Kinabukasan. “WAH!” biglang napabangon ang gwardya sa higaan niya. “huh, nasa bahay ako? Wala akong masyadong maalala sa nangyari kagabi.” Sabi neto sa sarili, at bumangon sya sa kanyang higaan nang may makita syang isang Notebook sa lamesa. Tinitigan niya ito ng panandalian at sinabing “Kung ganon, di pala panaginip yung mga nangyari kahapon.” Pag tapos nito ay nagpunta siya sa palikuran at naligo. Habang tumutulo ang malalamig na patak ng tubig galing sa shower ay nakatulala siya sa pader ng cr. “ano kayang ibig sabihin ng mga nangyari kahapon?” pagtapos niyang maligo ay panandalian siyang uminom ng kape at nagmamadaling pumunta sa pintuan ng bahay para pumunta ng eskwelahan para mag trabaho. Ngunit bago sya umalis ay nakita nya sa sala ang Notebook na nakapatong sa lamesa. “kaylangan kong dalhin to.” Sabi nya sa sarili nya at madaling kinuha ang Notebook at umalis ng bahay.
Pagdating sa CBFMNHS ay dumiretso sya sa dulong klasrum kung saan nangyari ang krimen, at nakita nyang may mga nakataling dilaw na mga banner dito na may nakasulat na “Do not Enter, Investigation on going.” Pagkakita niya dito ay napagtanto niya na totoo nga ang lahat ng nangyari. Pagtapos niyang makita ang sitwasyon doon ay bumalik agad siya sa pwesto nya sa may gate at umupo. “Sigh!!!” hikab neto at tumingin sa relo nya upang tiyakin ang oras. “11:00 AM na, malapit nang magsidating ang mga grade 11&12.” Sabi neto sa sarili. “eh, san kaya papagamitin ng klasrum yung mga estudyante sa dulo kung ma-“ “ah, excuse me po ate? “ sabi ng isang dalagang babae sa kanya sabay ng pagtapik sa kamay nya. Napatingin ang gwardya sa babae at nakita nyang naka suot ito ng Uniform ng CBFMNHS. Ang ihitsura ng babae ay parang artista mula ulo hanggang paa. (Ito rin yung babaeng nagpaalam kay Dion bago umuwi.) “may napansin po ba kayong Notebook sa lamesa ng teacher doon sa klasrum sa dulo?” Laking gulat ng gwardya sa tanong ng babae, ngunit nanatili syang kalmado.
“ah teka lang, ito ba ang tinutikoy mo?” tanong neto at dali-daling kinuha ang Notebook galing sa bag niya. “opo ate yan nga, saan nyo po nakita yan?” “ahh, nakita ko yan sa CR ng mga babae, naisip ko na baka kung kanino kaya kinuha ko agad.” “ganon po ba, salamat po ate.” Sabi ng dalaga at agad kinuha ang Notebook sa kamay ng gwardya. Papa-alis na ito nang bigla syang pinigilan ng gwardya. “teka!” Malakas na sabi neto sa babae. Tumigil ang babae at tumingin patalikod sa kanya. “Saan mo nakuha yan?” tumagal ng 10 seconds bago ngumiti at sumagot at dalaga. “galing sa tatay ko to.” Tumigil ulit ng limang segundo. “g-ganon ba, sige ingat ka.” Sabi ng gwardya sa babae at umalis na ito papunta ng klasrum habang pinag tititigan ito ng mga binata sa school. Minasdan ng gwardya ang dalaga hanggang sa makapasok ito sa klasrum katabi ng canteen. Bago pumasok ang dalaga ay tumingin ito sa gwardya at ngumiti.
July 3, 2025. [6:10 PM] “uwian na naman ng mga estudyante.” Sabi ng gwardya sa sarili niya. “Sige Sherryl, dito na kami!” sabi ng mga kaklase ng dalagang nakausap ng gwardya sa kanya habang kumakaway papalabas sa gate ng school. Pag labas ng mga kaklase nito ay pinigilan sya ng gwardyang lumabas. “wait lang.!” sabi ng gwardya sa kanya. “kung ganon, Sherryl ang pangalan mo?” Tanong neto sa dalaga. ”opo ate.” Tugon neto, at nag babantang umalis muli. “teka lang!” medyo nahihiyang pag pigil ng gwardya sa kanya. “A-alam mo ba kung ano ang nagagawa ng Notebook na yan?” Tanong neto kay sherryl. “Pano nyo po nalaman?” tugon neto at umupo silang magkatabi sa tag-isang upuan ng magkaharap. “galing ba talaga sa tatay mo yan?” serysong tanong ng gwardya sa dalaga. “ang totoo po nyan, nakita ko lang po ito katabi ko pag gising ko ng umaga ehh.” Malungkot na sabi nito. “tapos?” tanong ng gwardya. “tara po ate, isasama kita sa bahay at doon ko I k-kwento sayo.” Masayang sabi sa kanya ng dalaga habang hawak ang kamay niya. ” H-huh! Di kaya magalit magulang mo?” panandaliang tumigil ang babae. “wag po kayong mag alala, wala pong magagalit sayo.” Tugon nito habang naka ngiti na parang pilit. Pagkakita ng gwardya sa reaksyon ng dalaga ay napasama na lang ito.
[7:23 PM] Dumating sila sa bahay ng dalaga. Ang bahay ng dalaga ay malaki at magara dahil naka tira ito sa fillinvest. “huwag po sana kayong magalit pag bukas ko ng pinto ha!” Paawang sabi ng dalaga sa gwardya, sabay binuksan ang kandado ng pinto ng bahay niya at pumasok sa loob. Binuksan nito ang ilaw sa loob at inaya ang gwardyang pumasok. “tara na po ate, pasok po kayo. “ nakangiting sabi nito. Pagpasok ng gwardya sa hallway ay di nya alam kung maaawa ba sya o maiinis sa dalaga dahil napakakalat sa bahay. Pag pasok ng pinto ay nakakalat ang mga halo-halong basura na papel, plastic ng mga sitsirya, biscuit, at iba pa. “Tara po, sunod po kayo sakin.” Sabi ng dalaga, at binuksan niya ang pinto papunta ng sala. “Ugh!, ano yung mabaho?” tanong ng gwardya papasok ng sala sabay nag takip ng ilong. “ahh, wala po yon.” Tugon nito. Ngunit pag pasok ng gwardya sa sala ay napansin nyang malapit lang ang lababo dito at kitang kita niya sa malayo na tambak ang hugasin at ginagapangan pa ng ipis. “upo po kayo.” Sabi ng dalaga nakaturo sa sofa. “ano po gusto nyo, kape o cha-a?” tanong ng dalaga sa bisita niyang nakatakip ang ilong. “kahit ano basta malinis.” “ano po?” madaling tugon ng dalaga. “ay, kape na lang.” “ai-ai captain!” Masiglang sabi ng dalaga at nagpunta sa kusina para Ihanda ang kape. “ibig sabihin, wala nga talaga syang magulang.” Malungkot na sabi ng gwardya sa sarili at kumuha ng facemask sa bag nya. “buti na lang lagi akong may ganito.” Sabi nito sa sarili at diretso isinuot ang facemask.
Maya-maya pa ay dumating na ang dalaga dala ang dalawang tasa na umuusok pa. Napansin din ng gwardya na naka ipit yung Notebook sa pagitan ng kili-kili nito. “Eto na po ateh.” Sabi ng dalaga sabay nilapag ang hawak niyang mga tasa. Tinignan ito ng gwardya at nakitang magkaiba ang kulay nito, isa ay kulay brown, at ang isa ay kulay puti. “ano yang sayo?” tanong ng gwardya sa dalaga habang naka turo sa tasang may laman na kulay puting tubig. “ahh gatas po yan, di po kasi ako umiinom ng kape, magulang ko lang ang mahilig.” Nakangiting tugon ng dalaga sabay umupo sa harap ng gwardya. Humigop ng isang beses ang dalaga at kinuha ang Notebook na nakaipit sa kili-kili niya at nilapag sa harap nilang dalawa. Pagkatapos ay seryosong nagtanong ang dalaga sa gwardya. “ano pong napansin nyong nangyari sa Notebook?” tanong ng dalaga sa kanya. Ikinuwento ng gwardya ang lahat ng nasaksihan nyang pangyayari sa dalaga. “kung ganon, may kinalaman ang Notebook sa pagkamatay ni Dion?” tanong nito sa gwardya. Tumango lang ito bilang pag sang ayon sa sinabi ng dalaga. “may isa akong pinagtataka dyan.” Tanong ng gwardya. “ano po yon?” tugon nito. “Bakit sa pagkamatay ng bata at ni Dion ay may nakalagay na oras. Ngunit sa nakaraan ay wala?” pag tanong nito ay kinuha ng dalaga ang Notebook sa lamesa. “ang Notebook na ito ay kayang manghula ng hinaharap, gaya ng nakita mo. Ngunit, nag sasaad ito ng oras kapag malapit nang mangyari ang mangyayari, at pagkatapos ng 24 oras ay mawawala ulit ito. Sa madaling salita…” binuksan ng dalaga ang Notebook sa pahina ng nagdaang pangyayari. “wala na itong oras ngayon.” Sabi g dalaga, at hinarap ang Notebook sa gwardya. Tumingin ang gwardya sa rilo nya. [8:56 PM] “Oo nga, wala nang oras na nakalagay sa nangyari sa bata.” Gulat na reaksyon nito. “at tignan mo.” Sabi ng dalaga at itinuro ang nangyari kay Dion. “dahil saktong kakabago lang ng oras mula 8:56 PM papunta ng 8:57 PM. Mawawala na rin ang oras sa nangyari kay Dion.” Sabi nito. Nang saktong nagpalit ang oras mula 8:56 PM sa 8:57 PM. Pag palit ng oras at pag kisap ng mata ng dalawa ay instant na nawala ang oras na nakasulat sa parting iyon ng papel. “Pano nangyari yon na sa isang iglap, nawala bigla?” di makapaniwala ang gwardya sa pangyayari. Di sumagot ang dalaga at hinarap ang Notebook sa sarili niya at may hinanap na pahina. “May ipapakita ako sayong isang nakakatakot na bagay.” Sabi nito, at lumipat ito sa pwesto ng gwardya at dito umupo. Pagkaupo niya ay ipinakita nya ang laman ng Notebook mula 2026 hanggang 2037. “at gaya ng nakikita mo, walang kahit na anong nakasulat sa parteng ito ng Notebook. diba?” ika nito. “anong ibig sabihin nyan?” mabilis na tanong ng gwardya. “ang Notebook na ito ay kusang nagkakaroon ng sulat sa mga oras na may magaganap na mga nakakatakot na bagay lang. Ibig sabihin, walang kahit na anong mangyayaring aksidente sa buong mundo sa mga darating na taon na yan.” Paliwanag ng dalaga. “O di maganda.” Tugon ng gwardya. “Pero.” Mabilis a tugon ng dalaga, at binuklat ang kasunod na pahina. “Basahin mo ito.” Seryosong utos ng dalaga sa gwardya. Pag tingin ng gwardya ay nakita nyang may nakasulat nga dito kaya binasa nya agad ito.
Aktuwal na pagkakasulat:
☠️HUMANITY WILL PERISH☠️
September 17, 2038. May isang dambuhalang bulalakaw ang babagsak sa pilipinas. Ito ay may laki na 6 miles o 10 kilometers. Ito ay magdudulot ng malaking pagkapugnaw ng mundo kasabay ng napakalakas na mga tsunami.
☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️☠️
Pagkabasa dito ay natulala ang gwardya at biglang kinilabutan. “totoo ba ito!?” Medyo natatarantang tanong nito sa dalaga. “Malalaman natin sa 2038.” Pabiro pang tugon nito sa gwardya.