"Be strong now because things will get better; it might be stormy now but it can't rain forever."
- - - -
'Pamela'......
'Pam bilisan mo baka mahuli tayo ni kuya lagot tayong dalawa.' Mahinang bulong nang batang si Yohanna sa kaibigang si Pam.
Umakyat kasi sila sa puno na malapit sa pader nang bahay ng mga Jimenez para maka punta sakabilang bakod sa bahay ng mga Salvacion kung saan naroon ang crush ni yohanna na si Francis..
Mahigpit kasing ipinagbabawal ni brix ang pag akyat nila sa roon para makapunta sa bahay nina Francis, baka daw mahulog sila at mabalian pero ayon kay yohanna hindi naman daw iyon ang totoong dahilan kaya ayaw silang paakyatin doon ng kuya niya kasi mismong si brix doon din dumadaan kapag pupunta kina francis na kaibigan din nito at kaklase nilang dalawa.
Ayon kay yohanna may gusto daw sa kanya si francis kaya offlimits sila sa kabilang bahay pati daw ito nadamay sa pagiging overprotectiveat pagkaseloso ng kuya niya kahit crush ni yohanna si francis at may pagtingin din ang binata sa kanya ay okey lang sa kaibigan niya kasi alam naman daw nito na loyal siya sa kuya niya.
"Magpapakain talaga ako besh...kahit wala akong pambili nang pagkain kapag totoong nagseselos si brix pero mukhang malabo pa sa paningin nang lola ko ang pagtingin na sinasabi ng kuya mo sa akin" nalungkot si Pamela dahil alam niyang walang magiging katugon ang pagtingin niya sa supladong binata na si brix.
_ _ _
-Nagising si Pam dahil sa sakit na nararamdaman napa daing siya sa di maipaliwanag na pakiramdam niya na para bang namamaga ang buo niyang katawan.
Nang maalala niya ang pananakit na naman nang tyuhin niya, dahan dahan niyang iminulat ang mga mata puting kisame at paligid ang sumalubongsa kanya.
panigurado na sa hospital siya at panigurado dagdag na naman to sa mga bayarin niya.
May tumikhim sa gilid nang kama niya kung saan naroon ang lalaki na naka upo, sumalubong sa kanyang paningin ang magkahalong galit at pag alala sa mukha ni Brix? Bakit naroon ang lalaki anong ginagawa nito roon.
"Tu...big" mahinang bulong niya sa malat na boses, agad naman itong kumuha at inalalayan siya nito.
nilagyan nito ng straw ang baso dahil siguro sa maga nang labi niya tyak mahihirapan siyang uminom.
kukunin niya na sana ang baso mula dito nang iiwas nito iyon sa kanya, at ito na mismo ang nagpainom sa kanya naubos niya ang isang basong tubig, naibsan ang tuyo nang lalamunan niya at nakahinga siya nang maluwag.
Muli nitong inayos ang pagkakaupo at itinaas ang itaas na bahagi ng kama niya.
may kinuha ito sa may mesa sa loob pagbalik nito ay may dala na itong umuusok na sopas.
Akmang susubuan siya nito nang pigilan niya.
"Hindi naman nadurog iyong mga kamay ko kaya ko pa naman sigurong suboan ang sarili ko" hindi niya maiwasang hwag mainis dito oo nga marami siyang pasa pro di naman siya embalido na kailangan pa suboan.
At higit sa lahat ayaw na ayaw niyang kinakaawaan siya.
Pero ganon talaga kung matigas ang ulo niya mas matigas ang ulo nito.
"Kailangan mo pa nang lakas kaya kahit hawakan mo iyang kubyertos di mo magagawa, now open your mouth " walang nagawa si pam alam niya kasi na tama ito ramdam niya pa kasi ang panginginig nang mga kamay niya siguro dahil walang laman ang tyan niya.
Walang salitang sinubuan siya nito na hindi niya natanggihan dahil talagang nagugutom na rin siya, Panaka nakang sinusulyapan niya si Brix na mababakasan nang galit ang pagkaseryoso ng mukha.
Galit para kanino? Para ba sa kanya at paano nito nalaman kung saan siya nakatira nang maalala ang nangyari kaninang umaga ay di niya napigilan ang maluha at matulala.
Dahil sa pagkatulala at pag agos nang masaganang luha sa mga mata niya ay napatigil sa pag subo si Brix sa kanya at inilagay sa isang tabi ang hawak nitong mangkok at agad na pinunansan ng mga daliri nito ang ang pag uunahan ng pagpatak ng luha niy.
Wala ni isang salita na maririnig sa kanilang dalawa ni brix tanging mga hikbi lamang niya ang maririnig sa loob nang kwarto wala ni isang tanong ang binata sa kanya, baka alam na nito ang nangyari sa kanya tyak sa yaman at kapangyarihan meron ito ay nagsagawa na ito nang sariling imbestigasyon.
At mas lalao siyang nasaktan at naiyak dahil tyak alam na nito kung saano ka misarable ang buhay niya.
Patuloy lamang ito sa pag alo sa kanya at sa pagpunas ng mga luha niya.
Sa loob nang mahigit sampung taon ngayon lamang siya umiiyak na parang bang lahat nang sakit at hirap na kinimkim at inipon niya sa dibdib ay mabawasan sa pamamagitan nang paghikbi at pagluha niya.
kahit papaano ay maibsan ang dinanas niya sa pamilya nang tyahin, parang ngayon pa lang niya nararamdaman ang hirap at pagod sa mga bisig nitoy napa iyak siya sa mahigpit na yakap nito na ipinagkaloob sa kanya na para bang sinasabi nito na nandoon lamang ito at hindi na nito hahayaang masaktan siyang muli.
Pero ayaw man niya pero kailangan niyang lumayo sa binata, ayaw niyang madamay pa ito sa magulo niyang buhay.
ayaw niyang dumating ang panahon na sisisihin siya nito at maging nang mga magulang nito.
tama nang siya ang masaktan at mahirapan total sanay na din na naman siya.
Nang mahimasmasan ay agad siyang kumawala sa mga yakap nito pinahid niya ang mga luha, hindi niya alam kung bakit sa tagal nang pananakit nang tyuhin sa kanya ngayon pa siya umiyak.
dapat manhid na siya dapat hindi na siya nakakaramdam nang kahit na anong sakit, dapat sanay na siya sa mga pananakit nito. pero bakit sa isang yakap lang ni brix ay bumalik lahat sa kanya ang mga hirap na dinanas niya.
akala niya na kaya na malakas siya, na hindi niya aakalain na darating ang araw na makakaramdam siya nang pagod at sakit pero matibay pa rin ang paniniwala at pananalig niya sa poong maykapal na ang lahat nang mga dinanas niya lahat nang mga pagsubok na ibinigay nito ay may dahilan at naniniwala siya na darating ang araw na may tatanggap at magmamahal sa kanya nang wagas at totoo.
Nang mahimasmasan at gumaan ang pakiramdam ni Pam ay agad siyang kumawala sa mga braso ni Brix at ilang minuto silang naging tahimik at nagpapakiramdam nang may kumatok at nagbukas nang pinto isang naka pormal na suot ang lalaki ang pumasok at basi sa tindig nito ay mapaghahalatang isa itong abogado.
"Magandang araw Mr.Jimenez nagawa ko na po ang ipinag uutos niyo nasa kulungan na po si Mr.Morales at hinihintay na lamang po kung anong kaso ang isasampa dito." Bungad nang lalaki sa kanila na ikinalaki nang mga mata ni Pam.
Tama ba ang narinig niyang apelyedong binanggit nito Morales dont tell me"anang isip ni Pam.
"Sandali Mr.Jimenez ipinakulong niyo ba ang tyuhin ko!?" Tanong niya sa binata na pinagtaasan siya nang kilay.
"Palabasin niyo siya ngayon din"
"And who do you think you are para utusan ako sa dapat kong gawin atsaka dapat lang na managot siya sa ginawa niya sa iyo dapat pa nga magpasalamat ka pa sa akin dahil kung hindi ako dumating malamang nasa kabaong ka na ngayon" galit na saad nito.
"Kahit na tyuhin ko pa rin iyon kawawa naman siya kapag nakulong siya paano na ang mga pinsan ko atsaka sila na lang pamilya na mayroon ako kaya please nakiki usap ako sa iyo palayain mo na siya"
"No, sakabila nang lahat nang ginawa niya sa iyo nakuha mo paring magmalasakit sa kanya? Kinaawaan mo ang taong iyon na hindi ka man lang kinaawaan?" saad ni Brix at ibinaling ang atensyon sa abogado.
"Please Brix nakikiusap ako sa iyo gagawin ko ang lahat palayain mo lang siya" naiiyak na saad ni Pam kahit puro paghihirap ang dinanas niya sa mga kamay nang tyuhin ay di niya pa rin maatim na ipakulong ito kahit kagaspangan nang ugali ang ipinakikita nito sa kanya mahal niya ito at itinuturi na pangalawang ama.
"Talaga gagawin mo lahat para palayain ang tyuhin mo. Sige papayag ako but in two condition" naroroon nag mapaglarong ngiti sa labi.
"Sige ano iyon?" Nakayukong saad ni pam.
"You will come with me in manila and lets get married" seryosong saad ni Brix na ikinagulat ni Pam.
"What? Ano bang tinira mo kanina at kung ano anong lumalabas dyan sa bibig mo" saad ni pam na hindi makapaniwala sa pahayag ni Brix.
"Im serious Pamela take it or leave it?"
"bakit ba iyang pa ang kondisyon iba na lang ang hingin mo”
“Kung ayaw mo eh di dalawin mo na lang sa kulungan ang tyuhin mo”mayigas na saad ni brix.
“Ano bang problema mo brix ano bang maukuha mo sa akin pag pinakasalan mo ako?”
“Marami” tiim bagang saad nito.
“As if naman may choice ako? Okey fine sasama na ako sa iyo sa manila pero hindi mo naman ako kailangang pakasalan magtratrabaho na lang ako sa iyo."
"No,kapag pumayag ka sa condition ko na sumama sa akin ibig sabihin non pumapayag ka rin na magpakasal sa akin. O ano Pam sasama kabasa akin sa manila at papakasalan ako? o ang makulong ang demonyo mong tyhuhin"
"Ok fine sasama na ako sa iyo at magpapakasal basta palabasin mo na si tyong sa kulungan."
"Ok then.. it settle, attorney call the precinct kung saan naka detained si Mr.Morales at palabasin na ito at akin na iyong papers na ipinagawa ko sa iyo."
Binuksan nang abogado ang attache case na dala nito at may mga papeles na inilabas at ibinigay kay brix pinasadahan lang ito ni Drix nang tingin atsaka ibinigay sa kanya.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ni Pam.
"Pirmahan mo"
Napamura nang wala sa oras si Pam nang mabasa niya ang nilalaman nang papel na isa palang marriage contract.
Dahil walang magawa si Pam at gusto niyang makalaya agad ang tyuhin niya at agad niyang pinirmahan ang papel naglalaman at nagpapatunay na siya na isang simpleng babae walang maipagmamalaki sa buhay ay asawa nang isang business tycon na si Yuan Felix Jimenez.
At hindi niya alam kung ano ang naghihintay na kinabukasan sa kanila kung saan isa lamang lihim na sila ay mag asawa na walang sino man ang makaalam na siya ay asawa ni brix kahit pa sa mga magulang nito isa iyon sa mga kondisyon na ibinigay ni brix sa kanya.
GOD BLESS US ALWAYS!