Chapter 5: Impatience
NATIGILAN AKO sa sinabing iyon ni Ethan. Ako pa talaga ang nagpapangap? Hindi ko naiwasang matawa sa kabila nang nagbabadyang luha sa mata ko.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-isang linya nang makapal nitong kilay. His deep dark eyes glare at me like a shard of knife.
"Anong nakakatawa?" asik nito sa malalim nitong tinig.
"Nakakatawa na sa akin mo ibinibintang ang mga salitang 'yan. Ikaw ang nagpapangap at nagsisinungaling. You used me, Ethan," di ko mapigil sumbatan ito. "Pinakasalan mo ako para sa mana mo kay Lolo Miggy, and yet—" Napailing ako saka ako tumayo sa kabila nang nanlalambot kong tuhod.
Nakikita ko ang pagkabigla sa mga mata nito. Nagtataka.
"Paano mong..."
Saglit na umurong ang dila ko. Hindi ko na dapat nasabi. Pero huli na para bawiin. "Iyon naman ang totoo. Sana sa simula pa lang sinabi mo na ang plano mo. Hindi na sana ako nagpagod pa," kuyom ang kamaong saad ko.
"Kailan magsisimula ang annulment?" nagawa kong itanong sa kabila nang panghihinang nararamdaman ko ngayon. Bakit ang hirap magpangap na okay lang sa harap ni Ethan?
"Pagkatapos nang kaarawan ni Lolo Miggy," madilim ang mukhang sagot nito.
Dinampot ko ang folder at ballpen na nasa ibabaw ng lamesita. At walang pagdadalawang isip na pinirmahan iyon. Dahil 'yon ang mas tama kung gawin.
Nang mag-angat ako nang tingin kita ko ang nag-uuyam na pag-galaw nang sulok nang labi ni Ethan.
"Masaya ka na," nag-iinit ang mukhang saad ko kasabay ng luhang hindi ko na nagawang napigilan.
Kita kong paglunok nito na napatitig sa mukha kong marahas kong pinahid ang luha ko. Hindi ko gustong umiyak sa harapan nito. Pero hindi ako magmaamakaawa kay Ethan para lang huwag akong hiwalayan.
I won't do that.
"Huh..." sambit nito na may mapaklang ngiti sa labi. "Hindi ko akalaing pipirma ka kaagad," hindi makapaniwalang saad pa nito.
"Bakit, ito naman ang gusto mo diba? Inaasahan mo bang magmamakaawa ako, ha? Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang narealize," muli na namang pumatak ang luha ko. Kita ko kung paano nagtagisan ang bagang ni Ethan. "Nakakapagod ka palang mahalin, Ethan," basag ang tinig na saad ko, sabay talikod dito.
Nagmadali na akong naglakad palabas. Patakbong tinungo ko ang silid na ginagamit ko. Doon hinayaan ko ang sarili kong umiyak. Akala ko ganun kadaling maging matapang.
Mahirap rin pala.
"Sige lang, Ayena, umiyak ka. But make sure this will be the last," kausap ko sa sarili ko, habang walang patid ang agos nang masaganang luha sa mga mata ko.
"NAKAKAPAGOD ka palang mahalin, Ethan," napaupo ako sa sofa habang nakatitig sa papel na basta na lang iniwan ni Ayena sa lamesita.
"Marunong ka ba'ng magmahal, huh?" kuyom ang kamaong sambit ko, saka marahas na kinuha ang papel. May munting usig nang konsensya sa utak ko dahil sa nakita kong pag-iyak ni Ayena.
Subalit marahas rin akong napailing sabay dampot nang sulat na basta ko na lang kinuyumos sa kamay ko. Saka ko itinapon sa basurahan.
Three months ago nang makita ko ang sulat na 'yon sa bahay ni Lolo Miggy. I was searching for a book sa library ng aking abuelo. At hindi sinasadyang nakita ko ang sulat. Isa iyong sulat nang kasunduan nila Lolo Miggy at Ayena.
Noon ko napagtanto ang lahat. Ayena is faking everything for money. Napatunayan ko 'yon, lalo't may ibang lalaki pa itong itinatago. Ngayon patas na kami.
I almost wanted to give chance on our relationship. Kaya nga, gusto ko na sanang tapusin ang long distance relationship namin noon ni Darcy. Pero buti na lang bago pa ako magkamali nang pasya. Nalaman ko na agad ang tunay na kulay ni Ayena.
Pagbalik ko sa kuwarto ay itinabi ko ang folder. Hindi ko pa puweding i-file iyon. Dahil baka makita nang abogado ni Lolo Miggy.
Sa araw nang kaarawan nito iaanunsyo ang paglilipat sa akin nang multi-billions shares ng kompanya. Karapatan ko 'yon dahil ginawa ko ang lahat para lumago ang DC.
I tripled the profit in less than two year na ako ang temporary CEO. Kaya sa tingin ko napatunayan ko na kay Lolo Miggy na karapat-dapat ako. Dahil hindi lang ang DC Designs and Construction ang mayroon kami ngayon. Mas pinalago ko rin ang investment at stocks para sa mas malaking kita at trabaho.
Palapit ako sa clothes rack para kunin sana ang bihisan ko, pero natigilan ako nang walang mga damit doon. "Damn it!" asar na nagtungo ako sa walk-in closet ko. At mabilis na nagbihis.
Tuloy-tuloy na akong umalis pagkatapos.
Pagdating ko sa opisina, sumunod rin kaagad si Jansen. Para sabihing gustong makipagmeeting sa akin ni Senador Astor.
"Tungkol daw saan? Ayaw ni Lolo na mainvolve tayo sa politics," paalala ko kay Jansen pero reminder iyon sa sarili ko.
"Tungkol yata sa nalalapit na bidding project para sa rehabilatation ng National Road at Marcos Highway." Kaagad tumaas ang sulok nang labi ko. Hangga't maari gusto kong iwasan ang malalaking project sa gobyerno. Dahil sa matinding irregularities.
Pero alam ko na, kung magiging mag-asawa na kami ni Darcy hindi maiiwasang kailangan ko nang harapin ang ganung mga project.
"Ang proposal?"
"Walang ibinigay. Kasama ata sa meeting si Miss Darcy. Meeting in one hour." imporma nitong ikinangiti ko.
"Okay, magset ka pala nang dinner with Darcy. Kasama ka."
"Copy."
"Casual lang iyon, but make sure na mas private."
"Sa A-hotel ba, Sir?"
"No. Ayaw ni Darcy sa A-Hotel, nasabi ko kasing nagdinner kami ni Ayena sa hotel, for our wedding anniversary. Hanap ka nang iba, better kong mas exclusive na restaurant."
"Okay."
"Siya nga pala, sir? Malapit na rin ang wedding anni—"
"Hindi na kailangan nang preparations para doon. Pumirma na siya sa annulment," sansala niya na ikinagulat ni Jansen.
"Talaga? Ganun kabilis?" Di makapaniwalang saad nito na ikinatawa ko. Kahit ako naman ay nagulat sa bilis na pagpirma ni Ayena.
Si Jansen kasi ang pinaghahanda ko nang mga regalo ko para kay Ayena sa nakaraang wedding anniversary namin. At ang anniversary namin ay ang mismong araw na ipa-file ko ang annulment. A week after Lolo Miggy's birthday. Iyon plano ko.
"Baka nga ipinagpasalamat pa ni Ayena ang annulment. For sure gusto rin niyang makasama ang lalaking 'yon."
"Pero sir, ayaw mo bang alamin kung sino ang—"
"Tsismoso ka ba? Hindi ako interesado," pikang saad ko. "Para makipagyakapan ka sa isang lalaki sa public place na parang wala kang asawa, diba kataksilan 'yon!" Sa isiping iyon ay muling nagtagisan ang bagang ko.
"Eh pano kung mali ka pala, sir?"
"Ako? Mali?" umarko ang makapal na kilay niyang tinitigan ito. "Jansen, kailan ba ako nagkamali? I never been wrong. Alam mo 'yan. Kaya kong makita ang ups and down nang stock market sa isang tingin lang. Pati sa mga bidding at project. Never akong nagkamali." Kumpiyansang deklara niya, dahil totoo 'yon. Hindi siya nagkamali, I learned to be the best. Kaya nga nasa top ang DC.
"Bahala ka. Pero huwag mong kakalimutang iba ang business sa isang relasyon, sir. Predictable ang stocks kasi dalawa lang ang patutunguhan nila, ups or down. Pero ang selos at pride iba ang nararating..."
"What the hell?" nag-init ang ulo niya sa sinabi ni Jansen kaya't binalingan niya ito nang masamang tingin.
"Sabi nang babe ko 'yon, sir," alanganing saad nito.
"Puwes ibahin mo ako, bumalik ka na sa trabaho mo," taboy ko dito. Naiiling na tumalikod naman si Jansen.
Ako nagselos? I never loved Ayena, kaya bakit ako magseselos. Parehas lang naman kaming naggagamitan lang.
Sa meeting room.
Nagkangitian kami ni Darcy nang elegante itong naglalakad palapit sa mahabang meeting table. She looks sexy and stunning as ever, na maipagmamalaki nang kahit na sinong lalaki.
Kumabog ang dibdib ko nang haplusin nito ang neckline nito. Showing her expensive BVLGARI Serpenti Viper White Gold Necklace. Regalo ko iyon nang bumalik ito sa bansa five months ago. Dahil alam kong isa iyon sa mga gusto ni Darcy.
"Isusuot ko lang 'to kapag gusto kong pakasalam mo na ako, Ethan," mula kong saan ay napangiti ako, knowing how impatience my girlfriend to get married. Dalawang taon ang tanda ko kay Darcy. Kaya normal lang sigurong magmadali na rin itong magpakasal.
"Pasensya na natraffic kami, Mr. Dela Cerna," nakangiting paumanhin ni Senador Astor na kasunod pala ni Darcy.
"No worries, Sir. It's my honor to personally meet you, Mr. President," he stated, na ikinangiti nito.
"Tatlong taon pa ang election, kaya hindi pa natin sigurado ang daan. But thank you," humble na saad nito.
"You're welcome Sir, please have a seat," aluk niya matapos makipagkamay dito.
"Don't be too formal, Mr. Dela Cerna. Mas maganda ang takbo ang isang business deal kung magkaibigan ang magkabilang panig, hindi ba?"
"Yes, sir. Any way anong dahilan kaya gusto mong makipagmeeting?"
"Well, because of my daughter. Marami siyang sinabing magagandang bagay tungkol sa'yo at sa company mo. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo."
"Dad, he's a friend of mine, nasa iisang University kami no'n. And Mr. Dela Cerna helped me a lot noong nasa Fine Arts class pa ako," paliwanag ni Darcy sa ama nito.
"Ah... wala iyon," nasabi ko saka tipid na nginitian si Darcy. But her smile was contagious, kaya lumapad ang ngiti ko. This is what I likes about Darcy. Napakaganda nitong ngumiti, nakakahawa.
"Don't be humble, Mr. Dela Cerna. Nalaman kong isa pala ang DC sa mga top contractors sa bansa. Pero hindi ko natatandaang nakita ko ang pangalan mo sa mga malalaking bidding project ng gobyerno,."
"Dahil sa rules nang chairman, sir."
"That's why, that makes you a perfect partner for me. Kaya sana gusto kong isama ang DC sa bidding next year. Promising ang kompanya mo, walang corruption records. At iyon ang kailangan ko para sa akong campaign," pumormal ito at diretsong tumingin sa mga mata ako. "Gusto mo bang samahan ako sa mga plano ko para sa ating bansa?"
"Pero sir, pagdating sa bagay na 'yan, I still have to consider the chairman's approval. Pero hayaan n'yo. Malapit na ang turn over nang management. Kapag walang naging aberya, makaka-asa ka sa tulong ako. Gusto ko rin nang mas maayos na bansa. At naniniwala akong ang malinis na gobyerno ang susi sa mas masagana at mas maunlad na bansa. At naniniwala ako sa ginagawa mong pagtulong sa mga nangangailangan."
Kita ko ang kasiyahan sa mata ni Mr. Astor, "Sana pala noon pa kita nakilala. Sayang may asawa ka na," saad nitong binalingan pa si Darcy. "I hope my daughter could find a man like you," bakas ang panghihinayang sa mata nito.
"Dad," saway ni Darcy sa ama na namula pa ang mukha. "I'm sure makakahanap ako nang... tulad niya, right."