Kabanata 4

1173 Words
- - - - Nagising Pam sa hindi pamilyar na silid agad niyang pinasadahan nang tingin ang paligid nang naturang silid, at naroon sa isip ang katanungan kung nasaan siya nang maalala niya ang muli nilang pagkikita ni brix. Nang maalala ang lalaki ay agad siyang napabangon sa napakalambot na kama. Madilim pa sa labas nang silipin niya iyon mula sa bintana sa silid na kinaroroonan niya, at ayon sa mumurahing relo na nasa bisig niya ay alas kwatro palang nang madaling araw. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at pinakinggan muna ang paligid ayaw niyang magising si brix kung saan man ito natulog ayaw niyang malaman nito ang pag alis niya. Tahimik ang nagsisilbing sala nang naturang hotel, nahagip nang mata niya ang namamaluktot sa isang may de kalakihang sofa ang pigura nang isang lalaki na sigurado siyang si brix. Dahan dahan siyng lumapit dito at pigil ang kamay para haplusin ang napaka amo nitong mukha. Hindi parin nabago ang itsura nito gwapo pa rin ito tulad noon, pero di tulad noon na patpatin at totoy na totoy pa ito noong huli niya itong makita. ngayon ay may laman na ang katawan nito kung dati gwapo na ito ngayon naman ay kulang ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaki. Nang mapansin niyang giniginaw ito ay agad siyang pumasok sa silid na pinang galingan, at kinuha ang ginamit niya comforter at ibinalot sa lalaki at hininaan ang aircon. Kahit hindi nito sabihin pero alam niya at nakikita niya na malayo na ang narating ni brix ngayon, sigurado siya hindi man sabihin nang lalaki. siguro may sarili na itong negosyo at matagumpay na sa buhay dahil tyak kaya nina papa drix at mama yoona ang pag aralin ito sa magandang paaralan at kaya nila itong bigyan nang magandang buhay na ipinag kait nang tadhana sa kanya. Biglang lumitaw sa balintataw niya ang masayang pamilya nito ang mommy at daddy nito at ang kasing kulit at matalik niyang kaibigan na si yohanna na nakakabatang kapatid nito. Kumusta na kaya ang mga ito sobrang miss na din niya ang mga ito, di niya maiwasang masabik na baka isa sa mga araw na ito ay makakaharap din niya ang mga ito. Pero gustuhin man niyang makita ang mga ito, pero ngayon pa lang ay kailangan niya nang umiwas sa mga ito. ayaw niyang madamay ang mga ito sa kanya sapat nang muli niyang nakita si brix sa mahigit walong taon na hindi sila nagkita. Muli niyang ibinalik ang paningin sa nahihimbing parin sa pagtulog na si brix at binigayan ito nang magaan na halik sa noo. "Sobrang na miss kita, gustuhin ko mang makasama ka maka kwentuhan pero alam ko na ngayon pa lang dapat na kitang iwasan ayaw kong madamay ka sa gulong maaring dalhin nang pamilya ko sa iyo, kung noon kaya pa kitang abutin ngayon wala na ako ni sa kalingkingan nang kamay mo. paalam brix slamat at kahit matagal tayong hindi nagkita ay naalala mo pa rin ako. hanggang sa muli nating pagkikita kung iyon ay ipahihintulot pa nang tadhana at siguro sa mga panahong iyon ay may sarili ka nang pamilya." mahinang bulong ni Pam sa lalaking mahimbing pa rin ang tulog pinahid niya ang mga luha na nag uunahan sa pagpatak. Muli niyang nilingon ang lalaki bago tuluyang lumabas sa silid nito. Nakahinga nang malalim si Pam nang tuluyang makalabas sa naturang silid at nang makalabas siya sa naturang hotel na walang nakapansin sa kanya dahil siguro sa maaaga pa at tulog pa ang mga guest nang naka check in Matagal bago nakasakay si pam kaya matagal din siyang naghintay na may dumaang tricycle. Maliwanag na at sumisilip na ang araw nang makasakay siya Agad siyang nagpahatid sa munting tahanan nila. Naabutan niya ang tyuhin niya na binabato ang mga kalderong wala pang laman. "Bw*sit na buhay to, wala man lang pagkain" sigaw nito na alam ni Pam na lasing na naman at kakauwi lang din siguro nito. "Tyong magluluto muna ako" sabat niya sa tyuhin bago pa maubos nito sa pagbasag ang mga mumurahing pinggan nila na kakabili lang din niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya nito at di niya naiwasan ang kamay nitong dumapo sa pisngi niya. Sapo ang pisngi ay pinigilan niya ang hwag umiyak. "Wala ka na ngang silbi pati ba naman pagluluto di ka pa maasahan kagabi pa ako di nakakin dahil walang pagkain?" Galit na saad nang tyuhin ni pam at muling pinadapo ang isang kamay sa pisngi niya, na siyang ikina putok nang labi niya dahil sa malakas na pagka sampal nito. "Tyong may maluluto naman po dyan pwde niyo naman po sigurong utusan si ate angge para ipagluto kayo" naluluhang saad ni Pam. "Alam mong hindi marunong magluto ang ate mo at sasagot sagot ka pa dyan" pinulot nito ang sandok na kahoy at ipinagpapalo sa kanya. "Tyong tama na po"iyak ni Pam na pilit sinasalag nang mga braso niya ang panghahampas nang tyuhin sa kanya. Kinaladkad siya nang tyuhin palabas nang bahay nila at doon muli siyang hinampas sa hawak nitong kahoy na napulot nito sa gilid. Nagmamakaawa pa rin si Pam sa tyuhin na itigil na nito ang ginagawang pananakit sa kanya. "Iyan para magtanda ka babae ka" sigaw nito na hinahampas at sinisipa pa rin si Pam. "Ano na naman iyan tay tigilan niya na nga iyan ang aga aga ang iingay niyo." Lumabas ang ate angge niya na halata sa mukha na kagigising lang. "Itong babaeng to umaga na to umuwi siguro may lalaki na ito at kung makasagot sa akin akala mo kung sino." "Ano naman kung may lalaki iyan paki mo ba dyan." "Hwag kang maki alam angge kung ayaw mong pati ikaw ay maka tikim din sa akin, isa ka pa" "Tss.. bahala na nga kayo dyan" iniwan sila nang ate angge niya muli naman siyang hinataw nang kahoy nang tyuhin niyang lasing. Walang nagawa si pam kung hindi tanggapin ang bawat hampas nito sa kanya. "Wala ka na ngang silbi malas ka pa sa buhay namin kung hindi ba naman tatanga tanga ang tyahin mo at kinuha ka pa eh preho lang naman kayo non mga walang silbi namatay nat lahat iniwan ka pang malas ka." Muli naman siyang hinampas nito batid ni pam na balot na naman ang buo niyang katawan nang pasa at medyo nagdidilim na rin ang paningin niya. "Tama na tiyong maawa naman kayo sa akin" Pero bingi ang tyuhin niya sa pagmamakaawa niya patuloy pa rin sa pnanakit sa kanya. Hinahanda niya ang sarili sa muli nitong paghampas sa kanya at ipinikit ang mga mata. Pero laking gulat ni Pam nang bigla na lang bumulagta malapit sa kanya ang duguang ilong nang tyuhin at bago siya nawalan nang malay ay isang pigura nang lalaki ang nakita niyang pinagsusuntok ang tyuhin. Ramdam niya na may mga brasong nakapulopot sa katawan niya ramdam niya ang pagbuhat nito sa kanya. Napaluha si pam sa sinapit niya kailan ba siya makakawala sa impyernong kinasasadlakan niya. Thank you guys... I❤u all.. -YajNna20
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD