko ngayon. Kung may nagbigay man sa akin ng lakas ng loob, maraming thank you po.
I heard Dalikamata scoffed and I saw her roll her eyes. "Pwes, hindi na ako makikipaglaro sa'yo!" She yelled.
I had a 3-second window. Before Dalikamata could fire her powers at me, I went out of the statue and fired my arrow. It zipped straight into her and hit her face, making her scream. Kaya imbis na sa akin tumama ang kapangyarihan niya, naitaas niya ang kamay at tumama ito sa ulo ng istatwa ni Maguayen dahilan para mabali ito at mahulog sa sahig. Mabilis akong umilag at tumakbo papunta sa kabilang istatwa na sa tantiya ko ay kay Kaptan. Nilingon ko si Dalikamata at ang nasirang imahe ng nanay niya. Whew! That's two birds at the same stone. Sana totoong mukha na 'yon ni Maguayen.
Dalikamata's scream echoed inside the halls. The arrow successfully hit her, leaving a gash on her cheek trickling with red blood. It wasn't enough to kill her though but it was enough to make her angrier.
"Hayop ka!" She yelled. "Pagbabayaran mo 'to!" Her voice sounded more agressive now. At naubusan na rin ako ng options. Kailangan ko ng makaalis dito bago niya pa ako maunahan. Nasa harapan ko lang ang hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng palasyo at hindi lang ito kalayuan sa akin. Kailangan ko ng tumakbo dahil kapag nagtagal pa ako rito, tiyak na hindi ako tatantanan ni Dalikamata hanggat hindi ako nagiging malamig na bangkay.
Nagdesisyon akong tumakbo ng mawala ang pagsigaw ni Dalikamata. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko at hinawakan ako sa leeg.
"Akala mo ba hahayaan kitang makatakas? Tapos na ang palabas natin Allysandra! Tapos na!" She gripped on my neck tighter, choking me. Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasakal ako. Hindi na ako makahinga dahil sa higpit niyon.
Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya. Hindi ako pwedeng mamatay!
I used the only weapon I had left-Sarayan's dagger. Mabilis itong nahagilap ng kaliwang kamay ko at sinaksak ko ang diyosa sa mata.
"Ahhhhhhh!" Sigaw niya at binitiwan ako.
Bumagsak ako sa sahig at naubo. I was gasping for air. Naiwan sa mata niya ang punyal.
"Ang mata ko! Hayop ka papatayin kita!" She screamed and pulled the dagger off her eye. Blood trickled off her face. She looked really really awful.
Gumapang ako palayo sa kanya habang kinakapa ang leeg ko. Tumayo ako at tinahak ang hagdan pero nahawakan niya ako at hinarap ako sa kanya.
Panay daloy ang pulang dugo mula sa mata niya. I can't even bear to look at her face but I tried to keep myself composed. Dalikamata opened her palm infront of my eyes.
Naititig ko ang mga mata ko sa matang nasa gitna ng palad niya.
"Tingnan mo ako Allysandra. Tingnan mo ako" she whispered.
I froze. Everything around me turned blurry. The eye on her palm glowed and it seemed to be the only thing that existed. I lost my focus and I am slowly losing myself. I heard Dalikamata's whispers in my head.
"Ako lang ang intindihin mo Allysandra. Ako lang. Gawin mo ang lahat ng sasabihin ko"
I felt the air around me heating up. I was sweating yet my hands felt cold as ice.
I found myself at school sitting near the cafeteria benches. But the scene suddenly changed like I was pulled into a tornado and sent me whooshing back inside my room. Nakaupo ako sa green kong kama. I saw the pictures on my wall, the scattered binders on the bedside table the open notebook with a lot a doodling scratches. Tumayo ako at naglakad palapit sa bedside table kung saan naroon ang naka-frame naming picture nina mommy at daddy.
The scene shifted once again. Nakita ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ni mommy pero iba ang nadatnan ko roon. The typical summer-inspired room of my parents was blank.
"Ally..."
Lumingon ako at nakita ang mommy ko na nakangiti sa akin. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
"Mommy! I miss you!"
"Anak... I miss you too" she said and hugged me.
Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. God I miss her so much.
"Anak... umowi ka na."
"W-what do you mean?"
"Come home to me Ally... palayain mo na ang sarili mo. Tapos na ang laban na ito. Tumigil kana. Panahon na para magpahinga" she smiled.
Kumunot ang noo ko. "I-I don't understand.
"Malayo na ang narating mo Allysandra. Hayaan mong magkaroon ng katahimikan ang sarili mo. Halika anak ko. Umuwi na tayo. Samahan mo ako sa katahimikan"
Napaatras ako.
"Halika anak" she said and stepped towards me.
It felt even harder to breath as she came closer to me. Nanhihina ako sa bawat hakbang niya. Hindi ko naiintindihan. She felt like a stranger, a different person. She doesn't felt like the person I have grown up with.
"Allysandra, tama na anak sumuko ka na."
Tinitigan ko siya. Then like a flood, I saw myself in my head. I saw myself in the beach with Juan Carlos, I saw myself fighting along side him against the LiGwardiya, I saw the night I spent with him on lakeside. Then I saw my dad, Brent, Freya. I saw Tita Marga smiling down at me. I saw my lola Mercedes.
"Labanan mo siya Allysandra" her voice whispered in my head. "Huwag mong hayaang talonin ka niya"
"Allysandra" my mom's voice grew firmer, more stern that it was earlier.
This isn't right. Everything is not right. I blinked my eyes several times but she continued stepping towards me and it makes me every second.
"Tama na Ally... sumuko kana anak"
"Hindi" I said and stepped back. All of this aren't real. "You're not my mom. You are nothing. You are not real."
Tumaas ang kilay niya. "Patawarin mo ako pero hindi... hindi ako susuko!" I yelled in the loudest way I could. "Aaaaaaahhh!"
The vision stopped. The illusion was gone and I was back in reality. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang pwersa mula sa kaloob-looban ko. I moved real quick and I flipped Dalikamata's arm which made her scream in pain. But I didn't have plans for stopping.
I felt a sudden surge of unexplained strength. Nagpumiglas si Dalikamata at panay ang sigaw niya pero hindi ko siya binitiwan. Sinampal niya ako sinabunotan pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. With a grunt I swung my arm on her that hit her in the face. Tumilapon siya dahil sa lakas no'n.
I leaped from the floor and landed just right on top of her. I grabbed her by the neck. The blood on her wounded eye spattering on my face. Hindi na siya nakagalaw ng hawakan ko siya sa leeg.
"Bitawan mo ako!" She yelled!
Pero hindi ako nakinig sa kanya at diniinan lang pagkakahawak ko sa kanya. Wala na akong pakialam kong nadidiin na ang mga kuko ko sa leeg niya.
"B-bitawan m-mo ako!" She yelled, choking.
The anger I was feeling was uncontainable. Her betrayal, her lies, everything she did was replaying in my head and making me exploded in rage. "Mahina ako Dalikamata pero hindi kita hahayaang kontrolin ako! Hindi ko hahayaan ang kahit na sino sa inyo na panghawakan ang buhay ko! Dahil buhay ko 'to at hindi sa'yo! Ahhhhhhhhh!"
The anger and the pain I was feeling was too much to control. I gripped her neck tighter as I scream. She hit me in the arm, in the face, in the shoulders but she wasn't able to stop me from screaming.
Suddenly, vines grew out of the ground. It entangled her and binded her. Soon, vines grew out of her mouth and in her nose, then her eyes. Vines and leaves grew out of her body. Saka lang ako napaatras. Blood spattered on my hands and face.
I wasn't able to take the sight of it. Napaluhod ako at napahagulgol. Hindi ko alam kong paano nangyari ang lahat ng 'yon. I cried hard habang tinititigan ang katawan ng diyosa na wala ng buhay. I killed her. I killed a goddess. Nagkalat ang dugo niya sa sahig habang patuloy pa rin ang pagtubo ng mga halaman sa katawan niya.
Hindi ko na kinaya ang nakita ko kaya tumayo ako at tinakbo ang hagdanan. Kailangan ko ng makuha ang mahiwagang espada ni Kaptan para tulungan si Carlos. Sana okay lang siya. Mabilis kong narating ang pangalawang palapag. Isa sa mga silid roon ang papasok sa throneroom pero sa kabilang hallway, sa dulo naroon ang isang pintuang kulay pula.
Mabilis akong tumakbo papunta roon. I don't know why but I felt incredibly and unbelievably stronger. Binuksan ko ang pulang pintuan. Marami bagay ang nakapaloob doon at hindi ako sigurado kung nasaan ang espada. Mabilis kong hinanap ang espada. It has to be something that radiates energy and power. Pero ilang minuto na akong naghahanap at wala pa rin akong makita. Kailangan na ako ni Juan Carlos dahil matagal na akong nawala.
Napako ang atensiyon ko kumikinang na bagay na natatabunan ng dilaw na kurtina. Hinawi ko ito at doon nakapatong sa isang itim na kahon ang isang gintong espada. I was an extraordinary sword. Kinuha ko iyon at agad tinakbo ang labas ng palasyo.
Hindi ko na nilingon ang patay na katawan ni Dalikamata at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo palabas.
Tumila na ang ulan. Nagkalat sa paligid ang napakaraming patay. Mga sundalo, LiGwardiya at marami pang nilalang. Nakakatakot ang nadatnan kong tanawin. Sa 'di kalayuan nakalatay ang patay na katawan ng isang dambuhalang ahas.
"Juan Carlos, nasaan ka"
"Aglawin!" Sigaw ng isang boses sa ibabaw ko. Nilingon ko ang direksiyon ng boses at nakita si Maguayen na lumilipad sa ere. In front of her, Juan Carlos was also flapping his wings. His appearance had changed. He was wearing a white cloth knot-tied around his body, a white pair of pants and a golden wreath on his head. Hindi ko alam kong ano ang nangyari dito pero mukhang lumabas na ang tunay niyang anyo bilang Diyos ng Hangin. He still looked weak though.
"Tama na ang kahibangang ito. Itigil ml na ito at baka maawa pa ako sa'yo!" Maguayen yelled.
"Kahit kailan hindi kayo nakaramdam ng awa sa akin. Ni isang beses hindi ko naramdaman na may pakialam kayo sa akin! Kaya bakit ako titigil? Hanggat hindi ninyo napagbabayaran ang lahat ng kasalanang ginawa niyo!" Juan Carlos replied.
"Kung ganoon, wala ka pa ring silbi!" Maguayen aimed her Tungkod at Juan Carlos and a strong force hit the god. Sinubukan niya iton labanan pero hindi niya nagawa at napaatras siya.
"Juan Carlos!" Sigaw ko.
Nakuha ko ang atensiyon ng dalawang diyos. Nakita ko ang pagkabuo ng ngiti sa labi ni Maguayen bago niya ibinalik ang atensiyon sa anak.
"Kung gayon, masasaksihan mo kung paano ko patayin ang babaeng ito"
"'Wag!"
It was too late to even react. Maguayen aimed the wood at me even as Juan Carlos tried to stop her. I lifted the sword to shield myself just as Maguayen's powers hit me. Pero hindi ako tuluyang tinamaan dahil nagliwanag ang espada at bumuo ng isang maliwanag na barrier na nagsilbi kong proteksiyon.
I held the sword tighter kahit nahihirapan ako dahil sa lakas ni Maguayen. Nahihirapan akong diinan ang tayo ko.
Carlos flew towards us and blew a tornado-like shot on Maguayen kaya nadala ang diyosa at tumama sa pader ng palasyo kung saan nagkaroon ng pagguho dahil sa lakas ng impact.
Carlos flew overhead me. "Ally! Ang espada!"
I threw the sword at him as he flew upwards, he caught it in one hand and glided smoothly and landing beside me. Agad ko siyang niyakap. The purple viens on his neck and arms are gone.
"A-ano'ng nangyari?" Tanong ko at itinuro ang braso niya.
"Hindi ko rin alam pero ng ilabas ko ang mga pakpak ko, bigla na lang nawala ang mga bisa ng lason ni Dalikamata.
Napalunok ako. Sa tingin ko ay may kinalaman ito sa pagkamatay ng kapatid niya. Sasabihin ko na sana kanya ang totoo pero biglan may sumabog ng malakas mula sa pinagbagsakan ni Maguayen. Sabay kaming napalingon sa direksiyong 'yon.
Maguayen emerged from the rubble. She looked unharmed... and a smirk, even more intimadating now grew even wider on her face.