Kabanata 2

1430 Words
- - - "Pamela Corpus" Matapos ang walong oras na duty ni Pam sa isang Mall ay diretso agad siya sa pinapasukang resort bilang isang taga silbi, taga asikaso sa mga orders nang guest nang resort. iyon ang naging routine niya sa loob nang pitong taon. papasok sa trabaho buong araw at magdamag halos apat na oras lang ang pahinga niya noong unang beses niya sa trabaho ay nagka sakit pa siya siguro nanibago ang katawan niya pero kalaunan nasanay na ang katawan niya sa pagod manhid na ito at hindi na makaramdam nang pagod gusto man niyang magpahinga pero wala siyang pagpipilian kung hindi ang magtiis at magsumikap dahil kung hindi naman siya kakayod pare pareho silang mamatay naka dilat ang mata dahil sa gutom. agad siyang nagbihis nang kulay puting blouse at may kaikliang shorts asiwa man suotin iyon pero wala siyang magagawa dahil iyon ang uniform nila at nakasanayan na rin niya. minsan na rin siyang nabastos nang mga lalaking lasing na guest nang resort na pinagtratrabahuan niya. pinagsasabihan naman ito ni mam kathy, ang kanilang manager na mabait naman sa kanila. dahil sa hindi naman sa nagmamayabang siya kahit papaano nabiyayaan naman siya nang angking ganda na ayon sa kaibigan niyang si fe ay lahat daw nang mga guest na lalaki ay napapalingon sa ganda daw niyang taglay. minsan na din siyang naalaok nang nga indescent proposal merong mga politiko,negosyante na pawang may mga asawa na at pinapangakuan siya nang magandang buhay pero kahit ganoon lang siya ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang magbenta nang katawan. kahit nahihirapan siya okey lang sa kanya basta ang perang ipinangbububay niya sa pamilya ay marangal at galing sa dugot pawis niya. Minsan kapag nakaharap siya sa salamin hindi niya maiwasang matanong sa sarili na ito na ba si Pamela Corpus noon na puno nang saya at ngiti sa labi kasabay nang paglisan niya sa lugar kung saan mananatili sa puso at isip niya ang mga taong naging parte nang buhay niya ay ang paglimot na minsan naging city girl din siya bago naging promdi. pero siguro sadyang mapaglaro ang tadhana ang dating city girl ngayon ay isa nang promdi girl. Maraming 'sana' sa puso niya pero kwestiyonin man niya ang tadhana sa kinasadlakan niya wala namang magbabago at ang tanging magagawa niya na lamang ay mag magsumikap at kahit mahirap ay aabutin pa rin niya ang pangarap na makapagtapos at makapagturo gaya nang pangarap niyo noon. masaya na siyang balikan ang nakaraan at ito nagbibigay lakas sa kanya at naghahatid ng ngiti sa labi niya. kumusta na kaya sila!.. Lalo na siya siguro succesful na ito sa buhay at tyak may asawa na ito ngayon. kapag naiisip niya na may asawa at sariling pamilya na ito ay hindi niya maiwasang malungkot at masakatan. nalulungkot siya hindi dahil masaya ang pamilyang mayroon ito at masaganang buhay, kundi dahil hindi man lang siya nabigyan nang pagkakataon na ipakita at iparamdam dito kung gaano niya ito ka gusto at kamahal noon. pero nangyari na ang nangyari at tulad nang karamihan na sabihin nila na kailangang magpatuloy sa buhay. umaasa siya na balang araw muli niyang makakaharap ang lalaking minsan nagbigay sa kanya nang kasiyahan at lakas umaasa siya na sana mapatawad siya nito sa pang iiwan niya nang walang paalam malabo mang mangyari na muling magkrus ang kanilang landas pero umaasa pa rin siya na sana ipahintulot nang tadhana na silay muling pagtagpuin. naputol ang malalim na pag iisip ni pam nang kalabitin siya nang kaibigang si Fe. "nangangarap ka naman nang gising dyan,?"nakangising saad nito sabay abot sa kanya nang tray na naglalaman nang inumin. agad niyang kinuha ang mga order na mga inumin at inirapan ang kaibigan saka naglakad papunta sa table nang grupo nang mga kalalakihan na nakikita niyang may tama na nang alak. pagkalapag niya nang mga inumin sa mesa nang mga ito aalis na sana siya nang hawakan nang isang lalaki ang braso niya kinilabutan pa siya sa klase nang titig nito sa kanya. agad niyang hinila ang braso dito na nahila naman niya. "easy lang Ms.Beautiful makikipagkilala lang naman ako.!" nakangising saad nito. "sorry po sir, pero marami pa po akong trabaho sige po" akmang tatalikod na siya sa mga ito nang muling hablutin nang lalaking ang braso niya, napa igking pa siya sa sakit. "ang sungit mo naman, akala mo kung sino ka, serbedora ka lang naman, para nakikipagkilala lang sa iyo." pasigaw na saad nang lalaki na ikinasindak at ikinatakot ni pam. akmang sasampalin siya nang lalaki na kung ano ano ay may lalaking humarang sa kanya at namalayan na lang niya na naka bulagta na sa harap niya ang lalaki kanina at pinaulanan nang suntok nang lalaking nasa harap niya. hindi pa siya nakahuma sa mga pangyyari namalayan na lang niya na hila hila na nang estrangherong lalaki ang kamay niya at iginiya palabas nang bar. namalayan na lang niya na nasa lobby na nang hotel sila. "teka teka lang sir, saan niyo po ako dadalhin" nahihintakutang saad ni pam naroon pa rin ang takot at nginig sa boses, at agad na kumawala sa pagkakahawak nang lalaki na ngayon lang niya napagmasdan nang mabuti. may mala seryosong aura ito mapupulang labi na hugis puso,makinis na kutis maitim na mga mata medyo makapal na kilay at may matangos na ilong at matikas na pangangatawan nakasuot lang ito nang panloob naputing t shirt na pinatungan nang jacket na kulay itim pinaresan nang isang simpleng shorts at simpleng tyenelas. nang mapadako ang tingin niya sa mukha nito na ngayon ay magkasalubong ang kilay. Agad kumabog ang puso niya sa di malamang dahilan, pero teka pamilyar sa kanya ang lalaki para bang nakita niya na ito noon hindi niya lang mahanap sa isip kung saan niya ito nakita.. "tapos ka na bang pag aralan ako? nakapasa ba naman ako sa taste mo?" aroganteng saad nito na nagpatameme kay Pam inirapan niya ito. "salamat sa ginawa mo kanina sir, pero hindi niyo naman po kailangang gawin iyon kaya ko po iyong sarili ko" mahinang saad niya. "kaya mong ipagtanggol ang sarili mo kaya pala namumutla at nanginginig ka habang kaharap ang lalaking iyon, tingnan mo nga iyang suot mo ang ikli nang shorts mo halos makitaan ka na. dahil dyan sa suot mo kaya ka nababastos" galit na saad nang estranghero kay Pam. "excuse me lang sir ha, hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit ganito kaikli ang shorts ko, hindi niyo po ba nakikita na ito ang prescribe uniform namin atsaka hindi ko naman po hiningi sa inyo na ipagtanggol ako" malditang saad ni pam at akmang tatalikuran niya na ito nang biglang hablutin nito ang braso niya nagulat na lang siya nang hinigit siya nito at hinubad nito ang suot na jacket nito at inilagay sa bewang niya at natakpan ang nakahantad niyang mga hita. "may kapatid din akong babae kaya hindi ko maatim na may mambastos sa kanya lalo na nasa harap ko. hindi ko na rin ulit hahayaan na mangyari ulit iyon sa iyo." bulong nang lalaki kay pam na ipinagtaka niya talagang nagtataka na siya sa ikinikilos nang lalaki na para bang kilala siya nito. At nagulat pa siya nang yakapin siya nito nang mahigpit naghahalo ang alak at bango nito nang pumaloob siya sa yakap nang naturang lalaki. pilit siyang kumawala sa yakap nito pero... "teka lang sir,sandali lang po" saad ni pam nagpumiglas pa siya para makawala sa higpit na pagkakayakap sa kanya nang lalaki. magsasalita pa sana siya nang hilahin siya nang lalaki papunta sa receptionist nang resort pinagtaasan pa siya nang kilay ni jessica ang receptionist bago ibinaling ang atensyon sa di kilalang lalaking kasama niya at ngayon ay magkadaop ang kanilang palad at mahigpit na hawak nito na para bang ayaw nitong makawala siya. "Ms.Gusto ko maka usap si Mr.Tiangson bukas na bukas din" seryosong saad nito. "tungkol saan po sir?" pa cute na saad ni jessica. "its none of your business, gawin mo na lang ipinag uutos ko" masungit na saad nang lalaki. di maiwasang di mapangiti ni pam sa pangsupalpal nito sa malditang si jessica. "Sorry po Mr. Jimenes" hinging paumanhin ni jessica at gulat na napalingon si Pam sa tinawag na Mr.Jimenez ni Jessica walang iba kundi ng lalaking kasama niya. Kumabog bigla ang dibdib niya at halo halong emosyon.. ******* sana katulad nang pagsubaybay at pagsuporta niyo kina Drix at Yoona ay ganoon din kina Brix at Pam. (Si brix o Yuan Felix ay ang panganay na anak nina yoona at drix). Thank you... GOD BLESS US!... I ♥u all... -YajNna20
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD