Kabanata 7

1306 Words
Never let your past experiences harm your future. Your past can't be altered and your future doesn't deserve the punishment. - - - Nang umakyat si Pam sa silid na ginagamit niya ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang silid na muli na namang nagpa kaba sa kanya bakit ba bumalik na naman ang takot niya sa dilim. kinakapa niya ang switch nang ilaw kaya bumaha ang liwanag sa paligid. Pagod na naupo siya sa kama paharap sa salamin na nakaharap sa kamang inuupuan niya, at pinagmasdan ang sariling repleksyon napangiti siya na may luha sa mga mata. kay tagal na nang huli niyang pagmasdan ang buong kabuuhan niya, at napagtanto niyang nag iba na nga siya na talagang naglaho na ang Pam na kilala ni brix noon mapait siyang napangiti. Napapikit siya at umusal nang munting panalangin. "Alam ko po wala akong karapatan na humiling o humingi nang kahit ano man sa iyo dahil sa kasalanan ko. akala ko nakalimutan ko na iyon na bahagi na lamang iyon nang nakaraan ko, bakit po parang bangungut na bumabalik na naman sa akin ang lahat. matagal na panahon ko na po iyong pinagdusahan, matagal na panahon na akong nabubuhay sa takot. Kaya nakikiusap po ako na sana po tulungan niyo ako ayaw ko pong mabuhay sa dilim sa nakaraan. tulungan niyo po akong harapin ang takot ko at kalimutan ito, kahit naririndi na kayo sa paulit ulit na paghingi ko nang tawad pero humihingi pa rin ako nang tawad sa nagawa ko. alam mong hindi ko iyon sinasadya kaya sana po gabayan niyo ako at ituro niyo sa akin kung ano ang tama at mali kaya nanalig ako sa iyo at naniniwala ako sa iyo Panginoon." Marahang pinahid ni Pam ang mga luhang nag uunhan sa pagpatak sa mga pisngi niya at pinilit ang sarili na matulog. Siguro dala na rin nang pagod niyang isip ay nakatulog siya agad subalit nasa kalagitnaan at himbing na siyang tulog nang bigla siyang magising at hindi siya makahinga na parang may sumasakal sa kanya. At nasindak siya sa kadilimang sumalubong sa kanya at isang anino ang lumitaw sa pinto na humakbang patungo sa kinaroroonan niya, kaya napasigaw siya nang hawakan nito ang paa niya pinag sisipa sipa niya ito at patuloy siya sa pagsigaw hanggang ang sigaw niya ay nauwi sa iyak na parang iyon na lang ang magagawa niya nang mga sandaling iyon. At nang biglang lumiwanag at doon ay nakita niya ang mukha ni brix. Agad siyang dinaluhan nito at mahigpit na napayakap doon si pam bakit ba ayaw siyang tantanan nang mga ito bakit ba ayaw siyang tigilan nang mga ito. Pina inom siya nang tubig ni brix at nang mahimasmasan ay bumalik sa pagkakahiga at niyakap ang sariling katawan. "Binabangongot ka na naman Pamela sige na bumalik ka na sa pagtulog alas dos palng nang madaling araw" akmang papatayin na ni brix ang ilaw nang mapasigaw si pam. Kaya iniwan ito ni brix na naka bukas ang ilaw tsaka lumabas nang kwarto. .... ala singko na pala nang umaga agad siyang nag ayos nang sarili namili siya sa damit ni yohanna isang simpleng plain white blouse at isang shorts nito. Nakita niya agad si manang pag pasok sa kusina na abala sa pagluluto katulong nito si Mona at lelay na naka uniporme nito at kasalukuyang pinapagalitan ni manang. "Goodmorning po.."bati niya sa mga ito, inirapan lang siya ni Mona at nilingon siya ni manang at nginitian. "O bat ang aga mo yatang nagising dapat nagpahinga ka muna" ani nang matanda na ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hwag kayong mag alala manang sanay po ako sa pagod tsaka sanay na din po iyong katawan ko sa paggising nang maaga, kailangan niyo po ba nang tulong?" Lumapit si pam sa mga ito at tiningnan kung ano ang kanilang ginagawa. "Iha marunong ka bang magluto nang menudo?" Tanong nang matanda "Opo...sino pong kakain nang menudo" "Si brix iyon kasi request niya kagabi." Ani nang matanda na nagsisimula nang mag gayat nang gulay. "Menudo po umagang umaga naku manang, ako na pong magluluto may rekado po ba tayo nang chopsuey?" Tanong niya at tiningnan ang mga gulay na naroon. "Meron iha bakit?" "Iyon po ang lulutuin ko dapat gulay ang kinakain niya hindi iyong karne umagang umaga menudo ang kakainin niya" "Naku iha baka mapagalitan ka non iyon pa naman ang bilin niya kagabi." Nag alalangan na saad nang matanda. "Hwag kang mag alala manang akong bahala" "O siya sige maiwan nakita dito puntahan ko lang si lelay at hahabilinan ko bago pumasok sa paaralan, ikaw Mona tulungan mong maggayat si Mam Pam mo nang gulay pagkatapos ayusin mo na iyong dining."bilin nang matanda bago lumabas nang kusina. "Pabida..."mahinang bulong ni Mona tsaka nagsimulang maghiwa nang gulay hindi nalang ito pinansin ni Pam. Natapos niya nang lutuin lahat isang ginisang kanin chopsuey at fried egg and ham lang ang niluto niya. Naayos na din ito ni Mona sa mesa ang pagbaba na lang ni kamahalan ang hinintay nila naroon na din ang kape nito. Nililinisan na lang niya ang mga ginamit niya sa pagluluto nang marinig niya ang pagsigaw ni brix mula sa komedor. "Pamela..."malakas na tawag nito sa kanya kasunod non ang pagpasok ni Mona sa kusina na namumutla. "Tawag ka ni sir ikaw kasi masyado kang pabida sinabi nang magagalit si sir kapag hindi nasunod ang gusto niya ipinagpilitan mo pa rin ang gusto mo siya ang amo dito hindi ikaw"galit na saad ni Mona. Muling siyang tinawag ni brix at sa gulat niya nabitawan niya ang hawak na baso at nabasag at sa kamalas kamalasan pa niya sa paa niya ito nahulog at nabasag. Napa igik siya sa sakit agad na dumugo ang paa niya sa sugat. Nataranta si Mona dahil nakita nito ang pagdugo nang paa niya agad nitong tinawag si manang bago pa dumating ang mga ito ay magkasunod na pumasok sina brix at sila manang sa loob. "Anong nangyari?" Agad na inilalayan siya ni brix paupo hindi agad nakasagot si pam. "You... get the medicine kit"turo nito kay Mona na agad tumalima nilinis naman ni lelay ang mga bubog na hindi pa nakaalis, kumuha naman si manang nang tubig para ipainom sa kanya. "Ano bang nangyari iha" "Sorry manang nadulas po kasi sa kamay ko kaya nahulog" hinging paumanhin ni pam matapos siyang painomin nang tubig nito. Agad na inabot ni Mona kay brix ang gamot. At ang walang hiya agad nitong binuhusan nang alcohol ang sugat niya kaya napadaing siya sa sakit at agad niyang sinabunutan ang buhok ni brix sa sobrang inis niya dito. "Hindi ba uso sa iyo ang dahan dahan" galit na saad niya dito. "Bitawan mo nga buhok ko iyan kasi pandak ka na nga tatanga tanga ka pa." Busangot na mukha ni brix at tinanggal ang kamay niya mula sa ulo nito. "Hindi ako tanga kasalanan mo to kung hindi ka sumigaw kanina hindi ako magugulat, at hindi iyon madudulas sa kamay ko." "Tss... o iyan tapos na pasalamat ka maliit na sugat lang ang tinamo mo." Muntik pang mapa tili si Pam nang bigla na lang siyang buhatin ni brix at dinala sa hapag kainan. " kumain ka na Kaya kita tinawag kasi sabi ni Mona ikaw daw ang nagluto at ikaw din daw nagsabi na iyan ang lutuin eh hindi naman niyan ang ipinaluto ko." Sermon ni brix sa kanya. "Ang arte... pasalamat ka nga may pagkain ka pa atsaka almusal mo talaga menudo? Dapat mga ganito ang kinakain mo gulay masustansya iyan." Sagot ni pam na kinuha ang lalagyan nang chopsuey at saka niya nilagyan ang plato ni brix. Aangal pa sana si brix nang pandilatan ito nang mata ni Pam. -YajNna20? Ps baka malito kayo bakit paminsan minsan brix or yohann ang twag sa kanya nasanay ksi c Pam na brix ang twag niya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD