Chapter 4: Excuse

1658 Words
Chapter 4: Excuse "HONEY bakit ang tagal mong sumagot," anang nagtatampong tinig sa kabilang linya. Mabilis siyang nagtungo sa balcony at isinara ang glass door. "Bakit ka tumawag nang ganito kaaga? Alam mo namang..." naisuklay niya ang kamay sa buhok niya. Saka napasulyap sa dingding na salamin. Sa kung anong dahilan kinakabahan siya. "Diba sabi mo, ipapaalam mo na kay Ayena ang tungkol sa annulment, ngayon. You promised me, Ethan. Kaya gusto kitang tawagan. Hindi mo pa rin ba nagagawa?" kababakasan nang tampo sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang mag-alala. "Kinausap kasi ako kagabi ni Dad. Gusto niyang makipagdate ako sa anak ni Senador Tan," sumbong nitong ipinag-alala niya. "Alam mo namang gusto ni Dad na makahanap ako ng lalaking papasa sa standard niya," mahinang sambit ni Darcy. "Honey, huwag kang mag-alala. Kapag naayos ko na 'to ako mismo ang haharap sa parents mo para hingin ang pahintulot nila na magpakasal tayo," pag-aassure niya dito. "Salamat, honey. Ayaw kong magpakasal sa ibang lalaki na hindi ko naman mahal, alam mo 'yan. Ikaw ang gusto ko Ethan," ani nito sa malambing na tinig. Nag-init naman ang dibdib niya sa tinuran nito. Vocal si Darcy sa pagsasabi nang feelings nito. Ibang iba kay Ayena. "I know, and I'm keeping my promise, kaya magtiwala ka," pag-aassure niya sa dalaga. "Bigyan mo lang ako nang oras, sasabihin ko rin kay Ayena ang lahat mamaya." "Puwede ba akong pumunta sa office mo mamaya, I'll bring you lunch," malambing na tanong nito. "Ha? Huwag na muna siguro, nagdadala nang lunch si Ayena araw-araw. Saka hindi natin puweding ipakita sa iba ang relasyon natin hanggang hindi pa napapasaakin ang DC. Kailangan nating maging maingat." "Ganun ba? Sige." mahinang saad nito. "Sa dinner na lang. Isama mo ang assistant mo para iwas sa issue." "Okay," sang-ayon niya. Alam niyang nag-aalala rin si Darcy sa maaring maging issue kapag may nakakita sa kanila sa isang date. Strikto at konserbatibo ang pamilya ni Darcy kaya dapat silang mag-ingat. At lalong hindi dapat makarating sa abuelo niya ang tungkol sa plano niyang annulment sa babaeng pinili nito para sa kanya. Kasalanan ng abuelo niya at ni Ayena kaya naging komplikado para sa kanila ni Darcy ang kahit simpling date lang. Matapos ang tawag ay saka siya bumalik sa kuwarto. Pero ikinagulat niyang naroon si Ayena na tila may kung anung hinahanap sa drawer. Bigla siyang nag-alala nang mapatingin siya sa nakabukas na bintana. "Kanina ka pa ba d'yan?" kinakabahang usig niya. Pero hindi man lang siya nilingon ni Ayena na abala sa kung hinahanap nito. "Ayena!" asar niyang tawag sa asawa. Noon ito napalingon at tila nagulat pa nga, saka inalis ang earbuds na nakasalpak sa tainga nito. Bigla siyang nakadama nang relieve. "Bakit?" malamig nitong tanong. "Hinahanap ko lang iyong bracelet ko, lalabas rin ako pagnakita ko na," baliwalang sagot nito. Hula niya ang pulang bracelet na gawa sa pulang sinulid ang hinahanap nito. "Nandito lang 'yon kagabi," sambit pa nitong ipinag-alala niya. "Kung nawawala di bumili ka nang bago, luma na rin naman 'yon diba." Baliwalang saad niya na ikinabaling ni Ayena sa kanya. Napaismid ito na bakas ang inis. "Alam mo, Ethan. Hindi ganun kadaling palitan ang bagay na may halaga para sa isang tao. Kung para sa'yo walang kuwenta ang bracelet ko, sa akin mahalaga 'yon," masama ang loob na sagot nitong ikinagulat niya. "Kung mahalaga dapat hindi mo ikinakalat kong saan-saan." "Hindi ko ikinalat, iniwan ko lang dito sa ibabaw. I'm sure of it," giit nito. Kinabahan siya nang maalala niyang nilinis niya ang kalat sa ibabaw nang tokador kagabi. At malinaw niyang naalalang may kasamang pulang bracelet 'yon. Luma na rin naman kasi, kaya niya itinapon. "Nasaan na ba kasi..." "Mamaya mo na hanapin, kailangan nating mag-usap." Ito naman ang natigilan, kasabay nang paglamlam ng mata nito. Tipid itong ngumiti. "Hindi ka ba makapaghintay? May ginagawa ako," nakangiwing saad nito. "Ako nang maghahanap," presenta niya. "Sa study room tayo mag-usap." Walang nagawa si Ayena kundi ang walang paalam na talikuran siya. Noon siya nagmadaling nilapitan ang trash bin sa kuwarto. Pero malinis na iyon at bago na ang garbage bag na naroon. "Buwisit, bakit ba kasi niya ikinakalat kung saan-saan." Nagmadali siyang bumaba para tanungin si Aling Maming, pero naroon na si Ayena at kausap ang ginang. "Naku naitapon ko na ho sa labas iyong mga basura, baka nakuha na nang kolektor?" Kaya't namadali itong naglakad na muntik pa nga siyang nabanga. Sinundan niya ito pero bago pa sila makalabas nang bahay dumaan na ang garbage truck. Kita niyang panlulumo sa mata ni Ayen. "Humanap ka na lang kasi nang kapalit." May bahid na guilt ang tinig niya, pero sinikap niyang huwag ipahalata 'yon. Subalit 'di niya inaasahan ang pait sa mata ni Ayena nang balingan siya nito. "Tama ka, bakit ko ba pinanghahawakan pa iyon? Kung puwede namang palitan na lang," makahulugang saad nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkuyom nang kamao ng asawa at walang paalam tumalikod. "BAKIT KO PA BA hahanapin," mahinang sambit ko, subalit ko hindi naman maiwasang masaktan. Ang bracelet na 'yon. Umiling ako. Mukhang hindi na rin naalala ni Ethan ang tungkol doon. It was the first gift she received from him. And looking back iyon lang ata ang bagay na bigay nito na hindi ko hiningi. Baka mas mabuti na rin. Walang imik akong nagtungo sa study room. Hindi nagtagal ay dumating rin si Ethan. Hawak sa kamay nito ang isang folder. Na kahit hindi nakikita, kaya ko nang hulaan alam ko anun ang nasa loob ng folder. Mapakla akong ngumiti. Hindi ko maiwasang kagatin ang dila ko dala nang bigat nang aking kalooban. Sa bawat hakbang nang matatag na yabag ni Ethan palapit sa akin. Para iyong mga palaso na itinatarak sa aking dibdib. Dahil alam ko na ito na ang oras para malaman ko ang lahat. Oo. Gusto kong ipakitang matatag ako sa harap ni Ethan, Ngunit sa sarili ko, naroon pa rin ang kirot at pait na pilit winawasak ang aking pagkatao. "Kapag nagmahal ka, magmahal ka nang totoo at tapat. Dahil siguradong mamahalin ka rin pabalik nang totoo at tapat. Subalit huwag mo ring kalimutang mahalin ang sarili mo, apo." iyon ang mga sinabi sa akin ni Lolo Benji bago ito namatay. Pero hindi pala totoo na puweding bumalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sa iba. Lalo na sa taong mahal mo, na may iba palang mahal. Dinig ko ang malalim na paghinga ni Ethan bago ito kalmadong naupo. His silence and cold glare makes my heart felt even colder. Kita ko ang paggalaw nang lalamunan nito. "Ayena...." he uttered as he leaned his back on the sofa. Magkaharap kami ngayon. Hindi na bago iyon dahil hindi naman kami nauupong magkatabi sa sofa, as far as I can remember. Never naging malambing si Ethan sa akin. Pero ang distansya ngayon sa pagitan namin. Tila ba higit pa sa isang daang libong milya kahit nakikita ko naman ito. Siguro tulad nang langit ang pagitan namin ni Ethan. Maari ko lang siyang makita pero hindi ko maaring hawakan. And I was too stupid not to see that sooner. "We need to end this..." simula nitong kaagad nagpakabog nang puso ko. "I'm sorry, but don't blame me, Ayena. My heart belongs to someone else, and what we have was all fake," walang kagatol-gatol na sambit nito. "Fake! At least for you," gusto ko sanang idagdag. She never faked her feelings for him; she loved him and hoped for a happily ever after. Tulad ng mga babae sa fairytale. Pero nakalimutan ko, hindi ako isang fairytale princess. Tumingala ako upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Ethan was staring... no glaring at her, na para bang wala akong karapatang magalit nang sabihin nitong fake ang lahat sa pagitan namin. "Then..." I paused, sabay lunok. "Then fake rin ba ang kasal?" lakas loob kong tanong na bahagyang ikinagulat ni Ethan? He was about to say something nang magsalita ulit ako. "Eh bakit ka nakipags3x sa akin? Kung peke pala ang lahat," kita niyang pagkabigla dito, na mabilis ring naglaho. "Hindi peke ang kasal. Look Ayena, I had a girlfriend... no, a fiancée, bago ang kasal. Pero kayo ni Lolo Miggy ang nagkasundo tungkol sa kasal diba?" "Ano?" kunot-noo kong sambit. "Anong sinasabi mo, ikaw ang nag-aluk sa akin nang kasal, Ethan," paalala ko dito. "And you said yes without hesitation. Dahil plano n'yo na ni Lolo Miggy ang lahat, diba?" Ikinagulat ko nang ilapag ni Ethan ang isang nakatuping stationary paper. "Yan ang katunayan na nakipagkasundo ka kay Lolo Miggy. I'll transfer your payment, bilang kabayaran sa lahat. Iyon naman ang gusto mo, diba?" sarkastiko itong tumawa. "Muntik na nga akong maniwala, damn it!" Kita kong namula ang mukha nito, kasabay nang pagkuyom ng kamao ni Ethan. "So, dahil sa sulat... talaga ba? O baka naman excuse na lang ang lahat ha, Ethan?" matiim kong usig dito. Mapait akong napangiti. Gumagawa na lang nang dahilan si Ethan para pagtakpan ang relasyon nito sa ibang babae. "You knew about that, right? Totoo diba?" Matiim nitong usig na hindi man lang kumurap ang madilim nitong tingin. "Nagtatanong ka pa ba? Hinusgahan mo na ako dahil sa nabasa mo, nang hindi man lang inaalam ang totoo. Kaya wala nang saysay para magpaliwanag sa'yo." "Ibang klase ka rin ano, Ayena," nanunuya ang tingin nito. "Fine. Hindi ko rin naman kailangan alamin pa ang totoo. I knew what kind of woman you are." Matatalim na palaso sa dibdib ko ang salita ni Ethan. "Ito ang annulment contract, pirmahan mo. Magsisimula ang annulment process pagkatapos nang kaarawan ni Lolo. At hindi ka puweding magsalita sa kanya," banta nito. Matanda na siya kaya huwag mong bigyan nang stress." "Bakit aantayin mo pa ang kaarawan ni lolo?" walang pasubali kong tanong. "Sumunod ka na lang. Or you won't get a penny," asik nito, habang malamig ang matang nakatitig sa akin. "Sign the paper, para matapos na ang pagpapangap mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD