Chapter 3: Ignored
"BUKAS NA," baliwalang saad ko sa kabila nang takot na nag-uumahon ngayon sa aking pagkatao. Siguro hindi pa ako handang marinig na sabihin ni Ethan na tapos na ang pagpapangap nito. Diba ang unfair naman no'n?
Ginawa kong lahat para maging okay ang pamilya na inaakala kong para sa akin. Pero sa isang iglap mawawala rin tulad nang mga taong mahahalaga sa akin.
Sina mama at papa. Si Lolo Benji. Lahat sila iniwan akong mag-isa. Pero sila wala silang choice kundi ang hayaan akong mag-isa sa mundo. Samantalang si Ethan. Walang paki-alam sa tulad ko. Dahil may iba pala itong mahal.
"At bakit?" tanong nitong nagkunot ang noo.
"Pagod kasi ako," pagdadahilan ko saka ko nilampasan ni Ethan.
"Pagod saan, maghapon kang nasa bahay diba?"
"Umalis ako kanina?"
"I know, sinabi ni Aling Maming. Saan ka pumunta?" usig nitong may diin na tila ba may nais itong iparating.
"Sa kaibigan ko," pagsisinungaling ko.
"Kaibigan? At sinong kaibigan?" umigting ang panga nito.
"Isa lang naman ang kaibigan ko, Ethan," mahinang saad ko. Walang madaming kaibigan ang isang tulad kong ulila. But at least alam kong totoo sa akin si Crystal.
"Eh 'yong..." sambit nito pero kusa ring pinigil ang sasabihing ikinakunot noo ko. "Fine," pagtatapos nito nang usapan. Kusa na akong tumalikod at iniwan si Ethan.
"TALAGANG nag-iinarte ang babaeng yon," monologue ko, kaya napipikon ako sa asal ni Ayena. Dati kapag hindi niya ito iniintindi ito ang kusang gumagawa nang paraan para magka-usap kami. Pero ngayong talagang tinalikuran ako.
Marahas akong napailing. "It's better this way, dapat ipagpasalamat ko pang kusa ka nang sumuko," kausap ko sa sarili ko. Pero sa kung anong dahilan naiirita naman ako.
Nang makadama ako nang gutom ay saka ako bumaba para magdinner. Kaagad naman akong inasikaso ni Aling Maming, naka-day off kasi ang kasama nito.
Nagsimula na akong kumain nang matigilan ako dahil tila iba ang lasa nang kaldereta. It wasn't the usual taste na gusto ko.
"Aling Maming, nagbago ata ang timpla mo nang luto ngayon," puna ko.
"Ay naku sir, pasensya na ngayon lang ulit ako nakapagluto. Mula nang dumating dito si Ma'am Ayen siya na ang nagluluto eh."
"Si Ayen?" kunot-noong baling ko dito?
"Oho, siya lagi ang nagluluto nang dinner at lunch mo."
" Pati dinner siya ang nagluluto?" di makapaniwalang saad ko.
"Oho. At wala naman akong nabago sa timpla ko." Hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon.
"Eh bakit kapag pinupuri ko ang pagkain, kapag dinner di mo sinasabing si Ayena ang nagluluto?"
"Ah... eh sabi kasi niya huwag ko na lang daw sabihin," nagkakamot ang ulong pag-amin nito. "Nang minsan kasing sinabi niyang siya ang nagluto, hindi ka kumain. Sige sir, sa kusina lang ako," paalam nitong tumalikod na.
Noon ako napatingin sa kaliwa ko, wala rin kasi ang tasa ng kape na madalas nakahanda na para sa akin.
"Ano bang problema nang babaeng 'yon." di ko mapigilang sambit, saka ko iniwan ang halos hindi ko man lang nagalaw na pagkain.
***
Nagkakamot namang napalabas nang komedor si Maming, nang marinig ang ingay ng upuang padabog na inurong nang amo. "Magkaaway siguro sila. Mga bata talaga oo."naiiling na lang na saad ni Maming saka iniligpit ang pagkain.
MAAGA pa nang magising ako kinabukasan. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Pasado alas singko pa lang. Kaya naghihikab pa akong bumaba nang hagdan. Sanay na ako sa ganung gising dahil naghahanda ako lagi ng brewed coffee para kay Ethan.
Gustong-gusto kasi nito ang brewed coffee sa umaga. Pero dahil hindi ko na rin naman gagawin iyon bahala siyang magbrew nang kape niya. Pagpasok ko sa kumedor nagulat ako nang maabutan ko si Ethan na tila may kung anong hinahanap.
Himala na maaga itong gumising ngayon.
Hindi kasi early riser si Ethan, madalas pass six na ito bumabangon kaya bibihira itong magbreakfast kasama ko.
Nagulat pa ito nang makita ako. "Gusto ko nang..." dinig kong ani nito pero nilampasan ko lang si Ethan at nagtungo ako sa kusina. Ngayon niya sasabihin sa akin ang tungkol sa plano nito kaya bakit ko pa siya pag-aaksayahan nang oras.
Kahit paano dapat ibangon ko rin naman ang pride ko. Naghanda ako nang tinapay at cheese. Saka ko iyon isinalang sa toast bread maker. Mayamaya pa ay nanoot na sa ilong ko ang amoy nang melted cheese. Kaya lalo akong natakam. Habang nag-aantay ay naghanda rin ako nang isang tasa nang mainit na gatas para sa sarili ko.
Tamang tama namang natapos na rin ang tinapay ko. Inilagay ko iyon sa platito at binitbit kasama ang isang tasa nang gatas.
"Bakit isa lang?" nagulat pa ako nang nasa may pinto pala si Ethan. Nakatingin sa hawak kong platito.
"Isa lang ang kaya kong kainin," baliwalang sagot ko dito.
"What the... hindi mo ba ako nakita? Gusto ko ring kumain," sarkastikong saad nito.
"Then make one for yourself," kibit balikat kong sagot na ikinaisang linya nang makapal na kilay nito.
"Ano bang problema mo ha, Ayena Mae? Your acting... fvck! What is wrong with you, damn it!" singhal nito.
"Wrong?" maang kong tanong. "mali bang gumawa nang sarili kong pagkain."
"Damn it! Ayena Mae, bakit ka ba nagkakaganyan?" sigaw nitong di ko napigilang makagat ang labi ko. Kung magtanong ito akala mo walang ginagawang kalukuhan para kuwestyunin niya ako. Gusto ba niyang pagsilbihan ko pa siya matapos kong malaman ang lahat nang kasinungalingan niya.
Engot lang siguro ako pero di naman ako ganun katanga.
"Wala akong problema, baka ikaw mayro'n. Hindi ka nag-aalmusal dito kasi busy ka diba? Kung gusto mo nang kape magtimpla ka na lang para sa sarili mo, may kamay ka naman diba?" lintaya ko dito na halos ikaisang linya nang kilay nito.
"Iniinis mo ba talaga ako?" asik nito.
"Naiinis ka ba? Di mabuti."
"What the—" kulang na lang manlisik ang mata nito. His jaws tighten na parang anumang sandali handa niya akong sakmalin.
"Alam mo ang weird mo rin naman, di ka rin naman dating ganyan. Nasaan ang cool and cold na si Ethan Dela Cerna?" naiiling kong saad saka ko ito nilampasan.
Nagawa kong huminga nang malalim matapos ko itong talikuran.
May parte sa pagkatao ko ang masaya na pakiramdam ko naka puntos na agad ako nang ganti kay Ethan. Pero naroon sa kabilang bahagi ang kirot na hindi ko pa rin maiwasan.
Papasok ako sa guestroom ng biglang may kamay na humila nang pinto pasara, kaya muntik nang matapon ang dala kong gatas.
"Ano ba?" inis na baling ko kay Ethan na hindi maipinta ang mukha. He was about to say something nang magring ang phone nito. At kita kong natigilan ito.
Maging ako man natigilan nang makita ko ang nakarehistrong pangalan doon. Kaya hindi ko napigilang makagat ang dila ko.
Mabilis na itinago nito ang phone at walang salitang tumalikod.
"My Honey," nakangiwing sambit ko. Samantalang ako Ayena Mae lang ang pangalan ko sa phone ni Ethan. Sukat doon napailing na lang ako.
Para naman akong tanga kung aasa ako na magkakaroon ako nang sweet nickname kahit sa phone na lang ni Ethan.
Nagmadali ko nang binuksan ang pinto nang guest room. Nanlalambot ang tuhod ko kaya napasandal ako saglit sa dahon ng pintong isinara ko.
"Huwag kang tanga, Ayena Mae," mapait na sermon ko sa sarili ko. Saka ko lang nagawang kumilos. Ipinatong ko sa ibabaw nang lamp table ang dala kong pagkain at gatas. Nasa ganun akong sitwasyon nang magring ang phone ko.
Baliwalang dinampot ko iyon saka sinagot.
"Sis, may nakuha na ako," excited na saad nang kabilang linya.
"Nakuha nang alin?" Matamlay kong tanong dito. Dinig kong bumuntong hininga si Crystal. Dahil hindi ako makatulog kagabi, tinawagan ko ito para gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Detective, para alamin nating kung sino ang kabit nang asawa mo?" bakas ang gigil sa tinig nito.
"Sa tingin mo ba may saysay pa kung gagawin ko 'yon? Si Ethan hindi naman talaga niya ako mahal. Dahil lang pala sa mana niya kaya niya ako pinakasalan." walang buhay kong saad.
"Akala ko ba gusto mong gumanti man lang bago ka umalis d'yan."
"Oo, kaya lang diba mas maiinsulto lang ako kung malalaman ko pa kung sino ang babae? I'll get my revenge on Ethan. At pagkatapos magsama sila nang babae niya."
"Paano ang..."
"I'll be fine, Crystal, salamat sa concern."
"Okay pero kung ako sa'yo dapat gumanti ka mang lang..." sulsol nito. Gusto ko ring gawin 'yon pero para saan pa, kung sa huli ako lang naman ang talunan.
"Sige, pero kapag nagbago ang isip mo, magsabi ka lang. Malaking kahihiyan sa kahit na sinong babae ang ma-label na mistress no. Saka ginawa nang mommy ko sa Daddy ko 'yan kaya kita mo effective, nagtino si Dad. Kaya kung ako sa'yo idamay mo iyong bruha, sabi mo alam niya naman na married na ang lalaking nilalandi niya. Kaya go na, support kita," udyok nito.
"Luka ka talaga ano," nagawa kong tumawa. Pero natigilan rin ako saka napaisip. "Dapat ko bang gawin 'yon?" mahinang sambit ko.