Forget about all the reasons why something may not work. You only need to find one good reason why it will.
-Yajnna20
- - -
'Pamela'
"Mr.Jimenez?..." ulit ni Pam sa apelyedong nabanggit ni Jesica.
Mataman niyang tinitigan ang lalaki,
May kung anong kaba ang bumundol sa dibdib niya.
kaya pala pamilyar sa kanya ito bigla na lang tumulo ang masaganang luha sa mga mata, nag uunahan sa pagbalik nang mga alaala nang nakàraàn na ibinaon niya sa limot.
kasabay niya sa paglimot sa pinagmulan niya at ang mga taong naging bahagi nang masaya niyang mundo noon.
"what the... and why are you crying?" umiiling si Pam binigyan siya nang nagtatakang tingin ni Brix hinila siya nito papasok sa elevator nang pigilan sila ni Jessica.
"excuse me po sir, sandali lang pero bawal pong pumasok sa loob nang hotel si Ms.Corpus" saad ni Jessica na humarang sa daanan nila.
"and who do you think you are?..." mapanganib na saad ni brix.
"hotel premises po"
"wala akong pakialam sa hotel premises niyo, kilala ko ang may ari nang hotel at kung ayaw mong mawalan nang trabaho umalis ka sa harap namin."
seryosong saad ni brix at saka nila nilagpasan ang naka maang na si Jessica hila hila siya ni brix sa loob nang elevator tahimik silang pareho habang umaakyat pataas ang elevator.
hindi pa rin makapaniwala si Pamela na ang dating hinihiling niyang makita ay nandito na ngayon at kasama pa niya talagang sadyang iba maglaro ang tadhana.
pagkarating nila sa ikatlong palapag nang nasabing hotel ay hila hila pa rin siya sa walang imik na si brix, binitawan lang nito ang kamay niya nang makapasok sila sa inokupa nitong kwarto.
pina upo siya nito sa may sofa saka nagtuloy sa kusina at may bitbit nang tubig na ipina inom sa kanya.
magpapasalamat na sana siya nang biglang tumunog ang phone nitong nasa loob nang suot nitong short, walang salitang tumayo ito at sinagot ang tawag at basi sa expression nang mukha nito ay hindi maganda ang balitang dala na kung sino man ang nasa kabilang linya.
nagulat pa siya nang bigla nitong sigawan ang kausap.
ilang sandali pa ay may tinawagan ito at galit na pinapunta sa kinaroroonan nila isang hinihingal na lalaki ang walang kaabog abog na pumasok sa loob.
"Call Atty. Simson papuntahin mo siya sa laguna at ihanda mo ang private plane lilipad ka first day in the morning tommorrow" utos ni brix sa lalaki.
"ako lang ang uuwi? okey na ang lahat dito pwede na tayong sabay lumipad papuntang maynila." saad noong lalaki na sinusulat lahat nang iniutos ni brix.
"may aasikasuhin pa ako dito at kaya ko na, basta ikaw nang bahala sa laguna kapag okey na dito ang lahat lilipad kaagad akong pabalik ng maynila." seryosong saad ni brix na sinulyapan siya kaya napabaling sa kanya ang atensyon nang lalaking kausap nito.
"hey!...may kasama ka pala dito hindi mo man lang sinabi," tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya.
"hi there beautiful lady, Im Kristoph... Kaibigan/personal secretary ni Yuan" saad nang nagpakilalang kristoph kay Pam na inilahad ang kamay.
tatanggapin na sana niya ang pakikipag kamay nito nang tabigin ni brix ang kamay nito.
"Siya si Pamela" walang kangiti ngiting saad ni brix nagulat pa si pam, hindi niya kasi inaasahan na nakilala siya nito at natatandaan pa siya nito.
"whooah.... possesive man ha, by the way Hi Pamela Corpus, nice to finally meet you in person ikaw pala si Pam The long lost love of..." hindi na natapos sabihin ni kristoph ang sasabihin nito nang palihim na sinipa ito ni brix sa ilalim nang upuan na ikina ngisi nang lalaki.
"oh siya mauna na ako nang makapag pahinga na ako at nang makarami kayo este makag pahinga na rin kayo" nakangising saad ni kristoph at naroon ang mapang asar na ngiti.
"loko loko" saad ni brix na binato nang walang lamang folder ang kaibigan na mabilis pa sa ipo ipo na naka iwas at natatawang umalis.
Nang sila na lamang dalawa ang naiwan ay nabalot nang katahimikan ang paligid at dahil walang balak magsalita ni brix kaya si Pam na ang nagbukas nang paksa at bumasag sa katahimikan nila.
tumayo siya at iñayos ang sarili atsaka magalang na nagpaalam kay brix.
"gabi na kasi kaya kailangan ko nang umuwi sir " idiniin pa ni Pam ang salitang Sir dito na pinag taasan lang siya nang kilay.
"dito ka na magpahinga masyado nang delikadong umuwi at hindi na ligtas sa daan lalo na sa babaeng katulad mo." walang emosyong saad ni brix na hindi man lang tinapunan nang tingin si pam at patuloy lang sa pagkalikot sa laptop nito.
"salamat na lang po sa malasakit niyo, pero sanay na po ako na mga ganitong oras ang uwi ko atsaka kailangan ko pong umuwi ngayon may trabaho pa kasi ako bukas sa alas 8:00 nang umaga."
Binigyan siya ni brix nang mapanganib na tingin at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito.
Nang akmang bubuksan na ni Pam ang pinto ay nagulat siya nang marahas na tumayo si Brix at dahil sa agarang pagtayo nito ay natumba ang upuan na kanina lang inupuan nito.
"Kapag sinabi kong hindi ka uuwi, hindi ka uuwi."
bulyaw ni brix sa kanya at hindi maipaliwanag ni Pam ang nararamdaman niya takot nang mga sandaling iyon kaya hindi niya napigilan ang maluha.
Namalayan na lang niya na yakap yakap na siya nang binata at masuyong hinahaplos ang likod niya.
Ang kilala niya kasing brix noon na kahit galit at napipikon na ito sa kanya kailanman ay hindi siya sinigawan o binulyawan man lang.
Gumanti si pam nang yakap sa lalaki yakap na walang kasing higpit, yakap na puno nang pangungulila dito, yakap sa lalaki na ang mga alala niya dito ay ang naging sandata niya sa araw araw.
lalo na kapag nahihirapan at napapagod na siya sa buhay niya, ang tanging kinakapitan niya na sana balang araw makikita niya rin itong muli.
ang naging lakas niya para kayanin ang lahat at ipagpatuloy ang buhay.
Hindi na namalayan ni Pam na nakatulog na siya sa mgà bisig ni brix.
marahil sa pagod niyang katawan sa buong araw na pagtratrabaho, maging ang isip niya ay pagod sa mga bayarin na kailangan niyang bayaran at maging ang puso niya ay pagod na sa kakaintindi pagpapakumbaba at pagmamahal sa mga taong itinuturi niyang pamilya, pamilyang tanging mayroon lang siya na kahit kailan ay hindi sinuklian nang kabutihan o kahit konting pagmamahal ang lahat nang sakripisyo na ginawa niya para sa mga ito.
Thank you sa mga ng aabang sa update ko salamat nang marami guys..
I ❤U all guys...
-YajNna20