"Broken dreams are not the end of the road. They are the beginning of new dreams and a new direction in life. You just need to be strong enough to take the first step."
- - -
Pam
Magkahalong kaba at lungkot na masaya ang nararamdaman ni pam nang makarating sila sa bahay na tinitirhan ni brix ang tahanan na minsan ay naging malaking bahagi nang kanyang buhay.
Para siyang itinirik na kandila na unti unting nauupos sa muling pagdagsa nang mga alaala nang nakaraan niya.
Hindi siya makalakad para siyang naparalisado na hindi maihakbang ang mga paa, nauna nang pumasok si brix kasunod nito ang driver na bitbit ang gamit nang amo.
Inilibot niya ang paningin sa kabouhan nang bahay naroon parin ang malawak at malaking garden ni mama Yoona o tama pa ba na tawagin niya itong mama o ma’am?.
Muling bumalik sa isip ni Pam ang eksena sa garden noong nasa highschool pa lang siya na kasalukuyan silang naghahabulan ni Yohanna nang aksidenteng mabangga niya si Brix at natapon ang juice nito sa librong binabasa nito na halos isang linggo din siyang hindi pinansin nito sabagay hindi naman talga suya pina pansin nito noon pero dahil bata siya at likas na sa kanya magpapansin dito.
Naroon iyong nadapa siya at nagkasugat sa tuhod na si Brix pa mismo ang gumamot sa kanya.
Natigil sa pagbabalik tanaw si Pam nang may pumitik sa noo niya.
"Na sa ibang daigdig kana ba? Kanina pa kita tinatawag hindi ka ba nakikinig sabi ko pumasok ka na at umaambon kagagaling mo lang sa hospital"yamot na saad ni brix.
"Ang ganda pa rin nang bahay niyo sir ganoon pa rin ang ayos mula nang huli kong punta dito nakakamiss naman"naiiyak na saad ni pam.
"Namiss mo naman pala, bat hindi ka bumalik o kayay bumisita man lang."
Mahina at dinig naman ni pam ang bulong ni brix.
"Paano ako babalik kung iniligaw ako mismo nang kapalaran? ang kapal ko naman siguro kung iniligaw na nga ako ay magpipilit parin akong bumalik kahit hindi na dapat" Mataling hagang hayag ni pam.
"Ang arte mong pandak ka Halika na nga may inihandang pagkain si manang diday pumasok na tayo para makapag hapunan na tayo at nang makapag pahinga ka na" ani ni brix saka siya hinila papasok napabuntung hininga nang malalim si pam.
Pagpasok nila sa loob ay agad na bumungad sa kanila ang driver kanina dalawang babae na hindi nalalayo sa edad niya ang isa at isang dalagita at ang nakangiti at pamilyar na mukha nang matanda.
Ibinuka nito ang braso na pra ina anyayahan siya para sa isang mainit na yakap agad na niyakap ni pam ang matanda hindi niya napigilan ang maluha.
"Kumusta ka na iha ang tagal na nong huli nating kita." Hinahaplos ni manang ang likod niya.
"Namiss ko po kayo manang buti po nandito pa kayo."
Pinahid ni pam ang mga luha matapos niyang kumawala sa yakap nang matanda.
"Iyan nga iha iyong yoona ipinamana ang serbisyo ko kay yohan" nakangiting hayag nang matanda bakas sa mukha nito ang saya.
"Oh siya tama na ang iyakan kumain na kayo para makapag pahinga ka na sabi ni yohan mahaba daw ang ibiniyahe niyo saan ka ba nanggaling at di ka namin na hanap."
nauna na si brix sa mesa.
"Mahabang kwento manang at baka kapag ikinuwento ko pay magka iyakan pa tayo"
Nakangiting saad ni pam inakbayan siya nang matanda at iginiya papasok sa loob.
"Siya nga pala pam ito si lelay apo ko at ito naman si Mona kasama ko dito kung may kailangan ka pwede mo silang utusan" pagpapakilala ni manang sa mga ito.
Sumunod naman ang dalawa sa kanila nginitian niya ang mga ito gumanti naman nang ngiti ang dalagitang si lelay sa kanya na halatang batang bata pa.
Subalit iyong isa si Mona ay sinimangutan at inirapan lang siya na ipinag kibit balikat niya lang.
Matapos sa pagkain ay agad tumayo na si brix at pumasok sa library na may opisina nito, inihatid siya ni manang sa taas.
"Manang doon na lang po ako sa kwarto niyo matulog kahit sa papag na lang po."
"Bakit doon ka matutulog eh marami namang bakantemg kwarto dito sa bahay atsaka utos ni brix na dito ka patulugin, iyang katabing pinto iyan parin ang kwarto ni brix."ani ni manang bago binuksan ang pinto namangha si pam sa napaka garbo kwarto.
"Iha may mga damit dyan si yohanna na hindi pa niya nagagamit nasa loob nang closet magkasukat naman kayo gamitin mo na lang o siya sige na baba na ako at nang makapag pahinga ka na kung may kailangan ka nasa baba lang ako."
"Salamat manang."
Pagkalabas nang matanda ay inilibot muna pam ang tmga mata sa loob nang kwarto lahat nang makikita mo roon ay pawang karangyaan hindi nababagay sa basurang kagaya niya.
bakit dito siya pinatuloy ni brix pwde naman siya sa baba.
Pumasok siya sa banyo at naglinis nang katawan kumuha siya nang isang set nag PJ ni yohanna at tama si manang magkasukat nga silang dalawa. Hindi na kasi siya pinadala pa ni brix nang mga damit at ibibili na lamang daw siya dito.
Kumusta na kaya sina yohanna dalaga na ito tyak at siguro ang ganda ganda na nito na cucutan pa naman siya rito noong bata pa ito.
Sobrang nabibilisan si pam sa mga pangyayari, kahapon lang ay nasa bohol pa lang siya at ngayon nga ay nasa maynila na siya.
at nakatira sa isang magarang bahay di napigilan ni pam ang gumiling giling sa malambot na kama na miss niyang humiga sa ganitong kama mula kasi nang iwan niya ang maynila ay sa papag na siya natutulog.
Di pa siya nakuntento sa paggiling giling sa kama tumayo pa siya at tumalon talon na animo isang batang paslit.
atsaka natawa sa pinag gagawa niya nang kung may makakita sa kanya baka akalaing nababaliw na siya. sabagay mag isa lang naman siya sa kwarto pumasok kasi sa trabaho si brix may importanteng meeting raw ito.
Ilang saglit lang ang kaninang saya ay napalitan nang ibayong lungkot at ang tawa niya ay napalitan nang hikbi dahil sa pangungulila sa lolo at lola niya.
Mabilis na pinalis ni Pam ang mga luhang nag uunahan sa pagpatak sa mga pisngi niya. Naisip niya ang puntod nang mga magulang niya at lolo't lola niya.
Kung magpapasama kaya siya kay brix para dalawin ang mga ito sasamahan kaya siya? Iyon kasi ang ipinangako niya sa sarili noon na kapag nakaluwas siya nang maynila ay ang pagdalaw sa mga ito ang una niyang gagawin.
dahil sa naisip ay sobrang na excite siya dahil sa paglipas nang maraming taon nandito na siya maari niya nang mabisita ang mga ito.
hindi namalayan ni pam dahil sa kakaisip niya ay nakatulog siya nagising lang siya nang makarinig siya nang mga yabag na palatandaan na may tao kaya napamulat siya.
Pupungas siyang bumangon at sumalubong sa kanya ang madilim na silid agad na nilukob nang kaba ang dibdib niya nang unti unting papalapit sa kanya ang isang anino nang tao nang biglang hilahin nito ang mga paa kaya napasigaw siya.
"Hwag....maawa ka hwag lumayo ka.." Sigaw at iyak ni pam at pinatid sa mukha ang lalaking humihila sa kanya.
Pero animo demonyo ang naturang lalaki na at bingi bingihan sa pagmamakaawa niya.
"Pamela gumising ka." Nagising si pam sa isang malakas na yugyog sa mga balikat niya agad siya napa balikwas sa pagbangon at nang makita si brix ay agad siyang yumakap dito nang mahigpit para maibsan ang takot at nanginginig na katawan.
"Anong nangyayari sa iyo?"
"Wa...la nanaginip lang ako nang pangit" kandautal na pahayag ni pam na hindi parin bumibitiw sa pagkakayakap sa binata.
"Mukhang nakakatakot ang panaginip mo dahil hanggang ngayon nanginginig ka pa rin, sya nga pala hindi ka raw bumaba para maghapunan sabi ni lelay kaya ka siguro binangungot dahil natulog kang walang laman ang tyan mo."
Hindi kumibo si pam at dahan dahang bumitaw mula sa pagkakayakap dito.
Tumayo si brix mula sa pagkakasampa sa kama at inalalayan siyang tumayo muntik pa siyang matumba kung hindi lang naging maagap si brix.
"Okey ka lang ba talaga Pamela? Baka may dinaramdam ka pa sabihin mo na para mapatingnan kita sa doktor."
"Okey lang talaga ako baka gutom lang to." Palusot ni Pam.
Matapos kumain nang hapunan nina pam at pumasok sa loob nang library si brix dahil may i rereview daw itong mga papeles pinili ni Pam ang magpahangin sa labas nang bahay na may ibat ibang uri nang halaman at mga bulaklak.
Naupo siya sa isang mahabang upuan na naroon.
Agad niyang pinagmasdan ang maliwanag na kalangitan na nagpapahiwatig nang katiwasayan at ang mga nagkikislapang bituin na parang nangangako na isang maliwanag na buhay para sa kanya.
Napabuntung hininga si pam at agad na pinahid ang mga luha na nag uunhan sa pagpatak.
Matagal na nangyari iyon bakit dinadalaw naman siya sa panginip niya ang pangit na nakaraan niya.
Nakalimutan niya na iyon matagal niya na iyong ibinaon sa limot bakit unti unti na namang pinaalala sa kanya.
Bakit naroon pa rin iyong takot niya bakit ba hindi siya makausad at kalimutan na lang iyon nang tuluyan bakit parang pelikula na nagpa balik balik sa utak niya.
Minsan hindi niya maiwasang tanungin ang nasa taas kung hanggang saan niya dadanasin lahat ang hirap niya kailan ba kikislap ang bituin niya at lumiwanag ang buhay niya kailan ba siya sasaya kailan ba siya ulit ngingiti na walang iniisip na kahit ano kailan ba siya ulit tatawa dahil sa saya parang habang buhay naman atang parusa ang ginawad sa kasalanang nagawa niya nang hindi sinasadya.
Minsan napapagod na siya sa buhay niya na walang direksyon na kahit anong gawin niya susundan at susundan pa rin siya nang nakaraan para bang kakabit na iyon nang buhay niya na kailangan niyang harapin pero paano naman niya haharapin ito kung siya mismo takot itong harapin.
Paano siya uusad sa buhay kung takot ang papairalin niya pero paano naman niya ito haharapin sinong kakapitan niya para labanan ang takot niya.
"Ma'am pinapasabi po ni sir na pumasok na daw po kayo sa loob at malamig na daw po dito sa labas baka daw po magkasakit na naman daw po kayo." Pukaw ni lelay sa kanya agad niyang pinahid ang mga luha saka nakangiting nilingon si lelay.
"Halika muna dito... lelay di ba? Samahan mo muna ako sandali lang" lumapit naman ito sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Nakita mo ba iyon lelay?"itinuro niya ang isang bituin na hindi kumikislap tumango naman si lelay.
"Alam mo bang parang ako lang iyan lelay na maliwanag sa gitna nang dilim pero iyong liwanag niya ay walang kislap walang ningning kumbaga buhay nga ako pero para naman akong patay na nabubuhay lang dahil pinilit mabuhay ganyan ako lelay napaka dilim nang buhay ko."
Napakamot si lelay sa ulo niya dahil hindi nito maintindihan ang ibig ipahiwatig niya.
Natawa si Pam sa reaksyon ni lelay.
"Sorry mam hindi ko po naintindihan ang sinabi niyo"saad nito na binigyan siya nang tipid na ngiti.
Ginulo niya ang buhok nito.
"Ilang taon ka na ba lelay?"
"16 lang po ako mam iskolar po ako ni sir"
"16 ka lang pala, kaya pala hindi mo pa maintindihan ang tunay na kahulugan nang buhay, ate na lang tawag mo sa akin hindi mo naman ako amo para tawagin mo akong mam" nakangiting saad niya dito.
"Nakakahiya naman po bka magalit po si sir atsaka asawa niya po kayo kaya amo na din po namin kayo."
"Kahit na sige ka magagalit ako sa iyo kapag tinawag mo akong mam"
Muling napakamot sa ulo si lelay at napakunot noo pa na parang pinag iisipang mabuti kung susundin ba ang gusto niya.
"Sige na nga po ate." Saad nito na ikinangiti ni pam at muling ginulo ang buhok nang dalaga.
"May tanong ako sa iyo lelay, ikaw para kanino ka ba gumigising sa araw araw?"
Natawa pa si lelay sa tanong niya.
"Ano to ate nescafe commercial lang ang peg?"saad nito na hindi napigilan ang matawa.
"Seryoso ako lelay" naka taas kilay na sabi niya dito.
Nag peace sign pa ito.
"Ang seryoso mo naman kasi ate kasi ganito iyon syempre gumigising ako sa umaga para tulungan si lola diday sa paghahanda nang almusal niyo ni sir kasi takot ko lang makurot sa singit ni lola masakit kaya iyon sobra"
napa iling si pam sa sagot ni lelay at di niya napigilan ang matawa dito, natigil sila sa pagkwekwentuhan nang may tumawag sa kanila mula sa ikalawang palapag nang bahay.
sabay sila ni lelay na napalingon doon at nakita nilang nakatayo doon si brix.
"Kayong dalawa gabing gabi na nagtsitsimisan pa kayo, ikaw lelay maaga ang pasok mo bukas matulog kana at nang tumangkad ka,
at ikaw pamela umakyat ka narin dito at magpahinga narin hindi ko matapos tapos ang ginagawa ko dahil sa ingay niyong dalawa."
saad ni brix tsaka sila tinalikuran pareho pa silang natawa ni lelay at parehong nakangiting pumasok sa loob.
Agad na humiga si pam at nina namnam niya ang napakalambot na kama dala nang pagod agad siyang ginupo nang antok hindi niya na namalayan ang pagpasok nang isang nilalang na inayos ang pagkakahiga niya at ang comforter niya.
Hinahaplos pa nito ang pisngi anng walang malay na si pam inayos ang hibla nang buhok na tumatakip sa mukha niya.
Bago ito lumabas ay hinalikan pa siya nang pangahas na nilalang sa noo bago nito pinatay ang ilaw at lumabas.
- - -
Thank's GOD nakapag update na rin enjoy reading pasensya na sa upadate ko magulo gulo buhay kasi ni author.
Thank you
GOD Bless us
I ? u all..
-YajNna20