Chapter 41: Fading Heartbeats

2927 Words
Napakapit ako ng mahigpit kay Carlos. "Huwag kang matakot. Ako na ang bahala sa kanya." He told me. Hinarap niya si Maguayen na walang kagalos-galos na tumayo mula sa nasirang pader. Malawak ang ngiti niya sa labi at mas nagdilim ang tingin niya sa amin. "Talagang matigas ka na Aglawin. Pwes, pagsisisihan mo ang naging pagsuway mo sa akin!" She screamed. A strong energy escaped from her body which rocked the world. Dumilim ang langit. Mula sa 'di kalayuan kumikidlat ng mahihina kaya natitiyak kong galing iyon kay Ribong Linti. Lumakas ang pagyanig ng mundo habang dahan-dahang lumulutang sa ere si Maguayen. Umilaw ang tungkod niya at nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. Pakiramdam ko nahihilo ako dahil sa lindol kaya natumba ako. Minabuti ko na lang gumapang paatras upang makahanap ng makakapitan. Juan Carlos on the other hand remained calm. Nakatayo lang siya doon at tinititigan ang ina niyang nasa ere at nanlilisik ang mata. He tightened his grip on the sword. Slowly, it glowed. Beams of golden light flickered from it. He flapped his wings and flew in the air. Maguayen's gaze shifted on the sword he had in his hands. Pero wala akog nakitang takot o pagkabahala sa mga mata niya. "Hindi ko kayang sikmurain ang kataksilang ito Aglawin!" Maguayen said. "Hindi ako nagtaksil ina... pinili ko ang tama. Ang ipaglaban ang mga taong mahalaga sa akin. Ikaw? Sino ba ang mahalaga sa'yo? Hindi ba't wala? Sino sa atin ang taksil sa sariling pamilya!" "Kung gayon, nararapat lamang na ikaw ay mamatay!" Maguayen charged at Carlos. She slashed her Tungkod on him and blew her powers. Carlos slashed between the power and remained unharmed. He met Maguayen's strength by using the sword which created a golden light shield on him. Hinampas ng ina niya ng ilang beses ang Tungkod sa harapan ni Carlos pero mabilis niya itong nahaharangan. The fighting intensified between them and I couldn't really tell who's having the upper hand. Juan Carlos was really resilient for being to able to stand against the goddess of Death kahit ganiyan na ang hitsura niya, sugat-sugat at pasa pasa. Sumakit ang ulo ko kaya hindi ko na nakita ng maayos ang paglalaban nilang dalawa. Napatingin ako sa dalawa kong kamay at nanlaki ang mga mata ko. My hands are turning green. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit naging ganito ang kulay ng mga kamay ko. Hindi na ako nakapag-isip ng dahilan dahil may sumabog sa likuran. Tumama doon ang pwersa ni Maguayen na nailagan ni Carlos. Maguayen flew near Juan Carlos and aimed her power at him. The light energy hit him kaya bumulusok siya sa lupa. It caused a huge explosion kaya nagmukhang umulan ng bato. I did my best to cover my head at baka magkabukol-bukol ako. I took a quick peek to where Carlos fell. God, I hope he is okay. Another explosion happened and out from under the ruined bricks and debris, Juan Carlos flew rapidly upwards, carrying with him tons on wall chunks. Gamit ang hangin, pinalutang niya ang mga ito at ibinato kay Maguayen. The goddess of Death wiped them away like they were pieces of paper being thrown at her. Nakita ko ang hirap sa mukha ni Carlos ng pinalutang niya ang isang malaking bahagi ng pader na nawasak. "Alam mong hindi mo ako kaya kaya ang mabuti pa sumuko ka na" Maguayen said. "Hindi!" Carlos yelled and threw the huge chunk of wall to Maguayen. Pero bago pa ito tumama sa diyosa pinitik niya ang mga daliri niya at kinumpas ang kamay niya. Naibaling sa ibang direksiyon ang semento at doon sumabog sa likuran niya. Carlos continued doing the same scheme and I can say that at each try mas lalo na siyang nahihirapan. His strenght is already failing. Maguayen flew and charged at him kaya mabilis niyang ipinagtanggol ang sarili. Their swords and power clashed but it clearly looks like Maguayen is outmanuevering his son. They continued fighting overhead and I wanted to help Carlos. Pero hindi ko alam kung paano. I saw dropped weapons of the dead lying around. May nakita akong pana at dalawang palaso na natatabunan ng patay na katawan ng isang sundalo. Tinakbo ko ito at pinulot. I need to be in shooting range. I nocked the arrow when I found a good view of the fight. Pero hindi ko naituloy ang pagtira ng tamaan si Carlos ng kapangyarihan ni Maguayen at muli siyang nahulog sa lupa. Sumabog ang pinagbagsakan niya at nag-iwan ng usok at alikabok sa ere. Ng mawala ang usok, pilit kong inaninag ang presensya niya. Pero walang nangyari. Oh no, please. Hindi siya pwedeng mawala. I heard Maguayen chuckling. Her chuckles grew louder and more evil than it already is. Tuluyan na nga siyang humalaklak. Hinintay kong lumabas si Juan Carlos mula sa ilalim nung mga semento pero walang nangyari. I tightened my grip on the bow. Just as I was about to fire it at Maguayen, may gumalaw doon sa direksiyon ni Juan Carlos. Nawala ang halakhak ni Maguayen. Out of the destruction she had caused, Juan Carlos emerged. He had a lacerate on his forehead, several wounds on his body and shoulders but he is very much alive. Kahit hirap, tumayo siya at tiningnan ang ina. Ngumiti siya ng nakakaloko. "'Yon lang ba ang kaya mo ina? 'Yon na 'yon?" Aba at nagawa niya pang mang-insulto. Maguayen laughed at the remark but she didn't sound happy about it. "Hinahamon mo ba ako anak?" Maguayen shot powers from her Tungkod pero hindi niya tinamaan ang anak. Carlos once again flew in the air and clashed blades against his wicked mother. The loud tingling sounds of metal echoed. I could no longer fire my shot. Nahihirapan ako dahil masiyado silang magalaw. I couldn't fire recklessly at baka si Juan Carlos ang tamaan nito. He slashed his sword at Maguayen and lifted one arm in the air. Out of the sky, a huge culumn of air dropped and caught Maguayen. The goddesss screamed in anger as the winds circled around her. Juan Carlos clasped his hands and the wind grew thicker and stronger around Maguayen. But of course, the worst is yet to come. Maguayen spread her arms out wide and the wind exploded into thin mist. She aimed her Tungkod at Carlos who wasn't able to protect himself at the attack. Dahil sa lakas niyon, nahulog siya ulit sa lupa, though he a softer landing than what he had earlier. It was my cue. I fired the shot. The arrow flew and twirled rapidly upwards zooming right infront Maguayen's face and narrowly hitting her in inches. Pero hindi siya nito tinamaan. Crap, remind me to get proper archery lessons if I ever get out of this place alive. The goddess noticed me with my bow ready. I fired that final arrow pero pinitik niya lang ito at na parang wala lang. She turned to me with a sly smile saka niya tiningnan ulit ang anak niya na pilit bumabangon sa lupa hawak ang nasugatan niyang balikat. "Aglawin..." sambit niya rito at itinoon sa akin ang Tungkod ng Dilim. I had nowhere to go and nowhere to run. I was out in the open, standing with an empty bow. I saw the sudden surge of fear on Juan Carlos's face. "Huwaaaaagg!" Without warning, Maguayen zoomed towards me in a millisecond. But before she could hit me, Juan Carlos suddenly popped and pushed me away which lead the tip of the wooden stick hitting him instead of me. "Noooooo!" I shouted. The magical wood pierced his body. I saw the constraints on his face. The blood... his blood... The sword fell down from his hand and clanged in the stone floor. Maguayen looked as shock as I am but she didn't seem to regret hitting her own son. Extreme emotion of rage surged within me. "Hindiiiiii!" I shouted. I got up and took the sword from the ground. "Ahhhhhhhh!" I yelled and slashed the Tungkod ng Dilim. It broke off on impact and a huge light explosion sent us all in different directions with that outburst of power. I saw the fear on Maguayen's eyes when her source of power was destroyed. Napaatras siya at nag-panic, halatang hindi mapakali. Then she waved her arm the air and disappeared in a black mist. I hurriedly got up even if my head is spinning. I ran at Juan Carlos. "Carlos! Carlos, hey!" I was in a state of panic and I didn't know what to do. I pulled the broken wood on his belly, causing a grunt of pain to escape from his mouth. "Carlos! Carlos!" I held his head close to me. "Hey!" He started coughing blood that went all over my hands. I tried to stop the bleeding. Tuloy-tuloy na ang pag-iyak ko. He saved me again. He f*cking save me again! "What the f*ck were you thinking!" I cried. Nagawa niya pa ako ngitian kahit sumusuka na siya ng dugo. "A-Ally... u-umalis ka na" he whispered and coughed more blood. "Hindi! Hindi kita iiwan!" I cried. Wala na akong pakialam kung makakauwi pa ako sa ganitong kalagayan. Pinunit ko ang damit ko at desperadong pinigilan ang pagdudugo na sugat niya habang panay ang iyak ko. His blood spattered in my arms, my face and my body. Pero hindi pa rin natigil ang pagdudugo nito. Carlos removed my arm and shoved it away from him. Hinawakan niya ang kamay ko at mariin akong tinitigan. "A-Ally, please u-umalis ka na. Parang awa mo na" His aching voice even made me want to break down. Mas nasasaktan ako habang naririnig ang hirap sa boses niya. Hindi ko kaya. "No!" I insisted. "Ally please." Pahina ng pahina ang boses niya. Then he fixed his stare on me. "I love you" Mas lalo akong napaiyak when he said that. I heard footsteps coming towards our direction until a female's shadow formed near me. Dahan-dahan kong nilingon kong sino iyon. I saw Lalahon. She was severely wounded but she looked strong still. Literal na nag-aapoy ang mga mata niya gaya ng kamay niya. I knew what she was here for. She's here to finish me. To  finally end this. Hindi ko na siya tiningnan at niyakap na lang si Carlos. Nararamdaman ko ang init na dala ni Lalahon sa may likuran ko. I held Carlos and wept silently. If this is the end, gusto kong manatili sa tabi niya. Explosion! It was so loud I thought my eardrums popped. Para akong pinukpok ng dambuhalang bell sa ulo. Hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Carlos. The air around me grew warmer but it wasn't enough to burn us. Ni wala akong naramdamang sakit. Nakakapanghinala naman yata. Napalingon ako. Wala na si Lalahon sa likuran ko. Sa halip ay mas umuusok na doon na animoy may sumabog na granada. A pair of feet landed beside me. Ng itaas ko ang mukha ko ay nakita ko si Alunsina. Buhay siya! "Allysandra! Halikana umalis na tayo! Buhay pa si Lalahon at babalikan ka niya!" Nagmamadali niya akong pinatayo pero hindi ko binitawan si Carlos. "Alunsina tulungan mo ako! Pagalingin mo siya" I cried. Alunsina gave me a glum gaze and turned to Juan Carlos na wala ng malay. "Ally..." she said as if it was too hard to speak. "Wala na si Aglawin" Parang nagpasirko-sirko ang sinabi niya utak ko. I pushed her away. "Hindi totoo yan! Buhay pa siya! Buhay pa siya! Carlos gumising ka" sigaw ko at hinampas ang balikat niya. "Gumising ko tangina!" Napahagulgol na lang ako sa katawan niya. "Allysandra wala na tayong oras halika na!" Pagpupumilit ni Alunsina sa akin. "Ayoko!" I pushed her away. Hindi ko kayang bitiwan ko si Carlos. Hindi ko kaya. "Ally makining ka! Wala na si Aglawin at wala na tayong magagawa. Kailangan mong umalis sa lugar na ito at iligtas ang saliri mo! Hindi ba't iyon ang gusto niyang mangyari? Ibinuwis niya ang buhay niya para iligtas ka" Hindi ko na mapigil-pigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang pinapatayo ako ni Alunsina at hinatak ako palayo sa katawan ni Carlos. Hirap ng humakbang ang mga paa ko palayo sa kanya. Alunsina ang I flew in the air just as the ruins of the palace erupted and Lalahon emerged. She tried to throw fireballs at our direction but Alunsina waved her arm in the air and we disappeared from her sight. Napadpad kami sa kagubatan 'di kalayuan mula sa palasyo. Halos hindi na ako makagalaw dahil siguro namanhid na ang buo kong katawan. Panay tulo parin ang luha ko habang iniikot ni Alunsina ang kamay sa ere at bumukas ang isang portal. Wala sa sarili ko itong tinitigan. Iginiya ako ng diyosa palapit doon. Ang paa ko ay halos hindi na magawang maglakad. Ayokong umalis. Ayokong iwan ang lahat ng narito. "Allysandra" I heard her speak in my right ear. I can't even process her words right now. Is she sad? Is she hurt? I don't know. I felt numb. Naglakad ako sa loob ng portal at nilingon si Alunsina sa huling pagkakataon. Malungkot ang mukha niya pero hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Hindi na siguro gumagana ang utak ko. Nakita ko lang na muli niyang inikot ang kamay niya nawala na siya sa paningin ko. Everything went dark. *** "Ally! Ally! Ally gumising ka!" I heard a familiar voice calling out for my name. Paulit ulit niyang sinasambit ang pangalan ko. Naramdaman ko rin an may umaalog sa katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at halos mabulag ito sa tindi ng ilaw ng flashlight na nakatutok sa mukha ko. May tumutulo din sa mukha ko na mga butil ng tubig. Ano 'to? Umuulan ba? "Ally!" Tinawag ulit ako noong lalaking pamilyar ang boses. Nakasoot siya ng raincoat. Ng ibaba niya ang liwanag ng flashlight, saka ko lang nakita ang mukha niya. "K-Keith?" "Oh thank God!" Bulalas niya. "Keith" ulit ko sa pangalan niya. "What on earth happened to you Allysandra? Isang buwan ka ng nawawala" Tinulungan niya akong bumangon. Saka lang ako nakaramdam ng ginaw. Basang-basa ako. Teka, nasaan ako? Inilibot ko ang paningin ko. Napapalibutan kami ng malalaking kahoy at mga damo. Napakalakas di ng ulan at kumukulog pa at kumikidlat. "Hey!" Napalingon ako kay Keith na puno ng pag-aalala ang mukha. "Ally are you okay?" His question echoed in my head several times. Saka lang bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Nakabalik na pala ako sa mundo ng mga mortal. Pain surged back inside me. I grabbed Keith and hugged him, letting my tears flow on his coat. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko pero hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya. "Shhhhhh. It's okay. You're safe  now." Mas lalo akong napahagulgol. "Keith, he's gone! He's gone..." "Sino Ally?" mahina niyang tanong. "He's gone" paulit-ulit kong wika. Sobrang sakit. Hindi ko matanggap ng humantong lang sa ganito ang lahat. I cried some more on Keith's chest, unmindful of the cold the rain has been causing me. Mas malamig pa rito ang nararamdaman ng puso ko. I just lost the only person I have loved. And I lost him because I couldn't do anything to protect myself! "Iiyak mo lang 'yan" Keith whispered. "Nandito lang ako" *** Tatlong buwan na ang nakakalipas. Nakauwi na rin ako sa Maynila. Sobrang nag-alala sakin ang pamilya ko. Si Brent, si Freya at lalo na si Mommy na muntik pang atakihin sa puso. Si Keith lang ang nakakaalam sa tunay na nangyari. Sinabi ko na sa kanya ang tunay na pagkatao ni Juan Carlos at kung ano ang nangyari sa Guindara. Nangako  naman xlsiya sa akin na mananatiling sekreto ang lahat. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang sakit. Ramdam ko pa rin kung paano siya nawala sa mga kamay ko. Paulit-ulit pa rin akong umiiyak kapag naaalala ko ang lahat. Pero pinipilit kong maging matatag at maging malakas para sa kanya. Ayokong mauwi sa wala ang pag-aalay niya ng buhay niya para sa akin. I need to make the most out of this life. I need to live this life for him. "Umiiyak ka na naman" puna ni Keith na sumulpot bigla sa likuran ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at. "Naaalala mo naman siya?" Nginitian ko siya ng mapait. "Ally you really shouldn't be crying. Kung nasaan man siya ngayon. Alam kong mas gusto ka niyang maging masaya. Kaya huwag ka ng malungkot." He smiled genuinely at me. Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat. "Ooh na" "Ano? Tara na? Maluluto na yung barbecue!" "Mauna ka na susunod na lang ako" Tinanguhan niya ako at umalis na. Nasa isang beach resort kami sa Laguna. Tuluyan na kasing benenta nina Tita Marga ang mga ari-arian nila sa Samar pagkatapos ng nangyari doon. Dito na sila nakabili ng bagong ari-arian kaya dito na kami palagi kapag weekend at walang pasok. Humarap ako sa dagat habang nakatitig sa papalubog ng araw. The wound in my heart still felt fresh as if it was from yesterday. Masakit pa rin para sa akin ang lahat. The wind blew cold on my cheek, reminding me of him. Seeing the calmness of the sea reminds me of the calmness of his eyes. The beauty of the sunset reminds me of his genuine smile and warmth embrace. I draw a deep breath.  I miss him so much. Everything about him. Napangiti ako ng humangin ng malakas at nagulo ang buhok ko. Then it came to me... The wind and air will always be around. And as long the winds blows...so will his love and presence remain in my heart. I love you... SPECIAL CHAPTER COMING RIGHT UP!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD