Chapter 2: The Affair
DAMA KO ANG malakas na kabog nang puso ko sa inusal kong iyon. Pasimpling kinagat ko ang dila ko. All this time, naniwala ako sa sarili kong katangahan.
Bakit hindi ko agad nakita ang mga senyales nang panloloko sa akin ni Ethan?
Sadyang nakakabulag nga ba ang pagmamahal?
Dahil hindi ko nakita kung paano ako tratuhin ni Ethan noon. Kung gaano ito kalamig sa pakikitungo sa akin. We live in the same house and sleep in the same room pero mas maraming pagkakataong naiilang ako kay Ethan, dahil sa malamig na pagtrato nito sa akin.
At ngayon ko lang napagtanto, that I only keep on giving excuses for him, na ganun lang talaga ito sadyang, distant and cold.
Kasi lahat naman nang sinasabi at hiling ko ibinibigay ni Ethan. Akala ko ganun lang iyon, hindi pala.
Ang mga flowers, mga dinner dates na gusto ko kasama ito. Hinihiling ko 'yon lahat sa asawa ko. Not directly, but I'm giving hint. S*x lang ata ang 'di ko kayang pangunahan dahil nakakahiya.
Yes we had s*x, once a month or minsan wala pa. I thougth it was normal dahil busy lagi si Ethan. Acting-CEO ito sa DC Design and Construction Company ni Lolo Miggy. Ethan is an Architectural Engineer. Kaya nga kahit ang mansion na tinitirhan namin ito mismo ang nagdesign.
"What did you say?" sa wakas ay tanong nito na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Sabi ko, hindi na kita hihintayin... sa dinner," nagawa kong isagot sabay lunok.
"And why is that?" pikang tanong nito.
"Just..." umiling ako. "I just don't feel like waiting anymore. Kumain ka na kung gutom ka," taboy ko dito saka ko muling binalingan ang librong hawak ko.
Kanina ko pa binubuklat iyon pero hindi ko naman maunawaan.
Sinong matinong babae ang hindi mababaliw kung malalaman mong may affair ang asawa mo. At matagal ka na palang niloloko. Muling nagsikip ang dibdib ko kaya lumunok ako para alisin ang bara sa aking lalamunan.
"Fine!" may diing asik nito. "Nasaan ang mga damit ko?" tanong nito kaya napatingin ako dito. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin saka ibinaling ang tingin sa clothes rack na nasa harapan nito.
"Sa closet," baliwalang sagot ko na ikinamura ni Ethan. I was surprised myself.
Si Ethan ang pinakakalmadong taong nakilala ko sa buong buhay ko. And hearing him cursed like that makes me realized. Hindi ko nga ganun ka kilala ang asawa kong kasama ko sa iisang silid sa nakalipas na halos tatlong taon.
"You're supposed to prepare my clothes, right?"
"Hmm..." tipid kong sagot.
"Hmm? Hah! What is wrong with you, Ayena Mae?" singhal nitong namula pa.
"Nothing, as a matter of fact... ngayon ko nakikita ang mali ko. And I was stupid loving you." sa sarili ko lang nasabi iyon saka ako umiling "kumuha ka na lang malapit lang naman ang closet mo." nagawa ko pang ngumiti dito.
Pero sa loob ko gusto ko nang sigawan si Ethan. And yet, here I am acting like I'm fine.
Alam ko dapat umaalis na ako sa bahay nito. O kaya magwala ako sa galit kasi niloko ako nang asawa ko. Pero hindi ko magawa dahil wala akong ibang pupuntahan kundi si Ethan... o si Lolo Miggy. Pero matanda na si Lolo para bigyan ko pa nang problema.
Hindi ko sigurado pero sa hula ko sa 76th birthday ni Lolo Miggy, gagawin ang turn over nang management rights at dalawang buwan iyon mula ngayon.
"Umayos ka nga Ayena, para kang bata," iritadong nagtungo ito sa malaking walk in closet nito. Magkaiba ang walk in closet namin ni Ethan. Ayaw kasi nitong nagugulo ang mga gamit nito. Pero halos ako naman lagi ang nag-aayos ng gamit ni Ethan iniiwan na lang basta.
Nakabihis na si Ethan paglabas nito nang banyo. "Sa guest room ka matulog," utos ko dito na ikinagulat nito.
"What the hell, this is my house!" may diin ang pagkakasabi ni Ethan nang bawat salita.
"His house, not theirs." tuya nang munting tining sa utak ko.
"Pero asawa mo pa rin ako, kaya puwede kong sabihin 'yon. Pero kung ayaw mo sa guestroom, sige ako na lang," sagot ko saka ko tumayo. Lalampasan ko na sana si Ethan nang pigilan nito ang pulsuhan ko.
"Ano bang ginagawa mo ha?" Kita kong kalituhan sa mga mata nitong nagawa kong salubungin, nang mas matatag na titig."
I had two months. Two months to make you regret using me and hurting my feelings. Nakuyom ko ang kamao ko saka ako napalunok. "Lilipat sa guest room," malamig kong sagot na ikinagulat nito kaya't nabitawan nito ang pulsuhan ko,
Mabilis na akong tumalikod pero dinig kong galit na mura ni Ethan.
SA INIS ko kay Ayena ay nasipa ko ang kanto nang kama. Pero kaagad rin akong kumalma.
"Ganito ba ang gusto mo? Fine. Mas mabuti na rin." kausap ko sa sarili ko. Ngayon mas malinaw na sa akin ang kilos ni Ayena. Natitiyak kong dahil 'yon sa lalaking nakita kong kasama nito six months ago.
Subalit sa isiping iyon lalo lang akong napipikon. Nasa ganun akong pag-iisip nang magring ang phone ko. Kaagad ring kumalma ang inis ko kay Ayena ng makita ko ang pangalan ng caller.
"Honey," anang tinig sa kabilang linya.
"Alam mo na di ka dapat tumatawag kapag nasa bahay na ako," paalala ko kay Darcy. Limang buwan na ang nakakaraan ng bumalik ito nang bansa.
"I know, pero hindi ako tumawag para sabihing gusto sana kitang makita," dinig niya ang mahina pero malambing nitong tawa. "Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya. I felt sorry for her though, kaya better na sabihin mo ang tungkol sa annulment. Ayaw ko rin naman na matawag na home wrecker just in case," payo nito.
"Come on, it won't happened. Sasabihin ko rin kay Ayena." Pagkabangit ko lang sa pangalan nito nairita na naman ako. Dahil mula kung saan naglaro sa isipan ko ang malamig nitong titig sa akin. Sukat doon ay napabuntong hininga ako.
"Ethan, magiging soon to be President ng bansang ito ang Dad ko. Kaya sa tingin ko mas better na ako ang maging asawa mo. We could build the empire we've been dreaming of back them. You and I, right?"
"I know honey, magiging maayos rin ang lahat. Tutuparin ko ang pangarap mo. I promise."
"Okay, may project ulit ako sa Paris, and this will be the last. Kaya sana mas madalas tayong magkasama, habang nandito pa ako. I mean... can I visit you often," malambing na paki-usap nito.
"Well, we can schedule the visit," sagot ko dahil sa utak ko may munting usig nang konsensya na pilit kong iniignora.
Hindi naman ako dapat maguilty. Pero hindi ako kasing sama ni Ayena. She lied to my face and pretend innocents and kind. Pero sa likod nang maamong mukha at ngiti nito, she was a fake.
All fake.
"Sige. Ahm gusto kong sabay tayong maglunch bukas. Isama mo ang assisstant mo para hindi naman mukhang date diba."
"I'll call you kapag wala akong meetings ayaw kong mag-antay ka."
"Okay, bye honey. I love you.," masiglang paalam nito.
"I love you," walang gatol na sagot ko.
"I LOVE YOU," napaa-atras ako dahil sa boses na iyon ni Ethan. May pait na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ilang ulit kong sinabi sa sarili kong magiging okay ako pero heto hindi ko pa rin mapigilang mapaiyak na lang. Dahil sa napakalambing na paraan nito sa pagsasabi nang mga salitang iyon sa babaeng kausap nito.
Tumingala ako para pigilin ang luha ko. I can't let him see me cry at lalong hindi nito dapat malaman na alam ko na ang lahat.
Inayos ko ang sarili ko saka ko itinulak ang pinto. Kita kong nagulat pa si Ethan sabay baba ng phone nito. Na parang takot na mahuli nang asawa. May emosyong dumaan sa mata nito pero hindi ko alam kung para saan.
Malayong dahil sa guilt. He won't lied and cheat on me kung may konsensya siya.
Kung bakit naman kasi nakalimutan kong kumuha ng damit pantulog bago umalis. Tuloy-tuloy lang akong naglakad patungo sa closet ko. Mas maliit iyon kaysa sa closet ni Ethan. Pero hindi naman ganun kadami ang mga damit ko kaya hindi na ako nagreklamo. Sapat naman na 'yon para sa akin.
Kumuha lang ako nang pajama. Pero nagulat akong naroon si Ethan sa may pinto ng closet. Kita kong paggalaw nang panga nito.
"Talaga bang sa guestroom ka matutulog?" tanong nito sa malamig na boses. The same Ethan I knew.
Hindi tulad nang paraan nito nang pakikipag-usap sa phone. And he even say I love you, na parang natural na bagay lang iyon dito. Samantalang ako ang simpling I miss you hindi ko man lang narinig mula kay Ethan.
"Oo." may diing sagot ko. "Mas gusto mo nga 'yon diba?" gusto ko sanang idagdag.
"May kailangan akong sabihin, let's talk," mautorisadong utos nitong nagpakabog nang pintig ng puso ko.